PART 30

Background color
Font
Font size
Line height

6 DAYS LATER

Natapos ang anim na araw ng mga Ssg Officers sa pag eensayo. Inubos nila ang kanilang oras sa pag eensayo para sa papalapit na lunes. At ngayon linggo na at bukas ay lunes na. Pero imbes na mag ensayo ngayon at tumutok sa mga kanta,sayaw at tugtog na gagawin nila ay iba ang ginagawa nila.

"Hay buti naman at linggo na. Makakapag pahinga rin tayo sa wakas"sabi ni Jett.

Nasa loob sila ng gymnasium na nakahiga. Yung iba naman ay naka upo.

"Sinabi mo pa. Hindi na nga ako naka uwi saamin."sabi rin ni Justine.

"Ikaw Ariane? Kapag ba wala tayong practice eh uuwi ba kayo"baling ni Jacob kay Ariane.

"Hindi. Sanay naman akong hindi umuuwi sa bahay. Atska wala naman doon yung mga magulang ko. Sina Chairman at kuya Cavin lang nauuwian ko kapag may vacation"sagot nito.

Tumango tango nalang si Jacob. Ilang segondo ang nakalipas ay may tumawag kay Jacob.

"Teka lang. Tumatawag si Mama eh. Sasagotin ko muna"pag papaalam nito bago tumayo at nag lakad palayo sa kanila.

"Alam niyo para hindi tayo tambay dito sa Academy. Pumasyal naman kaya tayo minsan?"suhestyon ni Sheyna.

"Eh kailan? Bukas na kaya ang performance natin pagkatapos noon klase nanaman. Hindi din naman pwede ngayon kase araw ng pag papahinga natin"sabat ni Miracle.

"Edi sa susunod"sagot ni Shiella.

Naka layo na si Jacob sa mga kasama niya bago niya sagotin ang tawag ng kaniyang ina.

"Hello ma? Bakit po kayo napatawag?"

"Hello anak. Nako miss na miss kana namin. Paano ba naman hindi ka umuwi dito. Balita ko may 1week vacation daw kayo"sagot ng kaniyang ina.

"Pasensya na po. Kailangann po kase naming mag ensayo para sa gagawin namin bukas kaya hindi po ako naka uwi. Pero pangako po, uuwi po ako diyan sa bahay kapag may oras po ako"

"Sige. At kaya pala ako napatawag ay nakausap ko na ang soon-to-be fiancé mo kanina lang. At ilang linggo nalang ay magiging official fiancé mo na siya. Anak hindi na ako makapaghintay sa araw na yon anak. Finally mag kakaroon kana ng asawa"excited na sabi ng kaniyang ina.

Napabuntong hininga nalang si Jacob sa narinig niya mula sa kaniyang ina.

'Oo nga pala nalimutan ko 'yung deal namin'turan ni sa isip niya..

Merong kasing kasunduan ang dalawa na kapag hindi nakahanap ng girlfriend si Jacob at hindi ito idinala sa kanilang bahay ay wala siyang pag pipilian kundi ang magpakasal na napili ng kaniyang mga magulang na mapapangasawa niya. At nalimutan ni Jacob na ngayon na pala ang deadline ng usapan nila dahil nawala ito sa isip niya.

'Kailangan may gawin ako. Hindi ako pappayag na maipakasal ako sa taong hindi ko mahal...'

'Saan ba ako makakahanap ng babaeng ipapakilala ko...'

'Kahit man lang babaeng gustong mag panggap para maging girlfriend ko... ayos na 'yon , wag lang ako maipakasal....'

'Dahil hindi pa ako handa...'sunod sunod sa sabi nito sa kaniyang isip..

'Sino bang pwede? Marami namang babae diyan na nag kakarandapang maging boyfriend ako... pero hindi pwedeng kahit na sino nalang...'

'Sorry ma kong mag sisinungaling ako pero ito nalang ang natatanging paraan para hindi ako mag pakasal'sabi nito sa isip

"Ma hindi ako pwedeng mag pakasal sa kaniya dahil may fiancé na ako..."pag sisinungaling nito.

"Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!"sigaw ng kaniyang ina.

"Eh busy nga po ako kaka practice kaya hindi ko po kayo nasabihan agad"sagot nito.

Napapakagat labi nalang si Jacob sa mga pinag sasasabing kasinungalingan sa kaniyang ina.

"Kong ganon ipakilala mo siya saamin ngayon! Kailangan makita namin siya ngayon bago namin i urong ang kasal niyo ng fiancé mo"utos ng kaniyang ina.

"Ano?! Ngayon po? Bakit po? Busy po ako ma. Hindi pwede"dahilan nito.

"Sige mamili ka. Ngayon mo siya ipapakilala o ipapakasal kita sa fiancé mong napili namin bukas? Sige mamili ka Jacob"matigas na sabi ng kaniyang ina.

Napapad-diyak padiak nalang si Jacob dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Wala siyang ibang pamimilian kundi ang ipakilala ang fiancè niya kuno.

"Sige na nga po"napipilotang sabi nito.

"Ayos. Pero bago yan ano munang pangalan niya?"tanong ng kaniyang ina na siyang nag papigil sa kaniya.

'Pano na 'yan?'

"Si..."hindi siya makaisip ng pangalan na sasabihin niya dahil hindi naman niya ini-expect na tatanongin siya ng kaniyang ina.

'Patay'

"Si..?"tanong ng kaniyang ina.

"Si..."

"Shiella! Paki kuha nga yung bag ko please!"sigaw ni Sam.

"Si Shiella po. Oo tama si Shiella. Shiella po ang pangalan"sagot nito.

"Oh magandang pangalan ha? Sige dalhin mo siya ngayon dito. Dapat alas tres ay andito na kayo kong hindi. Wala ka ng magagawa kundi ang mag pakasal."huling sabi ng kaniyang ina bago siya binabaan ng telepono.

Pag katapos ng kanilang pag uusap ay ngayon lang naisip ni Jacob kong anong pangalan ang sinabi niya sa kaniyang ina.

'No! Bakit siya pa ang sinabi ko?!'

"Kainissss!!"sigaw nito habang nag papad-diak padiak.

Inis siyang bumalik sa pwesto ng kaniyang mga kaibigan. Gagawa na nga lang ng palusot may gusot pa.

'Paano ko ngayon kakausapin si Shiella? Ahh patay na talaga'

"Oh ito na!"sabay abot ni Shiella kay Sam sa bag niya.

"Thank you"

Kinakabahan si Jacob ngayon dahil hindi niya alam kong papayag ba si Shiella o hindi. Huminga siya ng malalim bago nag salita.

"A-ah S-shiella pwede ba tayong mag- usap?"kinakabahang tanong nito

Nagtataka namang tumingin ang lahat kay Jacob lalo na si Shiella.

"Bakit?"maikli nitong sagot.

"Importante lang. Okay lang ba?"

"Sige"at nauna na siyang mag lakad palabas ng gymnasium. Agad namang sumunod si Jacob sa kaniya.

Habang ang iba ay natatakang nag tinginan.

"Ano kayang problema ni Jac? Mukha siyang kinakabahan kanina"nagtatakang tanong ni Justine.

"Baka LQ sila ni Shiella"sagot naman ni Jett na siyang dahilan upang mabatokan siya ni Justine at James.

"Sira anong LQ ang pinag sasasabi mo diyan. Ni hindi nga nag kikibuan ang mga 'yan eh"sahi ni Justine.

"Baka naman kaya sila hindi nag kikibuan dahil...LQ nga sila?"sabat naman ni Sam kaya nabigyan din ito ng sampal sa balikat.

"Sira panong magiging mag jowa ang mga 'yan eh unang kita palang nila sa isa't isa nag kainitan na paano pa kaya kapag naging sila na"depensa ni Sheyna

"May kasabihan nga na 'The more you Hate, The more you Love' diba?"sagot ni Miracle at agad namang sumang ayon sina Sam at Jett.

"Tama!"sabay nilang sagot at nakipag highfive pa

Napatampal nalang sa mga noo nila ang iba dahil sa kawalang isip ng mga kasama nila.

"Sheyna, Justine, James.. ano tara na? Masisiraan tayo dito ng bait kapag nag tagal pa tayo dito kasama ang mga 'to"turan ni Ariane.

"Mas mabuti pa nga"sagot namna ni James.

"Baka nga madamay pa tayo sa kabaliwan ng mga to"sabi naman ni Justine.

"Baka mahawa kamo"sabat naman ni Sheyna.

"Tara" aya ni Ariane at nag si tayo naman ang tatlo at sabay sabay na nag lakad paalis sa loob ng gymnasium.

"Tignan mo ang mga 'yon iniwan tayo. Hindi naman impossibleng mangyare 'yung mga sinasabi natin diba?"tanong ni Jett.

"Tama"sang ayon ng dalawa

Nakalabas na ang dalawa. Nasa hardin sila ngayon naka upo sa ilalim ng puno.

"Anong sasabihin mo?"tanong agad ni Shiella.

'Eto na ang pag kakataon para masabi ko sa kaniya'sabi nito sa kaniyang isip.

Humugot ng isang malalim na hininga si Jacob bago nag salita.

"Ayaw kong biglain ka kaya sasabihin ko muna ang buong kwento para maintindihan mo, ayos lang ba?"sabi nito.

"Sige"maikli nitong sabi.

"Ang aking ina ay may planong ipakasal ako sa ibang babae na hindi ko naman mahal. Tumutol ako sa plano niya kaya nag kasundo kaming dalawa. Nasa loob ng isang buwan ay dapat makahanap na ako ng girlfriend ko na ipapakilala sa kanila na magiging fiancé ko rin soon. Pero nakalimutan ko na ngayon pala ang huling araw ng pag kakasundo namin ng aking ina. Kaya kanina lang ay tinawagan niya ako at sinabing...nakausap na daw niya ang magiging soon-to-be fiancé ko at sa susunod na linggo ay magiging official fiancé ko na siya"paliwanag nito

"Napansin ko na hindi mo binabannggit ang pangalan ng soon-to-be fiancé mo. Ano bang pangalan niya?"tanong ni Shiella.

"Ayon na nga ang problema eh. Magiging fiancé ko na siya pero ni pangalan o apelyedo hindi ko alam. Syempre ayaw kong ipakasal sa taong hindi ko mahal. Atska hindi pa ako handang ikasal sa mura kong edad. Kaya kahit na alam kong masasaktan ang mga magulang ko kapag nalaman nila ang totoo ay ginawa ko parin, kase wala naman ibang pamimilian kundi ang mag sinungaling sa kanila."

"Selfish na kong sabihin nila dahil ang iniisip ko lang ang sarili ko pero sila ba? Inisip din ba nila ang mararamdaman ko kapag pinilit nila akong ipakasal sa taong hindi ko kilala at sa susunod na linggo ko pa makikilala? Lalo pa't hindi ko mahal ang taong ipapakasal ko."

"Oo, sabihin na nating kapag matagal na kaming nag sasama sa iisang bubong ay matototonan rin naming mahalin ang isa't isa. Pero iba parin kase 'yong feeling na makasama mo ng habang buhay ang taong mahal mo"

"Desperado na akong hindi matuloy ang kasal kaya nag sinungaling akong may fiancé na ako. Naniwala siya na may fiancé na ako pero bigla niyang sinabing ipakilala ko daw siya ngayon kong hindi ipapakasal niya agad ako. Nakalusot nga ako sa problema ko pero may pumalit naman. Kasi...."

Nahihirapan si Jacob na sabihin kay Shiella ang gusto niyang sabihin kase alam naman nilang dalawa na hindi maganda ang unang pag tatagpo nila. Kaya nahihirapan siyang sabihin at paki usapan ito na sumakay nalang sa kapalpakang ginawa niya.

"Kasi ako yong nasabi mong fiancé mo hindi ba?"sagot ni Shiella.

Nagulat si Jacob sa sinabi ni Shiella pero deep inside masaya siya kase hindi na niya kailangan pang sabihin. Ngunit kailangan niyang mag paliwanag para maging malinaw sa kaniya.

"Oo tama ka pero kasi.. ano kanina..noong tinanong ni mom ang pangalan ng sinasabi kong fiancé ay nahirapan akong mag isip ng pangalan pero nasabi ko 'yong pangalan mo kay mom kase si Sam bigla niyang isinigaw 'yong pangalan mo at dahil sa taranta na baka mahalata ni mom na nag sisinungaling ako ay sinabi ko agad yong...pangalan mo"nahihiya nitong sabi.

"Ganon ba?"

"Oo pero promise hindi ko iyon sinasadya. Nataranta lang talaga ako kaya nasabi ko yong pangalan mo. Maniwala ka hindi ko iyon sinasadya"nag mamakaawa nitong sabi.

"Oo naninwala naman ako kaya wag ka ng mataranta diyan"

"Hay buti naman"nakahinga ng maluwag si Jacob dahil sa narinig. Napasandal nalang siya sa katabi niyang puno dahil sawakas naka hinga na siya ng maluwag.

"So anong plano ko ngayon?"tanong ni Shiella.

Tumingin naman si Jacob kay Shiella bago nag salita.

"Kong aayain ba kitang sumama saakin para makipag kita sa parent's ko sasama kaba?"tanong nito.

"Oo naman"wakang alinlangan sagot nito.

"Seryoso?"gulat na tanong ni Jacob.

"Oo"

"Anong kapalit?"

"Wala. Basta ilibre mo nalang ako sa isang Ice Cream house pagkatapos ng meeting"

"Sige ba"masayang sang ayon ni Jacob.

"Pero teka. May isa pang problema"sabi ni Jacob.

"Ano?"

"Paano 'yong ikalawang batas na pinatupad ni Chairman. Hindi ba bawal 'yong gagawin natin?"

"Edi kakausapin nalang natin si Chairman para hindi tayo mapatalsik dito sa school"sagot naman ni Shiella.

"Oo nga ano"

"Ano tara? Kausapin na natin si Chairman?"

"Sige tara"

Agad din namang tumayo si Jacob at inalalayan si Shiella tumayo. Agad nitong inilahad ang kaniyang kamay at tinanggap naman din iyon ni Shiella at pagkatapos ay magkasama silang nag lakad papunta sa Office ng Chairman.

Habang sina Ariane,Justine,James at Sheyna naman ay nasa loob ng Cafeteria naka upo at nag uusap dahil dito nila napag pasyahang mag palipas oras muna. Masaya silang nag kwekwentuhan sa mga bagay bagay.

"Hindi ko talaga alam kong anong pumapasok sa mga utak ng dalawang iyon kong bakit sila sumang-ayon kay Jett sa mga kalokohang pinag iisip niya"iiling-iling na sabi ni Ariane

"Ako ngarin eh. Ewan ko ba kong bakit sila nag-kaganon. Si Miracle hindi naman ganon 'yon maliban nalang kay Sam na talagang ang lakas ng saltik"nagtatakang turan ni Sheyna.

"Nahawa na siguro kay Jett sa kabaliwan. Kaya pati siya kong ano-ano ang pinag iisip. Mukhang madadamay pa ata si Miracle ka kabaliwan nila"natatawang sabi ni Justine.

"Bantayan niyo silang mabuti baka kong anong gawin"sabi ni James.

Nagkatinginan naman silang apat at sabay nagtawanan dahil sa mga pinag sasasabi nila. Paano ba naman iniisip nila na malakas na ang saltik ng dalawa at si Miracle naman ay paparoon na.

Bigla namang tumigil si Ariane na pag tawa ng maramdaman niyang nagugutom na siya.

"Teka lang. Bibili lang ako ng pag kain gutom na ako eh..."turan nito.

"Sige"sagot nila.

"Kayo baka may gusto kayong ipabili?"tanong nito sa mga kasama niya.

"Wala"sabay nilang sagot.

Tumango naman si Ariane bago umalis para bumili ng pag kain.

"Ah Sheyna may tatanongin nga ako"sabi agad ni James

"Tungkol saan?"takang tanong ni Sheyna.

"Ano 'yong nasa kaliwang balikat ni Ariane?"tanong ni James.

"Ah 'yon? Balat niya 'yon. Pagkapanganak palang sa kaniya meron na siyang ganon. Bakit?"sagot nito.

"Ah wala naman na curious lang"sagot ni James

•James Point of View•

Nakakapagtaka lang kong bakit hugis dahon ang balat niya. Meron din akong kakilalang ganon na may hugis dahon sa kaliwang balikat niya na malapit sa leeg.

Posible kayang siya 'yon?

Pero parang hindi eh. Maraming naman sigurong may ganon na balat sa kaliwang balikat niya. At kong talagang siya 'yon edi sana noon pa.

Hay nakakabaliw kong ano anong iniisip ko. Hindi siguro siya 'yon. Malabong mangyari ang iniisip ko.

Kailan ba kase kita mahahanap? Gusto na kitang makita. Miss na miss na kita. Hindi ko na alam kong saan ka hahanapin. Please naman oh, mag pakita kana. Hindi ko na kaya. Mababaliw na ako sa kakahanap at kakaisip sayo.

"Oh Ariane andami mo namang biniling ganiyan. Gutom na gutom kaba?"tanong ni Justine na siyang nag pabalik sa akin sa reyalidad.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko si Ariane at laking gulat ko ng andami niyang biniling pagkain.

"A-andami naman ata niyan"gulat na sabi ko.

"Madami para sainyo pero para sa kaniya konti pa 'yan. Antakaw niya kaya"sabi naman ni Sheyna.

'Wow. Grabe andami niyang kinakain pero ang payat niya pa'rin'

"Oh kumuha na kayo. Wag kayong mahiya dinamihan ko talaga incase na magutom kayo."alok nito saamin.

"Sige"sagot ni Sheyna at Justine na nauna ng kumuha ng pag kain ni Ariane.

"Oh ikaw James? Ayaw mo ba?"tanong ni Ariane saakin.

"Busog pa ako kaya kayo nalang kumain"pagtanggi ko.

"Sige"huli niyang sagot bago kumain.

Pinanood ko lang silang kumain. Grabe ang tatakaw nilang tatlo. Hayy nakakaloko. Paano ko aba naging kaibigan ang mga matatakaw na 'to?

Buti nalang talaga at hindi ako gaya nilang matatakaw.

"Oh Shiella, Jacob. Napunta kayo dito? May problema ba?"tanong ng kanilang Dean na si Jasmine.

Nasa opisina sila ngayon ng kanilang Chairman ngunit iba ang nakita nila.

"Ah gusto lang po naming kausapin si Chairman. Asan po siya?"tugon ni Jacob.

"Si Chairman? Wala siya dito. Umuwi na, kahapon pa. Kaya ako muna ang nandito. Bakit may problema ba?"sagot nito.

"Ah wala naman po may ipapaalam lang sana kami. Kaso wala po siya"sagot ni Jacob.

"Pupunta naman kami sa bahay ni Chairman. Doon may mas mapapala kami keysa dito"walang modong sabi ni Shiella.

Agad naman siyang siniko ni Jacob para patigilin.

"Hoy Shiella umayos ka nga. Dean ang kausap mo hindi bata"pangangaral ni Jacob.

"Wag kang makealam"tugon nito kay Jacob.

"Hanggang ngayon parin ba Shiella? Hanggang ngayon pa'rin ba ay galit pa'rin kayo sa pamilya namin?"tanong ng kanilang Dean.

"Oo, bakit may problema kaba don?"sagot nito.

"Hoy Shiella ano bang nangyayare?"naguguluhang tanong ni Jacob.

Pero hindi siya pinansin ni Shiella.

"Shiella matagal na 'yon. It's been a year. Hindi ka parin ba nakaka move on"tanong ng kanilang Dean sa kaniya na ngayon ay naka tayo na..

"Akala mo ba madaling makalimutan ang mga katarantaduhang ginawa ng pamangkin mo sa kaibigan ko? Ha? Muntik ng mag pakamatay ang kaibigan namin dahil sa kagagawan ng magaling mong pamangkin! Kaya sabihin mo? Paano ko makakalimutan ang nangyare noon?"galit na sumbat ni Shiella.

"Alam kong mahirap ang pinag daanan niya. Pero sana kalimutan na natin 'yon. Masaya na siya ngayon at masaya na din naman ang kaibigan mo. Mahirap maipaliwanag pero nagawa niya lang iyon dahil ayaw niyang mapahamak ang kaibigan mo. Ayaw niyang mapahamak siya dahil sa kaniya"sagot nito.

"Pero sa ginawa niyang pang-iiwan sa kaibigan ko ay muntik na siyang napahamak. Dahil sa kaniya, muntik na kaming mawalan ng kaibigan! Kaya kahit lumipas man ang ilang taon. Hinding hindi namin kayo mapapatawad sa ginawa ng pamingkin niyo...Kahit na wala kayong kinalaman sa nangyari. Damay damay na kayo"huling sabi ni Shiella bago umalis sa loob ng opisina.

Naiwan naman doon si Jacob at ang Dean. Napaupo nalang ang Dean. Hindi siya makapaniwalang hindi parin nila napapatawad ang buong pamilya nila dahil sa ginawa ng kanilang pamangkin.

"Dean pasensya na po sa inasal ni Shiella may pinag dadaan po ata siya kaya pasensya na"paumanhin ni Jacob.

"Ayos lang 'yon naiintindihan ko naman siya"

"Sige po aalis na po ako. Susundan ko lang si Shiella... Pasensya na po talaga"sabi nito bago umalis sa loob ng opisina ng Chairman.

"Balang araw, maiintindihan nyo 'rin ang dahilan kong bakit niya iyon ginawa. Balang araw Shiella. Balang araw"turan ng Dean.

You are reading the story above: TeenFic.Net