CHAPTER 38: KIO DIZON

Background color
Font
Font size
Line height

YEXHIA FERNANDEZ

Araw ng Huwebes ngayon, malapit na namang mag weekend. Sana maging maganda ang araw ko ngayon. Sana.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kinukuha na ang bag ko, hinihintay ko na lang sina Lia.

"Anak! Baba na dyan! Hinahanap kana ni Lia!." Sigaw ni Mama pagkalakas lakas ng boses eh.

"Opo bababa na!." Sigaw ko din.

*****

Sa baba.

Agad kong nakita si Lia kaya nginitian ko sya, maya maya pa biglang pumasok si Aiden, gulat na gulat pa nung makita si Lia.

"Yexhia?" Si Aiden.

"Good morning Aiden." Sabi ko sa kanya.677ul

"Susunduin namin kayo." Si Lia.

Parang ayaw pa nga ni Aiden eh pero, wala napilitan na lang sya, hahaha.

*****

Sa parking lot.

Pag ka baba namin, q nandyan na din sina Emy, Kairo, Art at Cooper. Agad kaming nakita nina Emy, gulat na gulat pa sya nung nakita nya na kasama namin sina Lia at Kurt.

Nag-usap usap muna kami bago simulang mag lakad, maya maya pa nag datingan na sina Heaven, Marco, Josh at Scarlet.

Ganon pa rin, parang yung dati masaya. Papunta na kami sa room.

Mag-kasabay ng pumunta si Art at Scarlet sa section nila, kasi mag-kaparehas lang naman sila ng section.

Pag-kadating namin sa room nandoon na si Xhian pati si Luna.

Lumapit naman sa amin yung dalawang bruha, syempre sina Megan at Bellatrix.

"Oh nagbati-bati na pala kayo." Si Megan.

"Mag kakasama na ulit yung mga basura." Si Bellatrix.

Napatawa naman yung iba naming  mga kaklase.

"Wow! Parang kayo yata yung basurang hahara hara dyan sa dadaanan namin ah." Sabi ko.

"Basura naman talaga yang mga yan." Dag dag pa ni Heaven.

"Padating na yung kumukuha ng basura dyan sa labas ng university, baka maiwanan kayo." Si Lia.

Nag tawanan naman yung mga kaklase.

"Good morning class." Si Ms. Dela Cruz kaya dali dali kaming nag upuan.

*****

Break time.

"Tara na sa Cafeteria." Si Josh.

"Teka, sunduin nyo na muna sina Art at Scarlet." Si Heaven.

"Ako na susunod." Si Aiden.

"Samahan na kita." Si Marco.

"Tara." Si Aiden.

"Pumunta na lang kayo sa cafeteria." Si Josh.

"Tara na." Si Emy.

Ang dami namin ngayon.

Ako, si Emy, Heaven, Lia, Luna, Aiden, Xhian, Kurt, Josh, Kairo, Cooper tapos susunduin pa nila si Art at Scarlet ewan ko kung sasama si Jun.

Nandito na kami ngayon sa Cafeteria, hinihintay na lang namin sila.

Maya maya pa dumating na sila, kasama nga si Jun.

Habang kumakain kami, yung iba pinakilala yung mga sarili nila.

Masaya kaming kumakain, hanggang sa nakita ko si Kio. Naiinis talaga ako sa pag mumuka nya.

Naalala ko lahat nung mga nangyari sa akin noon pag nakikita ko sya.

Tapos sasabihin nyang gusto nya ako ang kapal ng pagmumuka nya. At saka bakit sila nandito, pag kami pumunta sa kabilang cafeteria hawak, tapos sila pwede, hindi naman nya kasama si Mateo. Ibang mga lalaki yung kasama nya, hindi nila yun kasama nung hinarangan nila kami doon.

Hindi na ako maniniwala sa sinasabi nyang gusto nya ako dahil baka masaktan lang ako. Kagaya nung dati.

Kapitbahay namin sya dati, simula bata naging mag-kaibigan na kami, simula elementary kaklase ko na sya. Nag-kagusto ako sa kanya pero hindi ko yun sinasabi dahil baka lumayo yung loob nya sa akin.

Madami ng nag-kakagustong babae sa kanya kaya naisipan ko ng umamin sa kanya, gusto ko ng sabihin na gusto ko sya.

Kaya ayun, sinabi ko sya na pumunta sya doon sa garden, sinabi ko na gusto ko sya, gulat na gulat pa sya nung sinabi ko yun, ng biglang nagdatingan yung mga tropa nya. Pinag tawanan lang nila ako. Pinag-aasar.

"Wag mong sabihin na gusto mo yan Kio." Sinabi nung tropa nya sa kanya.

Para akong tangang nakatayo doon at pinag-tatawanan nila, wala namang ginagawa si Kio at nakatingin lang sa akin.

"Syempre hindi ko yan gusto." Sinabi ni Kio, nasaktan ako ng sobra non nung sinabi nya yun.

"Syempre naman Kio, sino bang mag kakagusto sa babaeng yan, ang dugyot." Sabi pa nila.

Tumakbo ako at umalis doon.

Minsan pa nga niyaya ako ni Kio, pinapunta nya ako sa garden pero hindi sya dumating. Pina-asa nya lang ako.

Madami pa silang ginawang pambu-bully sa akin, pam-papahiya at madami pang iba.

Tapos ngayon mag-papakita sya at sasabihing gusto nya ako, ang kapal talaga ng pag-mumuka nya.

Dito pa talaga sya pumasok. Lumayo nga ako sa kanila, tapos susunod sya dito.

"Uyy! Yexhia! Kanina ka pa dyan tulala, sino ba yang tinitingnan mo dyan?" Si Josh.

"Ahhh....wala, may naalala lang ako." Ako.

"Oh nandito pala ang mga taga section C." Sabi nung Andrea, naaalala ko pa yung mga pangalan nila.

Sila yung kasama nina Mateo na umabang doon sa amin sa labas.

"Nandito din pala yung tatlong pina-alis sa section B, sumama sa mga basura." Sabi naman nung Julia.

Tumawa naman sila.

"Excuse me, akala ko kasi yung mga basura ay nakuha na kanina pero bakit meron dito sa harapan namin, ang dami pa." Si Lia.

Kaya napatawa naman kami pati yung ibang mga estudyante dito na nasa cafeteria.

"Basura? Parang kayo yung mga basura." Sabi naman nung Bianca.

"Hmm...kung basura kami at basura din kayo....sinong mas mabaho? Diba kayo?" Si Luna.

Nagtawanan na naman sila.

"Umalis na lang kayo dito, dahil mapapahiya lang kayo, ang gaganda nyo nga, wala naman kayong mga utak." Si Heaven.

"Tanga ka ba? Kung wala kaming utak edi sana patay na kami." Sabi nung Alexa.

"Kasi naman pinapakita nyo na wala kayong mga utak sa ginagawa nyo, kumakain kami dito tapos mag i-iskandalo kayo? Tanga ka ba? Sana nga namatay na lang kayo! At sana nung ginawa kayo ng mga magulang nyo pinutok na lang kayo sa kumot!" Si Heaven.

Amp. HAHAHA.

Nagtawanan na naman sila.

Puro tawanan ang pumuno sa buong paligid.

"Arghhh! Kairita! Umalis na nga tayo dito!" Sabi ni Alexa.

"Hindi pa kami tapos sa inyo." Sabi naman nung Andrea.

"Hindi namin kayo a-atrasan!" Sigaw pa ni Heaven.

Napahiya naman sila.

Mga bwisit kasi.

TO BE CONTINUE.

You are reading the story above: TeenFic.Net