CHAPTER 40

Background color
Font
Font size
Line height

SARINA'S POV




“Deron?”


Si Tita Denice nga.


Deron?


Deron ba ang pangalan ng lalaking nakabunggo ko?


“Oh my god! What happened, Sari?”


Dahil hindi ko pa rin inaaangat ang ulo ko ay hindi ko nakikita ang nangyayari. Basta naramdaman ko na lang ang paglapit ni Tita Denice sa akin para tulungan akong tumayo


“Are you okay?” bakas ang pag-aalala nito sa kaniyang tono. Kahit hindi niya naman ako kaanu-ano ay ganito na siya mag alala sa akin


“Okay lang po ako” sagot ko sa kaniya. Kahit nakatayo na ako ay nanatili pa rin akong nakayuko. Ayoko kasing Makita 'yung Mukha ng nakabangga ko. Para kasing nakakatakot na Ewan. Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon


“Nga pala Anak, I thought you're not coming” si Tita. Ibig sabihin ay anak niya rin itong lalaki


“Tsk”



Tila nakahinga ako ng marinig ko ang mga yapak nitong papalayo sa amin


“Hey, where are you going? Nasa garden ang Daddy at mga kapatid mo. You didn't even great me” Saad pa ni Tita na may pagtatampo. Wala namang naging tugon ang lalaki. Napaka-suplado naman. Hindi niya man lang binati ang Mama niya


Dahan dahan kong inangat ang aking tingin para makita siya. Paakyat na siya sa itaas at tanging likod niya na lang ang aking nakita. Nagsisi tuloy ako na hindi man lang tinignan ang mukha niya kanina


“Anong nangyari, Hija? Bakit nasa lapag ka?”

Nalipat ang tingin ko kay Tita ng magtanong siya. Nakaka alangan pa rin na tawagin siyang Tita. Hindi naman kasi kami magka-anu-ano at lalong hindi magka level. Mas maganda nga sqnag Madame na lang e. Pero siya kasi itong mapilit

“Ano po kasi...nagmamadali po kasi akong naglakad tapos hindi ko po napansin na parating po yung anak niyo, kaya nabangga ko po siya” paliwanag ko sa nangyari. Nagulat ako ng bigla itong sumeryoso


“Did he see your face?” Tanong niya. Bakit tila yata napakaseryoso niya. Ano bang mangyayari kung nakita ng lalaking 'yon ang aking mukha


“Uhm. Hindi ko po alam kung nakita niya po. Bakit po?” sagot ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung nakita niya ba ang mukha ko. Pero sa oalagay ko naman ay hindi dahil nakayuko lang ako 'diba?


“Nothing. Maybe he didn't. Kasi kung oo. He will not leave you here” Aniya. Hindi ko masiyadong naintindihan Yung huli niyang sinabi dahil halos pabulong niya na lang 'yon na binanggit


“Balik na tayo sa kanila” pag Aya nito. Tumango na lamang ako


Bago kami nagsimulang maglakad ay tumingin pa ito sa itaas. Halata sa kaniyang mga mata ang lungkot. Siguro ay hindi sila magkaayos nung anak niyang 'yon.



PASADO alas Dose na ng gabi ng matapos ang aming pagku-kwentuhan. Ngayon ay narito na ako sa loob ng kwarto na aking tutuluyan ngayong gabi.


Sobrang manghang mangha nga ako e. Halos kasing laki lang kasi nitong kwartong ito ang Bahay namin sa La Union

“Okay ka lang ba Dito, Sari?”


Napatingin ako Kay Miss Mac ng sumilip siya sa pintuan. Nakalimutan ko pala yon na isara. Tuluyan siyang pumasok at umupo sa aking tabi


Tumango ako sa kaniya“ Ayos lang po. Nakakahiya nga po e. Napakaganda nitong Silid. Nakakatakot baka madumihan ko” Saad ko. Mahina naman itong natawa


“Ano ka ba! Huwag mo nga isipin yung mga ganyang bagay. Sige na magpahinga ka na. Papahinga na rin ako”

“Sige po”


“Goodnight Sari”

“Goodnight din po”


Pagkalabas niya ay humiga na rin ako. Maaga pa kami bukas kaya kailangan ko ring maaga na gumising


MACARINE'S POV


Pagkaalis ko sa Room ni Sari ay dumiretso ako sa dating room ni Deron. Tita told me kasi na narito daw siya. Hindi man lang ako tinext na nakauwi na at pupunta siya rito

Hindi ko siya nakita sa loob ng kwarto ngunit natanaw  kong bukas ang sliding door patungo sa Veranda. Maybe he's there. Mabilis akong naglakad at tinungo ang Veranda, and there I saw him. Nakasandal sa railings habang umiinom ng alak. Lumapit ako sa kaniya at mabilis na inagaw ang bote na hawak niya. Seryoso niya naman akong tinignan

“Kelan ka dumating?” Tanong ko. Pumunta kasi siyang  Cebu for a business trip last week

“An hour ago” tipid nitong sagot. He looked away. He seems sad again


“I thought hindi ka na aattend sa birthday party ng Mom mo” Saad ko. Honestly, pagkatapos gawin yung Bahay na ipinatayo niya 3 years ago, ngayon na lang uli siya umuwi rito sa Bahay nila. And I'm happy dahil kahit na alam kong Galit siya sa family niya ay hindi niya parin natiis ang Mom niya. Kahit late ay nagawa pa rin nito um-attend sa party ng Mom niya


“I came her not for her. May importanteng bagay lang akong kinuha” aniya. Napabuntong-hininga na lamang ako. When will he forgive his family, kailan babalik Yung dating siya na malapit sa Family niya


Kahit na. You made her happy tonight dahil nagpakita ka ulit sa kaniya. ” wika ko. Wala naman itong naging tugon.

“Dito ka ba matutulog?” Tanong ko. Umiling naman siya


“I'll leave later” sagot niya. Tumingin siya sa itaas, kaya tumingin na rin ako. Napakaganda ng langit ngayong gabi, puno ng napakaraming nagkikislapang mga bituin


“I missed her. I missed her so much, Mac” kalaunay wika nito. Matutuwa na sana ako dahil ang Akala ko ay si Tita ang tinutukoy niya, ngunit hindi pala

“When will she come back. Why it taking her so long to come back” anito. I feel the pain and sadness in his voice.


“Hindi na Deron. Hindi ka na maghihintay ng matagal” I said. He looked at me with a confusing look

“What do you mean? Did you find her already?” tila nabuhayan ito ng loob. Umaliwalas rin ang kaniyang Mukha. The him that I really wanted to see. Tumango ako sa kaniya

Alam kong hindi tama itong gagawin ko, pero ito na lang ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan niya


“You'll meet her soon, Deron. Makakasama na ulit natin si Acacia” I assure him


“Tell me, where is she? I want to see her now” Tila nagkaroon ng excitement sa sistema nito.

“I can't tell you right now. Just wait okay? You trust me naman, right?” sunod-sunod naman siyang tumango. I now can see brightness on his eyes


“I can't wait to see her again, Mac. I can't wait”



SARINA'S POV


Maaga kaming umalis sa Mansion ng mga Escoffier kinabukasan. Tanging Kay Tita Denice lang kami nakapag-paalam dahil siya  palang ang gising sa kanila.

Dumiretso na kaagad kami sa shooting place ni Miss Mac. Tumawag din kasi sa kaniya ang Direktor at minamadali siyang pumunta sa Set nila para daw maka shoot sila ng maraming scene ngayong araw.

Tahimik lang ako dito sa isang tabi. Kapag wala naman kasing iuutos ay wala naman akong ginagawa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at kinontact ang numero sa Bahay. Pagkatapos ng ilang ring ay may sumagot na rin


( “Hello, Nay?” )


Nakagat ko ang aking ibabang labi ng marinig ang boses ng Anak kong si Darill. Sobrang miss ko na sila ni Dara


“Kamusta, anak. Hindi ba sumusumpong ang puso mo?” Tanong ko

( “Hindi po. Miss ka na namin ni Ading, Nay” ) sagot nito na mas lalo lang nakapag-palungkot sa akin.


Ang hirap ng hindi ka sanay na hindi mo nakikita ang mga Anak mo. Ang hirap ng malayo sa kanila.

“Huwag Kang mag-alala. Pag day-off ni Nanay, uuwi ako diyan. Wala ba diyan si Ading mo?”

( “Nasa labas po. Nakikipaglaro. Gusto niyo pong tawagin ko” )

“Hindi na anak. Tatawag na lang siguro ako ulit Mamaya pagkatapos ng trabaho ni, Nanay. Ibababa ko na ha. I love you”

( “I lovely you too, Nanay. Ingat diyan. Mwahh” )

Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa ginawa nitong paghalik. Pinatay ko na ang tawag at itinago sa aking bag ang cellphone

Naalala ko ang pamilya Escoffier at si Miss Mac. Kung totoo man na tutulungan nila ako sa pagpapa-opera ni Darill ay tatanawin ko 'yong malaking utang na loob. Siguro ay kahit anong hilingin nilang gawin sa akin ay gagawin ko, mabayaran lamang sila



_____

HALOS mag tatalong linggo na rin pala akong nagtatrabo Kay Miss Mac. Parang kahapon lang nung unang Araw ko, pero dahil sa bilis lumipas ng Araw ay malapit na akong mag-isang buwan

Walang shooting si Miss Mac ngayong araw, pero aalis kaming dalawa. Sabi niya ay ipapakila niya daw ako doon sa Doctor na sinasabi nila ni Tita Denice.

Mula makati ay bumyahe kami patungong Batangas. Doon daw kasi ang Hospital na pinaglipatan ng Doctor na iyon galing Paris. Nasabi niya rin sa akin na anak 'yon ni Tita Denice, isa sa triplets at kakambal niya 'yung attorney na kamuntik ng nakabangga sa akin dati

Walang traffic sa SLEX kaya mabilis ang aming naging byahe. Ng makarating ng Batangas City ay dumiretso kami agad sa St. Camillus de Lellis Hospital and Medical Center kung saan naka-destino si Doc. Dimitri Escoffier

Pagkarating ng Hospital ay si Miss Mac na ang kumausap Doon sa receptionist at nagtanong


“May sariling clinic daw dito si Doc. Escoffier, nasa taas. Hanapin na lang natin” Saad nito. Tumango lang naman ako sa kaniya saka sumunod

Inabot lang kami ng limang minuto sa paghahanap ng clinic ni Doc. Nagtanong na lang din kasi kami sa mga Nurses na nakasalubong namin


Napatingin ako sa Numero na nakapaskil sa itaas Ng pinto na pinaghintuan namin

“Mukhang ito na 'yung clinic niya” Ani Miss Mac saka kumatok

“Pasok” sigaw ng tao sa loob. Iyon na siguro si Doc

Binuksan naman ni Miss Mac ang pinto saka pumasok. Sumunod na lang din ako. Pagpasok ay tumambad sa akin ang lalaking abalang-abala sa pagsusulat sa isang papel. Saglit pa akong napatitig sa kaniya, dahil kahit nakayuko ay mahahalata mo ang kagwapuhan niyang taglay


“Good Morning Doc. Escoffier” bati ni Miss Mac. Nag-angat naman ito ng tingin. Agad na dumako ang mga mata nito sa akin at kitang kita ko ang gulat nitong naging reaksiyon. Ako naman ay napatulala sa kaniya. Magkamukha lang naman sila nung Attorney ngunit iba ang dating ng isang 'to sa akin.

Magkasunod akong napalunok ng tumayo siya at naglakad palapit sa amin. Huminto pa ito sa aking tapat

“Siya na ba yung sinasabi mo. She really looks like her” rinig kong saad niya. L*ntek! Pati boses niya napakakisig pakinggan. Pwede ko kayang siyang ligawan, tapos alukin na maging Tatay ng mga Anak ko.




“Yeah. Nga pala Sari, siya si Doc Escoffier. Sari?”

Naibalik ako mula sa aking pagpapantasya sa makisig na lalaki sa harapan ko ng Ikaw ay ni Miss Mac ang palad nito sa harapan Ng aking Mukha. Mabilis akong nakaramdam ng hiya dahil sa aking inasal.


Ano ba naman kasing kalandìan ang pinag-gagagawa mo Sari e. Nakakahiya ka tuloy huhu

Tumikhim ako saka ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Doc “Ikinagagalak ko po kayong makilala Doc”


“Me too, Miss Soriano” nakangiti niya namang sagot. Napanganga na lamang ako ng tila nag-slow motion ang pag-ngiti niya. Nagkaroon din ng iba't ibang makukulay na bagay ang nakapalibot sa kaniya

“Ikaw na muna ang bahala sa kaniya Dim. Huwag mo lang tatakutin ha. And ipaalala ko lang din na, she's not her, okay?”

“Yeah I know. Alam ko namang matagal ng Wala si Aca. I will talk to her private lang about her kid”


Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil talagang natulala na ako kay Doc


“Sa labas lang muna ako Sari. Puntahan mo na lang ako sa Van after,okay?”


Muli akong naibalik sa wisyo ng tapikin ako ni Miss Mac sa balikat. Nilingon ko naman siya saka tumango na lang kahit hindi ko narinig ang sinabi niya. Pagkatapos ay lumabas na siya

“Please have seat, Miss Soriano” itinuro ni Doc ang upuan sa tapat ng table niya. Umupo na siya sa upuan niya kanina kaya naman umupo na rin ako doon sa itinuro niyang upuan


“Macarine told me about your Son” panimula nito. Ako naman ay tumitig lang sa kaniya

“Sorry nga pala kanina, if I stared at you. Hindi lang Kasi ako makapaniwala na kamukhang kamukha mo 'yung isa sa importanteng tao sa akin” aniya. Umiling naman ako

“Ayos lang po Doc. Pwede niyo naman ho akong titigan kahit kailan niyo gusto” sagot ko sabay ngiti sa kaniya. Napangiti na naman ulit siya. Oh 'diba! Kaya ko siyang pangitiin hihi

“Anyway, magtatanong lang ako ng kaunti about your son's condition then, maybe next week pwede mo na siyang dalhin dito para ma-check ko na siya at para ma-iready na ang operation niya” aniya


“Sige po Doc” seryoso ko namang sagot. Itatago ko na muna ang pagpapantasya ko sa kaniya at kailangan ko ng mag-seryoso dahil kalusugan na ng aking anak ang aming pag-uusapan

Pagkatapos na ilang katanungan nito ay natapos na din kami. Gustuhin ko man na matagal sa clinic niya ay hindi naman pwede

“Maraming salamat po ulit, Doc Dim” Saad ko. Ngumiti naman siya. Nakakadala talaga ang mga ngiti ng lalaking 'to

“No prob. It's an honor to be part of your son's healing process” sagot niya naman

Nagpaalam na rin ako sa kaniya pagkatapos non dahil baka mainip pa si Miss Mac at baka iwanan ako. Nahiya pa nga ako dahil sinamahan niya pa ako palabas ng Hospital

“Ano daw, Sari? Kelan mo pwedeng dalagin ang anak mo dito?” Tanong kaagad ni Miss Mac ng makarating ako sa Van

“Sa sunod na linggo daw po” sagot ko naman

“Okay. Siguro pwede mo ng puntahan yung anak mo bukas para sunduin. Isama mo na rin si Dara” aniya. Tumango na lang ako


____

Kanina pa kami nakabalik dito sa Condo at ang mga ngiti ko ay paulit-ulit na lang bumabalik sa tuwing naaalala ko si Doc. Dimitri. Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa kaniya. Ibang iba kasi yung dating niya, tapos napakabait pa


Habang naghahanda ng hapunan ay nakangiti ako. Hindi na talaga maalis, kumakanta din ako at paminsay sumasayaw. Ako nga lang pala ang mag isa rito. May pinuntahan kasi sandali si Miss Mac

Biglang tumunog ang Doorbell. Nagmadali ko namang pinatay ang kalan para buksan ang pinto. Baka kasi iyon na yung inorder ni Miss Mac na pizza. Ibinilin niya kasi sakin na may dadating na pizza delivery

Hindi ko na hinubad ang suot kong apron. Nagpunas lang ako ng kamay saka kinuha ang Pera sa ibabaw ng lamesa bago ko tinungo ang pintuan. Nakangiti kong binuksan ang pinto na kaagad ding nawala Ng mak
ita ang taong nakatayo sa labas.

Ang kaninang lalaking iniisip-isip ko lang ay nakatayo na ngayon sa aking harapan na walang emosyon ngunit ng mapatingin sa aking Mukha ay napalitan ng gulat ang kaniyang reaksiyon. Napatulala ito sa akin. Mukhang hindi ito si Doc Dimitri dahil tila may kakaiba sa kaniya. Ibang iba ang awra niya. Kulot ang kaniyang buhok tapos kulay abo pa. Malayo sa kulay itim at diretsong buhok ni Doc

Bigla kong naalala yung Attorney na kakambal niya. Pero hindi e, Hindi kulot at walang kulay ang buhok nung Attorney gaya ni Doc Dimitri.

Eh sino itong nasa harapan ko na kamukha nila? Nagulat ako ng biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang Mukha, naging malungkot na tila may halong saya Lumamlam din ang kaniyang mga mata at kalaunay bigla na lamang may tumulong luha mula doon


“Acacia”

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong hapitin sa aking braso palapit sa kaniya at mabilis na ikinulong sa mga bisig niya.

“You're finally back”


You are reading the story above: TeenFic.Net