PART 24

Background color
Font
Font size
Line height


Nagising si Ariane sa isa'ng abandonadong kwarto 'kung saan ang kania'ng mga kamay at paa ay naka gapos habang siya ay naka higa sa sahig.

"Argh... Asan nanaman ako? Wag nilang sabihi'ng pinokpok o di kaya na daganan ng bato ang ulo ko? Grabe ang sakit nanaman!"turan nito habang inis na kinakalas ang tali sa kaniyang mga kamay.

"Naman! Ang higpit naman ng tali na 'to! Babatukan ko talaga ang nilalang na nanggapos saakin dito!"tinignan niya ang paa niya "Pati ba naman paa ko naka tali 'rin?! Seryoso?! Malas nga naman oh!"

Kahit ano'ng pilit ni Ariane na tanggalin ang mga tali sa kaniang paa at kamay ay hindi niya magawa bagkus mahigpit masyado ang pagkakatali sa kaniya kaya ultimo pag upo ay nahirapan siya. Sa likod nila itinali ang mga kamay ni Ariane.

"Hoy! Mga gunggong! Halinga kayo rito ay kakausapin ko kayo! Mag pakita kayo! Mga gunggong na nga duwag pa! Hoy!"sigaw nito habang nag mamasid masid sa kabuoanan ng kwarto.

"Wala man lang gamit ni isa? Pati bintana wala 'rin? Grabe naghihirap na ba sila?"pailing iling na turan niya.

"Hoy ang ingay mo! Ba't kaba sigaw ng sigaw ha?!"

"Sabihin niyo nga! Pinokpok niyo ba ako ng martilyo?! Ang sakit ng ulo ko ha"

"Itchusera'ng 'to! Hindi noh! Pinaamoy ka lang naman ng matapang na pabango pero hindi ka namain minartilyo! Grabe 'to!"pagtataray nito.

"Aminin mo nga! Bakla kaba?"nag aalangang tanong nito sa lalaking ngayon ay nakapameywang na, nakataas pa ang kilay na halatang ginuhit lang.

Gulat na gulat itong tinignan si Ariane.
"Pano mo nalaman? Stalker kita noh? Umamin ka!"

"Gaga, hindi! Itchusera'ng bakla 'to! Hindi porket alam ko ng bakla ka eh stalker mo na ko. Hindi ba pwedeng nahalata ko lang diyan sa kilos at salita mo? Feelengerang 'to! Alam ba ng mga magulang mo na bakla ka?!"

Agad itong umiling iling senyales na hindi.

"Ay choklang bakla 'to! Hindi nila alam?!"

"Hindi nga! Paulit ulit? Unli ka? Unli?"

"Sorry naman! Nabigla lang. Sayang  ang gwapo mo pa naman" nanghihinayang nitong sambit. Bagkus totoo talagang gwapo ang lalaking kausap nito. Sayang nga lang ay binabae ang kalooban nito.

'Sayang' turan nito sa isipan.

"Uhhu! Correction maganda hindi gwapo! Atska ako tatawagin mo'ng gwapo? Grabe teh! Nakakasuka!"sabi ng bakla sabay arteng nasusuka kuno.

"Atska meron din naman ako'ng pamilyang nakakaalam sa tunay 'kong kasarian noh!"

"Eh sino?"

"'Yung kuya ko... si kuya Lando. Siya kase 'yung unang nakahalata sa kilos ko, kaya ayon kinompronta ako kaya napaamin ako"

Gulat na gulat na tinignan ni Ariane ang baklang kaharap niya.

"Oh? Anong nangyare sayo? Bakit parang gulat na gulat ka para kang nakakita ng magandang dyosa sa harap mo"

"Itchusera hindi! Kapal neto! Nagulat lang ako sa sinabi mo"

"Saan? 'Yung alam ng Kuya ko na bakla ako?"

"Hindi. Nagulat ako sa pangalan ng Kuya mo"

"Nagulat ka sa pangaln ni kuya Lando?"

"Oo, may kilala kase ako'ng Lando 'din ang pangalan. Kaya talagang nagulat ako sa sinabi mo. Hindi ko alam na magagawa niya saakin 'to. Ang akala ko pa naman ay mapagkakatiwalaan siya, 'yun pala mag tataksil lang siya"nalulungkot na turan ni Ariane habang naka yuko.

Talaga'ng hindi niya inaasahan na 'yung mismong taong pinagkatiwalaan niya ay siyang gagawa ng ganitong bagay sa kaniya. Masakit para sa kaniya na pinagtaksilan siya ng tinuring na niya'ng tunay na kaibigan.

"Sunga! Anong pinag sasasabi mo diyan na pinag taksilan?! Gaga! 'Yung bang sinasabi mo ng Lando eh nag tratrabaho bilang isang secret agent? Na tumulong sayo noong nakidnap ka noong nakaraang linggo? 'Yung Lando ba na sinasabi mo eh siya ba 'yung Lando'ng nag alaga sayo sa ospital noong nabugbog sarado ka? Siya ba?"

Gulat nanaman itong napatingin sa kaniya.
"Siya nga paano mo nalaman?"

Lumapit sa kaniya ang baklang kausap niya. Lumuhod ito at Ipinatalikod niya si Ariane upang tanggalin ang tali na naka gapos sa kaniyang kamay.

"Hindi talaga kita kinidnap para pahirapan. Ginawa ko lang 'to kase kaninang papunta na ako sa Academy niyo para sunduin ka eh kaso may nakita ako'ng mga tatlong unggoy na lalaki na may hawak ng 2x2 na kahoy na papalapit sayo"

Tumayo siya at lumakad papuntang paanan ni Ariane para tanggalin din ang tali.

"Nataranta ako, kaya buti nalang at may extra akong dala na pampatulog kaya agad kong inilagay sa panyo at dali dali akong lumabas ng kotse aat agad na ipinaamoy ito sayo. Nagulat naman 'yung mga gusto sanang pumukpok sayo ng kahoy. Kaya para naman maging makatotohanan 'yung eksenang ginawa ko itinali kita. Kaya ka nakatali kanina. Buti nalang at hindi 'yung Police Mobile ang dala ko 'kung hindi nako buking tayo"paliwanag nito sabay tumayo sa harap ni Ariane at pumaywang.

"Atska ako magiging kidnaper? Sa sobrang ganda 'kung 'to? Duh never! Over my dead sexy hottie body"sabi nito habang umikot at nag poise.

"Haha pasensya na. Akala ko talaga kidnaper ka eh. Pero salamat talaga kase linigtas mo ako Cedric"may padiing turan ni Ariane sa huli nito'ng salita.

"P-paano mo nalaman pangalan ko?"gulat na tanong ni Cedric sa kaniya.

"Sinabi ng Kuya Lando mo eh. Kaya alam ko"natatawang turan nito sa kaniya.

"Tss. Wag mo akong tawaging Cedric dahil alam mo naman na ang tunay ko'ng kasarian. Dahil ako'y Cedric sa umaga! Cenderella sa gabi! "sabi nito habang rumarampa.

"Okay Cenderella. Haha"tumatawang turan nito.

"Pero please secret lang muna natin 'to ha? Kayo lang ni kuya ang nakakaalam sa tunay 'kung pag katao. Pwede mo lang ako'ng tawaging Cenderella pag tayong tatlo lang nila kuya. Pero san pag may kasamaya tayong iba Cedric muna ang tawag mo saakin kahit na nadidiri ako"paki usap nito.

"Oo naman. Ang sekreto mo ay ligtas saakin. Secret stay secret"

"Pinky promise?"sabi nito at inilahad ang kaniyang hinliliit na kamay.

"Pinky promise" pag sangayon ni Ariane habang ang kanilang mga hinliliit ay nag isa sa pangakong ang sekreto'ng natuklasan ay mananatiling sekreto at walang ibang makakaalam maliban sa kanilang dalawa kasama na ang kaniyang kuya.

Nag bitawan na sila ng kamay.

"Tara na hatid na kita sa Academy niyo"pag aaya ni Cedric kay Ariane.

"Ano? Eh maaga pa naman eh" nag mamaktol na turan ni Ariane.

"Gaga bells! Cenderella na ako ngayon! Kaya ibig sabihin gabi na! Kaya ihahatid na kita pagkatapos ako'y gogora na para makahanap ng machong papa!"malandi niyong turan.

"Landi mo.... Gabi lang naman----ANO?! GABI NA?!"gulat at natataranta nitong turan.

'Pano na 'yan? Malalagot ako nito' sabi niya sa isip niya

Sigurado'ng nag aalala na 'yung mga kaibigan niya na naiwan sa Academy. At baka nag aalala na 'rin 'yung guard nila doon sa Academy na si Manong Biggie.

"Ano bayan! Ang ingat naman etey! Pwede'ng low lang girl? Nakakasira ng eardrum ha" beki nitong turan habang iniikot ang kamay sa butas ng tenga niya.

"Sorry naman. Nagulat lang. Pwede ba'ng ihatid mo na ko ngayon? Sigurado'ng nag aalala nanaman sila saakin"

"Sige ihahatid kita. Pero tawagan mo muna sila para hindi na sila mag alala. Baka sabihin pa'ng kinidnap kita"

Agad namang kinuha ni Ariane ang telepono niya sa bulsa. At 'kung minamalas ka nga naman LOWBAT pa!

"Bwisit na 'yan! Ngayon pa na Lowbat 'to?! Argh! Kainis!"sabay sabunot sa sarili'ng buhok.

"Chill girl masyado 'kang highblood. Tara na nga ihahatid na kita para hindi na sila masyadong mag alala"

Agad namang tumalima si Ariane kay Cedric. Lumabas na sila sa kwarto at sa bahay na kinaruroonan nila.


Nandito na sila ngayon sa labas ng Academy sa mismong harapan. Pero bago bumaba si Ariane ay sinulyapan niya muna si Cedric.

"Cedric salamat talaga sa tulong mo ha? 'Kung hindi dahil sayo baka ngayon pinapahirapan na nila ako. Salamat talaga ha? Utang ko pangatlong buhay ko. Hindi ko na alam 'kung paano kayo pasasalamatan ng Kuya mo dahil sa pag liligtas niyo saakin"

"Itchusera! Cenderella hindi Cedric! Kaloka 'to! Atska ano kaba hindi mo na kailangang mag pasalamat ng paulit ulit saakin---saamin. Makita ka alng nami'ng ligtas okay na saakin min. Basta 'kung kailangan mo ng tulong andito lang kami palagi ng Kuya Lando para tulungan ka. Isang tawag mo lang andiyan na agad kami sa tabi mo" sinserong sagot nito.

"Ang sweet niyo namang mag kapatid. Nakaka touch. Pero talaga salamat sa mga tuling niyo. Tatanawin ko ng utang ng loob ang pag liligtas niyo saakin. Basta pag may kailangan kayo tawagan niyo lang din ako. Ibibigay ko bilang pasasalamat sainyo'ng magkapatid. O siya una na ako ha? Salamat ulit at salamat sa pag hatid. Ingat ka pauwi. Paki kamusta na'rin ako sa kuya mo" pamamaalam nito at sabay na yinakap si Cedric---este Cenderella.

"Yuck! Eww! Bat mo ko niyakap?! O my gosh! Hindi ko keri 'yon!"maarte nitong sabi habang pinapagpag ang sarili.

"Arte naman neto! Bakla ka talaga! Siya sige na baba na ako! Ingat pauwi!"huli nitong sabi at bumaba na sa sasakyan. Isinara niya ito at bago tuluyang makaalis ang sasakyan nag kawayan pa silang dalawa.

'May bago nanaman ako'ng kaibigan' nakangiti nitong turan sa kaniyang isip.

"Hindi ko alam na kaya ka pala ginabi ng uwi dahil kasama mo ang BoyFriend mo iha"

"Ay baklang bading!"napasigaw sa gulat si Ariane ng may mag salita mula sa likoran niya.Agad naman siyang napahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba.

Agad siya'ng humarap at gulat na gulat niyang  nakita si Chairman kasama ng kaniyang kuya at mga ka Ssg Officers niya.

'Anong ginagawa nila dito? Atska ano'ng BoyFriend? Eh wala nga akong--' napahinto si Ariane sa pinag iisip niya ng maalala niya na kasama niya pala ang baklang itchusera na si Cedric.

'Hala! Baka ang alam nila JOWA ko siya?! No way!' gulat nitong tanong sa kaniyang isip.

'Pero hindi ko pwede'ng sabihin na Beki siya. Nag promise ako sa kaniya eh. Ano bayan! Cedric kase eh!' nag mamaktol niya'ng turan sa kaniyang isip.

Tila wala ng magagawa si Ariane kundi ang mag palusot na lamang dahil makokonsensya siya pag ibinuking niya ang nagiisang sekreto ng kaniyang bagong kaibigan na si Cedric sa umaga pero Cenderella sa gabi.

"A-ahh hehe kayo po pala Hoejang, Sir Cavin, mga friend! Hehe musta na kayo? Anong ginagawa niyo dito sa labas? Gabi na ha? Nasa labas pa'rin kayo? Tara po sa loob baka makagat pa kayo ng lamok" pag iiba nito ng diskosyon.

"Tila iniiba mo na ata ang salitaan Ariane?"naka ismid at may padiing sambit ng kaniyang kuya na si Cavin sa huling lintaya'ng binitawan nito.

"A-ah hindi naman po sa ganon. K-kaso......nag aalala lang po ako sainyo baka kayo'y mamagat ng lamok at mag kasakit kaya tara na po sa loob" akmang lalakad na si Ariane papunta sa loob ng Academy ng mag salita ulit ang kaniyang kapatid.

'Hindi ba titigil 'to? Baka akala niya ayos na kami? Pwes para ipamuka ko sa kaniya na hindi pa!' galit nitong salita sakaniyang isip.

"Sagotin mo muna ang katanungan ng inyo'ng Hoejang"

"Mawalang galang lang ho no? Sir.... Cavin. Pero kase masyadong personal ang inyo'ng tinatanong tungkol saakin at sa kasama 'kung lalaki kanina lang. Dahil tinatanong niyo na ho ang pribadong ugnayan namin ng lalaking kanina ay kasama ko lamang. Kaya 'kung inyong mamarapatin ay papasok na ako po ako sa loob para mag pahinga"ngumiti ito sa kaniyang kapatid. Magalang ang kaniyang mga  pananalita ngunit may bahid ng sarkasmo ang kaniyang mga binitawang lintaya.

"'Shiella tara na" pag aaya nito sa mga kaibigan niya.

Agad namang tumali ang kaniyang mga apat na kaibigan.

"Mauna na ho kami Hoejang, Sir... Cavin" may padiin 'ding turan ni Shiella sa huli nitong binitawang salita. Napahagikhik naman ang iba kasama na'rin si Ariane.

Ngunit bago sila umalis lumapit muna si Ariane sa kaniyang kapatid t bumulong sa kanang tainga nito.

"Hindi pa tayo ayos, kaya wag 'kang umasta na para'ng wala tayo'ng pinag awayan. Dahil kahit isang taon pa tayo hindi mag pansinan kaya ko pero ikaw? Hindi ko nalang alam" bulong nito ng napakaseryosong tono.

Ngumiti siya bago tuluya'ng linasin ang lugar kasama ang mga kaibiga niya.

"Ariane hindi kaba galit saamin?"malungkot na tanong ni Sam.

"Ano ba kayo! Syempre hindi! Nag tampo lang ako sainyo pero hindi ako galit. Matitiis ko ba kayo?"

"Ayiee! Bati na kami!"masasaya nilang turan habang nag yayakapan maliban kay Shiella.

"Ano Shiella tatayo ka lang ba diyan?"sabi ni Ariane.

"Halika nga dito wag ka ng maarte"dugtong niya at biglang hinila si Shiella.

"Group Hug!"masaya nilang sigaw.

At sa gabing ito.

Doon napatunayan ni Ariane na ang mga tunay kaibigan ay hindi dapat pinapabayaan kundi minamahal.

 Dahil sa mundo'ng ito ngayon sila na lang ang tunay na mapagtitiwalaan.

Dahil bihira na ngayon ang makahanap ng tunay na kaibigang tapat at nag mamahal sayo.



A/N:Love lots!🌟💛

You are reading the story above: TeenFic.Net