FF- Kabanata 1

Background color
Font
Font size
Line height

Third Person's POV

Her both hands and foot was on the dynamic. She was pouring under the rain. She didn't care about the unsolified drops that hitting on her skin. All she have know is she needs to go home.

She was circulating 'cause the road is wet. Umiiwas siya sa putik dahil iniingatan niyang madumihan ang dala niyang ulam.

Nang makarating ay mabilis niyang hinubad ang kanyang basang sapatos at iniwan sa labas ang tumutulo niyang bag dahil nabasa ng ulan.

"Ma? Mama?" Mahinang tawag niya. Kailangan niyang maging maingat dahil baka natutulog na ang kanyang Ina. Ayaw niya itong naiistorbo sa tulog. Gusto niyang magpahinga lang ito dahil alam niyang nangyari na naman sa kanyang Ina ang bagay na pati siya ay natatakot. Pinipilit niya lang maging matapang. Hindi para sa kanya kundi para din sa Ina.

Matahimik siyang nag lakad patungo sa kusina upang ihanda ang binili niyang ulam. Bago umuwi galing sa eskwela ay dumaan muna siya kina Aling Liya para bumili ng pagkain para sa Nanay niya. At nang pauwi na siya ay sakto namang bumuhas ang ulan. Hindi siya nag dalawang isip na sumugod rito habang sinasalba ang isang plastik ng pagkain. Wala siyang pakielam kung mababasa siya o ang gamit niya. Mas gusto niya pa iyon dahil sa ganoong paraan ay magkakaroon siya ng dahilan upang hindi pumasok sa paaralan. Mananatili lamang siya sa bahay upang bantayan ang Ina.

Ayaw niya sa school. Kahit na pa ang ibang bata ay pinapangarap makapunta do'n, siya hindi. Sapilitan lang ang pag-aaral niya dahil sa sitwasyon. Tamang nasa silid aralan lang siya pero ang isip niya ay nasa bahay nila kung saan naroon ang Mama niya. Gusto niya lang samahan ito hanggang sa pumikit at muling gumising ang mata nito galing sa pag kakatulog.

Hanggat maaari ay hindi niya pinag-iingay ang mga kasangkapan. Mapino at maingat ang bawat kilos niya habang hinahanda ang pagkain nilang dalawa.

"Bakit ngayon ka lang?" Saglit siyang tumigil sa ginagawa at hinarap ang Ina na ngayon ay naka-upo na sa hapag. Kumurba ang kanyang labi ng makita niya iyon. Hinihintay siya ng kanyang Ina. That thing makes her small heart touched.

Inilipat niya ang pinggan sa lamesa. Pinagsandok ang plato ng Ina at tumayo sa tabi nito. Asikasong-asikaso niya ang Ina. Sinasandukan niya pa ito na parang siya pa ang Nanay sa kanilang dalawa.

"Pag hihimay ko po kayo," maganang sabi niya habang tinatanggal ang tinik ng isda na kanyang binili kanina.

Sa kabilang banda ay ang Ina niyang walang emosyon. Nakatitig lang ito sa plato at hindi kumikilos. She's analysing the thing that happening around her. Unti-unti na naman siyang nagugulo. Kung anu-anong boses na naman ang kanyang naririnig sa isip. Bumubulong, sumisigaw, umiiyak, kumakanta, at kung anu-ano pa dahilan upang makaramdaman siya na para ba siyang dinidemonyo.

Para siyang nasa mataong lugar kahit ang kasama lang niya ay ang kanyang anak.

"Iiwan ka rin niyan"

"Wala kang kwenta."

"Pinag titiisan ka lang niya.."

"Mapapagod rin 'yan.."

Iilan lamang sa palagi niyang naririnig. Minsan ay sinabunutan niya na lamang ang sarili o 'di kaya'y nagagawa ang mga bagay ng walang kontrol.

Dahan-dahan siyang lumingon sa kanan kung saan naroon ang anak na ngayon ay nag hihimay ng isda. Tinignan niya ito ng masama habang patuloy parin ang mga boses sa kanyang isip.

Napatigil ang batang babae sa ginagawa ng maramdaman niya ang titig ng Ina. Pinilit niyang ngumiti kahit alam niya na ang susunod na mangyayari. Sanay na siya sa ganitong sitwasyon. Unti-unti ay natatanggap na ng pagkatao niya ang lahat. Ang mga pagbabago sa Ina.

Dinampot ng Nanay ang walang laman na plato at ibinato ito sa malayo. Hindi pa ito nakuntento dahil sinunod-sunod niya ang mga bagay na nakikita sa ibabaw ng mesa. Pero itinira niya ang plato na mayroong isda. Dinampot ang isda at mabilis na tumakbo papunta sa kusina tsaka nagtungo sa harap ng lababo. Sinindihan ang gripo at pinag laruan ang isda na para bang pinapalangoy ito.

Sa kanyang likuran ay ang anak na babaeng nakamasid lamang sa kanyang ginagawa.

"Ma," tawag nito. Sa tuwing mag sisimulang kumilos ng kakaiba ang Ina ay tanging pagtawag lamang rito ang kanyang magawa. Umaasa na sa paraang 'yon ay muling magiging normal ang Nanay niya at babalik sa dati. Hihingi ng tawad sa kanya para sa mga bagay na nagawa. Iyon lamang ang iniisip niya sa tuwing mangyayari ang ganitong bagay. Na darating ang araw na babalik sa normal ang lahat kasabay ng paghingi ng pasensya sa Ina.

Pero para sa kanya ay hindi na iyon kailangan gawin ng Nanay niya dahil araw-araw niya itong pinatatawad. She choose to forgive her mother everyday. She didn't able to high her pride 'cause she's her mother despite everything. And she's important to her life. Very meaning much. Kahit minsan ay nararamdaman niyang hindi siya anak nito. Binaliwala niya ito at mas piniling intindihin ang kalagayan ng Ina. She didn't have a choice but to comprehend her Mom. Hindi niya pwedeng iwan ang Ina dahil para sa kanya, her mother was a walking miracle.

Inihakbang niya ang kanyang paa at lumapit sa ina na ngayon ay pinalalangoy ang isda sa lababo.

"Bakit mo inalis sa tubig ang isda?" Tanong nito habang patuloy parin sa paglalaro na para bang bata. Nakalimutan niya ang kanyang edad pati ang anak na ngayon ay nasa tabi niya.

"Ma,ulam po natin 'yan..."

Mother's reaction changed quickly. It stopped playing and furiously faced her. It gripped her arm tightly. Its sharp nails dig into her skin.

"Niluto mo?"

"Opo---" hindi niya ma nagawang tapusin ang sasabihin dahil mabilis na tumama ang palad nito sa kanyang mukha. Sa sobrang lakas ng pwersa ay muntikan na siyang mabuwal. Mabuti nalang ay mabilis siyang nakahawak sa lamesa.

Ramdam niya ang sakit. Ang hapdi ng kanyang pisingi pero hinawakan niya nalang iyon at muling hinarap ang Ina na ngayon ay may hawak ng sandok at handa na para ihampas sa kanya.

Sinalag niya lang ng sinalag ang sandok na tumatama sa bawat parte ng katawan niya. Kahit gusto niyang mag makaawa ay hindi niya magawa dahil alam niyang pag ginawa niya iyon ay mababago na naman ang emosyon at ugali ng Ina. Ayaw niya iyon. Ayaw niya makitang hahawak sa ulo ang kanyang Ina at hihiyaw ng malakas dahil sa sakit ng ulo at sa gulo ng isip. Mas nasasaktan siya dahil doon. Inosente ang Nanay niya. Pero nawawala iyon sa tuwing may maririnig siyang boses sa isip at kasabay niyon ay ang gawi na ipinakikita nito.

Tumigil ito sa ginagawa at hinihingal na umalis sa pagkakaibabaw sa kanya. Walang sabi-sabing umalis ito pero bago iyon ay binigyan muna siya nito ng malakas na tadyak sa sikmura dahilan upang mamalipit siya sa sakit at hirap na makatayo.

Ayos lang..

Sabi niya sa isip. Hindi siya magsasawang sabihin sa sarili na ayos lang ang bawat hampas, palo, tadyak, sampal at kung ano pa na natatanggap mula sa sarili niyang Ina.

Gumabay siya sa lababo at doon nakita ang ulam na pinaglaruan ng Ina. Sa isip niya, hirap niyang sinasalba ito kanina sa ulan para lamang hindi mabasa, pero makikita niya ito sa lababo na parang nawalan na ng lasa.

Kinuha niya iyon at muling inilagay sa plato. Kakainin niya ito mamaya. Pero bago lagyan ng laman ang sikmura ay kailangan niya munang linisin ang mga nagkalat na gamit sa kusina.

Thank you for this,Ma. Binibigyan mo ako ng dahilan upang gawin ang karatapan ko sayo bilang anak. Salamat.

---

It's already seven o'clock in the morning. Her body was all functioning. Pinatutuyo ang nabasang gamit kahapon hawak ang pamaypay, nag luluto ng sinangag na kanin para sa almusal gamit ang isang kamay, pinupunasan ang sahig gamit ang isang paa dahil dito na inabutan ng ihi ang Ina.

Sanay na siya sa multitasking dahil doon siya lumaki. Mula ng mangyari iyon sa Ina ay sinabi niya na sa sarili na kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang banatin ang maliit niyang katawan at sabay-sabayin ang mga gawain.

Gagawin ko lahat para sayo, Ma. Manatili ka lang sa akin.

---

Sabi nila, dapat daw ay ine-enjoy ng bata ang kanilang kabataan. Nag lalaro sa labas, nag-aaral ng mabuti para may matutunan, at binibigyan ng award sa tuwing may tamang nagagawa.

Pero kay Fau-Fei, salita lang ang mga iyon. Hindi naman lahat ng bata ay kayang maranasan iyon dahil nakadepende iyon sa sitwasyon. Tulad ngayon. Kasalukuyan siyang nag lalaba sa likod-bahay nila. Tagaktak ang pawis, nanginginig ang mga tuhod, at namamanhid ang mga kamay. Siya pa mismo ang nag-iigib ng tubig na gagamitin sa pagbanlaw ng mga damit.

Hindi niya alintana ang pagod at sakit ng katawan dahil kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang labhan ang damit ng Ina upang may maisuot.

Habang ang Ina niya naman ay nakahiga sa kwarto at natutulog. Excessive Daytime Sleepines o EDS and sleep problems are common sa mga gaya niya.   The symptoms of EDS for those like her can be attributed to various causes including neurobiological changes, sleep disorders, or medication for her. Sleep may represent a new therepeutic target, both in prevention of mental illness and its treatment.

Kaya hanggat maari ay hindi siya ginugulo ng anak sa tuwing alam nito na matutulog o natutulog siya. Alam ng anak ang kanyang kalagayan. May isip na ito at alam ang tama at mali. Alam ang mga dapat gawin sa hindi, at kung paano ang tamang pagtrato rito.

But she is still in the middle of a deep sleep when she starts to hear murmurs, a rustle or a beeping sound that causes her brain to irritate. Sleep disturbance. It is common in mental illness and hers is no exception. It is widely accpeted that to her case, disrupts sleep and circadian rhythms.

Tumayo siya sa kinahihigan at parang lasing na naglakad palabas ng kwarto habang nakatakip ang kamay sa magkabilang tenga. She wants to stop them but she didn't know how. Minsan ay nasasaktan niya na ang sarili. Pero madalas ay ang anak.

"Ikaw!" Turo niya sa anak ng makalabas aiya ng bahay at makita si Fau-Fei na ngayon ay nag sasampay ng mga damit na nilabhan.

Inosente namang tumingin ang anak sa kanya at mukhang naintindihan na kung ano ang nangyayari sa Ina. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Niyukom niya na lamang ang kamao dahil nag sisimula na siyang maawa sa Ina. Her mother did not deserve this. Pero sabi nga nila, kung ano pa ang 'di mo deserve ay siya pang natatanggap mo. Wala ka nalang ibang magagawa kundi ang magpatuloy at huwag kwestyunin ang plano niya.

"Alisin mo sila," ika ng Ina habang palapit sa kanya at itinuturo ang ulo.

"Maingay sila, alisin mo!" Utos niya at hinablot ang braso ng anak. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nanggagalaiti sa galit.

"Hindi ako makatulog! Maingay sila! Maingay!" Kasabay niyon ay ang malakas niyang pagtulak kay Fau-Fei dahilan upang bumagsak ito sa batyang pinaglaban at mabasa ang damit. Hindi pa siya nakuntento dahil nilapitan niya pa ito at pilit na ipinatayo.

"Sabihin mo sa kanila huwag maingay!" Mas lumakas ang kanyang sigaw. At mas nadagdagan pa ang galit na bumabalot sa kanya ng hindi kumilos si Fau-Fei at tanging pagtingin lamang ang ginawa.

Ano nga bang magagawa ng isang labin-isang taong gulang?

Siyam na taon si Fau-Fei ng magsimulang umakto ng kakaiba ang Ina. Palagi itong galit sa kanya, wala sa sarili, at ang madalas niyang mapansin ay ang pag sasalita nito mag-isa. Noong una ay akala niya stress lamang ang Ina. Hanggang sa isang araw ay hinahataw na lamang siya nito ng tsinelas at wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak at makiusap sa Ina na tumigil na.

Naabutan sila ni Manong Kanor sa ganoong sitwasyon kaya dali-dali nitong pinigilan ang Ina ng bata. Nang kumalma ay dinala nila ito sa pinaka malapit na ospital sa kanilang bayan. Bumyahe pa sila ng tatlong oras para lamang makarating doon at malaman kung anong  nangyayari sa Ina.

Naroon si Fau-Fei ng mga oras na iyon rinig na rinig niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng Psychiatrist. Tinandaan niya ang mga iyon at sinabi sa sarili na mananatili siya sa tabi ng Ina kahit anong mangyari. Noong una ay natakot siya, kinabahan, nag halo-halo ang lahat dahil alam niyang may babago matapos ito. Hindi niya alam kung paano uuwi sa bahay na dala ang gano'ng resulta. Pero kahit na ganoon, nag tiwala parin siya sa sarili at sa Ina. She needs to be strong and brave. She know that she can with all her vitality, for her Mother.

Lumipas ang ilang buwan ay mas lumala ang lagay ng Ina. Na nanakit na ito ng mga kapitbahay kaya napagkasunduan nila na ikulong ang Ina sa kulungan ng aso nang sa gayon ay hindi na muling makapanakit. Walang magawa si Fau-Fei ng mga oras iyon dahil wala siyang laban. Isa lamang siyang musmos at ang kalaban niya ay buong baranggay. Hindi parin siya umalis sa tabi ng Ina. Siya ang sumasalo sa mga masasakit na salitang natatanggap nito dahil siya ay nasa tamang pagiisip habang ang kanyang Ina naman ay nakatingin lamang sakanila na parang hindi alam ang nangyayari sa paligid.

Hindi niya gusto ang ganoon. Kahit sino naman siguro. Insultuhin ang taong walang tamang pagiisip? Kahit saang anggulo tignan ay hindi tama iyon. Naisip iyon ni Fau-Fei dahil matalino siyang bata. Kaya niya pang tanggapin ang bawat pagtama ng tsinelas sa kanya, kaysa makarinig ng mga negatibong salita na ibinabato sa Ina.

Kaya naisip niya isang araw, may dahilan pa upang tumigil na ang iba. Iyon ay ang paglayo nila. Kalagitnaan ng gabi kung saan mahimbing na ang tulog ng mga kapitbahay ay lumabas si Fau-Fei upang puntahan ang Ina. Bitbit niya ang dalawang sako na naglalaman ng kanilang mga gamit. Maingat niyang tinanggal ang kandado ng kulungan at inilabas ang Nanay. Bago pa sila mahuli ay hinawakan niyang ang kamay nito at nag lakad palayo sa lugar na iyon.

Habang nag lalakad ay naisip niya, "itong mga kamay na 'to, hindi ako mag sasawang hawakan ito kahit na may nasasabi sila sayo,Mama. Manatitili ako sa tabi mo at hindi bibitawan ang iyong kamay upang sabihin at maramdaman mo na may anak ka pang nasa tabi mo. Hindi ko ipagpapalit ang kamay ng Nanay ko kahit anong mangyari."

Mula noon ay mag-isa niya nang inalagaan ang Ina. Natuto siyang tumayo sa sariling mga paa habang nasasaksihan niya ang mas lumalalang karamdaman ng Ina.  But even then she was not afraid. She didn’t think to leave it because that was her promise to her  mother and to herself. They would face everything together because she knew that her  Mother was having a hard time. She had to be brave because her Mother was still there waiting and hoping to take care of her.

"Paalisin mo sila!" Galit na sigaw nito kasabay ng pagtama ngalakas na sampal nito sa kanyang pisngi.

"Hindi ako makatulog! Pahintuin mo sila!" Mariin siya nitong kinurot. Napanganga na lamang siya dahil sa sakit at hindi magawang umiyak dahil alam niyang 'pag ginawa niya iyon ay tutulo rin ang luha ng ina. Hindi niya gustong may pumapatak na kahit butil na luha sa mga iyon dahil ang mga matang iyon na lamang ang dahilan kung bakit siya bumabangon. Sa tuwing titingin siya roon ay naaalala niyang mahal siya nito kahit na mayroong milyong boses na naririnig sa loob ng utak nito.

That weighty eyes is her source of strenght. Her comfort zone and her treasure. She'll never be get tired to look on her Mother's precious eyes.

Bawat pagtama ng kamay ng Ina sa kanya ay damang-dama niya. Mabigat ito at punung-puno ng galit. Halatang  nahihirapan at rinding rindi na ito sa naririnig. Ipinikit niya ang mga mata ng maramdaman ang hapdi ng makalmot siya ng Ina sa mukha.

Hindi ako mag sasawa sayo,Mama.

Muli lamang siyang nagmulat ng wala ng maramdamang pag hampas sa kanya. Naabutan ang Ina na naglalakad palayo sa kanya habang naka-pamaywang.

Sinubukan niyang tumayo pero nabigo siya ng maramdaman ang pananakit ng binti. Doon niya nakita ang ilang parte nito na nag sisimula ng mamula. Mga pasa na ang ang susunod rito. Hinaplos niya iyon at pilit na ngumiti.

Ayos lang. Ayos lang, gagaling rin naman 'to.

Palagi niyang sinasabi sa sarili sa tuwing may matatamo siyang marka na Ina niya mismo ang may gawa. Marka lamang iyon at hindi parin mawawala ang respeto at pag mamahal sa Ina.

Sa ginawang 'yon ay naalala niya ang nangyari kanina. Pinilit niyang alalahanin dahil kailangan. Kailangan niyang pansinin kahit ang maliit na pagbabago sa Mama niya.

Mga boses...na naging sanhi upang maistorbo siya sa kanyang pagtulog.

Huminga siya ng malalim at buong lakad na tumayo. Humawak siya sa bombahan at pinagpagan ang sarili.

Her mom..

Hindi ko alam kung paano sila pahihintuin. Pero ipapangako ko sayo na sa bawat pag dating at pag atake nila, nandito lang ako at handang tanggapin ang magiging resulta sa kagagawan nila.

You are reading the story above: TeenFic.Net