CHAPTER 30

Background color
Font
Font size
Line height

Dati, I don't get those pregnant women that were crying while watching their babies through ultrasound. But now, I understand them. I understand what they felt the moment they saw their unborn child through this machine. Dahil nararamdaman ko iyon ngayon


Ramdam ko ang mga luhang dumadaloy sa aking Mukha habang nakatingin sa monitor. I can see my baby's move and I can hear the heartbeat. Magdadalawang buwan pa lang yung tiyan ko pero pakiramdam ko nanay na nanay na ako. Ganito pala yung feeling kapag Nanay ka na. Mas masarap pa sa masarap. Excited na tuloy akong lumabas ang baby ko. I really want to meet him/her as soon as possible. Excited akong maging Mommy sa kaniya

“Do you want to know your baby's gender?”

Biglang tanong ni Dra. Brent sa akin. Lihim kong pinunasan ang mga luha ko bago tumingin sa kaniya at umiling

“Hindi na po Dra. Gusto ko pa kasi na surprise yung gender ng magiging baby ko paglabas niya” sagot ko saka hinaplos ang tiyan ko. Ngumiti naman ito sa akin at saka bahagya ring hinaplos ang aking tiyan

After ng ultrasound ay may ginawa pang ibang test sa akin si Dra. Brent. Sinigurado niya na malusog at healthy ang baby na nasa tiyan ko.


“I bought fruits nga pala kanina bago ako pumunta rito. Gusto ko sana 'yong ibigay sa iyo for you at sa baby mo” anito saka kinuha ang fruit basket na may lamang iba't ibang uri ng prutas sa ibaba ng table niya. Iniabot niya iyon sa akin


“Naku Doc, nag-abala pa po kayo. Pero salamat po” nakangiti kong tugon saka kinuha ang basket.

Honestly, medyo weird ang dating sa akin nitong si Doktora Brent. Ewan ko ha, pero kasi yung klase ng pag-aasikaso niya sa akin as her patient is very unusual. Hindi katulad ng dating Ob-gyne ko na very normal lang yung relationship namin as Doctor and patient, very professional. Pero itong si Dra. Brent she's acting like a mother more than a Doctor. The way she takes care of me, para akong anak niya.

“May kasama ka bang pumunta rito?” tanong nito. Mabilis naman akong umiling “Uhm, Wala po”

Wala naman kasi akong pwedeng isama dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Asi. Wala naman kasi akong kilala sa relatives namin bukod sa Mama niya na matagal ng nasa langit kaya wala akong ibang mapagtanungan. Hindi ko rin kilala yung Daddy niya. Honestly, marami pa akong hindi alam kay Asi. Ang bukod tanging alam ko lang talaga ay magpinsan kaming dalawa.

“How about the father?” muling tanong ni Dra. Brent kaya nabaling ulit sa kaniya ang atensiyon ko

“Wala po siya. Nasa La Union po e” sagot ko. Bukas pa ang libing ng Lolo nila Deron kaya baka next week pa sila babalik.

Tapos na rin ang exam namin at next week ay magiging abala na kami para sa pagpa-practice ng graduation namin. Excited na rin akong grumaduate.

“So, nag-commute ka lang papunta rito?” she asked again

“Opo”

“God! You shouldn't—uhm I mean, mahirap ang mag-commute lalo na't buntis ka” anito. Medyo nagulat pa ako sa naging reaksiyon niya tungkol sa pagko-commute ko.


“Wala naman po akong choice Dra. Wala rin naman po kasi akong sariling sasakyan” Saad ko

“Uuwi ka na ba pagkatapos mo rito. Pwede kitang ihatid sa bahay mo” presinta niya

“Naku hindi na po! Maaabala ko lang po kayo. Tawagan ko na lang po siguro yung isa sa mga Kuya ko para sunduin ako. Salamat na lang po Dra.” pag-tanggi ko

She heaved a sigh “Just go home safely, okay?”

“I will po. Salamat po ulit. Mauna na po ako” nakangiti kong sagot bago ako tumayo. Binitbit ko na rin ang fruit basket saka ako naglakad paalis


“Take care” Pahabol ni Dra. kaya muli ko siyang nilingon.


“Sige po. Salamat po pala dito sa prutas” I said. She smiled at me and wave her hand. Kumaway din ako sa kaniya bago ako tuluyang lumabas.

Paglabas ko ng clinic ni Dra. ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti. Ewan ko ba kung bakit ganito makitungo sa akin si Dra. Brent. Masiyado siyang maalalahanin at mabait. Napaka-swerte siguro ng mga anak niya sa kaniya. She's the kind of Mother that I wish I had

Medyo mabigat ang fruit basket na dala ko kaya mabagal lang akong naglalakad dito sa hallway ng hospital. Malapit na ako sa exit ng bigla na lang may humablot sa fruit basket na dala ko. Mabilis ko namang tinignan ang lapastangang taong 'yon,  at nagulat ako ng makita ko si Canther

“You should not carry heavy things like this” anito


“Ano bang pake mo?” pagtataray ko sa kaniya

“Pregnant woman should not carry heavy things like this. Baka makasama sa baby mo” aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang pakialam niya?


“Don't act like a concern cat, Mister Dog. Hindi ko need ng concern mo” diretsang saad ko sa kaniya. Mabait sana ang lalaking 'to e, ang kaso lang iba ang dating niya sa akin, parang negative vibes. Pero siguro dahil doon sa nangyari weeks ago kaya mas lalong nadagdag init ng dugo ko sa kaniya

Kumunot ng pagka-tindi tindi ang noo niya “What did you call me?” tanong nito na tila hindi makapaniwala. Pero infairness huh, ang gwapo ng pagkaka-kunot ng noo niya. Pero kahit gaano pa siya ka-gwapo, Wala pa rin siyang panama kay Deron-wait? No, I never mentioned that j*rk's name

Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa lalaking kaharap ko

“Mister Dog. Para ka kasing aso na naka-buntot palagi sa akin” Irap kong sagot sa kaniya. Para din siyang anesthesia na walang pakiramdam sa totoo lang. Hindi niya maramdaman na ayaw ko sa kaniya


“I just want to get close to you. Para kapag ikinasal tayo ay wala na tayong ilangan sa isa't isa” Saad nito. Ay wow! Feeling niya talaga magpapakasal ako sa kaniya? Aaminin ko na maganda ako, pero hindi naman siguro iyong ang dahilan kung bakit gusto niya pa rin akong pakasalan kahit na alam niya ng mag-kalaanak na ako. May iba ba siyang balak? Pero ano naman 'yon?


“Alam kong sobrang ganda ko kaya patay na patay ka sa akin, pero i-remind lang kita ha, hindi kita gusto at never kitang magugustuhan dahil may iba na akong gusto kaya please lang, tantanan mo na ako” asik ko sa kaniya saka ko hinablot ang fruit basket sa kamay niya.

“You're rude” komento niya. I raised my left brow “I really am” Irap na saad ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran. Hindi pa ako nakakalayo ng hawakan niya ako sa braso. Muli akong napahinto at iritadong tumingin sa kaniya


“Gusto ko ng umuwi at magpahinga, kaya kung pwede lang pakibitawan mo ang braso ko”


“Do you hate me that much? Bakit ganito ka makitungo sa akin? What did I wrong?” tanong nito. Bakit parang malungkot yung tono niya at bakit parang na-guilty ako bigla?


“Wala kang ginawa. Gusto ko lang na layuan mo ako” sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya


“Gusto ko lang naman mapalapit sa'yo. Masama ba 'yon?” aniya.

“Yes. Masama talaga. My girl wants you to stay away from her, at iyon ang dapat mong gawin” Ani ng isang boses na nagmula sa kung saan. That voice. Ang boses na ilang Araw kung hindi narinig. Mabilis kong inilibot ang paningin ko to find that person, and the moment my eyes landed on him, lihim akong napangiti


But wait, My girl?



Did he really call me his girl?

Dahan dahan siyang naglakad palapit sa kinaroroonan namin ni Canther ng nakapamulsa ang mga kamay. Ilang Araw ko lang siya na hindi nakita pero parang may nagbago na kaagad sa pangangatawan niya. Para siyang mas lalong gumwapo sa paningin ko. Yeah, I admit it, attracted pa rin ako sa kaniya. Kahit naman kasi anong pilit ko sa utak ko na kalimutan siya at huwag ng mag-paapekto sa atraksiyon niya ay nagiging useless dahil puso ko na mismo ang against sa kagustuhan ko.


Ng makalapit siya sa amin ay mabilis niya akong hinatak palapit sa kaniya kasunod ng pagpulupot ng isa niyang braso beywang ko.

And here I go again, my heart is beating wild and fast.


“You again” Rinig kong sambit ni Canther. Gustuhin ko mang tignan siya ay hindi ko magawa dahil tila naidikit na ang mga mata ko sa pesteng lalaki na 'to na nasa tabi ko. How dare this guy do this to my eyes?


“Isang linggo lang akong nawala, pumayag ka ng buntotan ng pangit na 'to, tsk!” saad nito habang nakatingin ng masama kay Canther. Bumaling ito ng tingin sa akin kaya naman bigla akong nataranta sa pag-iwas ng tingin sa kaniya. I don't want him see me staring at him like this dahil baka kung ano pa ang isipin niya. I don't want him think na I'm still into him.


“I'm sorry, mon amour. I came late. Hindi tuloy kita nasamahan sa check up niyo ng BABY natin. Dapat ay nadoon din ako kasama mo, curse that traffic for making me late tsk!” anito. He even emphasized the word BABY. And what did he call me again? Why he's always calling me monamu? And what is monamu? Endearment? Argh!


“Is that the kind of man you want to be with, not there when you need him?” biglang saad ni Canther kaya nakuha nito ang atensiyon ko at pati na rin ni Deron. Kumunot ang noo ko ng makita kong nakataas ang isang sulok ng kaniyang labi.


“Or can he really be called a Man? As far as I know, a real Man never leaves his woman's side. So, if YOU are her Man, then where have you been lately? Why did you let your woman go to school by herself? Sleep in her apartment ALONE. You shouldn't leave her side especially now that she's pregnant" anito habang nakatingin ng seryoso kay Deron. Saglit akong natigilan.


“Have you ever thought of what harm can happen to her being alone?” dugtong pa nito.


Why did he say those things? Is he concerned about me?


Pero wait nga, Bakit ba nagpapanay- English ako? Gosh!

“Just stay away from her, and she'll always be safe” ani Deron. Mas lalo rin ako nitong hinapit palapit sa kaniya. Why does he seem unbothered by what this dog said to him? Hindi man lang ba siya nakaramdam ng inis?


“Are you saying that I am the one who is harming her?” si Canther.


“Yes. Because harm is in your name, Canther HARMett Scott, right?” sagot ni Deron. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Canther. Mukhang nagsisimula na siyang mainis

“Anyway, My girl and I will go first. Pagod na ang mag-ina ko kaya kailangan na nilang magpahinga. See you in h*ll bye” muling saad ni Deron “Let's go, mon amour”

Ang kamay nitong nasa beywang ko ay lumipat sa isa kong kamay. He intertwined our fingers and hold my hand tight bago niya ako hinila palayo kay Canther, ngunit bago pa man kami tuluyang makalayo ay bigla kong naalala yung basket ng prutas na bigay sa akin ni Doktora Brent. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto na rin si Deron.


“Teka lang, yung mga prutas ko naiwan sa kaniya” Saad ko saka nilingon ang kinaroroonan ni Canther



“Stay here. Ako na ang kukuha” anito bago binitawan ang kamay ko at saka mabilis na naglakad pabalik sa kinatatayuan ni Canther. Ng makalapit siya kay Canther ay kaagad nitong hinablot ang basket. Mukhang may pinag-usapan pa ang mga ito dahil nakita kong bumuka ang mga bibig nilang pareho.


Biglang bumaling ang mga mata sa akin ni Canther at saglit pa kaming nagkatitigan bago ko naramdaman ang kamay ni Deron na humila sa akin palayo.


Ano ba kasi ang gusto ng lalaking 'yon sa akin? Imposible naman kasi na gusto niya talaga ako gayong hindi niya naman ako kilala. Ang weird lang.

Pagkarating namin ni Deron sa parking lot ay mabilis nitong binuksan ang pinto ng passenger seat. Walang imik na lang akong sumakay at bago ko pa man nito maisara ang pinto ay narinig ko pa itong bumulong na hindi ko masiyadong naintindihan


“I should have come earlier. F*ck that rascal” 

Binalewala ko na lamang iyon at hinintay siyang makasakay sa Driver's seat. Ng makapasok siya ay tumitig kaagad ito sa akin. Medyo na-conscious ako sa paraan ng pagkakatitig niya kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kaniya.

“Isang linggo mo na akong pinapatay sa selos dahil hinahayaan mong lapitan ka ng rascal na 'yon” biglang saad nito

“Ha?” I asked dahil hindi ko masiyadong naintindihan


“I maybe not on your side these past few days, but I have my eyes and ears here, Acacia. Why did you let that rascal near you, huh?” anito.

Teka nga, bakit ganiyan ang tono niya? Bakit para akong girlfriend na pinapagalitan niya?


“Hoy! Boyfriend ba kita, ha? At sinabi ko bang pabantayan mo ako sa kung sino man diyan. At ano naman kung nilapitan ako ni Canther? Pake mo ba!” Singhal ko sa kaniya.


“Tsk. Not your boyfriend yes, but I am your future husband, and you can't do anything about it. You have no other choice but to marry me someday” iritado nitong sagot saka binuhay ang makina ng sasakyan bago nagsimulang magmaneho.


Hanggang sa makarating sa apartment ko ay wala na itong naging imik. Napakagat labi na lang ako dahil pakiramdam ko ay ako yung mali. Siguro nga ay hindi na talaga ako masasanay sa ganitong pakikitungo ni Deron. Ikaw ba naman kasi na halos limang taon na nasanay sa masamang pag-uugali niya tapos bigla bigla na lang siyang magbabago gaya ng ganito, 'di ba?

“Kamusta nga pala yung libing ng Lolo mo?” pagbukas ko ng usapan ng makapasok kami sa apartment ko

“Okay lang. Malungkot, but we have to accept and move on” sagot nito. Ibinaba nito ang basket sa center table bago siya umupo sa sofa

“So, where is the other rascal? Why did he leave you here alone?” biglang tanong nito patukoy kay Asi. Naalala ko na naman tuloy si Asi na wala na nga yatang balak magparamdam

“He's not a rascal. Huwag mo nga siyang tawaging gano'n” iritadong asik ko sa kaniya

“Edi moron kung ayaw mo ng rascal” he said. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba iritado siya kay Asi? Ano bang ginawa ng pinsan ko sa kaniya?


“Huwag mo ngang binabastos si Asi sa harap ko. Kung gusto mong maging okay tayong dalawa” inis kong saad sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya saka tumayo at lumapit sa akin. He stared at me

“Fine. But I can't promise you na hindi ako magseselos sa kaniya. I know that he has a big part in your heart. Mas malaki pa sa akin, and it's f*cking killing me. Hindi mo lang alam Acacia, pero unti unti na akong nilalamon at pinapatay ng selos ko sa inyong dalawa. Kung pwede lang na itanan na kita para lang malayo sa mga epal na 'yan, ginawa ko na, but I won't do that. Ayokong gumawa na naman ng isang bagay na ikakadagdag ng galit mo sa akin. Ayoko ng magalit ka ulit sa akin, kaya magtitiis na lang ako.” mahabang linya nito habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. At malinaw na nakikita ng mga mata ko ang sakit mula sa mga mata niya.


You are reading the story above: TeenFic.Net