CTW 14

Background color
Font
Font size
Line height

Stay

Nagtutupi ako ng mga damit ko bago isalansan isa isa sa maleta. Tumawag sa akin kagabi si Mommy at tinanong ako kung gusto ko daw ba umuwi muna sa hacienda namin ngayon tutal naroon naman daw si kuya Saige.

I didn't think twice and agreed with my mom right away.

Wala din naman akong gagawin sa loob ng dalawang linggo kaya pumayag na ako. Hindi ko pa lang nasasabi kay Kino.

Nagpasya akong bumaba para kausapin sya ngunit ni anino nya hindi ko nakita. Tumingin ako sa oras, alas syete na. Ganitong oras nandito na dapat sya at nagkakape. Naisip kong baka nasa kwarto nya kaya umakyat muli ako.

Huminga ako ng malalim bago marahang kumatok sa pinto pero nakailang katok na ako hindi pa rin sya sumasagot. Baka umalis? Bumaba ang aking kamay sa seradura at pinihit iyon.

Gulat akong napamaang.

It wasn't lock!

Kinagat ko ang pang ibabang labi at sumilip ng kaunti. Bahagyang nakapasok ang ulo sa loob at ang katawan ay nasa labas. This is the first time na nakita ko itong loob ng kwarto nya. The large curtain were halfly open na nagsilbing liwanag ng kwarto. Magkahalong abo at itim ang tema ang loob.

"Kino." Tawag ko. Walang sumasagot.

"Kino." Tinawag ko ulit sya. Wala pa rin. Where is he?

Nagdesiyon akong ipasok na ang buong katawan sa loob.

I was welcomed by the manly smell of his room.  It smells like mint and his perfume and his i don't know if it is his aftershave smell. Lahat iyon ay naamoy ko.

Iginala ko ang paningin sa malaking kwarto. His room is too plain. Wala kang makikita kundi ang t.v  at sofa sa ibaba lang ng king size bed nya. Sa kanang bahagi ay may lamp sa ibabaw ng table at alarm clock. At the far left side ay pinto papuntang closet at daan na rin siguro sa banyo.

"Kino!" Tawag ko ulit. Lumakad ako hanggang sa may closet. Saan naman kaya nagpunta yun? Hindi ko makita kahit anino nya. Wala din ako naririnig na lagaslas ng tubig sa banyo kung naroon man sya.

Napairap ako sa kawalan. So mag isa lang pala ako dito? Hindi man lang nagpaalam kung saan sya pupunta. Ang aga aga pa ah?

Hindi muna ako lumalabas sa kwarto mamaya pa naman siguro uuwe kung saan man syang lapalop nagpunta.

Humiga ako sa malambot nyang kama. Damn, I think I'm addicted to his scent. Susulitin ko munang singhutin ang amoy nya. Dalawang linggo rin akong mawawala rito. Kinuha ko ang isang unan at niyakap ko iyon. I feel comfortable. Pumikit ako at mas nilanghap pa ang amoy ng unan. Ano kayang pabango nya?

This is much more comfortable than my room at our house and my room here. Sa sobrang komportable ng kama hindi ko namalayan na nakatulog na naman akong muli. Darkness consumed me as I dream of waking up beside him. Naalimpungatan lang ako ng lumundo ang paanang bahagi ng higaan. Agad akong napabangon sa gulat.

Kino is looking at me with his rugged yet amused face. Akala ko nananaginip lang ako kanina, literal talaga na I wake up beside him.

Nagpupunas sya ng kanyang basang buhok. He's not losing his stare at me while doing that. Bumaba ang tingin ko sa suot nya. I gulped. Naka bathrobe lang din sya kaya kitang kitang ang kaunting balahibo sa kanyang dibdib. Uminit ang buong mukha ko.

Hindi man sya nakahubad katulad noong una ko syang makita sa kusina pero mas uminit ata ngayon. He look sexy at the same hot wearing a bathrobe isama pa na wet look sya. Idagdag pa na narito kami sa kanyang kwarto!

Kinastigo ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko hindi tama na isipin ko iyon gayong nasa harapan ko lang sya ngayon. At hindi rin nakakatulong ang aircon ng kwartong ito para pawiin ang init sa aking pagmumukha.

Pumikit ako ng mariin at pasimpleng kinapa kung may panis na laway ba ako o ano. Baka kaya sya ganyang makatitig dahil may natuyo na pa akong laway.

"What are you doing here in my room?" There's a hint of huskiness in his voice. Hihiga lang sana ako dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong amuyin ang kama nya pero hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Damn.

"A-ano." I can't look at him directy in the eyes, sa may bandang leeg nya ako nakatingin. I am trying to freaking stop myself praising that bump on his throat because I felt that it is so wrong to praise it. Wow, ngayon mo lang yan naisip kahit kanina mo pa sya pinupuri.

Noong nagpaulan si Lord na kakisigan bakit naman kasi nya sinalo lahat? Napaka unfair naman! Nasa kanya na ata lahat. Matalino, mayaman, gwapo, mabango, magaling magluto at masar.... The heck Stefania! Are you a pervert now? I want to smack myself.

Pasimple kong ibinababa ang paa ko para sana tumayo na kaso hinuli nya ang binti ko at ipinirmi sa kama. My heart boomed when his soft and calous hands touches my bare legs. I blinked and move my eyes on him. He licked his lips as he stares at me. Ang mga mata nya'y namumungay na nakatunghay sa akin.

Tapos na syang magpunas ng buhok nya at nakalagay na sa balikat nya ang towel.

"Hmm." His thumb move in circular motion at the lower part of my knee. I felt something hollow on my stomach and my heart is pounding more and more. A small touch of him damage all my senses. I can't think straight.

I try to get away my legs from his touch but he hold me there firmly.

"Trying to escape?" My chest heaved saving myself for this overwhelming feeling.

"No!" Napataas ang boses ko. Ang puso ko ay malapit ng umalpas mula sa loob sa sobra sobrang kaba at ayaw kong mahalata nya iyon. Hindi pa ba ako halata sa lagay kong ito? Parang kulang na lang sya mismo ang magsabi sa akin na kulang na lang mahimatay ako rito sa sobrang kaba.

"Then? Answer me baby, what are you doing here in my room?" He asked again. Madiin at may pagpipigil. Confused because there's a hint of restrainment on him.

I calmed myself first before anwering him. "Uhh. I- uhh...." His adams apple is distracting me. Doon kasi ako nakatingin dahil hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya. Umalon iyon kaya mas lalo akong hindi nakapagsalita.

"Eyes up, Stefania." Sumimangot ako. Kung tumalikod kaya muna sya.

I sighed. "Aalis ako." There I said it. Pwede na kaya akong lumabas?

"Aalis? Uuwi ka na sa inyo?" Hindi ko alam kung saan amin ang tinutukoy nya kung sa province o dito sa Manila.

"Oo."

"Your parents are still abroad. You can't go home." Masungit nyang ani waring naiinis.

"I'm going to the province not in our house here." Mas lalong nagusot ang mukha nya. Problema nito?

"Kung inaalala mong mag iisa ako doon nagkakamali ka. Naroon si kuya at sina manang. Mommy suggested na kung gusto ko raw bang sa province muna kaya pumayag na rin ako." Mahaba kong paliwanag. He look away. Hindi mabasa ang iniisip nya pero gusot na gusot talaga ang mukha nya. Kahit nakaside view sya ay hindi nakatakas sa akin ang salubong nyang mga kilay.

Ibinalik nya ang tingin sa akin. This time he's trying to control his crumpled face.

"Hindi mo na gusto dito sa akin?" Malumanay nyang tanong. Say what? Of course I like it here pero hindi ko sasabihin. No way!

"What are you talking about?" Babalik naman ako dito.

He cursed under his breath. Medyo humigpit ang hawak nya sa hita ko, ang mga ugat sa braso nya ay naguumalpas.

"I want you here with me." Mahina ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon ngunit buong buong sa pandinig ko. Parang nagdiwang ang buong pagkatao ko sa simpleng mga salitang binitawan nya. Gusto kong ngumiti ng napakalawak but I suppressed it, mamaya na lang kapag hindi ko na sya kaharap.

Paano nga ba nagsimula na maging ganito ako? Because if I were to ask hindi ko rin alam. Basta nagising na lang ako na gusto ko na si Kino. Even if he's unserious most of the time at madalas akong maasar sa kanya nahulog pa rin ako. Kahit sinabi ko sa sarili na hindi ako magkakagusto sa isang lalaki nahulog pa rin ako. Sa loob ng maikling panahon, nahulog ako sa kanya.

This is very different from many women I liked from the past. There's a huge gap in it. My heart didn't beat like this until now, not until I met him. Masakit pero masaya. Natatakot ako kung saan man ako dalhin nito pero buong tapang kong haharapin.

Maybe, if this was short-lived I would still embrace it at magiging masaya pa rin ako dahil minsan sa buhay naranasan ko kung paano magkagusto sa lalaki. Hindi ko pagsisisihan.

I can hear birds chirping beautifully —  singing love songs dedicated to me.

"Babalik din naman ako dito. Two weeks lang ako doon." paliwanag ko.

"Two weeks is too long." Mabilis nyang sagot. He's like a baby right now. Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti.

"Mabilis lang yun, atsaka wala naman akong gagawin dito, mabo-bore lang ako dahil mag isa lang ako araw -araw."

"Then I'll let you come in my office everyday." Tss I won't do that. Naiisip ko pa lang yung secretary nya at mga babaeng napupunta roon naiinis na kaagad ako.

If I was like before baka pumayag pa ako. Ngayon sya na lang ang nakikita ng mga mata ko. I want to slap myself because I sound so cheesy.

"I will go home. Magkita na lang tayo in two weeks." I said with finality. Inalis ko na rin ang kamay nyang pumirmi sa binti ko. Aba masyado na syang napapasarap hindi porket gusto ko sya pwede na syang humawak hawak sa akin ng ganyan.

Bumaba ako sa kama nya at inayos ang t-shirt ko at jersey short na hanggang ibabaw ng tuhod.

Tangkang lalabas na ako sa kwarto pero nahigit ko ang hininga ng hinila nya ako palapit sa kanya at sumalampak sa kanyang kandungan. What the hell?!. Tinulak ko sya sa dalawang balikat nya para sana tumayo kaso mahigpit na nakayakap ang isang kamay nya sa aking bewang at ang isa ay nakayapos sa aking dalawang hita.

"A-ano ba?!" Inis kong sambit sa kanya. Pinipilit kong tumayo but still he won't budge a bit. I am cage in his arms. The feeling is too intense and crazy.

The fuck is he doing? First time kong kumandong at hindi ako komportable. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat at kinagat ng madiin ang labi.

Tutok na tutok sa akin ang kanyang mata samantalang ako, hiyang hiya sa posisyon naming dalawa. This position is awkward for me!

Parang sanay na sanay na may kinakandong sya sa higpit nyang kumapit.

Lumapit sya sa akin. Akala ko hahalikan nya ako pero sa leeg dumeretso ang kanyang mukha. He inhaled my scent tapos ay bubuga ng mainit na hininga. At ako? Halos magkulay hinog na hinog na kamatis ang aking mukha. Nakikiliti ako sa ginagawa nya. Damn him!

"What can I do to make you stay? Hmm." Fuck, fuck, fuck. All I can do is to curse loudly at my head. Hindi ko magawang sumagot dahil nakikiliti ako, pinapadaan nya ang ilong sa gilid ng leeg ko tapos ay hahalik roon. Ang kamay nya ay humahagod sa hita kong expose dahil tumaas ang short ko sa pag upo. Paulit ulit nya iyong ginagawa.

I moan. It was soft yet loud. Oh my God! Sa sobrang hiya mabilis akong napayakap sa kanya at ibinaon ang mukha sa balikat.

His laugh vibrated as my sudden movement. Hinampas ko ang likod nya. Nakakainis dahil hanggang sa ganito inaasar nya ako. Humanda talaga 'to sa'kin. Makakabawi din ako.

Ilang minuto na akong nakayakap sa kanya pero hindi pa rin ako makatunghay. Sa ganitong sitwasyon at sa kanyang ginawa wala na ata akong mukhang maihaharap pa dahil sa kahihiyan. At kasalanan 'to nitong taong 'to.

"Damn baby. I'm badly smitten. Please stay?"


You are reading the story above: TeenFic.Net