100 Word Story # 8: Hilda World

Background color
Font
Font size
Line height

Sa mundo ni Hilda, walang nag-aaway.

Walang nagsisigawan, walang nagpapatutsadahan, walang nagpaparinigan, at walang nagkikimkim ng sama ng loob.

Hindi ka makaririnig ng mga tsismis na walang kawawaan, hindi ka makakakita ng pisikal o emosyonal man na pagsasakitan, at hindi ka makaririnig na may pagkakaibigang nasira dahil sa trayduran at hindi pagkakaunawaan.

Mayroon ditong pagkalinga sa kalikasan, katapatan sa gawa, at kabutihan sa lahat ng nilikha.

Tunay ngang kakaiba ang mundo ni Hilda. Natatangi ito sa lahat. Taglay nito ang kapayapaan, sigla, at katapatang nais ng lahat.

Sadyang napakaganda.

Pinakamaganda.

Kung hindi lang sana nag-iisa si Hilda sa mundo niya.


You are reading the story above: TeenFic.Net