Louisse
Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko. Paggising ko ay bad mood na ako agad.
Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis.
Dali dali akong kumain ng breakfast sa baba. Nauna na silang lahat sa BEG.
Mabuti na lang at nahuli din si Jia. : Sa kanya na ako naki hitch.
Jia : Aga aga, nakabusangot ka na!
Louisse : Sama lang ng gising ko.
Jia : Hmn. Palagi ka namang wala sa mood. Mainit ang ulo, tahimik, masungit pag kinakausap. Ayaw mo na yatang kausapin ka.
Louisse : Jia, wag ngayon.
Jia : Okey.
Pumasok na kami ni Jia sa BEG. Nagwa warm up na. Humabol na lang kami ni Jia.
Pinatakbo kami paikot ikot sa gym.
Coach Parley : Same group, ha? Sparring kayo!
Bawat serve ko ay si Bea ang pinupunterya ko. Pag bina block nya ako ay sa mukha ko nya pinapalo ang bola.
Namumula na sya.
Ly : Louisse, careful sa mga palo at serve mo! Namumula na si Bea! Di ka man lang nagso sorry. Mag sorry ka mamaya.
Louisse : Opo, ate Ly.
Di naman ito nagre reklamo. Tanggap lang ng tanggap.
Nakakainis. Gusto ko ipakita nya na galit sya sa akin.
Leche!
Nakaupo sya sa bleachers. Nagco cool down. Nilapitan ko sya.
Nakatayo ako sa harapan nya. Naramdaman nya siguro na may tao sa harap nya. Tumingala na sya.
Bea : Bakit?
Louisse : Sorry. Palagi kitang natatamaan ng bola.
Bea : Okey lang.
Louisse : Hindi okey yon. Nasaktan kita.
Bea : Sanay na ako. Sanay na ako na sinasaktan mo.
Pagkasabi non ay tumayo na sya at naglakad papunta sa shower.
Natulala ako sa sinabi nya.
Sanay na sya na sinasaktan ko?
Napalingon ako sa lumalayong si Bea.
Napakalayo na namin sa isa't isa.
Napakabigat ng nararamdaman ko sa nangyari sa amin.
We were very close, once. Now, we are strangers.
Bakit kami dumating sa puntong ito? Ano ba nangyari sa amin?
Di na ako nag shower. Dumiretso na ako sa dorm. Doon na lang ako naligo. Wala naman akong pasok ngayong umaga.
Pagkatapos maligo ay humiga na ako.
Si Bea pa rin ang iniisip ko.
Bea
Bawat palo at serve nya ay tinatanggap ko lang, kahit masakit na ang katawan ko.
Napakalakas ng mga palo nya.
Di na ako nag reklamo.
Sanay na naman ako sa kanya. Palaging nanakit. Oo, noon, hindi nya sinasadyang masaktan ako.
Pero ngayon, sinadya na nya.
Hindi ko pa rin sya magawang saktan pabalik.
Ganon ko ba talaga sya kamahal?
Dinala ko na ang gym bag ko palabas ng shower room.
Maddie : Bei!
Napalingon naman ako.
Bea : O, Madz! May pasok ka?
Maddie : Wala. Mamayang after lunch pa. Lika! Libre kita ng breakfast!
Bea : O-okey.
Sa mcdonalds kami nagpunta. May pasok ako mamayang 10 a.m.
Kumakain na kami.
Maddie : Tibay mo rin, ha? Na keri mo yong mga malalakas na palo ni Louisse kanina!
Napangiti lang ako.
Maddie : Naghihintay na lang kami kanina na umangal ka, e! Pero, wala!
Bea : Wala yon.
Maddie : Anong wala yon? Masakit yon, ha? Rinig na rinig ng dalawang taenga ko ang lakas ng tunog ng bola kada palo nya!
Bea : Hayaan na lang natin sya.
Napapailing na lang si Maddie.
Maddie : Bakit di kayo mag usap.
Bea : Ano naman pag uusapan namin?
Maddie : Tungkol sa inyong dalawa!
Bea : Ano naman pag uusapan namin tungkol sa aming dalawa?
Maddie : Nasabi mo na ba sa kanya noon na mahal mo sya?
Bea : Hindi. But, I kiss her. At sinampal nya ako. Sa sampal na yon, alam ko na ang sagot nya.
Maddie : Pagkatapos?
Bea : Pagkatapos non. Hindi na kami nagkausap. I stop playing volleyball at umalis na sa dorm. Di ko kayang makita sya na may mahal na syang iba. Di ko kaya makita na kasama nya si Marci at sweet sila sa isa't isa. Iniwasan ko sya at nasali pa kayo.
Maddie : Gets ko na. Louisse wants you to be her bestfriend pa rin. Pero, may feelings ka sa kanya kaya di na pwede dahil nasasaktan ka.
Bea : That's the consequence I had to accept nong halikan ko sya noon. Sila na ni Marci non. I can never be her friend anymore. Masakit dito. e.
Itinuro ko ang kaliwang dibdib ko.
Napapailing na lang si Maddie.
Maddie : So, iiwasan mo na lang sya palagi. Hirap non, ha? Pareho pa naman kayong ALE!
Bea : Ga graduate naman tayo.
Maddie : Matagal pa yon! Marami pang mangyayari. Lalo na sa inyo.
Bea : What do you mean?
Maddie : Hindi ko rin alam!
Kumain na lang kami.
Louisse
Jia : Nakatulala ka na naman dyan!
Louisse : Hello, Ju.
Umupo sya sa kama ko.
Jia : Ganyan ka na lang ba habambuhay?
Louisse : OA mo naman.
Jia : Tapatin mo nga ako, Jhoana Louisse! Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Bakit parati kang umiiyak? Bakit ka laging tulala? Bakit?
Napatingin lang ako kay Jia at napatungo. Naiiyak na naman ako, leche!
Jia : Wag kang iiyak!
Louisse : H-hindi ko a-alam.
Pinahid ko ang tumulong luha.
JIa : Tingin ko, alam na alam mo ang kasagutan dyan! Kausapin mo na kasi. Para matapos na yang paghihirap ng loob mo.
Louisse : Ano naman sasabihin ko?
Jia : Huh? Ako pa ba mag iisip kung anong sasabihin mo? Sabihin mo sa kanya kung anong nasa puso mo! Akala ko ba matalino ka!
You are reading the story above: TeenFic.Net