100 Word Story # 3: Funeraria de Hipolito

Background color
Font
Font size
Line height

Nag-iisa lang ang Funeraria de Hipolito sa bayan ng Santo Cristo. Tatlong dekada na itong tumatakbo bago pa maipamana kay Fidel.

Magkahalong nakakaaliw at nakakalungkot para sa kanya na lahat ng mga namamatay sa kanilang lugar ay dumadaan sa kanyang punerarya. Lahat. Pati ang kanyang mga kapitbahay, ninong, kababata, kaklase, at maging ang sarili niyang ina.

Subalit ngayon ang pinakamabigat niyang araw sa trabaho. Pati pala kasi mismong asawa niyang namatay sa sakit, sa kanya magdaraan.

"Sana doktor na lang ako..." Umiiyak na usal ni Fidel sa harap ng asawa. "Eh 'di sana hinihiwa kita para operahan, hindi para iembalsamo."


You are reading the story above: TeenFic.Net