Hindi nagtagal, narating na nila Narda and Regina ang kanyang bahay. Inalalayan ni Narda si Regina pababa ng sasakyan hanggang sa nakalapit sila sa gate.
Regina: You can leave.
Nilingon ni Narda ang mansion ni Regina. Sobrang namangha siya dahil sa laki ng compound ng tirahan ni Regina at sa sobrang kagandahan ng kanyang penthouse.
Narda: Ito po ba lugar niyo?
Regina: Does it look like a temple to you?
Muling pamimilosopong sagot ni Regina, kahit na ito ay masakit pa din ang ulo. Pero unti-unti namang nawawala na.
Narda: Hindi naman po sa ganun. Akala ko nga Palace ang tirahan mo.
Regina: Leave now.
Regina said as she turned from Narda.
Regina: And let me know when you arrived home. Don't keep me waiting like last time.
Narda: Yes po, Mam.
Narda nodded.
Regina: And stop being so formal.
Pahabol pa niyang bilin and Narda nodded again before tuluyang nakapasok si Regina sa kanyang compound. Pinagmasdan niya muna si Regina na papasok sa kanyang mansion. At noong nakapasok na ito sa kanyang penthouse bumalik na si Narda sa taxi para siya naman ang ihatid pauwi.
SEVERAL MINUTES LATER...
Noong nakauwi na si Narda, tinungo niya ang kanyang kwarto at kinuha ang kanyang cellphone para itext si Regina gaya ng bilin sa kanya.
Narda (texting): Lady Regina, nakauwi na ako.
Saka mabilis na sinend ni Narda. Nagulat si Narda, dahil nagseen agad si Regina.
Narda: Ang bilis naman niyang nagseen.
Regina (replying): Why did you text me? Call me!
Nagulat ng bahagya muli si Narda.
Regina (replying): My head hurts. My eyes hurt. I don't want to read.
Medyo natarantang tinawagan ni Narda si Regina. Agad namang sinagot ni Regina si Narda kahit na ito ay nakapikit. Ngunit naguluhan si Narda sa sagot ni Regina.
Narda: Lady Regina. Nakauwi na po ako.
Regina: Why did you call? Sumasakit ang ulo ko, hindi ba?
Narda: Uhmm, sige po. Hang up na ako.
Regina: No, wait! Why must you hurry and hang up?!
Napabalikwas ng bangon si Regina nang marinig yun mula kay Narda.
Regina: Hindi mo man lang ba kukumustahin ang lagay ko?
Lalong naguluhan si Narda. Kanina lang tinanong siya kung bakit nagtext dahil hindi niya kayang magbasa sa sakit ng ulo. Tinawagan ni Narda si Regina, pero ang sasagutin naman pala ay bakit siya tumawag, hindi ba masakit ang kanyang ulo. And then nung sinabing maghahang up na siya, ang isasagot naman pala sa kanya ay hindi man lang ba kukumustahin ang condition niya.
Narda: Kumusta naman po ang pakiramdam mo?
Regina: Hinintay mo pa talaga akong sabihin sayo ahhh. Kung wala yan sa puso mo, hindi ko na kailangan yan. I am suffering from headache, not a memory loss.
Dito na naoffend si Narda at naluha.
Regina: I still remember that I told you not to act like we were close.
Tuluyang tumutulo ang mga luha ni Narda, at hindi nakapagsalita. NAubos na ang kanyang patience sa sobrang nagtitimpi siya sa mga masasakit na salita ni Regina sa kanya. Especially, regarding sa ginagawa niyang contents sa Vanguardia Diversity Pop.
Regina: Why are you keeping silent?
Hindi namalayan ni Regina na napapaiyak na niya si Narda.
Regina: Come on! Speak! I don't like silence!
Hindi na kinaya ni Narda, kaya dito na niya inilabas ang lahat ng sama ng loob niya in tears.
Narda: Hindi ko po maintindihan kung ano ba talaga ang gusto mo sa akin, Lady Boss. PArang puro mali naman ang mga tinatanong ko. Lahat ng mga sinasabi ko ay mali. Tinetext kita, pero mali. Tinatawagan kita, mali ako. Hindi pa naapproved ang work ko. Pakisabi naman po, kung ano ba ang talagang dapat kong gawin, Lady Boss.
Regina: Oh, I see. Was the reason you took care of me was to get your work approved?
Lalong napaiyak si Narda sa mga offensive words ni Regina.
Narda: Nag-aalala po talaga ako sayo. Pero ganito po ba talaga kababaw ang tingin mo sa taong nag-aalala sayo? Taong may malasakit sayo?
Dito na nakaramdam ng guilt si Regina, kaya wala na siyang masagot kundi,
Regina: Sweet dreams.
Saka na siya naghangup. Tiningnan ni Narda ang mga pictures ni Regina, after hanging up.
Narda: Bakit ba ganito ang tingin niya sa akin?
Narda said as she put her head on her table.
----
Kinaumagahan, sa foundation. Si Narda ay kasunod ang mga taong nagtitime in. Marahang nabitawan ni Narda ang kanyang ID for time in kasabay nun, pumasok si Lady Regina nang nakasunglasses. Nailang si Narda at hindi makatingin ng derecho kay Regina. Dumerecho lang si Regina ng pasok after timing in her ID. Noong nakatalikod, pinagmasdan ni Narda ang naglalakad niyang boss. Hindi naman ito nagtanim ng galit o sama ng loob sa kanyang boss. Mas nangibabaw pa din ang kanyang pagiging idol. Nais alamin ni Narda talaga kung bakit nagbago si Lady Regina.
Regina did not turn to NArda and just kept walking. Minutes later, Narda was on her position but could not focus on her work dahil ramdam pa din niya ang masakit na salita sa kanya ni Regina. Dahilan na ito ay nakatitig sa kawala. Muli nanamang bumalik sa ala-ala niya ang mga masasakit na salita ni Regina. Hindi iyun nakaligtas sa paningin ni Mara, kaya nun napaisip si Mara na baka masama ang loob ni Narda sa pagpapahirap sa kanya ni Lady Regina at wala man lang kahit konting appreciation sa kanya, which was true. Ang hindi nga lang nila alam ay mas malalim pa ang dahilan ni Narda. Pero hindi naman na nila tinanong.
Mara: Naaawa ako sa kanya.
Alina: Oo nga, ako rin.
Wika ni Mara noong lumapit ito sa kinaroroonan ni Richard at Alina. Pinagmasdan ni Richard si Narda nang hindi bakas sa mukha ang pag-aalala. Pagtingin ni Mara doon, she poked Richard's forehead.
Mara: MMM!
Richard: Aray!
Mara: Hoy! Kung balak mo nanamang pagtripan si Narda, wag mo nang ituloy. Halos mapula na ang mga mata niya. Siguro umiyak siya halos buong gabi, dahil sa mga ideas niya na nirereject ni Lady Boss.
Alina: Teka. Hindi kaya dahil hindi inaapprove ni Lady Boss ang mga ideas ni Narda, para tanggalin siya dito sa company?
Napailing naman si Richard at maging siya ay naawa na din.
Richard: Biruin niyo naman, kakawelcome party lang natin sa kanya. Tapos farewell party naman ang gaganapin agad-agad.
Habang nag-uusap ang tatlo at pinagmamasdan si Narda na hindi mapakalo, dumating muli si Joaquin dala-dala ang maraming mga meryenda na galing sa Starbucks.
Joaquin: Hi guys! May masarap na meryenda para sa atin!
Masayang pagbati ni Joaquin sa mga employees at nagpalakpakan ang mga nasabing employees.
Joaquin: Sino pala magbabayad nito?
Alina: Aww, ang bait niyo po talaga, sir. Wala po akong pera, pwedeng puso ko na lang ang bayad ko?
Pabirong wika ni Alina sabay Oppa sign nito kay Joaquin. Talaga nga namang crush na crush ni Alina ang gwapong boss nila. NAgpanggap na nabibilaukan si Richard matapos humugot ni Alina.
Richard: Boss, wag niyo nang tanggapin. Nageexpire na kasi ang puso niya. Kaya aatakihin siya in a few years. HAHAHAHAHAHA!
Pang-aasar niya at natawa naman si Joaquin sa pangaasar ni Richard kay Alina.
Alina: Kung ganun sige, babalik ako para multuhin ka.
Napailing na lang si Joaquin.
Joaquin: Ano? Wala bang kukuha ng mga ito? Sige, tatapon ko na ito, sayang naman. Sarap pa naman nito.
Agad namang naglapitan ang mga employees kay Joaquin para nga kunin ang mga padala sa kanila.
Mara: Ay syempre naman po, sir. Gustong-gusto nga po namin yan, mukhang masarap.
Jerna: Sir, hindi niyo na po sana ito ginawa. Grabe, lagi niyo na po kaming nililibre at binibigyan ng mga treats. Pero tanong lang po, gamit po ba ninyo ang pera ng company? Para po ilista ko.
Luh!!!
Sigawan ng mga employees.
Employee Guy: Stingy naman.
Employee Guy 1: Sobra.
Napatawa si Joaquin sa tanong ni Jerna.
Joaquin: Hindi. Hindi naman. Si Regina actually ang sumagot nito.
Napanganga at "huh?" ang mga employees sa tugon ni Sir Joaquin nila.
Joaquin: Please accept them, guys. Or else, alam niyo kung ano ang mangyayari.
Kaya nun, sunod-sunod at nagpilahan sila sa mga nilibre sa kanila ni Regina at kinuha ang mga kakainin nila. Noong nakuha na nila ang mga Starbucks nila, dito na lumabas si Regina mula sa office niya at saka nagannounce about sa reward ng mga employees niya for their hardwork. Kaya niya ito ginawa para maitama ang maling narealize niyang nagawa kay Narda kagabi. Ngunit, sadyang ilang pa din ang mga employees kay Regina, dahil nga sa labis na kanilang takot kay Lady Boss.
Regina: So, the Starbucks are already delivered.
Natahimik naman ang mga tao para makinig kay Regina saka ito naglakad patungo sa direction ni Narda.
Regina: Consider this a reward for your hard work.
Matapos nun, kinuha niya ang isang paper bag nang may laman ng mga Starbucks. Medyo marami dahil si Narda ang pinakahard working sa kanila saka inabot ni Regina kay Narda ang nasabing paper bag. Napatingin naman si Narda kay Regina, ngunit hindi pa din naaalis ang masakit na kanyang nararamdaman hanggang ngayon. Kaya nun hindi tinanggap ni Narda ang inaalok sa kanya ni Regina. Sa madaling sabi, sa halip na tanggapin ni Narda nagkaroon sila ng titigan ng parang staring contest.
Narda: Sayo na lang yan, Lady Regina. Busog pa ako.
Walang takot niyang tugon. Namangha naman si Joaquin at pinigilan ang tawa. Habang sila Mara at ang mga katrabaho nila ay takot na takot para kay Narda, dahil nga sa boss nila si Lady Regina. Naintindihan naman nila na labis na nasaktan si Narda sa mga sinabi ni Lady Boss, ngunit ang ayaw lang nila ay matanggal siya sa trabaho lalo na nga sobrang masipag na employee si Narda. May iba naman na namangha dahil sa tagal nilang employees na sa Vanguardia Foundation, ngayon lang nagkaroon ng katapat si Lady Regina. Kaya nun bahagyang nilapitan ni Alina si Narda nang may takot sa mukha.
Alina: Uuhhh, N-Narda... tanggapin mo na ang... alok ni... Lady Boss.
Nauutal na wika ni Alina. Sabay pilit na ngiti ang ginawa ng mga katrabaho ni Narda. Ngunit, hindi pa din kumikibo ito. Saka na binawi ni Regina.
Regina: Fine. I'll take it back to my office.
Saka na bumalik sa office niya si Regina dala-dala ang nasabing Starbucks na para kay Narda sana. Dahilan din na naalangan sila sa kinilos ni Narda.
Joaquin: Uhm, wag na lang kayong mastress. Enjoy your Starbucks please. Excuse me.
Tumango ang mga employees saka na bumalik si Joaquin sa office ni Regina.
Sa office, medyo balisa si Regina dahil nakakaramdam pa din siya ng guilt sa kanyang ginawa kay Narda. Akala niya kasi madali siyang mapapatawad ni Narda dahil nga ito ay humble at mabait. Pero palaban din pala. In a way.
Habang nagiisip-isip si Regina, dahan-dahang iniislide ni Joaquin palapit sa kanyang "fiance" ang milkshake.
Joaquin: Whoooooooooopp. Ito na ang milkshake mo para pampacure for your embarassment.
Ngiting wika ni Joaquin para ipatawa si Regina. Pero syempre sadyang wala pa ding effect ito. Saka ininom ni Regina ang nasabing milkshake habang pinagmamasdan ng binata. While also chewing her crossaint, Joaquin pressed his finger on Regina's left cheek na may laman.
Regina: Tsk! So improper.
Napatawa na lang din si Joaquin, dahil bakas na bakas talaga sa mukha ni Regina ang hiyang nararamdaman niya yung halos pagpapahiya sa kanya ni Narda kanina.
Joaquin: Well, I just want to check, kung gaano ka nahiya sa nangyari kanina. Hahaha.
Regina slurped her milkshake again and fake-spitted on Joaquin's face then rolled her eyes.
Joaquin: Alam mo, yang si Narda, she is special. Quite special. She even dares refuse Hon. Lady Regina. The one and only greatest Honorable Lady Regina Maxine Vanguardia. Mukhang hindi takot mamatay. Hahahahahaha----
Natigilan ang tawa niya noong bahagyang kinuha ni Regina ang isang crossaint na wala pang kagat saka ito isinubo kay Joaquin.
Regina: There. Keep your mouth full. So, you don't talk.
Nagchew si Joaquin at umupo sa isang table. Itinigil na niya ang pangaasar kay Regina saka na niya tinanong ito tungkol sa nangyari kanina.
Joaquin: Pero joking aside, ano ba ang ginawa mo kaya ganun na lang kasama ang loob sayo ni Narda? Bakit mo ako pinabili ng mga Starbucks snacks para makabawi?
Muli nanaman naalala ni Regina ang mga masasakit niyang salita kay Narda at ang reponse ni Narda sa kanya habang magkatawagan sila.
FLASHBACK LAST NIGHT
Regina: Was the reason you took care of me was to get your work approved?
Narda: Mam. Worried lang po ako talaga sa inyo. Pero ganito po ba kababaw ang tingin mo sa isang taong may malasakit sayo?
EOFB
Regina inhaled exhaled. Saka na siya hindi nagkaila.
Regina: Sobrang naging harsh ang feedback ko sa kanya.
Joaquin: Well, you seem to take interest in Narda more than others, Regina.
Regina shook her head.
Regina: Ang sabi ko, sobrang naging harsh ang feedback ko sa kanya. One more thing. Narda is really good at this. She keeps proposing to me the new ideas and content.
Joaquin nodded as he listened as he swallowed his croissant and approached Regina.
Joaquin: Tama ka. But the problem is, I think she is still mad at you.
Regina looked at his eyes and turned away again.
Regina: Then, what should I do?
Several minutes later...
Uwian na nun at si Narda ay kakalabas lang galing sa work. Hindi pa ito nakakalayo, tinawag siya ni Joaquin at nilapitan.
Joaquin: Narda.
Lumingon naman si Narda at nakita si Joaquin na kasama si Regina.
Narda: Lady Regina. Sir Joaquin.
Joaquin: Pauwi ka na ba?
Narda nodded. Habang tahimik na walang imik si Regina.
Narda: Opo, Sir.
Binalingan naman ni Joaquin si Regina nang hindi makatingin ng derecho kay Narda. Sensyas ito ng senyas kay Regina na magfirst move kay Narda para invite sa kanilang dinner. Ngunit, sadyang hindi talaga marunong si Regina sa tamang paraan ng pagsusuyo sa mga taong katulad ni Narda. Kaya patuloy na sinisiko ni Joaquin si Regina.
Regina: Uhm... hungry?
Narda: Po?
Regina: I am hungry. It's already dinner time. It's time to eat.
Napapikit si Joaquin dahil maling paraan ng invitation nanaman ang kinikilos ni Regina. Saka na lang napailing.
Narda: Oh, I see. Well, kung ganun uwi na po ako.
Joaquin glanced at Regina and when Narda was about to leave Joaquin got in her way.
Joaquin: Ah. Wait! Narda. Sandali lang.
Muling bumaling si Joaquin kay Regina at sumenyas ulit ito na sa gumawa ng tamang paraang invite si Narda sa kanilang dinner date.
Regina (mouthing): What?!
Joaquin (mouthing): Bumawi ka sa kanya.
Regina nodded and approached Narda.
Regina: Are you not gonna have dinner?
Napaface palm si Joaquin sa maling paraan nanaman ni Regina and at the same time nagaalangan sila parehas.
Narda: Uhm, are you asking me po?
Regina: There's no one else around here, is there? Who else could I ask?
Nagbuntong hininga na lang si Joaquin saka siya na ang nagtranslate ng paraan ni Regina. Correcting her wrong move.
Joaquin: Argh. Okay. Let's stop beating around the bush. Narda, Regina would like you to join us for dinner. Three of us. Just consider it a celebration that your work is approved.
Nanlaki ang mga mata ni Narda sa tugon ni Joaquin, hindi niya namalayang nagbago na pala ang isip ni Regina about sa kanyang proposal and ideas. Dahilan din na nabuhayan ng loob siya.
Joaquin: Hindi ka ba masaya nyan? That your work is finally approved?
Narda: Po? Approved na?
Ngiting wika niya.
Joaquin happily nodded.
Sasagot palang si Narda ng yes, pero pinutol ni Regina yun at bahagyang sinuot ang sunglasses niya and tumungo sa sasakyan.
Narda: Erm---
Regina: I'll be waiting in the car.
Pinagmasdan nila sandali ang naglalakad na Lady Regina habang napakamot ulo na lang si Joaquin.
Joaquin: It's her way to try to make up with you.
Narda nodded and Joaquin glanced at her and went back to Narda again.
Joaquin: Actually, naguilty siya sa mga masasakit niyang sinalita sayo kagabi. So, she apologizes by asking you out for dinner.
Narda nodded again understandably.
Joaquin: So, you are coming with us?
Hindi nakasagot si Narda dahil nga naghehesitate pa siya. Medyo naguguluhan siya, ayaw niya dahil nga medyo masama pa din ang loob niya, pero unti-unti nang bumabawas as she understands Joaquin's explanations. Tapos tatanggapin niya ang invitation, dahil sa sobrang kabaitan ni Sir Joaquin niya.
Joaquin: Please do me a favor this time, Narda.
Nag-isip pa ng konti si Narda and ilang seconds lang saka na siya tumango.
Narda: Sige po.
Napangiti si Joaquin sa answer ni Narda.
Joaquin: Okay, let's go then. After you.
----TO BE CONTINUED----
You are reading the story above: TeenFic.Net