CHAPTER 16

Background color
Font
Font size
Line height


THAEROU

The portal closed as Luthor's soul passed through it. He will be vanished forever and no one will remember his existence, even his name.

Ibinaba na ni Saffron ang kanyang baston at humarap sa 'min. Agad ko silang tinalikuran at naunang maglakad nang 'di ko man lang sila nilingon. This is the reason why I don't want to help. Mortals are careless. Hinahayaan nilang maghari ang kanilang emosyon kahit ikakapahamak pa nila ito.

"Thaerou, ayos ka lang?" tanong ni Merrin sa 'kin.

"No." matipid kong sagot sa kanya.

I feel betrayed and regrets started filling my thoughts. I shouldn't get attached. I shouldn't have care. That was a stupid move.

"Relax, bro. Makakamove-on ka rin." ani ni Saffron na nakasabay ko na pala sa paglalakad.

Ngumisi lang ito habang nakatingin sa malayo. This freakin' guardian.

"We're immortals, you know. We're heartless. We let mortals slip into our hands. We know their futures, their fortune and misfortunes but we-" naputol ang sinabi ni Saffron nang itaas ko ang kamay ko.

Bumuntong-hininga sya at agad namang lumayo sa 'kin. Kahit kailan talaga masyadong madaldal ang isang 'to.

Umalis ako sa Odrego para mahanap ang kapayapaan. Pero tingin ko'y hindi nga namin matatakasan kung ano at kung sino talaga kami.

Naghari sa buong kaharian ang kasakiman dahil sa pamununo ng aking ama. I am an Evil Dreamer. I am supposed to be heartless just like my father who is full of pride and selfishness to conquer the world. But I don't want to be like him. Kung pwede lang baguhin ang lahat, matagal ko nang ginawa.

"Thaerou,"

Narinig ko na may tumawag sa 'kin. Pagkalingon ko, si Merrin pala. Bakit hindi pa to binalik ni Morpheus sa katawan nito?

"Babalik din ako sa katawan ko. May itatanong lang ako sa 'yo." sabi nya na animo'y nabasa nya ang laman ng isip ko.

"Wow! You're fast. You can now read my mind." may halong pagkamangha na wika ko.

"Not that really. Siguro dahil lang naka-astral body ako kaya naririnig ko kung ano ang nasa laman ng isip nyo." matipid syang ngumiti at yumuko. She's too good to be true.

"Ano itatanong mo?"

Nakatingin lang ako sa malayo habang nasa tabi ko lang sya na nakalutang.

"Bakit mo tinulungan si Luthor?" tanong nya, dahilan na natigilan ako.

"May konsensya pa naman ako kahit ganito ako." sagot ko naman sa kanya.

May konsensya pa ako pero hindi ko inasahan na ang konsensyang bumabagabag sa 'kin ay syang dahilan ng aking pagsisisi. Maybe, I should stop meddling with mortals' businesses now.

"Akala ko napakasama mo kasi alam mo na...nang dahil d'on sa ginawa mo sa 'kin tapos nalaman kong scripted pala ang lahat ng 'yon. Nagtanim pa ako ng sama ng loob sa 'yo." ani nya.

Bahagya akong napangiti sa sinabi nya. Alam kong masyado talagang brutal ang ideya namin ni Morpheus pero wala kaming naisip na ibang paraan kundi 'yon lang.

"I don't want to be like him." walang ka-emo-emosyong sabi ko.

"Who?" she asked.

"My father." I answered.

"Eh? Talaga? Ano ba ginawa sa 'yo?" tanong nya ulit.

"You know what? You're too curious. Makikilala mo rin sya at hindi sya ang typical na ama na gugustuhin mo. He's an enemy." pagpapaliwanag ko sa kanya.

I know all along that this is all my father's plan. Gusto nyang i-distract si Merrin at mahulog ito sa bitag na ginawa nya. Hindi na 'to bago sa 'kin. Lumaki ako na nasaksihan ko ang lahat ng kasakiman na ginagawa nya.

"What? Enemy? Alam mo na kung sino ang kalaban at 'yon ang ama mo?" tanong ulit ni Merrin.

Napakibit-balikat na lang ako sa sinabi nya.

"Sort of." sagot ko naman sa kanya.

"What the-" naputol ang sinabi nya nang nagsalita si Morpheus.

"Merrin, it's time to go back."

---

-
"

Darating ang panahon, ikaw ang susunod sa yapak ko, Thaerou." wika ng aking ama habang pinagmasdan ang buong kaharian ng Odrego dito sa itaas na bahagi ng palasyo.

Makulimlim at maraming mga mababangis na ibon ang nagkakalat sa kalangitan. Habang ako, nakatayo lang sa likod ng aking ama. Bata pa lang ako ay hinangaan ko na sya sa kanyang katapangan.

Lumiwanag ang aking mukha sa kanyang sinabi. Sino ba namang hindi masisiyahan sa magandang balita na aking narinig? Ako lang ang nag-iisang anak na susunod sa yapak ng aking ama kaya marapat lang na ako talaga ang tatanghaling bagong hari sa darating na panahon.

"Ikalulugod ko po iyang tatanggapin, ama. Kung sakaling darating ang panahon na 'yon." ani ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin at tinignan ako na parang sinusukat nya ang aking kakayahan. Bahagya syang ngumiti at dahan-dahang lumapit sa akin. Yumuko ako upang itago ang aking mukha.

"Simula ngayon, magsanay ka na..." tanong nya sa 'kin nang mapansin ang aking kinilos.

Itinaas ko ang tingin ko at humarap sa kanya. Ang aking ama ang nakakatakot na nilalang kapag ito ang iyong makakalaban. Paano ko nalaman? Nakikita ko kung paano nya parusahan ang mga kawal na hindi sumusunod sa kanyang utos pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na parte lang iyon ng kanyang pagdidisiplina kaya nya iyon ginawa.

"Para saan po?" sagot ko sa kanya pero nagtaka ako nang bigla syang tumawa.

"Masyado ka pang inosente. Habang bata ka pa, ito ang tatandaan mo, Thaerou..." Bahagya syang yumuko at itinapat ang kanyang bibig sa aking kaliwang tenga. "Hindi mo ikakabuti ang pagpapakita ng kahinaan. Itaas mo ang iyong tingin at isipin na ikaw ang karapat-dapat na mamuno. Sa 'yo dapat yuyuko ang lahat na nilalang sa buong mundo. Na walang sinumang maaaring tumanggi sa lahat ng iyong utos. Na walang sinumang pwedeng pumalit sa 'yo. Duwag lang ang pagiging mahina..." bulong nya sa 'kin.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng aking ama. Pagkatapos n'on ay tumuwid sya ng tayo at tiningnan ako na animo'y nanunuya tsaka sya umalis. Iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata pero inalis ko iyon sa isip ko. Ayokong mag-isip ng kung ano ano laban sa aking ama.

"Nonong, lalabas lang po ako saglit." pagpapaalam ko sa matandang lalaki na nakatayo sa gilid ko.

Si Nonong ang nagsilbing tagabantay sa 'kin simula pa n'ong ako'y isilang. Namatay ang aking ina sa pagpanganak sa akin kaya sya na ang nag-alaga sa akin simula n'ong ako'y paslit pa lamang.

"Ngunit, munting prinsipe-"

"Ako na bahalang magpaliwanag sa aking ama, Nonong. Magpahinga po muna kayo at ako'y maglakad lakad lang sa paligid ng palasyo." putol ko sa kanyang sinabi.

"Masusunod po, munting prinsipe."

Yumuko ito saka umalis.

-

---

-

Madilim ang paligid ng palasyo kaya minabuti kong talasan pa ang aking paningin at pandinig. Malay natin, nasa paligid lang ang kalaban. Nadadaanan ko ang ibang mga kawal na kasalukuyang namamahinga sa mga sulok ng palasyo upang hindi mahuli ng aking ama pero nagtayuan agad sila nang makita ako.

"Ipagpaumahin nyo po, munting prinsipe."

Tuwid na tumindig sa aking harapan ang isang kawal na tingin ko'y nasa apat na pung taong gulang na, base sa pangangatawan nito.

"Ayos lang, tang. Naglibot-libot lang naman ako sa palasyo. Mas mabuti ring magpahinga kayo minsan. Nakakapagod din kaya tumayo buong magdamag." ani ko sa kanya.

Tila nagulat sya sa aking sinabi at maya maya lang din ay nagliwanag ang kanyang mukha.

"Napakabuti mong anak, munting prinsipe. Ako ay hindi makapaghintay na ikaw ang mamuno sa kaharian. Sigurado akong matapang ka rin tulad ng iyong ama." pagpupuri nito sa 'kin.

Ngumiti lang ako at napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya. Ngayon lang ako nakatanggap ng papuri na minsan ay hindi ko natanggap galing sa aking ama.

"Eh, Tatang naman. Di hamak na mas magaling at matapang talaga ang aking ama." nahihiya ko namang sagot sa kanya.

"Nakakataba ng puso na tinawag mo akong Tatang. Matagal na panahon na rin na walang tumawag sa akin ng ganyan..." natahimik sya pero bigla lang din itong ngumiti na humarap sa 'kin.

"Oh sya, munting prinsipe. Gusto mo ba makisalo? Naghanda ang aking mga kasamahan ng munting handa para sa kaarawan ng isa pa nating kawal sa palasyo." pag-aaya na wika nya at itinuro ang sulok ng palasyo na kanilang pinagdadarausan.

"Ikinagagalak ko pong makisalo sa inyo!" masigla kong sagot sa kanya.

Ngumiti naman sya at iginiya nya ako papunta sa sulok kung saan nakaupo ang kapwa nya kawal. Nakikita ko sa mga mukha nila ang saya sa kabila ng munting salo salo.

Pumalakpak sya at naagaw naman nito ang atensyon ng kanyang mga kasama. Nagulat ang mga ito nang makita ako sa kanilang harapan. Mabilis silang nagsitayuan at yumuko sa akin.

"Ipagpaumanhin nyo po, munting prinsipe. Kami ay babalik rin po sa pagbabantay mamaya-"

"Felipe, andito ang munting prinsipe upang makisalo para sa iyong kaarawan. Tumayo ka na dyan at tulungan mo akong maghanda para sa ating nag-iisang bisita." putol nya sa sinabi ng kawal at tsaka lumapit sa isang maliit na mesa upang maghanda.

"Totoo po ba ang sinabi ng punong kawal, munting prinsipe?" may halong pagkamangha na tanong nya sa 'kin.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanila.

Nakita ko sa kanilang mga mukha ang labis na pagkagalak. Nasa limang kawal ang andito sa sulok na ito ng palasyo upang magdiwang sa kaarawan ng kanilang kasama at hindi nila inasahan ang aking pagdating. Ngayon lang din ako nakikipaghalubilo sa mga kawal dito sa palasyo. Kaya siguro gan'on na lang ang kanilang reaksyon nang malaman nilang sasalo ako sa kanila.

"Ngunit wala akong maibigay na regalo sa 'yo, Ginoo." malungkot na wika ko.

"Sapat na ang iyong presensya, munting prinsipe."

Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay ngumiti sya sa akin at iginiya nila ako sa isang maliit na mesa na may nakalagay na mga tinapay, iba't ibang klase ng prutas at isang katas ng ubas. Nagsalin ang isa sa mga kawal sa isang putol na kawayan na ginawa nilang baso at iniabot sa akin. Agad ko naman itong ininom. Nakatitig lang sila sa akin, tila hinintay ang aking reaksyon.

"Hindi pa ako nakainom ng ganito ka presko na katas ng ubas! Ang sarap!" masigla kong wika sa kanila.

Natawa naman sila sa aking naging reaksyon.

"Ilang taon ka na nga?" tanong ni Tatang sa 'kin na nakangiti.

"Sampung taon po, tatang. Hehe" sagot ko naman.

"Napakabata mo pa nga. Pero 'wag kang papasobra sa pag-inom nyang katas ng ubas, nakakalasing 'yan!" wika nya.

"Talaga po? Edi maranasan ko na rin malasing kahit dahil sa katas lang ng ubas?"

Natawa naman sila sa aking sinabi. Isa iyon na pinakamagandang gabi na nangyari sa buong buhay ko. Ang makilala ang tagasunod ng aking ama na syang naghirap upang proteksyonan kami laban sa mga kalaban at nagkaroon ako ng panahon na makilala sila ng lubusan. Hindi lang bilang isang kawal, kundi bilang isang napakabuting ehemplo sa loob ng kaharian.

Pero nagbago ang lahat nang 'yon.

"AMA! WALA SILANG GINAWANG MASAMA SA 'KIN!"

Kakabalik lang namin sa palasyo ni Nonong nang mabalitaan kong ipinadakip ng aking ama sina Tatang at ang apat pa na kasamahan nito, mga kasama naming kawal noong may naganap na munting salo salo sa kaarawan ni Felipe.

"At kailan ka pa natutong makisama sa ating mga kawal, Thaerou?" malamig ngunit may halong maawtoridad na wika ng aking ama.

"Ama! Pakiusap! Wala silang ginawang masama sa 'kin! Pakawalan mo na sila! Parang awa mo na, amaaa!" halos pabulong kong pakiusap sa kanyan ngunit parang wala lang syang narinig at tuwid pa ring nakatindig lang sa aking harapan.

Ipinagapos ako ng aking ama sa isang kawal na inatasan nyang magbantay sa 'kin.

"Pakiusap pakawalan mo kooo!" pakiusap ko sa kawal na naggapos sa 'kin.

"Patawarin mo ko, munting prinsipe. Utos ito ng iyong ama at wala akong karapatang sumuway." mahinahon nyang sabi.

Pagkatapos nya akong gapusin ay agad syang umalis at lumayo sa akin.

"Hanggang kailan ka magtatanda, Thaerou? Masyado kang mahina." malamig na ani nya.

Ngunit, hindi ko inasahan ang susunod na nangyari. Nakita kong nakahandusay na ang duguang katawan ni Tatang at ni Felipe, pati katawan ng ibang mga kawal na kasama namin sa noong gabing iyon. H-HINDI...

"Buong buhay ko...hinangaan kita. Bilang isang matapang na ama, isang magiting na tagapamuno sa isang tulad nating Evil Dreamers. Pero pinatunayan mo sa 'kin...na hindi ka karapat-dapat purihin, na hindi ka karapat-dapat sundin. Kinasusuklaman kita..."

"Hindi ko hiniling na hangaan mo 'ko, Thaerou. Mapuno man ng galit ang puso mo ay wala akong pakialam. Kadugo lang kita...pero wala kang karapatan na baguhin ang desisyon ko. Maaari kang umalis sa kaharian. May nahanap na rin akong kapalit sa 'yo sa pamumuno nitong kaharian...at sabay naming ipapalaganap ang kasamaan. Masyado kang mahina. Ikinakahiya kita bilang anak ko!" malamig na tugon nya at wala man lang akong nakitang ni anong ekspresyon sa mukha nya.

Tila nanlamig ako at para akong sinampal sa aking narinig. Hindi ko inasahan na manggagaling sa bibig ng aking ama ang mga katagang kanyang binitiwan. Buong buhay ko...akala ko naniniwala sya sa kakayahan ko. Pero isa lang pala akong bagay na pwedeng itapon kapag wala na itong silbi sa kanya.

"Patay na ang isa sa pinakamakapangyarihang Dyosa sa kaharian ng Odrego. At dahil nanaig ang paghihiganti sa kanyang puso...darating ang takdang panahon na magkakaroon sya ng silbi sa kaharian na ito. At ikaw...mananatili ka sa kung ano ka ngayon." dagdag nya.

Nanlaki ang mata ko nang malaman kong may isang buhay na naman syang kinitil. Hanggang kailan ba matigil ang kanyang kasamaan para lang sa mga bagay na gusto nyang makamit? Hanggang kailan maghahari sa kanyang puso ang pagiging sakim? Hanggang kailan magiging payapa ang mundong ito?

"WALA AKONG PAKIALAM!..." Tila nagulat sya sa aking pagsigaw at lumingon sya sa akin ngunit nananatili pa rin sa kanyang tindig ang pagmamataas. "BABALIK DIN SA 'YO ANG GINAGAWA MO NGAYON, ACHUELYS! AT HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAGTAGUMPAY KA."

Mabigat ang hininga kong lumapit sa kanya at matalim na tumitig sa kanya. Nagngingitngit ako sa galit pero hindi ko ibig ang maghiganti. Bagkus, hahayaan kong ang sansinukob na ang bahalang bumalik sa lahat ng kasamaang ginawa nya at hindi ako makapaghintay na magmakaawa sya sa harap ko.

"Kung ngayon, nasa taas ka. Darating ang panahon...luluhod ka at magmamakaawa ka sa harap ko..."

"...ama."

May halong panunuya sa aking tono sa huling kataga kong binanggit.

Agad akong tumalikod. Walang pagdadalawang-isip na lisanin ang lugar, kung saan ako nagkaisip at nagkaroon ng buhay. Nanatili ako sa mundo ng mga mortal sa loob ng mahabang panahon at sinikap na magkaroon ng payapang buhay.

Pero hindi ko akalain na hindi lang ako ang nag-iisang nilalang ang namuhay sa mundo ng mga mortal. Nakilala ko si Saffron, isang tagabantay sa lagusan ng kamatayan.

At ang isang nilalang na maaaring magbabalik upang talunin ang kasamaan. At namuhay bilang isang bagong tao, sa pamamagitan ni Merrin.

Tama nga ang hinala ko. Walang sinuman ang makakapanaig ng kasamaan. Walang sinuman ang makakapaglaganap nito. Darating pa rin ang takdang panahon...na kabutihan ang mananaig sa buong mundo. Sinuman ang pipigil dito ay maaaring wala nang pagkakataong mabuhay pang muli o magtatamo ng kaparusahan doon sa mundong ilalim.

Ang lugar, kung saan puno ito ng sakit, hinagpis, gutom at kahirapan. Walang sisibol na dahon sa isang butil ng binhi at walang sinumang...makakarinig ng iyong daing.


You are reading the story above: TeenFic.Net