Silakbo
Iniulat ni Yamato Risama
Umagang umaga, ramdam mona agad ang bigat
Parang kagabi lamang ang unan ay iyong kagat-kagat
dahil sa utak mong punong puno ng linggal
puso mong walang ginawa kundi humingal.
Kamusta na? ung gabi gabi mong pagiyak sa dilim
Sa lahat ng sakit at poot mong kinikimkim.
Ang huwad mong ngiti na tilay nakikita,
Halatang may nakakubling pagdudurusa.
Mahirap ba? Na wala ka nang maiawit sa harap ng tao
At tanging nahihiya ka na magbukas loob sa mga kaibigan mo.
Siguro ang kailangan mo lang ay ang simpleng kalinga
O ung tanging saibihing sapat ka na
Upang maitahan na ang iyong tuluyang pagmumukmok
At ituloy na ang iyong mga pagsubok.
You are reading the story above: TeenFic.Net