12

Background color
Font
Font size
Line height

LIAM POV

"Hi Liam!" Sigaw ng pinsan ko.

"Ano ba! Tumigil ka nga! Kung makayakap kala mo kung wala ng bukas eh" reklamo ko at nilagay ko ang pala ko sa noo niya bago itulak.

"Ouch ha! By the way this is Alexa, my friend" kangiti niyang sabi at nagpumilit nalang akong ngumiti at tumango.

"Ang gwapo mo ah" Sabi niya at pinulupot ang braso sa braso ko.

Kala ko si Danica lang ako mandidiri pero bakit mas lalo dito.

Ilang segundo ang nakalipas hinawi ko na ang braso ko dahil parang may iba na akong nararamdaman. "Okay na okay na"

Pumunta ako sa likod ni Lance at tinulak ito papunta doon sa mga kasama ng pinsan namin, nagaalanganin pa ito pero kumaway din.

Iniwan ko na sila doon dahil parang manyakis mga kaibigan ng pinsan ko, habang naglalakad kami ni Anthony hindi siya matigil sa  kakatawa kaya binatukan ko ito.

Bakit ko ba kasi 'to sinama.

"Tangina pre alam mo 'yung mukha mo kanina para kang bakla kung makalayo doon sa Alexa yata 'yun" natatawa padin niyang sabi pero ngumiwi nalang ako.

"Pwede ba tumigil ka nga! Mas gugustuhin pa yatang si Danica maggaganon sa braso kesa 'yun, feeling close eh ngayon ko lang naman nakilala"

"So ano tingin mo kay Danica flat 'yung hinaharap?" Sarcastic niyang tanong.

"Hindi naman kasi hindi ko nararamdaman! Pero dun sa babae 'yon, nakakadiri" nangisay pa ako dahil nakakadiri talaga.

"Pre be nice, babae padin 'yun" pagpapaalala niya pero sininghalan ko lang siya.

"Babae nga saka hindi naman ako ganito ka judgemental kung hindi ganun ginawa niya sakin, kung makalapit sakin kala mo naman kung kaibigan o kaclose ko 'yon"

"Bahala ka—teka si Lance! Bakit natin iniwan dun!"

Dun ko lang na realize na iniwan pala namin siya doon pero tatakbo na sana kami pero nakita naming palapit na sila dito at biglang tumunog ang kotse kaya nagmadali akong sumakay sa harap, katabi ng driver seat pero nakipagagawan pa sakin itong Anthony kaso hindi ko siya pinagbigyan.

"Hoy putek ka talaga! Diyan ako kanina pa!" Sigaw niya at pinaghahampas na ako sa braso.

Tumigil lang siya ng pumasok ang mga babae, apat silang magkakaibigan sama mo na 'yung impakta kong pinsan. Pagkapasok ni Lance pinaandar narin niya ang kotse niya.

Buti may space dun sa likod kaya doon ang dalawa, palihim akong kinukurot ni Anthony kaya tinignan ko ito, sinabi niyang bigay ko daw 'yung unan kaya binigay ko naman dahil para siyang maiihi sa hiya.

Nilagay niya ang unan sa pagitan nila nung isang babae na nakasalamin na hindi naman masyadong mahaba ang buhok niya. Sobrang ingay ng mga babae ito kaya nagulat nalang ako ng bigla ihinto ni Lance.

Naririnig kong tumatawa si Anthony kaya napapasabay narin ako, mabilis naman silang nagreklamo pero ngumisi lang si Lance. Ilang minuto ang nakalipas napatingin ako kay Anthony pero sa tabi ng pinto.

Nakita ko siyang nakatulog habang nakasandal sakanya ang babaeng nakasalamin, kinuha ko ang cellphone ko at palihim na kinuhanan ng picture at sinend sa gc. Naka mute yata gc namin sa messager niya kaya matatambakan din lang.

Dandios squad

Liamers: may sasabihin ako

Katey: bkit na naman?

Ethanol: what is it

Andrew: chismis bayan?

Jakey: Chismoso ka talaga Andrei

Andrew: Wala akong paki

Sinend ko ang picture ni Anthony na may babae, palihim nakanga kong tumawa at nakita ko si Lance na tinignan narin ang phone niya, nakita kong bumukas ang bibig niya at naba ko doon ay minura ako.

Sakit naman nun.

Liamers: Anthony niyo nambabae na

Andrew: sino yan?

Katey: Taray first time nambabae ah

Andrew: Ang Ganda ah, akin nalang

Jakey: dito nagchachat samantalang sa pm namin hindi

Andrew: wew sad boy na

Andrew: iyak kana ah @jakey

Jakey: pak u ka

Ethanol: lagot ka mamaya kapag nagising yan

Andrew: Hoy Liam ano pangalan?

Katey: talandi mo Andrei!

Andrew: paki mo

Katey: 🙂

Jakey: huwag mo ngang awayin bebe ko @andrew

Jakey: sakin ka nalang magmuryot hindi ako magrereklamo.

Andrew: hehe juk lng

Katey: bahala kayo tangina niyong dalawa

Jakey: eh bakit ako nadamay?

Jakey: pinagtatanggol kana nga eh.

Liamers: magaway pa kayo

Liamers: para matabunan yung picture

Nagaway nga ang dalawa kaso nonsense naman, hindi narin nagchat si Ethan dahil baka may ginagawa. Nang makadating kami sa bahay nila Lance pinauna muna namin sila pero itong Anthony inalalayan ang katabi niya.

"Gentleman yarn" pangaasar ko sakanya ng makalabas ako.

"Tangina ka! Bakit hindi mo ko ginising!" Sigaw niya.

"Diba Ikaw naglagay ng ulo niya sa balikat mo" singit ni Lance habang tinataas pinto sa likod ng sasakyan.

"Ay! Ay! Ay! Ikaw pala Dre ah!" Mapangasar kong biro.

"Tanga! Nilagay ko lang dahil masusubsob na siya!"

"Sige pagbigyan, pero ayos lang 'yan Dre dahil ngayon ka lang naman naging ganun sa babae liban kay Hannah"

"Tangina ka talaga!" Sabay batok.

Kanina pa 'to ah.

Pinasok namin ang mga gamit ng babaeng iniwan kami dito, apat lang naman maleta nila at may ibang bag. Pagkapasok namin tinulungan na kami ng mga maid.

Tangina ang dami pala.

"Hoy Leona tumulong ka nga!" Sigaw ni Lance at binato siya ng unan sa mukha.

Sapul! Pati sana 'yung babaeng dalawa.

"Ayoko nga!" Sigaw niya.

Tumayo ang isa nilang kaibigan at tinulungan kami ipunta mga gamit nila sa kwarto, 'yung nakasalamin padin ang kasama namin at knock out na kami.

"Sorry ah, kayo pa nagpunta dito"

"Hindi ayos lang" sabi ko kahit hinihingal na.

"Ang bibigat ng mga gamit niyo" reklamo naman ni Anthony.

"Hoy Anthony!" Sabay na sigaw namin ni Lance.

"Bakit? Nagsasabi lang naman saka hindi kaya sarcastic pagkakasabi ko, assuming lang kayo"

"Miss pasensya na ah"

"Ayos lang"

"Ano nga palang pangalan mo?" Singit ko sakanila.

"Uhm, Quinn Dhalia"

"Need mo ba ng king?" Tanong ko ulit.

"Ha?" Medyo nagulat pa ito, narinig kong tumawa si Lance at umiba ang mukha ni Anthony.

"Ito kasing kaibigan ko, kaylangan niya ng queen" bigla naman niya tinapik dibdib ko para mapaubo ako.

"Tangina mo talaga Liam! Miss pasensya na, matabas lang talaga dila nito" saka ako piningot sa tenga. "Manahimik kana nga" siniko pa ako.

"Oo na, nagbibiro lang naman eh" natatawa kong bulong.

Lumabas narin kami at bigla kaming tumawa ni Lance dahil mukha pang na busted si Anthony.

"Gago ka pre! Kaya wala kang nagiging jowa eh! Apakatorpe mo! Hindi ko na talaga iisipin na mabustef ka kay Hannah"

"Gago" bulong niya.

"May gsuto ka kay Hannah?" Tanong ni Lance.

Tumango naman si Anthony. "Pero hindi ganun kabaliw sakanya, nagagandahan lang ko at naaamaze sa talino niya"

"Ibig sabihin niya pasok si Hannah sa ideal girl ni Anthony, pero totoo naman lahat magaling si Hannah... Pati nga sa pagsapak ang galing niya"

"Ikaw?" Biglang tanong ni Anthony. "Nakikita kitang lagi mong kasama si Hannah, may kayo na?"

Biglang nawala ang ngiti ko ng biglang sabihin ni Anthony 'yon. Napatingin ako kay Lance at wala na siyang reaksyon ngayon.

"Meron, kaso hindi ko alam kung itutuloy ko panliligaw ko sakanya"

"Bakit naman?"

"Type mo eh, alangan naman agawin ko"

Para akong pusa dito na nakatingin kung sino ang magsasalita.

"Okay lang naman sakin, basta ayusin mo na ugali mo kapag ikaw pinili"

"Noted" pabulong na sabi ni Lance.

"Teka kaylan kapa nagkagusto dun sa kaibigan namin!" Singit ko sakanila at hinanap si Lance.

Nagkibit balikat siya. "Ewan pero kusa nalang"

"Ikaw?" Turo ko kay Anthony.

"Since first time naming nagkita pero hindi ko sineseryoso dati dahil baka nagagandahan lang ako, kaso habang tumatagal lumilinaw na"

"Sapakan ang para kung sino matumba siya ang manliligaw kay Hannah" panghahamon ko.

Napahinto silang dalawa at nagkaharapan, nilagay ko ang palad ko at nakipag-apir naman sila dito.

"Okay! Ready!" Sigaw ko at nagii-stretching na silang dalawa. "Fight!" Sigaw ko pero kala ko magsasakan sila pero bigla nilang ako ang sasapakin nila.

Buti nalang nakayuko ako, akmang kukunin ni Lance ang damit ko at tumakas na ako doon, tinawag nila ako pero huminto lang nila ako ng makalayo sakanila, hingal ko silang tinignan at naghigh five pa ang mga gago.

Ngayon ko lang masasabi na kahit Isang babae nagugustuhan nila hindi masisira pagkakaibigan namin.

Nice.

Pero ang hindi nice dahil tumatakbo na sila papunta saakin.

Nang mahabol nila ako akala ko naman kung sasaktan nila ako pero inakbayan lang pala ako.

"Mga siraulo kayo muntikan na ko dun!" Reklamo ko sakanila.

"Huwag mo nga kasi kaming hamunin ng ganun dahil baka Ikaw pa saktan namin"

"May pa payt payt kapang nalalaman" natatawang sabi ni Anthony pero ngumiwi nalang ako.

"Diba nga nagpromise tayo dati" pagpapaalala na ni Lance.

"Ano 'yon? Nakalimutan ko na" Sabi ko.

"Walang iwanan kahit may aso man—"

"Gago ka Lance! Ikaw nga naunang tumakbo nung may aso na nakatingin lang" pagpuputol ko sakanya.

"Kaya ayun dinumog tayo ng mga aso" dagdag ni Anthony.

"Pero laptrip talaga dun si Andrei! Ginamit ba naman 'yung bike na sira sa may poste!" Nagapir pa ng kamay ni Lance.

"Tanga kasalanan mo 'yon eh"

Hindi kami bumaba kundi pumunta kami sa  kwarto niya, nagchat si Anthony sa gc at buti nalang hindi nagbackread kundi maback to hospital ako kapag nangyari 'yon.

"Bakit anyari sainyo?" Bungad ni Katelyn ng makapasok dito sa kawarto kasama si Andrei at Ethan.

"Buti nalang nagising din itong Ethan nung pumunta kami sa bahay nila"

"I'm peacefully sleeping at my bed tapos bigla kang tumalon sa kama ko!" Sigaw ni Ethan.

"So nung nagchat ako tulog kapadin?" Tanong ko sakanya.

"Yes, why?"

"Wala"

"Hoy ano pahabol ulit?" Tanong ni Andrei.

"Diba kagabi lang natin ginawa 'yun?" Tanong ni Katelyn.

"Oo" sagot ni Jake na nagpipipindot sa cellphone niya.

"Buti walang nadapa sainyo"

"Tangina mo! Ikaw dahilan kung bakit tayo hinabol ng aso!" Sigaw ni Katelyn at pinaghahampas siya ng unan.

"Sama kaya natin 'yung tatlo, magbike tayo papunta sa village nila"

"Ganda ng naisip mo Liam, sa tingin mo papayagan tayo ng guard na pumasok dun ng gabi?"

"Oo" kaagad kong sagot.

"Paano mo nalaman na pwede tayong pumunta dun?"

"Open gate sila ngayon kasi may Halloween party daw sa park nila, sakto November 1 ngayon"

"Araw ng Ghosting pala ngayon, Hindi ko naisip 'yon ah"

"Wala ka naman talagang isip" pambabara ni Jake kay Andrei.

Imbis nakaseryoso ang mukha namin habang nagiisip ng plano kung papaano namin makita sila Rye pero natawa talaga kami sa sinabi ni Jake, sabay mo pa reaksyon niya.

"Ano sasama kayo? Kasi ako automatic na papayagan" proud kong sabi.

"Game!" Sigaw ni Jake.

"G" bored na sabi ni Anthony.

"Ako din" si Katelyn.

"Automatic nayan, Basta kasama si Katelyn"

"Me too" si Ethan.

"Okay lods!" Sigaw ni Andrei.

Napatingin kami kay Lance at napangiwi nalang.

"Seyempre sasama!"



:)


You are reading the story above: TeenFic.Net