Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain na niluluto sa kusina. Amoy na amoy iyon sa loob ng condo ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagkalam ng sikmura. Bumangon agad ako para lumabas sa aking kwarto. Pipikit pikit pa at tamad na naghihikab. Hindi ko namalayan ang oras dahil pagkauwi namin ay dumiretso agad ako sa kwarto dahil sa antok at pagod.

I was still disoriented nang magtungo sa kusina. Naabutan ko roon si Saru na tahimik na nagluluto. He immediately sensed my presence because of how he directly gazed at me, as if he knew exactly where I was.

Sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang labi at saglit na ibinalik ang tingin sa niluluto.

Kanina ay nasa kwarto ko rin sya at abala sa kanyang laptop. Kaya pala wala na sya roon nang magising ako dahil abala na sya rito ngayon sa pagluluto ng aming hapunan. I should be the one doing that, but he really won't let me. Parang hindi sya pagod sa pag-aaral kung umakto. Mahirap ang kurso nya pero parati syang may oras pagdating sa'kin. How could he do that, right? Before, he was always stalking me. I don't even have an idea of how he manages his time. He's so chill, like nothing is ever hard for him.

"How's your sleep?" tanong ni Saru.

Hindi ko talaga matago ang ngisi kaya nagtungo na lang ako sa kinaroroonan nya. Mabuti at nakatalikod ito sa akin.

"Busog na ang mga mata ko sa pagtulog," biro ko.

I saw how his lips curled up in a sexy manner. Oh goodness, ano bang temptasyon ito?

"I cooked adobo for dinner," banayad nyang sabi at inilagay sa aking medium table ang nilutong ulam.

Napanguso ako nang makitang wala na akong maitutulong pa sakanya dahil pati juice, plates at utensils ay naka ready na.

He knows how to serve his queen, huh?

"Aren't you tired?" tanong ko nang itinuon nya sa’kin ang buong atensyon.

Umiling sya habang titig na titig sa mukha ko.

Na-conscious tuloy ako kaya sinimangutan ko sya. Hindi ko pa naman na-check kung may muta ba ako! Binura ko ang makeup kanina bago natulog kaya I probably look plain!

Saru tilted his head and raised his brow, a small, sexy smile plastered on his face.

"You're a beauty, and I'm a philocalist," he said, still staring intently at me.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko.

There's really something mysterious about his gaze. His eyes seem full of emotions when he looks at me. How can he be so transparent when he's with me? Ngunit hindi ko mapigilang mapakunot ang noo sa sinabi nya. Ano raw? Banat ba ‘yon? Bakit parang pang matalino lang? 

Umirap ako at naglakad palapit sakanya. Sinalubong nya agad ako ng yakap at halos magwala ang sistema ko sa kilig! Tangina. Punyeta, Lovize, tinamaan ka na ng lintik!

I felt his warmth, which gives me peace and solace. He can really cause chaos in my system, but he can also calm my raging thoughts in my head. Paano nya nagagawa 'yon? Bakit ang hirap nyang hindi magustuhan? He's very ideal and very consistent.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ko.

Saru let out a playful chuckle before he kissed the top of my head.

"My parents are asking me to go home for tonight. Will you be fine alone?" he carefully asked.

A family-oriented guy will be the death of me. He's literally the whole forest, huh?

"Ayos lang ako dito. Just update me kung nakauwi ka na sainyo," mahina kong sabi.

He sighed and hugged me tightly. He's a clingy snobbish baby.

"I'll text you when I get home. Don't forget to reply hmm?" Saru whispered in my ear.

Nakiliti ako roon kaya mahina kong hinampas ang likod nya. Kinikilabutan ang buo kong pagkatao sa ginagawa nya!

"Fine!" I said, sounding thrilled.

He chuckled softly and lightly brushed his lips on my cheek, making me gasp.

Tyansing!

After that little conversation ay kumain na kami. Hindi rin nagtagal si Saru sa condo ko dahil panay na ang tawag ng mommy nya. Tinutulak ko na nga sya palabas ng condo pero nagpumilit pang hugasan ang pinaggawaan nya kanina at ang mga pinagkainan namin. He's spoiling me with chores! How thoughtful.

Natahimik ang condo ko nang ako na lang mag-isa. Wala pa man isang oras mula nang umalis si Saru, hinahanap ko na ang kanyang presensya! I'm really unbelievable. Ako ata ang mukhang patay na patay sa lalaking 'yon ngayon.

Simangot akong nakatitig sa malaking flat screen tv sa aking kwarto. Kanina pa nakabukas 'yon at hindi ko naman naiintindihan ang pinapanood ko. Wala ako sa focus, lumilipad na naman kasi ang isip ko.

I sighed for the nth time.

Humikab ako at sumandal sa kama. Tamad lang na natutulala sa pinapanood. Nagsasayang lang ako ng kuryente, e.

My phone beep. Mabilis akong napabalikwas sa pagkakasandal at mabilis na inabot ang phone na nasa aking side table. Nang buksan ko ang phone ay tumambad sa akin ang message ni Saru.

Rufus:
I'm home, Liz.

My heart throbbed with so much happiness as I read his text. He loves calling me with that nickname that only he uses. Tiklop ang angas ko kapag tinatawag nya ako sa ginawa nyang nickname para sa akin.

Napailing ako at nagtipa ng mensahe.

Lovize:
Mabuti naman. Get some rest, Saru.

He replied immediately within five seconds.

Rufus:

I miss you.

Nanlaki ang mga mata ko at tila ba binudburan ako ng asin sa mensahe nyang iyon.

Hindi ako marupok! Hindi talaga!

Lovize:
Miss na rin kita. Balik ka na rito.

Nasapo ko ang noo sa sinend na mensahe. Nakakahiya! May sariling utak ata ang mga daliri ko! Paladesisyon!

Rufus:
Don't tempt me like that, baby.

My jaw dropped at his reply. Napatili ako at nagtatalon sa aking kama. Putangina! Kinikilig talaga ako!

Inggrata ka, Lilace Lovize! Man hater ka sa lagay na 'yan? Anong nangyari? Nagiba talaga ang ihip ng hangin. Pati ako ay nagugulat sa sarili kong kalandian. Ang harot harot. Kasalanan 'to ni Saru, eh.

Hindi ko maiwasang maalala ang sinabi nya kanina. He said I'm a beauty and he's a philocalist. What does it mean?

Kuryoso kong binuksan ang aking laptop para mag-search tungkol sa sinabi nya. Ang hirap palang sumabay sa mga banat ng matatalino! Hindi ako nakasagot kanina, hindi dahil sa kinilig ako pero dahil hindi ko na-gets yung banat nya! Goodness gracious.

Tinipa ko ang hindi pamilyar na salita at lalo akong natigilan nang mabasa ang kahulugan non.

What is philocalist?

Philokalist or Philocalist literally means "lover of beauty".


Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang gusto nyang sabihin kanina.

What the hell!

I'm a beauty and he's a lover of beauty. Then it means he loves me. Saru loves me.

Nasapo ko ang bibig sa gulat at ramdam ko ang pagwawala ng kalooban ko. Halos habulin ko ang hininga dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko! Para akong aatakihin sa puso! He's so freaking in love with me! Holy shit.

Buong magdamag ay nanatili iyon sa isipan ko. Ni hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa paghaharumentado ng puso ko. Hindi ko magawang pakalmahin ang sistema ko. Tila nagdiwang ang buong pagkatao ko buong gabi. Nakatulugan ko na lang ang masarap na pakiramdam.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Buhay na buhay ang dugo ko kahit napuyat ako. I took my time to dress up, making sure I looked pretty. I chose a dark blue midi dress, complemented with stilettos. For makeup, I opted for a natural look, accentuating my chinky eyes.

Iyon nga lang pagdating ko sa cafeteria ay ang busangot na si Zithea ang bumungad sa akin. Kung ano ang ganda ng mood ko ay ganoon na lang kasama ang kanya. But she still nailed her outfit, wearing her baby pink blazer dress paired with white ankle boots. She looks effortlessly beautiful. Wala rin talaga akong mapipintas sa mukha nya dahil napaka ganda! Ang problema lang, ang mukha nya palaging galit.

"What's with you? Ang aga-aga badtrip ka na," komento ko habang hinahalo ang watermelon shake ko.

Suplada nya akong tinapunan ng tingin pagkatapos ay inilingan.

Ano na naman kayang problema ng isang 'to?

"Dad wants me to date the guy he wanted for me tonight," naiinis nyang sabi.

Napangiwi ako at napatitig sakanya.

Zithea is still not over Priel Villegas. They were really in love with each other, so this must be triggering for Zie since she doesn't want anyone else but Priel. I saw how she cried that night to us; she was truly devastated. She never wanted a breakup from their relationship, but she was forced to do so.

"Anong gagawin mo? Sasangayon ka ba sa gusto ni Tito?" nag-aalala kong tanong.

Lalong sumama ang ekspresyon nya at dahan-dahang tumango.

I sigh in frustration. Ramdam ko ang kinikimkim nyang galit.

"Sisiguraduhin kong hindi ako magugustuhan ng ipinapares sa akin ni Papa," walang gana nyang saad.

Sinimangutan ko sya.

"Malabong hindi ka magugustuhan non, Zie. Sa ganda mong 'yan at talino. Sinong hindi makakatagal sa karisma mo?" naiiling kong pahayag.

Tumaas ang kilay nya sa akin. Bahagya pa itong napangisi na mabilis nya ring itinago.

"You're talking nonsense, Villones," she remarked.

I chuckled and smirked wickedly.

"Pustahan?" mayabang kong alok sakanya.

Zithea's forehead creased. She tilted her head to see me clearly. Her scrutinizing eyes darkened while trying to read my mind.

"What's your call?" she asked, with an uninterested tone, but her eyes spoke the opposite.

Umayos ako ng upo at tinitigan sya pabalik.

"Kapag nagustuhan ka ng lalaking ipinapares sa'yo ng Daddy mo ay bibilhan mo ako ng bagong kotse. What do you think?" mapaglaro kong tanong.

She rolled her eyes at me.

"Car model?" she asked sarcastically.

Ngumuso ako at nag-isip saglit.

"I want a Ferrari," I smirked.

Zithea's lips curled up at my silliness.

"At kapag nagtagumpay ako sa plano ko at hindi nya ako nagustuhan... you owe me a vacation house exclusively for us," she retorted.

Our family is one of the most prominent conglomerates in our country. Asking my parents to build a vacation house will be no sweat for me.

"Deal," I said.

Zithea's taunting smile was plastered on her face.

"Done deal. I'll make sure that whoever my father's pet is will hate me as much as I hate him," she declared.

I chuckled softly.

Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Zie ngunit mabilis na naglaho iyon nang mabaling ang tingin sa likuran ko. I was about to ask her what was wrong, but the familiar manly scent caught me off guard.

Malayang hinatak ni Saru ang upuan sa tabi ko at doon umupo.

Malakas na kumalabog ang dibdib ko at mangha ko syang binalingan. Wala syang morning class? Maganda siguro kung hingin ko na ang class schedule nya.

"What are you having?" Saru asked in his baritone voice, his eyes solely focused on me.

Wala sa sarili kong inabot sakanya ang fruit shake ko. Sumimsim sya roon at mariin pa rin ang titig sa akin.

"It's good," he smirked.

Ang aga-aga ang harot! Namula ako sa ginawa nya. He used my straw! Damn, did we just indirectly kiss? Oh, heavens.

Na-distract lang ako nang biglang malakas na umismid si Zithea. Tinapunan ko sya ng tingin at doon ko lang namalayan na kasama pala ni Saru ang pinsan nyang si Yuno. Tamad itong umupo sa tabi ni Zithea na ngayon ay halos umusok na sa inis sakanya.

Yuno just simply raised his brow at Zie, and I saw a faint smile on his face. Nahulog ang tingin nya sa table namin at hindi ko napigilang mapasinghap nang abutin nya ang milk tea na hindi pa nagagalaw ni Zithea at sinimsiman iyon.

"What the hell?!" Zithea exclaimed in disbelief while staring intently at Yuno as if she were ready to kill.

Bakit ko ba nakalimutan na aso't pusa ang dalawang ito?

Saru chuckled while looking at the two in front of us. Hindi ko rin napigilang mapangiti. I guess World War III is coming up. Saru and I should brace ourselves for the next Minutemen because the two ticking bombs are about to explode.


You are reading the story above: TeenFic.Net