CHAPTER 12 - Mga Kalokohan

Background color
Font
Font size
Line height

Jaydee's POV

It's been a month simula nung acquaintance party and month ko narin nililigawan si Queen. Sabay kami umuuwi since same village lang naman kami and pinagpaalam ko narin siya sa parents niya na ako ang maghahatid sakanya pauwi pati rin sana papuntang school, kaso hindi pumayag baka daw mapagod ako at mawawalan daw ng trabaho ang driver nila.

Yung mga classmates ko naman ay ganon parin pero mukhang mas gumulo yung section namin at umingay. Madalas narin kami pagalitan ng ibang teacher dahil sa ingay namin lalo na ni miss mia. Mainit dugo niya sa amin dapat daw kami yung role model ng ibang section since first section kami, hindi daw yung kami pa ang pasimuno ng ingay sa hallway. E paano ba naman kung ano ano yung ginagawa namin na kalokohan buti nalang di namin napapabayaan yung grades namin hahaha kaya proud rin sa amin yung ibang teachers. Nung nakaraang honors convocation for first sem namin ay 10 yung with high honors namin which is sina Jamie, ate Dana, ate Sela, Frances, ate Abby, ate Ella, ate Alice, Mari, ate Jem, and Cole. Then the rest with honors na.

Nasa room naman kami ngayon at walang prof. Absent daw yung prof namin kaya ang gulo na naman namin as usual. May naka form na circle na upuan at lahat ng nakaupo doon ay naglalaro ng UNO isa na ako doon. Then yung president namin nasa teacher's desk at nagseselpown, sina ate Lara naman nakaupo sa may pinto para makita kung may parating na teacher and yung iba kung ano ano lang yung ginagawang ingay.

"UNO!" Biglang sigaw ni ate Jem. Di talaga namin to matalo talo oh.

"Nandaraya kana yata jemimah." Ate Brei said.

"Sakalin kita jan e, di niyo lang ako matalo talo dito." Natatawang sabi ni ate jem.

"Oh yung matatalo sisigaw mamayang lunch ng "NASAAN YUNG SABAW" ha." I said.

"Oh geym" Amy agreed.

"Ayy ayoko ng ganyang dare, nakakahiya yan." Ate Brei said.

"Oh bakit ate Brei takot ka bang matalo?" Hamon sakanya ni Amanda.

"Wag mo akong subukan Amanda ha." Ate Brei said.

"Game na oh, dami niyo pang ebas pag umpugin ko ulo niyo." Ate Ecka said. Yes guys kasama namin naglalaro ang vice president namin hahahaha.

"Taenamo ecka! Kung tinulungan mo kaya si ellami doon suwayin kami baka tatahimik pa itong room kaso pasimuno ka rin e." Ate Abby said.

"Keri na ni Ella yan." Natatawang sabi ni ate Ecka.

Nagtuloy tuloy naman yung laro namin at nagkumpulan na lahat dito dahil intense yung laro. Napipikon narin si ate Brei hahahahah.

"UNO!" Sigaw ko at tuwang tuwa dahil di ako ang gagawa ng dare.

"Ano bayan, pinagtutulungan niyo yata ako e." Nakabusangot na sabi ni ate Brei. Natawa naman kami.

Tuloy lang ang laro hanggang sina ate Brei at Amy nalang ang natira. Kasalukuyang isa nalang ang card ni amy ng biglang...

"UNO!" Sigaw ni ate Brei.

"Ohh naunahan si Amanda."

"Plus payb."

"Olats na yan."

Sabi ng iba.

"Anubayannn. Ayoko na nga." Amy said habang nakakunot ang noo.

"Oh kanina G na G ka sa dare. Walang atrasan uupakan kita, tamo." Ate Brei said habang nakaamba ng sundo kay Amy. Nagtawanan naman kami.

"WOOOOOAAAAAH" kami.

"YEHEEEYYY PANALO AKO." ate Brei said.

"HAHAHAHAHAHA SI JAGIYA GAGAWA NG DARE." Laney said.

"Sino ba kasi nagimbento ng larong to." Naka pout na sabi ni Amy.

"GAGO SI MISS MIA!" Biglang sigaw ni ate Lara.

Napatingin naman kaming lahat sakanya.

"Siraulo bat mo minumura si miss mia?" Ate Belle said.

"MGA BOBO. SI MISS MIA PAPUNTA NA DITO." Sigaw niya ulit.

Nagmamadali naman kami nag-ayos ng upuan at ng sarili namin. Laptrip hahahaha parang naging si flash kaming lahat kahit si Frances na tahimik dati ay nakikisali narin sa amin.

"Hey Jaydee help me with my chair." Frances said buhat buhat ang upuan niya. San ba naabot neto. Tinulungan ko naman siya at nilagay yung upuan niya sa tabi ng upuan ko.

"Layo naman ng naabot mo." Natatawang sabi ko.

"Doon lang kay ut ut we're playing monopoly e there's no extra chair sa tabi niya." Paliwanag naman niya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Miss Mia. Bigla naman kami natahimik lahat.

"Rinig na rinig ko ang ingay niyo sa faculty. Mga first section ba talaga kayo?" Galit na sabi ni Miss Mia.

Di naman kami umimik lahat.

"Sino prof niyo ngayon?" Tanong niya.

"Si sir A po." Sagot namin lahat.

Naging anghel naman lahat hahahah nakakatawa yung itsura namin. Sinermonan lang kami ng sinermonan ni Miss Mia hanggang sa nagring ang bell para sa lunch time.

"Oh tara na guys gagawin pa ni Amanda yung dare niya." Tuwang tuwa na sabi ni ate Brei at inakbayan pa si Amanda.

Sabay sabay naman kami lumabas ng room. Nangunguna naman sina ate Brei at excited sa kalokohan nila. Katabi ko naman si Frances at kasabay namin sina Coco, ate Gabb and ate Ella. Pagdating namin ay nakaready na yung table na para sa amin. Andoon rin sa cafeteria yung taga class 12-04 pero di nalang namin pinansin. Nagsiupo na yung iba at yung iba naman ay pumila para bumili ng foods. Pumila narin ako para bumili ng food namin ni Frances.

"HOY SINO BA NANUNULAK JAN?" Sigaw ni ate Brei na nasa harap.

"Si Daryll." Amy said.

"Hoy anong ako? Si Princess yun." Daryll said.

"May nagtulak lang rin saakin, si ate---" lumingon naman siya sa likod niya at paglingon niya ay si ate Lara pala na seryosong nakatingin sakanya.
"Ayy ako pala yung nanulak hehe." Kinakabahan sabi ni Princess. Nagtawanan naman kami.

"Wala ka pala e." Natatawang sabi ni daryll.

"Ahh talaga Daryll, Pakyu." Princess said. Napuno naman ng tawanan yung cafeteria dahil nakitawa rin yung mga nakarinig.

Bumalik na kami sa table after namin bumili ng pagkain. Napansin ko naman yung sweetness nina ate Lara at ate Brei pati narin sina Laney at Cole.

"Oy anong meron sainyo ate Lara at ate Brei ha?" Amy asked

"Did we missed something ba?" Frances asked.

"Nililigawan ko na si Aubrey. Bakit Amanda, inggit ka? Ligawan mo narin si Coco." Natatawang sab ni ate Lara.

"Wooooaaaah!" Kaming lahat.

"Di na torpe yung manok ko." Ate Ecka said at tinapik tapik pa ang likod ni ate lara.

"Ransoy, dito!" Biglang sigaw ni ate Sheki at nakataas pa ang kamay.

Lumapit naman sina ate Rans kasama sina ate Aly, ate Nile, ate Yzabelle, Miho, Klaire, Yssa, at ate Allysa sa amin.

"Dito na kayo girls salo salo na tayo." Ate Alice said.

"Wow Rans, cake ba yan? Pengeeee." Ate Sheki at akmang tatayo na para lumapit kay ate Rans ng pigilan siya ne'to.

"Ooopppsss! Diyan ka lang Sheki at manahimik ka. Konti lang to." Ate Rans said at sumubo ng cake.

"Damot mo naman, isang buo nga yan tas konti pa." Nakasimangot na sabi ni ate Sheki.

"Bigay ni Aly to, pake mo ba? Pabili ka kay Margarita." Ate Rans said.

"Bigyan mo na marami naman yan. Bigyan kita ulit next time." Ate Aly at tuwang tuwa naman na lumapit si ate Sheki kay ate Rans.

"Epal talaga to oh. Di na ako sasama sainyo next time. Binuburaot ako ni Sheki." Naka pout na sabi ni ate Rans.

"Binuraot ang buraot." I said.

"Omsim par." Amy said.

Nagtawanan naman kami dahil doon.

"Oh tawa tawa ka jan Amanda, gawin mo na yung dare. Akala mo makakatakas ka ha." Ate Brei said.

"Oo nga pala amy, gawin mo na." Laney said.

"Anong dare ba?" Takang tanong ni ate Rans.

"Basta Ransoy, tingnan mo nalang." Ate said.

"Coleen." Tawag ni Amy kay Coco at nagpout pa. Humahanap ng kakampi.

"Ay bahala ka Amanda, sabi kasi sayo laro nalang tayo ng monopoly." Umiirap na sabi ni Coco.

"Di mo na ako mahal." Amy said at kinusot kusot ang mata. Kunware umiiyak.

"Ay manahimik ka, gawin mo nalang. Dami mo kasing alam." Coco said.

"Pano kasi ako sasali sainyo e kayo lang ni Frances ang nagkakaintindihan. English kayo ng english." Nagdadabog na sabi ni Amy. Nagtawanan naman kami.

"Ay dami mong ebas, gawin mo nalang." Sabat ni ate Brei.

"Gege. Oh act normal kayo para maganda." Amy said. Gagawin rin pala dami pang sinasabi.

Nagsitahimik naman kami at kumain ulit. Since kami yung pinakamaingay kanina pa ay natahimik ang buong cafeteria nung tumahimik kami. Nagreready narin si Amanda.

"ANUBAYAN! NASAN YUNG SABAW!" Biglang sigaw niya at napatingin sakanya ang lahat ng tao sa cafteria including the staffs.

Nagpipigil naman kaming lahat ng tawa namin habang si Amy ay pulang pula na sa kahihiyan.

"Ayy Miss Isidto anong sabaw po ba?" Biglang may lumapit sa amin na staff.

Kilala si Amy dito dahil kung di niyo natatanong ay major stockholder ang daddy niya sa school na'to at sina Coco naman ang may ari. Pero lowkey lang silang dalawa kaya nakakatuwa.

"Ahh ano po kuya--- may umubos lang po ng sabaw ko hehe." Paliwanag ni Amy at naniwala naman yung staff at umalis na.

Doon na namin pinakawalan yung tawa na kanina pa namin pinipigilan.

"Mygoshness Amanda, nakakahiya ka." Coco said at tumatawa parin.

"Siraulo ka talagang bata ka." Natatawa rin sabi ni ate Sela.

"E ate Kashi naman dare nila yun." Nahihiyang sabi ni Amy.

Tawanan parin kami ng tawanan at si Amy ay nakasimangot parin.

"Ayoko na sainyong lahat. Pinagtutulungan niyo ako huhu." Kunwareng umiiyak na sabi niya. Natatawanan parin kami ng may biglang lumapit sa table namin.

"Ella, this is for you." Its Gia. May inabot na flowers and chocolates kay ate Ella.

"My Frances, for you rin." Eze said sabay abot rin ng flowers and chocolates kay Frances na nasa tabi ko.

"Para saan naman ang mga yan?" Nakataas na kilay na tanong ni ate Rans.

"I'm courting Ella that's why binibigyan ko siya ne'to." Gia said while nakasmile pa.

"Ako rin, I'm going to court Frances." Eze said.

"Pinayagan ka ba?" Nakataas kilay na tanong ni Gabb.

"I don't care basta manliligaw ako. Bakit kayo ba?" Nang-aasar na tanong ni Gia kay Gabb.

"Dimo sure." Naka smirk na sabi ni Gabb.

"What do you mean?" Nakakunot noong tanong ni Gia.

"Ahm Gia, me and Gabb are together na. I answered her month ago." Ate Ella said. Napatahimik naman kami at napatingin kay ate Ella and Gabb dahil hindi namin alam na sila na pala.

"Yes! Uniphant layag." Biglang sabi ni Daryll.

"Oh pano ba yan Gia, back off na." Nang aasar na sabi ni Princess.

Natauhan naman si Gia na kanina pa nakatulala kay ate Ella.

"D-di parin ako susuko, maghihiwalay rin kayo." Gia said sabay lapag ng dala niya sa table namin at umalis na pagkatapos.

"Aba! Siraulo yon ah." Akmang susundan ni Gabb si Gia ng pigilan siya ni ate Ella.

"Gabbi tama na, hayaan mo na." Ate Ella said. Wala naman nagawa si Gabb at umupo nalang ulit.

"Ahh my Frances I guess wala ka pa naman boyfriend or girlfriend so I'm still gonna court." Eze said. Nandito pa pal itong kupal na'to.

"Tbh eze I don't like you so wag mo na ituloy yung panliligaw mo." Frances said.

"Woooaaah!"

"Awit pre."

"Awts peyn."

"Awts pighati."

"Kirot."

"Lumbay."

Kanya kanyang reaction ng mga siraulo kong kaibigan hahahaha.

"You'll like me soon that's why manliligaw ako. So bye for now my Frances m, see u when I see u." Nakangiting sabi ni Eze at umalis narin.

Akmang tatayo na ako para sundan si Eze ng hawakan ni Frances yung kamay ko at inilingan ako senyales na hayaan ko nalang.

"Buti di nila kasama yung dalawang haliparot." Ate Sela said.

"Pasmado naman bibig mo mars." Ate Belle said and nagtawanan na kami ulit.

"Oh Ella akin nalang yung chocolates na'to ha, tutal kayo naman na ni Gabb bibigyan ka rin niyan." Ate rans said at kinuha yung chocolates na dala ni Gia kanina.

"Bebe Frances akin narin yan, pede?" Ate sheki asked Frances. Natawa naman si Frances.

"Sure po, I don't want that naman po if not galing kay Jaydee." She said.

"Mga buraot talaga to oh, di na nahiya." Ate belle said.

"Kesa naman kay amanda budol." Rebat ni ate sheki.

"Oh bat nadamay na naman ako?"

"Teka nga, so kayo na nga Gabb and Ella ?" Ate Lara ask.

"Oo, kakasabi lang diba?" Ate Gabb said.

"Kelan pa?" Ate Ecka asked.

"Last month, after acquaintance party yung hinatid ko si Akin sakanila." Gabb explained.

"And you didn't bothered to tell us?" Nagtataray na tanong ni ate Jem.

"E di naman kayo nagtanong." Gabb said.

"Dapat sinabi niyo parin." Ate Abby said.

"So sino pa ang tinatago rito? Umamin na kayo." Ate Alice asked.

"Si sheki, may tinatagong pagkain sa bag niya." Ate Rans said.

"Wow naman ransoy nahiya ako sayo." Ate Sheki said.

"Uhm kami po ni Cole, kami na po." Biglang sabi naman ni Laney.

"WHAT?"

"WHEN?"

"WHERE?"

"HOW?"

Kanya kanya naming tanong.

"Oh easy mga tito boys." Natatawang sabi ni cole.

"Nung after ng acquaintance party rin nung hinatid ako ni Coley sa bahay." Laney explained.

"Ang speed naman." Amy said.

"Marupok si Bebang e." Natatawang sabi ni cole.

"Ahh talaga ba Somera?" Nagtataray na tanong ni Laney.

"Joke lang baby." Cole said sabay yakap kay Laney side waist.

"IWW!" Sabay sabay na reaction namin. Natawa naman kaming lahat.

"Oh ikaw Jaydee, what's the score between you and Frances?" Dian asked.

"Owshi english yun ah." Natatawang sabi ni Amy.

"I'm still courting frances." Sabi ko sakanila.

"Kupad mo naman Dong." Asar ni daryll sakanya.

"Di naman ako magmamadali ah." I explained.

Nagtuloy tuloy naman ang asaran namin hanggang sa magbell na hudyat na tapos na ang kunch time. Bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom at naghintay hanggang dismissal.



































_______________________________________

Basta update to. Sorry for the wrong grammar and typos.

30 votes for next chapter.

Don't forget to VOTE thank you.

You are reading the story above: TeenFic.Net