Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height


Napatigil ako sa tabing daan dahil sa takot na madisgrasya dahil sa sobrang pag-iyak. Sobrang nakakapagod ang maging ako. Hindi manlang maging masaya.

Sumubsob ako sa manibela ko at humagulhol nang iyak. Paano ko tutulungan ang kaibigan ko sa problema niya, kung sarili kong problema ay hindi na natapos-tapos.

Nanggigigil ako sa inis dahil kay Steve. Ang selfish niya! Ang kapal ng mukha niya para sabihing hindi niya mabibigay ang gusto ko. Dahil hindi niya kaya? Talaga lang ha? Hindi kaya, pero nakapag kabet. Tss.

Arrghh!!! Tangina Steve! Pakawalan mo na ako!” sigaw ko sa loob ng kotse ko para gumaan ang pakiramdam ko. “Ang selfish mo! Gusto mo ikaw lang ang masaya!”

Nang humupa na ang pag-iyak ko ay tsaka lamang ako umalis hindi para umuwi, kung hindi para pumunta sa bar. Gusto kong makalimot kahit ngayon lang. Gusto kong walang maramdaman na sakit kahit ngayon lang.

“Isang bucket ng beer please...” sabi ko sa counter at doon na rin pumwesto. Mabilis lang ako malasing kaya kahit beer ay lasing na ko.

Agad kong inuumpisahan ang pag-iinom pagkalapag pa lamang nito. Ang tagal ko ng hindi nagpupunta sa bar, ang tagal na rin ng huling inom ko. Hindi na ako nagbaso at sa bote na mismo uminom.

Tahimik akong nanonood sa mga nagsasayaw sa dance floor ng may biglang umupo sa katabi kong upuan. Hindi ko sana ito papansinin kung hindi ko nakilala ang boses.

“Stressed?” tanong nito kaya napatingin ako sa gawi nito. Medyo umaalon na ang tingin ko pero nakilala ko pa rin ito.

“Hey! Mr. Adriel Kye Osman!” nakangiti kong bati rito. Napataas ang kilay nito at tinignan ang mga bote sa mesa.

“Buong-buo ah? Tss. Nakarami ka na yata? Ikaw lang uminom niyan?”

“Bakit? May nakikita ka bang kasama ko?” tanong ko sabay tawa. Ewan, pero hindi ko na mapigil ang sarili ko sa mga sinasabi ko. Parang wala na akong pakialam pa.

Natawa ito habang naiiling. “You're drunk... Where's your key?”

“Luh! Bakit? Carnap yarn?” tanong ko sabay tawa. Napatapik naman ito sa kanyang noo.

“May problema ba?” seryosong tanong nito.

“Kung meron, ma so-solusyonan mo ba?”

“Let's see... Spill it.”

Tinawanan ko naman ito. “Tss. 'Wag na! Baka maritess ka tapos ma-chismis ako. Tapos sisikat ako. Tapos ma ba-bash. Tapos, ayon! Ma de-depress ako at hindi makakalabas ng bahay. Tapos—”

“Stop. Bakit ang layo nang narating ng imagination mo? Tinatanong ko lang naman problema mo ah?” nagtataka nitong tanong sa'kin kaya matigilan ako. “And... What is marites?”

“HAHAHA! Wala! Sorry...” tumatawa kong sabi rito. Nawiwirduhan niya akong tinitignan habang tumatawa.

“Those laugh of yours...” sumeryoso ito. “Hiding so much pain. Isn't it?” doon nawala ang mga ngiti ko at lumihis nang tingin sa kanya bago lumagok sa alak ko.

“You can tell me anything. I'm all ears, don't worry. I won't judge you.”

Napapalunok naman ako at hindi alam kung paano sisimulan. Huminga ako nang malalim.

“You know what? I've been cheated on several times with my husband. At first, okay lang kasi arranged marriaged lang kami that time. But, I already loved him, and he didn't. I heard their moan while I'm crying in silence. I lost my unborn child because of him. He hit me when he's drunk. Still, after all of that, without asking, I gave my forgiveness. I tried again, I married him again. Kasi sabi niya... Mahal na niya ako. Na... Magbabago siya at pagbabayaran niya lahat...” nagsisimula na akong makaramdam ulit ng sakit. Nagsisimula na naman manubig ang mga mata ko. Hindi ko siya tinitignan habang nagkukwento.

“Two years... We're married for two years, when I found out that he cheated on me again. I saw him again with someone. Tapos, nagmamakaawa siya ulit na patawarin ko ulit siya. HAHAHA!” Sarkastiko akong tumawa. “Nakaka tangina 'di ba?” tanong ko sabay tingin kay Adriel nang biglang tumulo ang luha ko. Seryosong seryoso itong nakatingin sa'kin.

“You still love him? Despite of what he has done to you, do you still love him?” he asked.

“Hindi naman agad 'yon mawawala. Wala naman on and off button sa love 'di ba? Kung meron, sana na off ko na. Masakit na kasi.” Pilit kong pinipigilan ang aking luha.

“Do you want to take him back?”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang malungkot.

“Gusto ng isip ko... Pero ang puso ko, sumuko na. Napagod na... Alam mo yung feeling na, nagising ka na lang isang araw, wala na? Ayaw mo na? Kasi pagod ka na... Kasi... Sinukuan mo na siya...” sabi ko sabay lagok ko sa bote ng aking beer.

“I can't blame you. He doesn't deserve you anyway. I hope, you can still found what your hearts really desires. Give yourself a break from heartaches. Pwede naman magpahinga. 'Wag mo pilitin kung hindi pa kaya. Kung talagang mahal ka niya at seryoso na siya this time, hindi ka niya mamadaliin. Maghihintay siya kahit gaano pa katagal. Hihintayin niya na mabuo ka na ulit.”

“Tapos ano? Magpapawasak ulit sa kanya?”

“You're really traumatized by him.”

“Buong pagkatao ko ata na trauma.”

Wala na muling nagsalita pa sa'min hanggang sa maubos ko ang iniinom ko. Medyo blur na rin ang paningin ko dahil sa dami ng ininom ko.

“Where's your key? Hatid na kita.”

“Wow! Grab driver yarn?” lasing kong sabi na ikinatawa niya.

“Tss. Let's go. Baka ma-sobrahan ka. Pupunta pa tayo sa site bukas. Where's architect Tianson?” tanong nito habang inaakay ako palabas ng bar na 'yon.

“Oh! My friend leaved me. I'm alone now. But, I understand, she wants space and peace of mind for her. So, I let her. Pero... Alam mo? Pakiramdam ko, nang umalis ang kaibigan ko, iniwan na ako ng lahat. Isang tao lamang ang umalis, pakiramdam ko, nag-iisa na ko sa mundo.”

“You really love her. Matagal na kayo magkaibigan?”

“Since ten years old kami, sanggang-dikit na kami. And, yes, I love her so much!” inalalayan ako nito paupo sa passenger seat at kinabitan ng seatbelt. Hindi agad ito umalis at tinitigan pa ako ng malapitan.

“Ang sarap mo alagaan, pero, bakit sinayang ka niya? Stupid man. He never know how to handle you, yet, he can handle random girls. Tss.” Medyo nakapikit na ang mga mata ko kaya malabo na ang tingin ko sa kanya. Pati mga sinasabi niya ay hindi na malinaw sa'kin. Ramdam ko naman ang paghawi niya sa buhok ko.

“If I were him, I won't hurt you. I won't let you cry in bed. A girl like you deserves everything. You are tough outside but fragile inside. How I wish I can have a chance to taking care of you forever. But, you're not mine.”

__________________

You are reading the story above: TeenFic.Net