YEXHIA FERNANDEZ
Umaga na.
Sabado na ngayon.
Wala na si Zid sa higaan nya. Nasaan na kaya sya, siguro umuwi na sya. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kagabi.
Haysst.
Pupunta nga akong c.r mag to-to-toothbrush muna ako, mag hihilamos pa.
Alam kong nag-luluto si Mama, ang bango eh. Nagugutom na din ako.
Agad kong binuksan ang pinto ng c.r at laking gulat ko ng nandoon si Zid at umiihi.
Waaaaaaaaaaaaahhhh!
Agad nya akong nakita. Tinakpan ko yung mga mata ko.
"S-sorry sorry." Ako at mabilis na sinarado yung pinto.
Jusq.
Ang akala ko umuwi na sya, bakit kasi hindi sya nag-sasara ng pinto. Nakakahiya yung ginawa ko. Sa baba na nga lang ako may c.r din naman doon eh.
******
Kakatapos ko lang mag-ayos sa sarili ko. Bumaba na kaya si Zid. Lumabas na ako ng c.r.
"Oh anak, tawagin mo na si Zid, kakain na tayo." Si Mama.
Bakit ako?
"Opo." Ako.
Tumaas na ulit ako. Wala na naman siguro sya sa c.r no.
Agad kong binuksan yung pinto ng kwarto ko at nandito nga si Zid, inaayos yung pinag-higaan nya.
"Ahh Zid ako na dyan, tawag ka na ni Mama." Ako.
"Sigurado ka?" Si Zid.
"Ahh oo." Ako.
Bakit ang pula ng labi ni Zid nag liptint ba sya o ano?
"Tara na." Si Zid.
"Teka!" Ako.
Yung kagabi, nung nag-halikan kami ni Zid nalagyan yung labi nya. Hindi parin natanggal yun. Grabe naman.
"Wait lang, may nakalagay kasi sa mukha mo tanggalin lang natin." Ako.
"Yexhia! Bumaba na kayo dito." Sigaw ni Mama.
Sandali lang naman.
"Tara na, mamaya mo na tanggalin." Si Zid at hinawakan ako sa kamay at hinila ako pababa.
Nasa baba na kami ngayon.
Biglang may kumatok, bubuksan ko na sana pero si Mama na yung gumawa.
"Magandang umaga po." Si Aiden.
Anong ginagawa nya dito.
Kainis naman oh.
Agad nya kaming nakita ni Zid.
"Nandito pala sina Yexhia at Zid." Si Mama.
"Ang aga mo ah." Ako.
"Zid ano yang nasa labi mo?" Si Mama.
Napahawak naman si Zid sa labi nya.
"Huh? Wala yan ma, teka lang, tara Zid." Ako at hinila sya pataas.
******
Sa taas.
"Ano ba yung nasa labi ko?" Si Zid.
"Liptint ko yan, ang pula pula kaya ng labi mo, malay ko bang didikit yan sa labi mo." Ako habang binubura yun.
"Isa pa?" Si Zid.
"Huh? Anong isa pa?" Ako.
"Sabi ko ang ganda mo sana kaso bingi ka." Si Zid.
Luh? Hahaha.
Nagulat ako ng bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Ano na naman to.
Nag-iinit na agad ang mga pisngi ko.
"Bakit ka namumula dyan? Cellphone ko nasa likod mo." Si Zid.
Nakaupo kasi kami parehas sa higaan ko.
"Yan wala na." Ako.
Nilapit na naman nya yung mukha nya sakin.
"Good Morning Yexhia." Si Zid.
Laking gulat ko ng bigla nya akong nikiss sa pisngi.
Parang nabato pa ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko na namalayang lumabas na pala si Zid.
Sasabog na naman ako dito sa kilig.
Waaaaaaaaaaaaahhhh!
"Yexhia baba na dyan!" Sigaw ni Mama.
"Opo." Sigaw ko din.
******
Nandito na kami, ako pala sa baba. Sabay sabay kaming nakain. Kasama din namin si Aiden.
"Yexhia anak?" Si Mama kaya napatingin ako sa kanya.
"Dadating si kumare, kasama yung anak nyang si Akiro." Si Mama.
Nako naman, bakit ngayon pa.
Haysst.
"Pumunta ka sa palengke, bumili ka doon, ililista ko na yung mga bibilhin mo." Si Mama.
"Isama mo si Zid." Si Mama.
"Okay po." Si Zid.
Tumango na lang ako.
"Sasama din ako." Si Aiden.
"Oh ayan, dalawa dalawa na yang kasama mo ha, mag patulong ka sa kanila." Si Mama.
******
Sa palengke.
Ang daming tao.
May nag-aaway pa yata. Yung isa yaya, yung isa naman nag-titinda. Haysst yun pala ang kaaway nya, maarte kadi yung tindera na yun. Sarap nga sabunutan eh. Nakakagigil, yan ngayon may kaaway na naman sya.
"Pamilyar yung babae na yun ah." Si Aiden.
"Alin yung yaya." Ako.
"Oo." Si Aiden.
"Kilala mo ba? Isipin mo kung sino." Ako.
Tutulungan ko at ng mahampas ko yan si Nella ng isda sa mukha.
Si Nella yung tindera.
"Ahh oo sya nga." Si Aiden.
"Kilala mo na?" Ako.
"Oo, sya yung tumulong sakin nung binugbog ako nung mga lalaki, sya yung tumulong sa akin, nung dinala ako sa hospital." Si Aiden.
"Teka." Ako.
"Wag ka na sumali doon." Si Zid.
"Saglit lang naman eh." Ako at nag-lakad na.
"Oy Yexhia!" Si Aiden.
ZID VILLANUEVA
Ang kulit talaga, ang tapang tapang liit liit naman.
"Hayaan nyo na yun si Yexhia, matapang ang batang yan." Sabi nung lola na nandoon sa gilid.
Nag-titinda din sya ng mga gulay, dito yata laging nabili si Yexhia eh.
YEXHIA FERNANDEZ
"Hoy Nella! Nakikipag-away ka na naman, akala mo ang ganda ganda mo." Ako.
"Epal ka?" Si Nella.
"Kaibigan kasi to ng ng kaibigan ko, ayun oh si Aiden." Ako.
"Diba kilala mo si Aiden?" Pagtatanong ko doon sa babae. Lucy yata ang pangalan nito eh.
"Ahh oo." Si Lucy.
"Ano bang ginawa nito?" Ako.
"Hindi pa daw ako nag-babayad eh nag bayad na naman ako sa bruhang yan." Si Lucy.
"Iniiba nya pa yung usapan." Si Lucy.
"Mukang pera kasi ang shokoy na yan, hayaan mo na." Ako.
"Hoy babae anong sinasabi sabi mo dyan?" Si Nella.
"Sabi ko dati kang hipon pero ngayon sugpo na, oh ano masaya ka na?" Ako.
Nagtawanan naman yung mga tao.
"Bwisit ka ah." Si Nella at binato ako ng sibuyas nyang tinda.
Batuhan pala gusto mo ah.
"Bwisit ka din." Ako at kumuha ng sibuyas na tinda nya at binato yun sa kanya.
Kumuha din ako ng bawang, kamatis at kalamansi at pinag-babato ko sya.
"Aray ko!" Si Nella.
Binabato na din sya ni Lucy.
"Yung mga paninda ko! Bwisit talaga kayo!" Si Nella.
"Bagay lang yan sayo." Ako.
"Gusto nyo talaga ng away ah." Si Nella at lalabas na sa lungga nya.
Bago sya makalapit sa akin agad akong kumuha ng sitaw na nakatali at agad ko yung hinampas sa pag-mumuka nya.
"Bwisit ka!" Galit na gali na sya.
Agad nya akong sinugod at sinabunutan.
Syempre hindi ako papatalo at sinabunutan ko sya.
"Bitawan mo sya!" Pakinig kong sigaw ni Lucy at alam kong sinabunutan na din sya ni Lucy.
"Araaay!" Sigaw ni Nella sa sakit.
Hinila kasi ni Lucy yung buhok ni Nella kaya nabitawan nya ako.
ZID VILLANUEVA
"Awatin na natin." Ako.
"Tara." Si Aiden.
"Teka nga." Boses ng lalaki at pinatong yung kamay nya sa balikat ko.
"Sino ka ba?" Ako.
Bigla nya lang akong sinuntok kaya napaupo ako.
Tangina ang sakit.
"Gago ina-ano ka?" Sigaw ni Aiden doon sa lalaki.
"Gago! Anong problema mo?" Ako at tumayo.
Mag sasalita na sana yung lalaki pero agad ko syang sinuntok kaya napaupo din sya.
"Sige! Subukan nyong saktan ang mga batang ito, makakatikim talaga kayo sakin." Yung lola.
YEXHIA FERNANDEZ
Omaygash!
Nakikipag suntukan si Zid.
Agad kong sinampal si Nella. Hindi sya makalaban dahil sinasabunutan sya ni Lucy.
"Yexhia, Lucy tama na yan." Awat sa amin ni Aiden.
"Tama na yan." Si Zid.
"Ikaw bruha ka ha!" Ako at hinampas ko yung hawak kong basket sa mukha ni Nella.
"Tama na yan Lucy, umuwi ka na." Si Aiden.
"Akala mo ang ganda ganda mo bruha ka." Sigaw ni Lucy kay Nella.
"Bakit ikaw? Isa ka lang namang katulong." Si Nella.
"Kahit ako katulong maganda ako, eh ikaw tindera na nga hindi pa maganda, sabi nga nya mukang sugpo ka." Si Lucy.
"Umalis na nga kayo dito!" Si Nella.
"Aalis na talaga kami dito! Wag kayong bibili dito sa babaeng to!" Sigaw ko.
"Tara na nga." Ako.
Hindi pa kami nakakabili ng mga pinapabili ni Mama eh.
******
Sa bahay.
"Oh anyare sa inyo?" Si Mama.
"Nakipag-away daw kayo eh." Si Mama.
"Yung Nella naman yung nauna eh." Ako.
"Eh alam mo namang bruha yung babaeng yun bakit mo pa pinatulan." Si Mama.
"Tumahimik ka na dyan ma, ito na oh, nakabili na kami." Ako at ipinatong sa lamesa yung pinamili namin.
"Zid tara sa taas." Ako at hinila sya pataas.
******
Nakaupo kami ngayon sa higaan ko.
"Okay ka lang ba? Masakit ba?" Ako at hinawakan ang ibabang labi ni Zid.
"A-ahh okay lang ako." Si Zid.
Natahimik naman kaming dalawa.
"Yexhia?" Si Zid kaya agad akong napatingin sa kanya.
"B-bakit?" Ako.
"Ah m-may gusto ka ba kay Akiro?" Si Zid.
"Huh? Wala ahh." Ako.
Bakit naman nya natanong yun?
"Ah sige, bababa na muna ako, tutulungan ko si tita." Si Zid at lumabas ng kwarto.
Huwaw.
AIDEN CALVIN JAVIER
Naglalakad kami ngayon ni Lucy, nag-paalam ako kay na Yexhia na ihahatid ko si Lucy. Nung una ayaw pa mag-pahatid ni Lucy pero pumayag din sya.
"Saan ba yun?" Ako.
"Malapit na tayo." Si Lucy.
Maya maya pa tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate, grabe ang laki ng bahay.
"Nag aaral ka pa ba?" Ako.
"Hindi, nag-tatrabaho lang ako dito sa bahay." Si Lucy.
"Ahh sige, minsan labas tayo para makapag-kwentuhan naman tayo." Ako.
"Sige ba, bukas pwede ka?" Si Lucy.
"Pwede, wala naman akong gagawin bukas eh, ano bang oras?" Ako.
"3:00 pm, punta ka na dito." Si Lucy.
"Sige sige." Ako.
"Sige papasok na ako, salamat sa pag-hatid." Si Lucy.
"Salamat din, bukas na lang." Ako.
"Sige ingat sa pag-uwi." Si Lucy.
Kinawayan ko na lang sya at nag-lakad na ako pauwi.
LUCY FLORENCIO
Sinarado ko na ang gate at paakyat na ako.
Agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng biglang iniluwa nito si sir.
"Sorry sir." Ako at nag dire-diretso papuntang kusina.
Excited na ako bukas.
TO BE CONTINUE.
PLEASE READ!!
BLOODY VACATION
HAUNTED HOUSE
BULLY LOVERS 2 (Coming Soon)
You are reading the story above: TeenFic.Net