BTLR: 20

Background color
Font
Font size
Line height

Warning: All places stated in here are purely fictional.

BMC- their school, stands for Blessed Margaret's College.

------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20: Relationship

Grade 12. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, nagsisimula pa lang kami ng SHS. Kaley and I are already together for a year. Our relationship has a slow yet sweet pace. And, we were still the people we met almost five years ago.

"Are you with Brile?" Kaley asked.

Hindi na kami nagkikita sa campus ngayong taon dahil nasa College Department na siya. His department is very far from the Senior High School Department kaya naman hindi kami madalas magkita simula nang magsimula ang klase.

"Hindi. Papunta ako sa room nila Rilynn at Stell. Kasama ata ni Brile Varsity friends niya," sagot ko.

"Okay," he said in a low voice. "I'll see you later, right?"

"Sa bahay. 6 pa tapos ng klase mo, 'di ba?"

"Yes. Don't wait for me. Baka mainip ka."

I chuckled. "Hindi talaga kita hihintayin! Pupunta pa kami kanila Rilynn, e. Sa subdivision na lang tayo magkita, 'kay?"

He laughed. "Yes, ma'am! I'll see you later, bub."

"Okay, bye bye."

I sighed and bit my lower lip to stop myself from smiling. Gago, kinikilig ako! Hindi pa rin talaga ako masanay kapag tinatawag niya akong gano'n.

Bub. Sabi niya short for bubba daw. Ewan ko nga saan niya nakuha 'yung gano'n pero rinig ko walang nagtatagal sa mga gumagamit ng gano'ng call sign.

"Bar tayo. Sa Jo's," sabi ni Brile habang kumakain kami sa bahay nila Rilynn.

Rilynn glared at him. "Kuya might hear you. Lagot ako doon."

"Legal age ka na naman. Tsaka pwede mo naman isama si bebe mo. Ay! Wala ka pa lang bebe."

"Whatever," mataray na sabi ni Rilynn.

"Bawal ako mag-bar. Mapapalayas ako sa bahay," natatawang sabi ni Stella.

Napahawak si Brile sa baba niya, tumatango-tanvo. "Oo nga pala. Strict parents si Stell." Tumingin siya sa akin. "Ikaw, pwede ka?"

Tumango ako. "Basta hahatid mo 'ko pag-uwi."

"Deal! So ikaw, ako, si Ri, bf ni Ri... Ay, wala pala siya nun. Ikaw ba, Jax?"

Umiling siya. "Hindi sasama si Stella kaya pass."

I smirked and wiggled my brows to tease him. Landi nila. Harap-harapan pa talaga! Respeto naman sa mga single. Ay... Taken na pala ako.

Napahagikhik ako sa naisip. Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang mas nauna pa ako makajowa kaysa sa kanila. Nakakatawa naman.

"Mamayang gabi na ba 'yan, Brile?"

"Oo. Bawal na umatras, um-oo ka na."

I made a face. "Blah, blah. Basta uuwi muna ako para magpalit."

"Sunduin ka ba namin, Nov?" Rilynn asked.

"Hindi na. Kita na lang tayo sa bar. Dala kayo ID ah."


"You look good in that one," sabi ni Kaley. Nasa sala kaming dalawa sa bahay at pinapapili ko siya kung alin ang susuotin ko.

"Mas gusto mo 'to?"

He nodded and sat down properly. Binaba niya ang naka-dekwarto niyang binti bago ako senyasan na lumapit sa kaniya.

He held my wrist and watched my every move. "The other one looks good, too. But I like this better," he said pertaining to the black crop top I was wearing.

"Tapos partner ko nito?" I asked him.

Tumango siya. "The black skirt, yes. I like that one."

Umakyat ako at maayos na sinuot ang damit na tinutukoy niya. Pag baba ko ay sinama ko na rin ang makeup kit para doon na mag-ayos dahil hindi pwede si Kaley sa loob ng kwarto ko.

"I'll go with you," he said. "We'll go there together, I'll meet my friends there."

"Plano mo rin mag-bar 'no? Kunwari ka lang na mag-aaral, e..."

He laughed. "No. Roazol told me that you'll be going to a bar. He's my spy."

"Wow, friends kayo?"

He shrugged. "He's my spy."

"'Di mo 'ko trust?"

Tumawa at yumakap siya sa akin. "I trust you. He just tells me things. Chismoso siya, Nov..." sumbong niya.

"Nakikichismis ka, e. Edi chismoso ka rin?"

He laughed louder. "I hate you."

I kissed his cheek. "I hate you more."

Kaley drove us to the bar. Buti na lang at pumayag ang mga magulang ko. Kampante naman sila dahil kasama ko si Kaley at ang mga kaibigan ko. And, nasa legal age na rin ako.

"Hinatid ka ng driver niyo, Nova?" Brile asked as soon as I sat down.

"Naglakad ako," pilosopo kong sagot ko. He raised his middle finger and waved his hand to the people walking around.

"Is this a birthday party, Brile?" Rilynn asked.

"Oo! Birthday ni Euphie!"

I laughed when I realized who Euphie is. Ito pala 'yung crush na nabanggit niya nung grade 11 kami! Lumalandi na rin pala ang manok ko. Very good!

"Puntahan mo, tanga. Go na!" I told him.

Umiling siya. "Ayaw ko nga! Maiiwan kayo ni Ri Ri dito. Okay na 'ko dito! Bigay ko na lang regalo ko kapag pauwi na tayo."

I tsked and drank the lemonade that Rilynn ordered for the two of us. Nilibot ko ang paningin ko, hinahanap si Kaley pero hindi ko siya nakita. Maybe he's busy chatting with his friends.

Tumayo ako at sumenyas kay Rilynn na pupunta ako sa CR. Tumango siya at nakipagusap kay Euphie habang parang baliw na nakikichismis si Brile sa kanila.

Nilibot ko muna 'yung bar para hanapin si Kaley. Nang hindi siya mahanap, dumiretso ako sa CR.

Puno ng Grade 12 to 1st Year College students mula sa BMC ang bar na 'to. Sa bagay, famous rin si Euphie dahil dancer siya. Hindi na rin ako magtataka na kakilala siya ni Rilynn dahil pareho silang parte ng dance troupe dati.

"Hi, Nova!" Bati ng isa kong kaklase. Kumaway ako sa kaniya at nakipag-apir bago tuluyang pumasok sa loob.

Napangiwi na lang ako nang makarinig ng tunog ng naghahalikan. Sa loob pa talaga ng cubicle. Pwede naman kayo sa labas! Kala ko ba safe place 'tong CR.

Hindi na lang ako tumuloy kahit na medyo naiihi na ako. Umakyat na lang ako sa second floor para doon mag-CR. Buti na lang at madaming restroom dito. Galing rin pumili ni Euphie ah.

"Nova?" I heard someone call my name. Nilingon ko kung saan galing ang boses na iyon at nakita si Alex, 'yung kasama ko sa center.

"Bakit andito ka? Invited ka?" I asked. Tumawa siya at nilagay sa bulsa ng kaniyang shorts ang dalawang kamay.

"Someone invited me. Ikaw? Kaibigan ka nung may birthday?"

"Someone invited me rin," gaya ko sa kaniya.

"You wanna meet my friends? Halika, papakilala kita," yaya niya.

Umiling ako. "Huwag na! Balik ka na doon."

He looked hesitant-parang may gustong sabihin ngunit hindi niya masabi. Still, he let me go. Dumiretso ako sa CR at nang lumabas ako ay naabutan ko si Euphie na nakatayo sa may pintuan na para bang may iniintay.

"Uy, Euphie! Happy birthday ulit!" Bati ko kahit nabati ko na siya kanina.

She smiled and waved her hand. Ang hinhin niya talaga. Sana i-crush back nito si Brile kasi ship ko talaga sila!

"Bakit ka pala andito? May inaantay ka ba?"

"Wala naman," sabi niya sabay iling. "I just wanna show you something..." medyo hesitant niyang sabi.

"Ano 'yon?"

Bumaba kaming dalawa at pumunta sa parking lot kung saan nag-iintay ang dalawa. Uuwi na ba kami? Bakit nasa labas agad sila?

"Nova, uwi na us," Rilynn said as soon as she saw me.

I raised my brow. "Hindi pa tapos birthday ni Euphie. Lagot ka kay Bri-"

"Umuwi na tayo, Nova," sabat ni Brile. He nodded at Euphie and Euphie did the same. Nagpaalam silang dalawa habang ako ay gulong-gulo sa kung ano ba ang nangyayari.

Hindi na rin ako nakapag-text kay Kaley na uuwi na kami nila Brile dahil nagmamadali silang pasakayin ako sa sasakyan.

"Ano ba meron?" I asked while looking at the mirror. Nasa unahan si Rilynn at nagd-drive naman si Brile. Swerte rin nito, may lisensya kaagad e!

"Give me your phone," sabi ni Rilynn. Nilahad niya ang kamay niya, inaantay na iabot ko ang phone ko.

"E? Bakit nga?"

"In-open mo ba phone mo ngayong gabi, Nova?" Brile asked while driving.

"Hindi. Bakit? Ano meron sa phone ko?"

Nilabas ko ang cellphone at hindi inabot kay Rilynn. Imbes na iabot, binuksan ko ito at in-on ang data ko. Doon bumungad sa akin ang sandamakmak na notifications. Sa FB, sa messenger, sa IG, sa Twitter, at kahit sa mismong messages.

Hindi ko sana papansinin ang mga notification pero nahagip ng isa ang aking atensyon.

Comment: November Ariyes Tiamzon, 'yan 'yung malandi sa BMC, hindi ba?


------------------------------------------------------------------------------

You are reading the story above: TeenFic.Net