CHAPTER 9: KISS

Background color
Font
Font size
Line height

YEXHIA FERNANDEZ

"Yexhia may naghahanap sayo!" Sigaw ng mama ko na ikinagulat ko.

Si Zid na kaya yun.

Agad akong bumaba dahil wala na naman akong gagawin.

Hinihintay ko na lang talaga si Zid.

*****

Sa baba.

Si Zid nga.

"Susunduin ko na po si Yexhia." Sabi ni Zid kay mama.

"Ang gwapo mo namang bata ka." Sabi ni mama kay Zid, at nginitian lang n'ya si mama.

Bigla namang bumaba na si papa sa taas na ikinagulat ko.

"Sino yan?" Tanong ni papa sa amin ni mama.

Hala, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na may manliligaw na ako.

"Magandang umaga po." Sabi ni Zid kay papa.

"Sino 'yan Yexhia?" Tanong ulit ni papa.

"Manliligaw ko po, si Zid." Sabi ko kay papa.

"Susunduin ko lang po sana si Yexhia, kung okay lang po sa inyo." Sabi ni Zid kay papa.

"Sige, basta babantayan mo 'yang si Yexhia, 'yan lang ang nag iisa kong anak." Sabi ni papa kay Zid na ikinagulat ko.

Si Zid lang nanligaw sa akin na hinarap si papa, meron namang nanligaw sa akin kaso sa chat lang, syempre hindi ko sinagot, takot kasi sila kay papa. Haha.

"Sige po." Sabi ni Zid habang nakangiti.

"Ihatid mo ulit 'yan dito." Sabi pa ni papa.

Nakakahiya.

"H'wag na pa, nakaka-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nag salita si Zid.

"Sige po." Sagot ni Zid kay papa kaya wala na akong nagawa.

"Tara na Zid." Pagyaya ko sa kan'ya.

"Mag iingat kayo ah." Si Mama.

"Opo." Sabi pa ni Zid at nag mano kay na Mama at Papa.

****

Sa kotse ni Zid.

"Pakinig mo yung sabi ng papa mo? Bantayan daw kita." Nakangiti n'yang sabi sa akin.

"Pang ilan ba ako?" Pagtatanong pa ni Zid.

"Anong pang ilan?" Pabalik kong tanong sa kan'ya.

"Pang ilan ba ako na magiging boyfriend mo?" Tanong nya.

"Pang una palang, wala naman akong naging boyfriend no, ikaw palang." Sagot ko sa kan'ya, bigla naman syang ngumiti.

"Ibig sabihin sasagutin mo na ako kasi sabi mo, pang una ka palang, ikaw palang" Sabi n'ya habang tumatawa.

Sinabi ko ba talaga yun?

Nakakahiya.

Sa Friday ko to sasagutin, titingnan ko muna mga actions n'ya.

*****

Sa school.

"Si Zid yun oh."

"Ang gwapo nya."

"At ang cute."

"Girlfriend n'ya yan?"

"Baka."

"Ang ganda nya, in fairness."

"Bagay sila."

Bulungan nila habang sabay kaming nag lalakad.

Biglang may sumulpot na lalaki sa unahan namin.

"Pinapabigay po pala ng best friend ko." Sabi nung lalaki, habang binibigay sakin ang isang love letter.

Nung makuha ko na yung letter, umalis na yung lalaki.

"Aga aga may pa letter." Sabi ni Zid.

Selos yarn?

"Pabasa nga." Sabi n'ya sabay kuha sa letter, hindi ko agad naiiwas kaya nakuha agad n'ya 'yun.

"Akin na nga 'yan." Pilit kong inaabot 'yun sa kanya, pero itinaas n'ya kaya lalong hindi ko yun maabot.

"Yexhia!" Sigaw ni Josh.

Kaya napa lingon kami ni Zid.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Wala pasabay lang, oh... ikaw pala Zid." Si Josh.

"Bakit magkasabay kayo? Kayo na noh?" Pang aasar pa ni Josh.

"Hindi pa, nililigawan ko pa lang s'ya." S naman ni Zid kay Josh.

Nagulat naman si ante.

"Yexhia! Josh!" Bunganga talaga ni Lia, parang nasa palengke eh.

Tumigil kami at hinintay namin na makalapit si Lia sa'min.

Bakit di n'ya kasama si Kurt.

"Si Kurt?" Pagtatanong ko kay Lia.

"May sakit nga s'ya eh kaya di makakapasok." Malungkot na sabi ni Lia.

"Sino s'ya?" Pagtatanong ni Lia sabay turo kay Zid.

"Siya si Zid, Zid Villanueva." Pagpapakilala ni Josh kay Lia.

"Kilala mo si Yexhia?" Pagtatanong naman ni Lia kay Zid.

"Oo, nililigawan ko nga sya eh, hehe." Si Zid at nag pacute pa.

Sus.

"Talaga?!" Si Lia at tuwang tuwa.

"Oo nga, hindi mo ba napakinggan?" Si Josh.

Ay natawa naman kaming apat.

"Josh maghanap kana ng boyfriend mo." Si Lia.

"Oo nga." Sabi ko naman.

"Pak na pak, meron na si Jun Falkerson." Si Josh at tumatawa.

Harot ah.

"Balita ko daw eh papasok na ngayon yung kambal, si Jin at Jun Falkerson." Si Josh.

Lagi naman may balita.

"Talaga!?" Si Lia

"Oo nga, hindi mo ba napakinggan?" Si Josh.

Kaya natawa ulit kami, lukaret talaga.

"Edi makikita ko na si Jin sa personal." Si Lia at tuwang tuwa.

Kilala nya?

"Kilala mo yun teh?" Gulat na tanong ni Josh.

"Oo, nag add friend s'ya sa'kin tapos nag chat pa." Sagot naman ni Lia.

"Edi wow basta sa akin si Jun." Si Josh.

Ang landi talaga.

"Pupunta ako sa room nyo mamaya ah." Sabi sa akin ni Zid.

"Okay, thank you." Tipid kong sagot at nginitian sya.

Nginitian nya rin ako bago s'ya tuluyang lumakad papalayo.

Sa room.

Itinuloy lang ni Ms. Dela Cruz ang hindi namin natapos na discussion kahapon. Sumunod naman si Ms. Luna, nag discuss lang din s'ya hanggang maubos 'yung oras.

Break na, yes!

Kagutom, jusko.

"Excuse daw po kay Lia." Sabi nung isang lalaki sa labas, pero madami sila.

"Ako daw?" Pagtatanong pa ni Lia.

"Oo teh, hindi mo ba napakinggan?" Si Josh.

Baliw talaga to eh.

Sinamahan naman namin ni Josh si Lia, baka pag tripan lang sya dun eh.

*****

Sa hallway.

"Hi Lia." Sino naman tong lalaking to.

Gwapo, matangkad, medyo singkit ang mga mata at maputi.

"Oh Jin, ikaw pala... Nasaan si Jun?" Pagtatanong ni Josh.

"Na sa room." Sagot naman nung Jin.

"Oh ikaw pala Jin." Sabi ni Lia.

"Gusto ko lang mag pakilala sayo ng personal." Sabi naman nung Jin.

Hindi ko gusto ang pagkatao n'ya.

"I'm Lia." Sabi ni Lia sabay abot ng kamay n'ya kay Jin.

"I'm Jin Falkerson." Sabay kuha ni Jin sa kamay ni Lia, yumuko ito at hinalikan ang kamay ni Lia na ikinagulat namin.

WTF?!

Nagulat din si Lia kaya binitawan agad n'ya ang kamay ni Jin. Lagot 'tong lalaking 'to, pag nalaman yan ni Kurt.

Tingnan lang natin.

Umalis naman sila.

"Omg Lia! Hinalikan n'ya ang kamay mo." Natutuwang sabi ni Josh.

"Luka luka ka talaga Josh, binastos n'ya si Lia." Pag yan nalaman ni Kurt, magagalit yun." Sabi ko kay Josh.

"Bakit isusumbong mo?" Pagtatanong ni Josh.

"Hindi." Sabi ko naman.

"Ako ang mag susumbong, akala n'yo hindi ko nakita ah, malandi ka rin pa lang babae ka." Si Megan.

Bruha talaga to.

"Epal ka? Feeling close? Wala ka namang kinalaman dito." Sabi ko sa kan'ya at tinarayan ko s'ya.

"Bakit natatakot kayong malaman ni Kurt no?" Natatawang sabi ni Megan.

"Napaka pake-elamera mo talaga, bruha." Sabi ni Josh.

"Wala akong pake kung anong sabihin n'yo sa akin, basta isusumbong ko si Lia." Natatawang sabi ni Megan at umalis.

Demonyita talaga yung babaeng 'yun.

"Bwisit kasi yung Jin na yun." Sabi ko kay Lia.

"H'wag ka ng lumapit dun ha." Dag dag ko pa.

Tahimik lang naman si Lia.

*****

Natapos lang ang mag hapon pero wala paring imik si Lia.

"Maghanda ka na Lia, isusumbong kita kay Kurt, ewan ko lang kung hindi s'ya magalit sa'yo." Si Megan at umalis na s'ya habang tatawa tawa pa.

Kakaasar na ha.

"Uy Yexhia, hinihintay ka ni Zid doon oh." Si Heaven.

"Balita ko nililigawan ka na n'ya." Dagdag pa ni Heaven.

At ngumiti na lang ako.

"Lia tara na." Yaya ko sa kan'ya, pero tahimik pa rin s'ya.

Lumabas na kami.

"Puntahan natin si Kurt sa kanila." Sabi ni Zid.

"Sige." Sabi ko.

"Tahimik ka ata Lia." Si Zid.

"Si Megan kasi eh." Sabi ko.

Lumabas na din si Josh.

"Sama ka?" Yaya ni Zid kay Josh.

"Saan?" Tanong naman ni Josh.

"Kay na Kurt." Sagot ni Zid.

"Sige, sasama ako." Sagot naman ni Josh.

Pumunta naman kami sa parking lot, tabi si Lia at Josh sa likod.

Tabi naman kami ni Zid sa unahan.

"Naku, sigurado akong alam na ni Kurt ang nangyari, sumbungera talaga yung Megan na yun eh." Si Josh.

"Hindi ko naman kasi aakalain na hahalikan ako sa kamay nung Jin na yun." SiLia.

"Mabait naman si Kurt, maiintindihan n'ya 'yan." Si Zid.

"Lagot lang talaga yang Jin." Dugtong pa ni Zid.

Maya maya pa dumating na kami kay na Kurt.

*****

"Oh nabisita kayo?" Si Ate Kyla.

"Bibisitahin lang namin si Kurt." Si Josh.

"Sige upo muna kayo." Si Ate Kyla.

"Yaya, i-pag handa mo sila ng miryenda." Sabi ni Ate Kyla.

"Lia kung pupuntahan mo sya sa taas puntahan mo na." Sabi ni ate Kyla kay Lia.

LIA LYRE

Kinakabahan ako, sigurado akong alam na ni Kurt, bwisit na Megan yun.

Tumaas na ako at kumatok sa pinto ng kwarto nya.

"Pasok." sabi ni Kurt.

Dahan dahan ko munang binuksan yung pinto at pumasok na ako.

Nakita ko sya nakahiga at naka kumot.

Nakita nya agad ako.

Shit. baka galit sa akin si Kurt.

Tumayo sya.

Naka suot sya ng pants na pantulog at malaking jacket. Ang cute nya para syang bata.

Lumapit sya sa akin.

At niyakap ako.

Kaya niyakap ko din sya.

Ang init nya.

" totoo ba yung sinabi ni Megan?", pagtatanong ni Kurt.

Sabi na eh alam na nya.

" hindi ko naman alam na gagawin nya yun eh", sabi ko kay Kurt, habang mag kayapos parin kaming dalawa at hindi ako tumitingin sa kanya.

" it's ok, hindi mo naman kasalanan eh", sabi ni Kurt at hinigpitan pa ang yakap nya sa akin.

" bwisit talaga yang Jin na yan, lagot sa akin yan bukas", si Kurt.

" papasok ka na?, eh ang taas taas pa ng lagnat mo", hinawakan ko yung leeg nya at noo.

Dun kami nagkatinginan, pero iniiwas ko agad ang tingin ko at yumakap ulit sa kanya.

" bat ba ayaw mo tumingin sa akin?", pagtatanong ni Kurt.

" natatakot kasi ako sayo, baka galit ka", sagot ko sa kanya.

" hindi ako galit sayo, kay Jin ako galit, nagseselos lang ako", sabi nya na ikinagulat ko.

Nagseselos?.

Nagseselos pala sya.

Hindi ko agad nalaman yun ah, ang akala ko magagalit sya.

Kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

" ikaw lang naman ang gusto ko ah, ikaw lang ang mahal ko, kaya wag ka na mag selos", sabi ko sa kanya.

" pero hinalikan ka nya sa kamay", sabi naman nya

" kagaya sa mga prince at princess, yung prinsipe hahalikan nya sa kamay yung prinsesa, dahil prinsesa nya yun", pagpapaliwanag ni Kurt.

Nanonood pala sya ng ganon.

Kaya tumingin na ako sa kanya.

Inalis ko ang mga kamay ko sa likod nya.

Tumingkayad ako at hinalikan ko sya sa pisngi.

" wag ka ng mag seselos, dahil sayo ko lang yan ginawa, kasi ikaw ang prinsipe ko", sabi ko naman sa kanya.

Kaya napangiti sya.

Bumaba na kami at ng makita nila kami, tumawa ng malakas si Zid.

" hahahahaha", si Zid.

" bat ka natawa dyan?", pagtatanong ni Kurt kay Zid.

" para ka kasing bata sa suot mo", sabi ni Zid.

" ang cute nya nga eh", si Josh.

Tama ka Josh.

" kakilala nyo si Zid?, eh kami lang naman ni Josh ang nakakakilala sa kanya", si Kurt.

" eh nililigawan ni Zid si Yexhia eh", sabi ni Josh.

" talaga?",

" oo nga, hindi mo ba napakinggan", sabi ni Josh kaya nagtawanan kaming lahat.

Nag kwentuhan lang kami at nung aalis na ay nagpaalam na kami sa kanila.

At hinatid na kami ni Zid sa aming mga bahay.

TO BE CONTINUE.



You are reading the story above: TeenFic.Net