Noong narating na ni Regina at Xandra ang banyo sila ay huminto muna. Hindi namalayan ni Regina na merong pinagplanuhan sila Xandra, Lin at Annie.
Xandra: Hon., salamat na sinamahan mo ang tulad kong buntis ahh. Pero, pwedeng pakicheck muna kung may ibang tao ba dyan?
Maliit ang banyo na yun at dalawang cubicle room lang ang nandoon, ngunit medyo may pagkauto-uto din si Regina kaya nun pumasok siya sa banyo para icheck ang loob nang mabilis isinara ni Xandra ang pinto at tinali ang lock sa asong antique. Sinubukan ni Regina na buksan ang pinto, ngunit hindi makalabas dahil nga sa nakatali ng mahigpit ang doorknob. Saka ni Xandra tinawagan si Annie saka Lin sa GC nila.
Xandra: Lin. Annie. Operation Natasha Romanoff Activated.
Annie: Roger that.
Kumatok-katok si Regina sa pinto habang tinatawag si Xandra.
Regina: Xandra?
Noong si Annie ay patungo sa kinauupuan ni Narda, huminto muna siya noong pinicturan siya ng ibang fans niyang nadaan niya, at nagposing. Tapos nagpatuloy sa paglalakad. Si Xandra at Lin ay dali-daling bumalik sa kanilang pwesto. Pinalipat ni Annie si Narda sa dulo ng table para doon umupo, para gitnaan si Narda. Saka na sila umupo, habang si Lin ay nakatayo malapit kay Narda.
Xandra: Nilock ko si Fuzzy sa loob. Mukhang hindi yun makakalabas.
Annie: Magaling.
Takang-taka naman si Narda kung ano bang ginagawa ng mga makukulit na friends ni Lady Regina.
Xandra: Narda. Ano ba ang namamagitan sa inyo ni Fuzzy?
Derechong tanong ni Xandra.
Narda: Subordinate niya po ako, syempre.
Naguguluhang sagot ni Narda at napailing si Xandra at Annie sa sagot na yan.
Xandra: Hindi. Hindi yan ang ibig kong sabihin.
Lin: Hindi naman convincing na subordinate ka lang niya. Hindi ba ito ang mga damit na suot mo ay kanya? Alam kong kanya yan ehh.
Annie: Yeah. I remember these clothes.
Lin: Right.
Umiling si Narda, bilang pagreject sa tanong nila.
Narda: Nakitulog po ako sa kanya kagabi.
Sabay-sabay naglakihan ang mga mata ng tatlong marites sabay gasp sa sagot ni Narda.
Lin: Hm?!
Annie: Huh?!
Xandra: Huh?! Narda, are you a perv?!
Senyas ng senyas si Narda na mali ang mga iniisip nila Xandra, Lin at Annie.
Narda: Takot kasi siya sa mga multo, kaya nagstay ako doon. Yun lang naman po.
Xandra: Blanket ghost!
Annie: Or aggressive ghost!
Xandra: Tama!
Lin: Lampas 10 years na kaming magkakilala nun, pero kahit kailan hindi niya ako pinapapunta sa bahay niya. Kahit isang beses man lang.
Annie: True.
Lin: Ikaw, kakakilala mo lang. Pero nagsleepover ka doon?
Xandra: Tama.
Lin: Natatakot kasi yun na baka magkalat lang kami sa loob ng bahay niya.
Annie: True.
Xandra: Tama.
Pag-uusap nun tatlo saka na ulit bumaling kay Narda. Hindi na comfortable ang nararamdaman ni Narda sa interrogation sa kanya ng mga tatlong kaibigan ni Lady Regina. Hindi niya din inasahan syempre na meron din palang mayamang tao na ganito kafriendly at sadyang mga may pagkamarites din pala.
Annie: Ngayon, umamin ka nga.
Iling lang ang sinagot ni Narda, habang bakas sa mukha niya ang kaba.
Xandra: Narda, meron pa ba kayong ginawa sa isang kama bago kayo natulog kagabi?
Narda: Hm! Wala po! Babae ako. Paano ko naman magagawa yan?
Gulat na sagot ni Narda.
Xandra: Narda, look. Kaya ding gawin yan ni Regina kahit sa kapwa babae. Tama ba?
Natatawang tugon nila.
Lin: Pero to be frank. Hon. doesn't know how to initiate it. She's too passive.
Annie: Isa pa. She doesn't normally let anyone enter her house. And she doesn't usually like to meet and hang out with other people. Kahit nga si Joaquin na fiancé niya hindi niya sinasama sa pakikipagkita sa amin.
Lin: Oo, tama.
Xandra: True.
Annie: Pero ikaw, ilang araw nga lang kayo nagkakilala pero agad ka namang pinapasok sa bahay niya? Hindi ba napakaweirdo nyan?
Xandra: Sobrang weird.
Lalong naguluhan si Narda nang unti-unti na niyang nakikilala ng husto si Lady Regina. Buong akala niya nun ay lahat alam na niya ang tungkol sa kanyang Lady Boss.
Narda: Weird ba talaga?
Lin/Xandra/Annie: Pretty weird!
Xandra: Narda, sige na. Umamin ka na. Atin-atin lang ito. Hindi mo na kailangang itago yan sa amin.
Narda kept gesturing that she was really telling the truth. And yet her "new friends" kept compelling her that she should admit everything. Kung ganun nga, nagkataon lang na siya pa lang ang nakapasok sa bahay ni Lady Regina at walang alam si Narda sa mga sinasabi nila Xandra. Habang patuloy silang kinukulit, biglang nagsalita si Regina na halos kanina pa pala nasa likuran ni Lin at Annie. Nakahinga nang maluwag si Narda nang makita si Regina.
Regina: Are you interrogating Narda?
Mabilis napalingon sila Lin at Xandra sa kinatatayuan ni Regina. At bumaling si Annie kay Xandra at nagturo.
Xandra: Oh, uhm... hindi. Absolutely not. Ehh, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap ehh.
Palusot ni Xandra. Pero wala nang lusot yan, dahil napagtanto na ni Regina na may pinagplanuhan sila kay Narda.
Regina: Kinulong mo ako sa banyo. Wag ka nang magpalusot.
Si Annie naman ay bakas na bakas sa mukha niya ang "akala ko ba sabi mo mahigpit ang pagkatali mo!" Habang nakafocus sila ni Lin kay Xandra.
Xandra: Ayy, hindi ko sinasadya. Sorry, buddy.
Lin: Uh, Narda. Pwedeng pakipicturan mo kami sa labas? Sa harapan ng restaurant?
Annie: Ahh, oo. Good idea.
Xandra: Excellent. Tara.
Saka marahang inabot ni Annie ang phone niya kay Narda at sila ay lumabas nang hinahatak ni Xandra si Narda sa kamay habang pinapaupo si Lady Regina, para hintayin ang order.
Tapos pinicturan ni Narda, gaya ng napagusapan. Nagposing ang tatlong makulit. Habang bumabalik tingin kay Regina na nakatalikod sa kanila para siguraduhing hindi sila pinapanood. Noong nakatalikod si Regina saka nila hinatak si Narda palapit sa kanila.
Narda: Erm, anong ginagawa ninyo?
Takang-takang tanong ni Narda sabay kaba.
Xandra: Ah, well, please don't freak out, Narda. Gusto lang naman naming malaman ang lahat ng pagkakilala mo kay Hon. Estupida.
Narda: Erm. Gusto niya ng mga pusa. Color red favorite niya. Gusto niyang magopen ng kindergarten. Gusto niya ng RNB Music.
Annie and Xandra swirled their hands. Noong tinanong si Narda kung ano pa ang alam.
Narda: Yun lang po.
Noong sinagot ni Narda, saka sila napababa ng mga kamay while rolling their eyes.
Xandra: Akala ko pa naman alam mo na ang lahat.
Si Narda pa ang kausap pero nakatingin kay Annie.
Annie: Wag mong sabihing nakafollow ka sa IG account niya.
Narda nodded happily.
Annie: Oh my gosh! Hindi sana! Ako ang gumawa ng IG niya.
Ang ngiti ni Narda ay napalitan ng kunot na noo sa pagtataka kung anong ibig sabihin ni Annie, while listening to her closely.
Annie: Lahat ng mga nakapost doon ay fake. Ako ang naguupload at nagpopost nun. Ako ang admin nun.
Narda: Ha?!
Xandra: Tama ang narinig mo.
Lin: Yang si Hon. Estupida, wala siyang clue tungkol sa ganitong mga apps. Kami ang nasa likod ng lahat ng mga yan. And lahat ng mga interviews ay fake.
Xandra: Right. And let me tell you something, Narda. Though her company focuses on web design and content creation, ginagamit lang ni Hon. Estupida ang Facebook, IG, Tiktok, etc. strictly for business.
Annie: Walang iba kundi work! Work! Work! Work! Work! And work!
Narda: Wait lang. Wait lang. Totoo ba yang mga sinasabi ninyo?
Xandra: Oo, totoo. Promise.
Saka na lumabas si Regina.
Regina: Hey! Nandyan na ang order natin.
Natahimik sila, sabay napalingon si Narda kay Regina. At unti-unting naluha si Narda nang nakaramdam ng sakit dahil sa pekeng mga posts ni Lady Regina na long-time idol and ultimate crush niya. Halos gumuho ang mundo ni Narda nun. KAsabay nun, unti-unti nanamang nataranta sila Xandra, Lin at Annie noong papalapit si Regina sa kinatatayuan nila. Hindi din nakaligtas sa paningin ni Regina ang bakas na pagluluha ni Narda kaya akala niya pinagtitripan na siya ng mga friends niya.
Regina: Inaasar niyo ba siya?
She said as she crossed her arms. Tumanggi naman ang mga marites na ito sa tanong ni Regina.
Xandra: Ito naman oh. Hindi naman namin aasarin yang subordinate mo, no.
Annie: Right. Right.
Xandra: Uy, sakto ang paglabas mo. Tinanong na namin kay Narda ang lahat. Solid fan mo siya. Lahat ng tungkol sa'yo alam na alam niya. But not a thing she knows is true. Paano ba gagawin natin nito?
Tugon ni Xandra while Annie swirls her hands. Napalingon si Regina kay Narda matapos ang pagpaliwanag ni Xandra.
Narda: So, lahat ng mga alam ko ay gawa-gawa lang?
Muling lumingon si Regina at nakaramdam ng inis dahil sa tsismis nila kay Narda. Pero wala na, truth revealed na. Kaya hindi na nagkaila si Regina and nodded.
Regina: Because I don't want me personal life to be known by public. What do they get from knowing about me? Why would they want to know if I like dogs or cats? What's my favorite color? What do I want to do?
Habang tumutugon, unti-unting tumutulo ang luha ni Narda.
Regina: It's not like their lives will be better with such information. And why are you so interested in me?
Narda: Uhm...
Tinaas ni Regina ang mga kilay niya while waiting for her answer. Hindi alam ni Narda kung ano ang isasagot, at napatingin na lang sa baba saka matipid na lang nakasagot.
Narda: Idol kasi kita. Role model.
Regina: What idol are you talking about? Hindi ko magets.
Saka marahang hinawakan ni Regina si Narda sa baba para ipaeye to eye contact siya. Sabayang nanlaki ang mga mata ni Lin, Xandra at Anni, while their faces pouted sabay kinikilig sa nakita.
Regina: And when you talk to other people, look into their eyes as well.
Nagkaroon ng konting katahimikan habang nagkatitigan si Narda and Regina na hindi naman nakaligtas sa paningin nila Xandra.
Xandra: Ehem! Easy lang kayong dalawa. Kung magtinginan kayo parang dalawang langgam sa sugar.
Tugon ni Xandra nang bakas sa mukha ang mga malisya. Annie and Lin nodded as agreement sa sinabi ni Xandra.
Xandra: Pero, Narda,sa dinami-dami ng mga role models, bakit yung dead-facial-muscle friend pa namin ang iniidol mo?
Natawa naman si Xandra at Annie sa biro na yan, at marahang siniko ni Annie ang kaibigan.
Annie: Ssstt!
Xandra: Totoo nga.
Dito na sinabi ni Narda ang unang pagkakilala nila ni Lady Regina noong mga bata pa sila.
Narda: Ningitian ako ni Lady Regina noong bata pa ako.
Kumunot ang noo ni Regina at labis ang pagtataka.
Regina: Noong bata ka pa?
Narda nodded.
Regina: Kailan pa? Paano mo ako nameet? Who are you really?
Narda: Noong grade 4 pa ako. Baka hindi mo na talaga naalala.
[FLASHBACK 13 YEARS AGO]
Abala si Narda sa kanyang ginagawang poem homework para sa magiging Teachers' Day nila sa school mismo kung saan siya nag-aaral. Nang nakita siya ni Lin, Xandra saka Annie.
Annie: Uy. Hindi ba yan ang anak ni Teacher Leonor na pinakapandak? Mukhang hinihintay niya ata ang nanay niya. Tara, pagtripan natin.
Xandra: Tara.
Sa batang edad ni Narda, kampante ang tatlong loko na walang masyadong alam ang bata, kaya plano nilang pagtripan at isabotahe ang speech niya.
Saka nila nilapitan si Narda. Napataas naman ng ulo si Narda nang naramdaman niyang may lumapit sa kinauupuan niya.
Annie: Ano pala ang ginagawa mo, pandak?
Young Narda: Gumagawa ng homework.
Saka nagnod ang magkaibigan sa sagot ng bata at nagbulungan.
Annie: Ano kaya ang pwedeng pangtrip dito?
Xandra: Hmm. May idea ako. Watch. Ahh, pandak. Tulungan ka na namin dyan sa homework mo.
Kaya nun, hinayaan ni Narda ang tatlong bully friends ni Lady Regina na kunin ang notebook niya at pinagmasdan si Xandra sa pagsusulat nang hindi man lang pinapakita sa kanya. Takang-taka naman ang bata kung bakit tawa ng tawa sila Xandra, Lin at Annie habang tinutulungan siya. Ilang minutes ang lumipas, saka na nila ibinalik ang nasabing notebook saka pencil.
Young Narda: Ano ito?
Takang pagtatanong ni Narda nang makitang may mga slang words na syempre hindi niya alam.
Annie: Ay, yang mga words na yan. Sobrang maganda, matutuwa ang teacher mo nyan.
Kaya binasa ni Narda ng mabuti ang kanyang assignment speech and poem. Habang binabasa ito pinatigil naman siya ni Lady Regina.
Regina: Stop! Little one.
Regina said while her arms were crossed. Saka ito lumapit and got between the young Narda and her bully friends.
Regina: What does a dirty tongue twister poem have to do anything with the Teacher's Day? What are you thinking about pulling prank like this on her? Horrible bunches!
MAtaray na tugon ni Regina habang pinagtatanggol ang cute na Narda.
Lin: OA mo naman kahit kailan, Regina. Nagjojoke lang naman kami, at sino bang magsusubmit ng ganyang homework?
Xandra: Hay! Horn Fuzzy talaga! Panira kahit kailan. Oo na sige na. Alis na kami.
Saka na umalis palayo si Xandra, Annie saka Lin. Hinintay muna ni Regina na mawala sila sa paningin niya habang si Narda ay nakatitig lang sa kanya, habang ito ay laking pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya ni Regina. Nang nawala na ang tatlo sa paningin saka ito bumaling sa cute Narda at bahagyang umupo sa tabi niya sabay nakangiti sa kanya.
Regina: Speech and poem, right?
Young Narda nodded.
Regina: Sige, tulungan na kita.
Saka kinuha ni Regina ang notebook para burahin ang mga slang words na nilagay ng tatlo niyang mga kaibigan. Saka na sinimulang ayusin at lalong pagandahin ang speech and poem na ginagawa ni Narda. Habang ginagawa yun, ngiting-ngiti si Narda at hindi inaalis ang tingin kay Regina. Lumingon si Regina for a second and smiled back at cute little Narda as she was helping her.
[END OF FLASHBACK]
Narda: Tama. Yang teacher ay mama ko.
Namangha sila Xandra, Lin at Annie. Narealize at hindi nila inakalang magtatagpo ang landas nila ulit ni Narda na kanilang sinubukang pagtripan minsan at to the rescue si Regina.
Xandra: Oh my gosh! Legit?!
Narda nodded. Nagkatinginan si Xandra, Lin at Annie nang maalala na si Narda pala at ang cute na bata na sinubukan nilang pagtripan ay iisa na. Na ang dating sinubukan nilang pagtripan ay muli nilang makikita at magiging malapit na kaibigan.
Narda: Si Lady Regina ay ilang taon ko siyang naging idol. Ginawa ko ang lahat para maging malapit sa kanya, pero hindi niyo ako naalala.
Sa tugon na yan, nakaramdam sila ng konting guilt sa kanilang pagtrip kay Narda kahit ilang taon nang nakakalipas nun.
Narda: Kahit kailan hindi ko nakakalimutan ang ngiting ibinigay mo sa akin. The way you smiled at me and patted my head gently. I had been following your footsteps. Kahit anong ginawa mo, mga interviews sinundan ko. Pinagaralan ko ang mga pinagaralan mo. Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko since Grade 4 para makapunta ako sa faculty na pinuntahan mo.
Mahabang paliwanag ni Narda habang hindi inaalis ang tingin kay Regina. At tahimik lang na nakikinig si Lady Boss sa kanyang magandang subordinate.
Annie: My gosh.
Xandra: Hm?
Annie: Speaking as an artist, kahit mga fans ko hindi ganito kadedicate.
Xandra: Alam mo, baka naman kasi hindi ka pala kasingfamous ng iniisip mo.
Annie: Kahit kailan ka talaga ehh!
Mataray na sagot ni Annie matapos narinig ang pangaasar ni Xandra. Natawa si Lin sa pangaasar ng kaibigan.
Narda: Pero nasira ang buong confidence ko ngayong araw. Ang lahat pala ng mga alam ko tungkol sayo ay fake.
Hindi agad sumagot si Regina sabay tayo nito while her arms were still crossed. Ito ay nagbuntong hininga.
Regina: Food has arrived. Tara na.
Yun lang ang naisagot ni Regina. Saka na siya nauna sa loob ng Japanese Restaurant. Saka na din tumayo sila Annie at inaya si Narda sa loob dahil alam nilang masamang uminit ang ulo ng isang Lady Regina Vanguardia.
Pero sa halip na kumain, si Regina ay nakisideline muna sa chef at nakipagtulungan sa pagprep ng mga orders nila sa hindi maintindihang dahilan. Habang inoobserve si Regina, saka na sila muling nagchismis tungkol sa kanya.
Xandra: Sakit talaga yan sa ulo.
Narda: Bakit ba ako iniiwasan ni Lady Regina at parang kakaiba ang kilos niya doon?
Lin: Laging kakaiba ng kilos yan. Kinakailangan mo pang ire-interpret ang mga galaw niyan. Hindi niya sasabihin sayo kung anong gusto niya.
Annie: True.
Lin: Always beats around the bush. Pero maiinis tayo nyan sa gusto niyang gawin natin. That is her method of authority.
Xandra: True yan, Mon. She was raised in oppressive environment where she couldn't be herself. Kahit kailan hindi niya nakuha ang gusto niya mula nung pagkabata. Kaya siya naging ganito.
Narda nodded as she was observing Lady Regina na abala sa pagtutulong sa chef.
Xandra: Kaya siya naging ganito.
Annie: Kapag may sinasabi siyang masarap ito, iyan, ibig sabihin niyan ayaw niyang kainin.
KAsabay nun, kinuha ni Regina ang kutsilyo at natutok sa chef ng hindi sinasadya noong tinanong niya kung ito ba ang tamang kutsilyo. Dahilan na napaatras ang chef.
Annie: Hindi nagmamatch ang feelings niya sa mga actions.
Xandra: Yep. She is taciturn.
Kumunot ang noo ni Narda sa kanyang nalaman.
Narda: Meron bang ganung tao?
Xandra: Meron. Itong kaibigan namin ang talagang napaka-odd
Narda: Parang kilalang-kilala niyo si Lady Regina.
Lin: Matagal na kaming magkakilala nyan. Ang pinakamasayang gawin ay pagtripan siya. Pero hindi naman siya napipikon kahit anong klaseng trip pa ang gawin namin. Kahit napipikon, hindi niya sa amin pinapaalam. Ang cute nga niya. Kung hindi ko nga yun kaibigan, baka niligawan ko pa yan.
Napatawa ng bahagya si Annie at Xandra.
Xandra:
You are reading the story above: TeenFic.Net