CHAPTER 20: HEAVEN'S BOYFRIEND

Background color
Font
Font size
Line height

YEXHIA FERNANDEZ

Hapon na.

Uwian na naman.

Hindi ko malimutan ang nangyari sa canteen kanina.

" bat ang tamlay tamlay mo dyan? ", pagtatanong ni Lia.

" oo nga parang naubos yung energy mo", si Heaven.

" syempre sya yung naging muse", si Josh.

" at ang escort pa nya ay si Aiden", si Scarlet.

Bat nila sinabi, nandyan si Zid eh.

" muse ka?", pagtatanong ni Zid.

" oo, ayaw ko nga eh, ikaw?, escort? ", pagtatanong ko kay Zid.

" hindi ako escort", sabi ni Zid.

" ah ganon ba", sabi ko.

Hindi na sya nag salita.

" masakit pa ba yan?", pagtatanong ko sabay hawak sa labi nya.

" aw",daing nya.

" sorry", sabi ko.

" ok lang", sabi nya at ngumiti.

" ano yan Zid, chikinini?", pagtatanong ni Heaven habang nakaturo sa leeg ni Zid.

Lagot.

Agad akong tumingin kay Heaven.

" patingin", si Josh.

" ako din", si Marco.

" saan?", si Lia.

" bat may ganyan ka?", si Kurt.

" lagot ka kay Yexhia", si Scarlet.

" bat ako malalagot?, eh sya yung naglagay nyan", sabi ni Zid habang nakangiti.

Nakakahiya.

" ikaw Yexhia ha, ano yan", sabi ni Lia.

" kailan mo nilagay yan?", pagtatanong sa akin ni Heaven.

" nung lasing sya", si Zid ang sumagot.

" buti hindi ka ni rape", si Kurt.

" tumigil ka nga dyan", si Lia.

Pinag aasar nila ako at pinagtatawanan.

*****

Sa bahay.

Nakakainis ayokong maging muse.

Whaaaa!!!.

Mag quit kaya ako. Bawal eh.

Ay hindi na lang ako aatend. Mas lalong bawal.

Ano ng gagawin ko?.

Help me.

Sana may dumating na hulog ng langit para sa akin.

Hulog na lalaki.

Charot.

Matutulog na nga ako.

*****

Umaga na naman.

Tinatamad ako pumasok.

Sinundo ulit ako ni Zid.

*****

Sa school.

Gusto ko na agad umuwi.

" bat parang ang tamlay mo dyan, nag umagahan ka ba?", pagtatanong ni Zid.

" oo nagumagahan ako", sagot ko.

" eh bakit ang tamlay mo dyan?", pagtatanong ni Zid.

" ayoko kasi maging muse ", sagot ko.

" wala tayong magagawa", si Zid.

" wala nga", Ako.

" basta isasayaw kita sa party", sabi ni Zid.

" syempre, ikaw pa", sabi ko.

" pano pag nag break tayo?", pagtatanong ni Zid.

" break?, bat naman tayo mag be break?", pagtatanong ko din sa kanya.

" malay mo lang, pano pag nagselos ako ng todo", sabi nya.

" bat ka naman magseselos?", pagtatanong ko.

" kay Aiden, magseselos ako sa inyo ni Aiden", sabi nya, sabay tingin sa malayo.

" tumingin ka nga sa akin", sabi ko kaya tumingin sya sa akin.

Nagpa cute pa.

" bat ka magseselos?, eh ikaw naman yung gusto ko", sabi ko.

" hindi ko yun maiiwasan, hindi ko maiiwasan na hindi mag selos, lalo na pag may kasama kang ibang lalaki ", seryoso nyang sabi.

" alam mo ba da-", may sasabihin pa sana sya kaso hindi na natuloy dahil may dumating na babae.

Magandang babae, maputi, mahaba ang buhok, mukang mabait, maamo ang mukha.

" hi Zid", sino naman tong babaeng to.

" oh ikaw pala, akala ko ba lilipat ka ng school", si Zid.

" hindi na natuloy eh, teka sino pala sya?", pagtatanong nung babae sabay turo sa akin.

" she's my girlfriend", sabi ni Zid.

" ah, hello, i'm Sophia Cuesta and you?", sabi nya sabay ngiti.

" Yexhia Fernandez", sabi ko ng nakangiti at nagkamayan kami.

Plastik ang ngiti mo bhe.

Totoo yung ngiti ko tapos yung sayo plastik. Unfair.

" sige una na ako", sabi ni Sophia at umalis.

" sino yun?", pagtatanong ko.

" ex ko", sabi nya.

What?. May ex sya. Akala ko ba wala.

" joke lang", sabi nya ng tatawa tawa.

" sino nga?", pagtatanong ko.

" nag kaka-crush sakin yun", sabi nya.

" ah", sabi ko.

" bilisan mo na maglakad ihahatid pa kita sa room nyo", si Zid.

" ok", sabi ko.

*****

Sa room.

Nandyan na si Aiden.

Naiinis ako pag nakikita ko sya.

Nakatingin sya sa amin.

" Zid, kamusta na pala yang sugat mo sa labi?", pagtatanong ko.

" ok lang, kaso nagsugat", sagot nya.

" ayieeeeeeeeee", si Heaven.

" ano ba yan Heaven", sabi ko.

" bakit ba, haha", si Heaven.

" sige na Zid", sabi ko.

" sabay ka samin mamayang recess", si Heaven.

" sige", si Zid.

Umalis na sya.

Umupo na ako sa upuan ko.

Maya maya pa dumating na si miss Dela Cruz.

Nagdisscuss lang sya.

Pero kami ni Lia nag dadaldalan.

" wag kayong maingay pag kayo napagalitan ni miss", bulong ni Kurt.

" anong meron dyan, Fernandez at Lyre?", pagtatanong ni ma'am.

Kinabahan ako.

" miss wala po", sagot ko.

" ang ingay ingay nyo nga dyan eh, lumipat ka nga doon sa likod sa tabi ni Javier at ikaw Angcaya dito ka", si ma'am.

Shit.

Bat ba kasi ako nagingay ako.

Wala na akong nagawa, tumayo na ako at umupo doon sa tabi nya.

Nakangiti sa akin amp.

Inirapan ko sya.

" sungit naman nito", si Aiden.

" pake alam mo ba, mag iingay ako para hindi kita makatabi", sabi ko sa kanya.

Tumahimik naman sya at nakinig ulit doon.

Pano ko sya madadaldal eh nakikinig sya.

Mautak ang loko.

*****

Recess.

" Yexhia andyan na si Zid tara na", tawag sa akin ni Heaven.

Kaya pumunta na ako sa kanila.

" yan, ingay pa bhe", si Josh.

" bakit anong nangyari?", si Zid.

" nag ingay, pinalipat tuloy sya doon sa likod, katabi si Aiden", si Heaven.

Ang tanga tanga ko talaga.

Baka sabihin ni Zid napakalandi ko.

" ah", si Zid.

" Zid pwede bang sabay tayong kumain?".

Dumating si Sophia.

" ah next time na lang kasabay ko kasi sila", si Zid.

" ah ganon ba sayang naman", si Sophia.

Binigyan nya ulit ako ng plastik na ngiti.

" oh ikaw pala Sophia, akala ko ba lumipat ka ng school", si Kurt.

" hindi na natuloy eh", si Sophia.

" sige alis na ako", umalis na sya.

Naglakad na din kami.

Lumapit sa akin si Lia.

" sino ba yun?", pagtatanong ni Lia.

" si Sophia Cuesta, nagkakacrush kay Zid", sagot ko.

" mukang malandi", si Lia.

Napatawa naman ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Uwian na.

Hinatid ulit ako ni Zid sa bahay.

Nang nakaalis na si Zid may nakalimutan ako.

May bibilhin pa pala ako.

Dapat nagpasama na lang ako sa kanya.

Wag na mag ba-bike na lang ako.

Pag pasok ko sa loob.

" nak may papabili ako sayo", si mama.

Saan to bibili din ako.

" ano po yun ma?", pagtatanong ko.

" oh ito listahan", sabi ni mama at binigay sa akin ang isang pirasong lapel.

Kinuha ko yun at umakyat sa kwarto ko.

Nagbihis ako.

At bumaba ulit ako.

" ma alis na ako", sabi ko kay mama.

" sige mag ingat ka", si mama.

" ok po", sabi ko.

Kinuha ko na ang bike at sumakay.

Nagsimula na akong umalis.

Haha.

Madadaanan ko ang bahay nina Lola Anne, baka makita ako ni Aiden.

Nakadaan na ako.

Yehey, hindi ko sya nakita.

*****

Sa mall.

Dumaan kaya ako sa coffee shop.

Wag na pala.

Bat ba dito ako pumunta.

Dapat sa palengke.

Puro gulay to bhe.

Ayy oo nga pala kaya ako pumunta dito may bibilhin ako.

Pumunta ako sa national book store at bumili ng bond paper na hard copy.

Isang balot na.

Pag ka bili ko lumabas na ako ng national book store.

Dadaan na nga ako sa coffee shop.

Nasa malayo pa lang ako kita ko na agad ang mga taong kumpulan sa tapat ng coffee.

Anong meron?.

Dali dali akong pumunta doon.

Nakita ko si Heaven, Aliah, Ryder at Zachary.

Nakita kong naiyak si Heaven sa harap nung lalaki at babae, mag jowa ata yun dahil magkahawak pa ang kamay.

" sino ka bang babae ka?", pagtatanong nung lalaki kay Heaven.

" nagkukunyari ka pang hindi mo ako kilala, para ano?, para hindi ka mahuli ng kabit mo", sabi ni Heaven habang umiyak.

" ano bang sinasabi mo?, hindi naman talaga kita kilala ah, baliw ka ba", sabi nung lalaki at inis na inis na.

" sinungaling kang lalaki ka, pinakilala ka nga sa akin ni Heaven eh, tapos itatanggi mo ngayon, may amnesia ka", si Aliah.

" sino ba kayo?, gagawa na nga lang kayo ng storya yung ganyan pa", sabi ulit nung lalaki.

" ah storya pala ah", si Aliah.

Tiningnan ni Aliah ang cellphone nya at pinakita ang isang picture. Picture nung lalaki at ni Heaven.

" oh ano, may proweba ako, sinungaling ka", sabi ni Aliah.

" sinungaling pala to eh".

" mag dedeny pa".

Bulungan ng mga tao.

" kaya ikaw", turo ni Aliah sa babae.

" wag kang mag inarte dyan, kabit ka lang", sabi ni Aliah.

" totoo ba yun?", pagtatanong nung babae sa lalaki.

" maniniwala ka ba sa kanila?, syempre hindi yun totoo", pagtatanong naman ng lalaki sa babae.

" sinungaling ka talaga!!", sigaw ni Heaven.

PAK!!!.

Sinampal nya yung lalaki.

Yan very good.

Bagay lang sayo yan.

Napahawak yung lalaki sa pisngi nya.

" bat mo sya sinampal?", pagtatanong nung babae kay Heaven.

" bagay lang yan say-ah!", si Heaven.

Sinampal sya nung babae.

" yan ang bagay sayo, wala akong pake kung girlfriend ka nya, ako na yung pinili eh, wala ka ng magagawa", sabi nung babae.

PAK!!

Sinampal sya ni Heaven.

" bagay din yan sayo, kaya panindigan mo ang pagiging malandi", sabi ni Heaven.

Sasampalin ulit sana ni Heaven yung babae pero hinawakan sya sa kamay nung lalaki.

" bitawan mo ako, nasasaktan ako", si Heaven.

Time to shine.

Lumapit ako sa kanila.

Nagulat naman sila nung makita ako.

" hoy two timer bitawan mo nga si Heaven", sabi ko kaya binitawan nya si Heaven.

" isa kang manloloko, sinungaling, walang puso, malandi at mukang aso", sabi ko sa kanya at dinuro duro ko pa.

" anong sinabi mo?", pagtatanong ng lalaki at mukang galit na galit na.

Akmang sasaktan ako nito, pero pinikit ko na lang ang aking mga mata at hihintaying tumama sa akin ang mga palad nya.

Pero wala.

Walang tumama sa akin kaya iminulat ko na ang aking mga mata.

At nakita ko ang isang lalaki.

Si.

TO BE CONTINUE

You are reading the story above: TeenFic.Net