Part 5

Background color
Font
Font size
Line height



Louisse


Nalaman ko na lang na wala na si Bea sa ALE nong nag announce si coach sa amin.  Wala na rin sya sa dorm.

Hindi man lang sya nagpaalam sa akin.

Bakit sya tumigil sa volleyball?  Alam kong mahal na mahal nya ang volleyball!

Bakit?

Maraming bakit?

Napaiyak na lang ako.

Dahil ba sa akin?  Dahil ba sa halik na yon?

Bakit ka umalis?

Di na kita makikita!

Tulog na tulog na si ate Ella. 

Niyakap ko ng mahigpit ang bigay nyang winnie the poo sa akin.


********FLASHBACK***********

Louisse :  Love mo ako?

Bea :  Oo naman!

Louisse :  Say it!

Bea :  I love you, Jhoana Louisse Maraguinot!

Louisse :  I love you, Isabel Beatriz De Leon!

Bea :  Para tayong mga sira!  Parang pang jowa levels na!

Louisse :  Higit pa sa jowa levels!

Niyakap ko sya ng napakahigpit.  Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko pag kasama ko sya.  Kahit di kami nag uusap, basta nasa tabi ko lang sya.

Bea :  Hindi kita iiwan, baby.  Nasa tabi mo lang ako palagi.

Louisse : Totoo?  Promise?

Bea :  Promise!  Totoong totoo!

Hinalikan nya ako sa ilong, sa pisngi ko at sa noo ko.

******************END OF FLASHBACK********************


Louisse :  Sinungaling.  Bakit mo ako iniwan ngayon.  Di ka pa nagpaalam.

Iyak pa rin ako ng iyak. 

Bakit nya ako iniwan?


Ella :  Louisse? Gising na!  Malla late ka na sa training natin!  Maligo ka na!

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko at bumangon na.  Kinuha ko ang towel ko at pumasok na sa banyo.

Wala akong ganang nagbihis ng pan training.

Ella :  Mauna na ako, bumaba ka na, ha?

Louisse :  Opo, ate.

Kinuha ko na ang gym bag ko at bumaba na  rin.

Naglakad lang kami papunta sa BEG.  Maaga pa naman at gusto naming mag exercise na rin.  Paunang warm up.

Malungkot ang mga teammates ko dahil wala na si Bea sa team.  Pinilit kong magalit sa kanya para di ko sya ma miss.

Nag warm up na kami.  Si ate Ella na ang partner ko. 

Mas napagod ako kaagad dahil di ako nakapag breakfast. 

Jia :  Louisse!  Boyfriend mo!

Napalingon naman ako.

Marci :  Good morning, Louisse!  May dala akong foods.  Baka nagugutom ka.

Louisse :  Good morning.  Thank you, ha?

Marci :  Welcome!  Sige, alis na ako.  Hinatid ko lang yan, bye!

Louisse :  Bye.

Maddie :  Hanep ka Louisse!  May pumalit na pala kay Bei!  May taga hatid ka na ng breakfast!

Ngumiti lang ako.  Iba naman si Bea.  Sinusubuan pa ako non o di kaya habang kumakain ako ay minamasahe nya ang likod ko.

Ponggay :  May kapalit na pala!

Deanna :  Walang makakapalit sa dada ko.  Dahil nag iisa lang sya.  Walang makakapantay sa pagmamahal nya kay ate Louisse!

Napatingin ako kay Deanna.  Natahimik naman ang mga ka team namin.

Nag training pa kami.


Nakahiga na kaming lahat sa sahig dahil sa kapaguran ng training namin.  Humihingal kami lahat.  Whew!

Tumabi sa akin si Jia.

Jia :  Kumusta ka, Louisse?

Napatingin ako kay Jia.

Louisse :  O-okey naman.

Jia :  As in okey?

Louisse :  O-oo.

Jia : Huh!  Di ako naniniwala!

Louisse :  Bakit naman?

Jia :  Kami nga na teammates lang ni Bea, lungkot na lungkot sa pag alis nya sa team, ikaw pa kaya na besfriend ka nya,  kuno!

Louisse :  Choice nya yon!

Jia :  Ayon!  Nagtatampo naman pala!

Louisse :  Hindi nga nya ako sinabihan sa plano nyang pag alis!  Di sya nagpaalam sa akin?

Jia :  May mabigat naman siguro syang dahilan kung bakit nya ginawa yon.

Louisse :  Bakit di nya sabihin sa akin!  Naturingan na bestfriend nya ako tapos ano?  Wala syang sinasabi!

Jia :  Hay naku, Louisse!  Pagdating kay Bea, napaka slow mo!  Sarap mo batukan alam mo yon?

Louisse :  Anong slow ba pinagsasabi mo, Ju?

Napairap naman si Jia.

Jia :  Wala ka ba talagang nahahalata o napapansin kay Bea?

Louisse :  Na ano?

Jia :  It is very obvious, Louisse!

Louisse :  Na ano nga?

Jia :  My GOD, Louisse!

Louisse :  Alam mo?  Sabihin mo na kaya?

Jia :  Si Bea ang dapat magsabi nyan sa yo.

Louisse :  Ano nga?

Jia :  Bea loves you.

Louisse :  Alam ko!  Bestfriend nga kami.

Jia :  Mahal na mahal ka nya, Louisse.

Tumayo na si Jia at iniwan akong nakatulala. 

Oo naman, mahal naman namin ang isa't isa.  Super close kaya kami.

Nag shower na rin ako at pumasok na sa class ko.

I miss Bea na talaga.  Three days ko na syang di nakikita.

Naglakad na ako pauwi sa Eliazo.  Naalala ko na naman sya.  Hatid sundo nya ako basta wala syang pasok.  Hinatid nya ako palagi tapos  babalik na sya sa class nya.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko.

Ano ba yong sinasabi ni Jia kanina?

Mahal naman talaga ako ni Bea.

Ewan ko lang ngayon kung mahal pa nya ako.  Iniwan nya ako, e.

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at umiyak na. 

Bakit ganito?  Bakit hinahanap hanap ko sya. 

Nasanay lang siguro ako na araw araw kami magkasama simula nong first year college kami.  Di naghihiwalay.  Kapit tuko.  Inseparable. 

Di man lang sya tumawag o mag text man lang. 

Dami ko ng text sa kanya pero di sya nag reply.  Tinawagan ko na rin.  Pero, palaging out of coverage area.  Pinatay nya yata ang phone nya.  Ayaw talaga makipag usap.

Jia :  Louisse?

Pinahid ko muna ang luha ko tsaka inalis ang unan na nakapatong sa mukha ko.

Louisse :  Yes, Ju.

Umupo sa kama ko si Jia.  Bumangon na ako at sumandal sa heabboard.

Jia :  Alam mo na ba kung bakit umalis sa team at sa dorm si Bea?

Umiling lang ako.

Jia :  Napakasakit kasi sa kanya.  Araw araw, 24/7 syang nasasaktan, Louisse.  Lalo na pag nakikita kayong magkasama  ni Marci.  At lalo na ngayon na boyfriend mo na si Marci.

Louisse :  Kahit may boyfriend na ako, sya pa rin naman ang bestfriend ko.  Wala namang magbabago sa aming dalawa.  Siguro, mababawasan ang oras ko sa kanya pero she is still my bestfriend!

Jia :  Napaka slow mo talaga, Jhoana Louisse Maraguinot!  Di mo pa rin alam?

Louisse :  Ano ba ang hindi ko alam?

Jia :  Na mahal ka ni Bea not as a friend! Okey?

Nakatitig lang ako kay Jia.  Di mag sink in ang mga sinasabi nya.

Si Bea?

Mahal ako ni Bea,  not as a friend?

Jia :  Grabe ka!  Nahahalata na naming lahat!  Pero ikaw, waley!  Kaya sya lumayo sa yo para di na sya masaktan pa ng labis labis!  Alam ko na nasasaktan pa rin sya ngayon.  Pero, naniniwala sya na lilipas din ito.  Na makakalimutan ka rin nya.  In time.  Kung kelan yon, Diyos lang ang may alam.

Lumabas na si Jia sa kwarto ko. Nakatulala pa rin ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. 

Si Bea?  May gusto sa akin?

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw ng sumigaw.

Parang ang bigat bigat ng dibdib ko.



You are reading the story above: TeenFic.Net