Epilogue

Background color
Font
Font size
Line height

Author:This is the last chapter.

----

Papaalis na sana sila para mag-hanap ng bigla silang pigilan ni Shiella na siya'ng ikinataka nila.

"Teka!"pigil nito.

"Bakit Shella?"tanong ni Jacob.

"Mukhang hindi na natin sila kailangan hanapin...dahil nakita ko na sila"wika nito at may itinuro ito.

Nagtataka nilang sinundan ang itinuturo ni Shiella at ganon nalang ang gulat nila ng makita nila ang kotse na pinag-sakyan kay Ariane ay nasa kalahati ng daan at ang nasa kalahati ay nasa ere. Ngunit ang mas kinagulat nila ay gumagalaw ito at konti nalang ay mahuhulog na ito.

"Ariane!"sigaw nilang lahat at dali-dali tumakbo sa kinaroroonan ni Ariane ngunit bago pa sila makalapit sa kinaroroonan ni Ariane ay nahulog na ito sa bangin at dinig na dinig nila ang pag-hingi ng tulong at pag-sigaw ni Ariane mula sa loob.

Ngunit huli ng lahat dahil nahulog na ito kaya dali-dali sila'ng lumapit sa gilid ng kalsada at tinanaw ang kotse na sinasakyan ni Ariane. Ganon nalamang ang panlulumo nilang lahat dahil tumama ito sa napakalaking bato at tinangay na ito ng alon ng baybayin.

Napadapa nalang si Cavin at Cassigy dahil sa nasaksihan nila. Ang mga iba naman ay hindi na mapigilang maiyak dahil sa nakita nila. Hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Ayaw nilang isipin na si Ariane ang babaeng humihingi at sumisigaw sa loob ng sasakyan. Pero kahit itanggi nila sa mga sarili nila ay hindi nila mapipigilan ang katotohanan na si Ariane talaga ang nasa loob dahil sa boses at sigaw palang nito ay si Ariane na talaga ang unang papasok sa mga isipan nila.

"Hindi...hindi maari 'to. Hindi siya 'yon. Hindi. Hindi!"nag-wawala na sigaw ni Cavin. Halos saktan na niya ang sarili niya dahil ayaw niyang paniwalaan na ang kapatid nila ang naroon.

"K-kasalanan ko 't-to. K-kasalan ko ko'ng b-bakit n-nangyari kay A-ariane 'to. H-hindi ko siya n-nagawang b-bantayan man l-lang. N-napakasama k-ko. Napakasama ko'ng ate"umiiyak na wika ni Cassigy. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi man lang niya nagawang bantayan at protektahan ang kapatid niya. Kaya sobrang paninisi niya sa sarili niya.

Lahat sila ay umiiyak. Kahit na alam nila ang totoo ay ayaw nilang ipasok sa mga utak nila na wala na si Ariane. Na siya ang nahulog sa bangin kasama ang kotse na siya'ng sinakyan niya.

"A-ariane,bakit? B-bakit mo kami iniwan? Bakit? Diba sabi mo w-walang iwanan? P-pero bakit ikaw m-mismo ang nang-iwan saamin? Ariane..ariane..."mahinang wika ni Miracle habang umiiyak. Nakayakap siya sa ate niyang si Shiella na hinahaplos ang kaniyang likod para parahanin ngunit hindi niya magawa dahil hindi kaya ng puso't isip niya ang nangyari.

Ilang minuto pa ay may nag-sidatingan na mga pulis pero hindi pa'rin sila nag-tigil sa pag-iyak.

Ito na nga ba ang huling pagkakataon nilang makita at marinig ang matalik nilang kaibigan?

Ito na nga ba?

10 years later

Sampung taon na ang nakalipas mag-mula noong nangyari ang aksidenteng iyon. Aksidenteng hindi nila inaakalang mangyayari. Sampung taon na rin ang nakalipas mag-mula noong namatay ang pinakamamahal nilang kaibigan. Kaibigang hinding-hindi na nila makikita. Masakit para sa kanila na mawala siya pero pilit nilang pinatatag ang kanilang sarili dahil alam nilang walang magagawa ang kanilang pag-tangis at pag-luluksa upang maibalik ang buhay na nawala. Lahat ay nag-dusa sa pag-kawala niya. Lahat ay nag-bago dahil sa pag-kawala niya. Naging mahirap sa kanilang lahat ang mga bagay mag-mula noong nawala siya.

Ngunit sa nakalipas na sampung taon ay unti-unti nilang nalampasan ang kalungkutan. Sa nakalipas na sampung taon ay unti-unti nilang natanggap ang kaniyang pag-kawala. Sa nakalipas na sampung taon ay naging maayos din ang lahat. May nawala man ngunit patuloy parin ang buhay. Masakit ngunit kinaya nila dahil alam nilang hindi niya ikatutuwa na nakikita silang umiiyak ng dahil sa kaniya.

Sampung taon na ang nag-daan at ngayon ay may sari-sarili na silang buhay at pamilya. Si Shiella at si Jacob? Nako,hindi na pag-kukunwari ang pag-iibigang naganap sa kanila. Noong una ay pagkukunwari ang lahat ng ipinapakita nila ngunit kalaunan ay naging tunay na. Masaya na sila ngayon sa buhay mag-asawa. Mayroon na'din silang isang limang taong gulang na lalaking anak.

Si Sam at Jett? Sus,sa daldal ba naman ng dalawang 'yon ay hindi malabong mag-katuluyan ang dalawa. Noong una indenial pa sila sa feelings nila sa isa't isa pero kalaunan ay nauwi din sa kasalan. Ngayon ay tatlong taon na silang kasal at wala paring anak. Busy kasi sila masyado sa nga trabaho nila.

Sina Miracle at Sheyna? Ayon,single parin hanggang ngayon. No time for love pa daw,ika ng dalawa. Pero hindi man aminin nitong si Sheyna ay alam niyang sa sarili niyang may nagugustohan na siya. Pero hindi niya masabi-sabi dahil nauunahan siya ng pag-kahiya niya. Pero masaya naman ang dalawang single sa mga trabaho nila. Silang lahat na mag-kakaibigan ay may kaniya-kaniya ng trabaho. Umalis na'din sila sa Grangster Organization dahil gusto na nang mabuhay ng payapa at walang gulo. Ayaw nilang matulad ang mga darating na anak nila ang naging buhay nila.

Ang mga mag-kakapatid naman na Cateller ay masasaya narin. Still single ang mga mag-kakapatid dahil masyado silang busy sa mga companiyang pinapatakbo nila na ipinamana ng kanilang ama.

Paano naman kaya ang mga lalaki? Well,si Justine single pa'rin. No time for love ang peg ni kuya. Dahil busy siya sa kaniyang trabaho. Na sa sobrang busy ay hindi na makahanap ng love of his life. Job before love ang motto niya sa buhay. Gusto niya munang mag-settle financially. Dahil gusto niya na kapag nag-kapamilya niya siya settle na siya para buhayin ang pamilya niya.

Si Jett at Jacob. Masaya ang dalawa sa mga asawa at wala ng mahihiling pa sa buhay. Sapat na ang pamilya nila sa buhay nila.

Si James? Well,okay naman na siya. Nagiging busy na'rin sa trabaho. Pero kahit lumipas na ang sampung taon hindi pa'rin niya buong tanggap na namatay na ang taong mahal niya na si Ariane o sa tunay na pangalan ay Cassandra. Oo tama kayo,si Cassandra nga ang namatay. Noong nahulog siya sa bangin ay dumating ang mga pulis para i rescue siya. Nakita ang sasakyan ay bangkay nito na halos hindi na ito makilala dahil sa dami ng sugat at pasang natamo. Noong una ay hindi sila naniniwalang siya iyon kaya ang ginawa nila ay pina-DNA test nila ang bangkay nito at doon napatunayan na ang bangkay na natagpuan ay si Cassandra nga. Hindi na nila pinatagal ang burol. Pina crimate nalang ito ng pamilya Cateller upang kahit hindi na nila kasama ang kanilang bunsong kapatid ay mananatili parin ang abo nito sa kaniyang bahay.

Alam na din ni James na si Cassandra ang nawawala nitong kababata. Noong nalaman niya ay hindi niya matanggap at nag-wala ito ng lubusan. Ilang buwan siyang wala sa sarili niya at tinangka pa niyang mag-pakamatay ngunit buti nalang at napigilan siya. Kong hindi ay mawawalan nanaman sila ng isang kaibigan.

Hanggang diyan nalang ang pag-babalik tanaw sa nangyari---sampung taon mula ngayon. Pumunta naman tayo sa kasalukuyan.

Nasa isang resort ang buong mag-kakaibigan dahil napag-pasiyahan nilang lumabas muna at mag-relax. Matagal-tagal narin mag-mula noong nakapag-bonding ang buong mag-kakaibigan. Kaya noong nag-sakto-sakto ang mga day off nila ay hindi na sila nag-patumpik-tumpik pa at agad silang nag-planong lumabas at mag-relax. Pahapon na pero naroon parin sila sa dalampasigan---nag-sasahayan,nag-iinoman at nag-kwekwentuhan. Pero maingat ang bawat galaw nila dahil may kasama silang bata.

"Grabe ang tagal din nating hindi nag-sama-sama"kumento ni Jett na siyang sinangayonan ng lahat.

"At buti nalang at nag-kasabay ang mga day off natin kaya nakapag-bonding tayong lahat!"segundang kumento ni Miracle. Tumawa naman ang mga mag-babarkada dahil doon.

"Pero mas masaya sana kong nandito si Cassandra. Nasan na kaya si Sandra. Miss na miss ko na siya"wika ni Sam.

"Sana nga. Pero wala na tayong magagawa. Nangyari na. Pero sigurado naman na nasa maayos na siyang lugar."tugon ni Shiella na siyang ikinatango ng lahat.

"Ano ba kayo! Ang saya-saya na nga pinalungkot niyo pa!"natatawang reklamo ni Sheyna.

"Sampung taon na ang nag-daan pero hanggang ngayon ay malungkot ka parin James"baling ni Justine kay James.

"Sus. Paanong hindi lulungkot 'yan eh miss na miss na niya panigurado ang love of his life niya. Atska talaga lulungkot 'yan eh sa tagal ng pinag-samahan ng dalawa eh hindi man lang siya naka-isa ng halik kay Sandra. Kaya talagang malulungkot 'yan"pang-aasar ni Jett kay James.

"May pag-kakataon na sana ako pero umiksena ka lang. Akala mo siguro nakalimutan ko na 'yong ginawa mo noon sa Control Room."sumbat naman ni James kay Jett kaya napakamot nalang ito sa kaniyang sintido.

"'Yon naman pala eh! Ikaw kasi jett!"sisi ni Sam sa kaniyang asawa na siyang ikinatawa ng lahat.

Ilang taon na ang nakalipas pero matatag parin ang samahan ng mga mag-kakaibigan. Kahit na may sari-sarili na silang buhay at pamilya ay hindi parin nila nalilimutang mag-sama sama na para bang nasa oras pa sila ng kabataan nila.

Masayang nag-kwentuhan at nag-kainan ang mga mag-kakaibigan. Kain doon kain dito. Kwento doon kwento dito. Asar doon asar dito. Ayan ang mga bagay na paulit-ulit nilang ginagawa pero hindi sila nag-sasawa.

Habang nag-sasayahan ang lahat ay bigla nalang tumayo si James na siyang ikinatingin ng buong barkada.

"Aalis kana?"tanong ni Justine ngunit hindi ito pinansin ni James.

"Sandra.."mahinang wika nito ngunit nadinig nila na siyang ikinagulat at ikinagulo nito.

"Sandra? Anong Sandra ang pinag-sasasabi mo?"naguguluhanang wila ni Sheyna.

"Sandra? Sandra! Sandra!"sigaw ni James at nag-simula ng tumakbo papunta sa tubig na tila pa may hinahabol ito. Pilit siyang tinatawag at pinababalik ng kaniyang mga kaibigan ngunit hindi parin ito nakikinig bagkus ay patuloy parin ito sa pag-lusong sa dagat. Kahit na basang-basa na ito ay wala parin siyang tigil sa pag-lusong sa dagat.

Ilang sandali pa ay natigil ito sa pag-lalakad ng hindi na niya makita pa ang sinasabi niyang Sandra. Bahagya siyang nagulat ng may humawalk sa kaniyang balikat at ng tignan niya ito ay si Jacob lang pala ito.

"Pre. Ano bang sinasabi mong Sandra?"

"Si Cassandra. Nakita ko siya kanina dito sa dagat"

"Wala naman siya dito oh. Kong nandito siya---impossible 'yon. Pre,matagal ng patay si Cassandra---alam mo 'yan."

"Hindi..nakita ko siya kanina dito"

"Gutom lang 'yan pre. Halikana,bumalik na tayo doon. Illusion mo lang ang nakita mo kanina. Dahil siguro miss mo lang siya kaya kong ano-ano ang nakikita mo"

Inalalayan ni Jacob na nag-lakad si James papunta sa dalampasigan. Bago pa sila maka-ahon ay tumingin uli ito sa likuran niya at napabuntong hininga nalang siya dahil wala siyang nakitang Cassandra. Tama nga siguro ang kaibigan niya. Isa lang sigurong illusion ang nakita niya.


Author:Thank you so much for supporting this story. I really appreciate all your effort to read and vote this story. I know you feel dsapointed about the ending of this story but don't worry i have a plan for this. But for now. Goodbye and thank you. We will see each other soon! Till the next journey of Cassandra and her friends!

Thank you and GoodBye!πŸ’›

You are reading the story above: TeenFic.Net