BTLR: 04

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 4: Family

Kumaway ako kay Kalen bago tuluyang pumasok sa bahay namin. Ngayon ko lang nalaman na magkapitbahay pala kaming dalawa. Pareho lang ang subdivision na tinutuluyan namin, halos dalawang kanto lang ang pagitan ng aming mga bahay.

I took a bath and got ready for bed. Hindi na ako masyadong tinanong nila mommy tungkol sa nangyaring lakad dahil sanay na sila sa ganito. And they know that I know my limitations. They trust me.

Lumipas ang araw at gano'n pa rin kaming dalawa. Hindi naman kami sabay na kumakain o ano... Hindi namin ginagawa 'yung mga bagay na ginagawa ng mga nagliligawan.

The correct term for this is 'landian'. Kalen and I are both used to this. 'Yun nga lang ay madalas ako magpalit. 'Yung kaniya ay ginigirlfriend niya muna tapos pagkatapos ng ilang linggo o buwan... maghihiwalay na.

A playgirl and a playboy.

Both who love to play the game.

Nags-scroll ako sa Instagram nang biglang mag-message sa akin si Kalen. Gabi na at Friday bukas. May schedule kami sa GSP at paniguradong may CAT sila.

@KalenV_:

Wyd?

Ang cold nito mag-type ah! Tumagilid ako sa kama at nag-type ng aking reply.

@novachipsss:

Scrolling lang. U?

@KalenV_:

Same. Nakita ko green dot sa profile mo kaya I messaged you. Thought you were already asleep.

@novachipsss:

'Di ba maaga sleeping time mo? Bakit gising ka pa?

@KalenV_:

I was about to sleep, November.

@novachipsss:

Oo nga, e ba't hindi ka pa natutulog ngayon?

@KalenV_:

Mamaya na.

@novachipsss:

K. Sabi mo, e.

@KalenV_:

Do you have plans tomorrow?

@novachipsss:

Papakilala raw ako ni mommy sa boss niya. 'Yung may ari ng building.

@KalenV_:

Really? What time?

@novachipsss:

Dinner pa daw. Kasama namin si daddy tapos kasama rin family nung boss ni mommy. Kilala mo ba 'yon?

@KalenV_:

Yes.

Kinulit ko pa siya para sabihin sa akin ang pangalan nung boss ni mommy at kung ano bang itsura no'n. Kaso lang ay ayaw niyang sabihin. Matulog na lang raw ako kasi may pasok pa kinabukasan.

Pagkatapos ng GSP activities, dumiretso ako sa bahay. Nandoon na rin sina mommy and daddy at sabay-sabay kaming pupunta sa resto kung saan kikitain ang pamilya ng kaniyang boss.

I wore a simple white puff sleeve dress which made my skin color stand out. I paired the dress with gold accessories and a pair of white flats.

Nang matapos ako mag-ayos, bumaba na ako bago pa man tawagin.

"Daddy, do you know mommy's boss?" Tanong ko kay daddy habang nasa sasakyan kami. Si mommy ang nagd-drive dahil mas sanay itong mag-drive sa gabi.

"Yes. She's older than me and your mommy," sagot niya. "Hindi mo ba siya nakikita tuwing pumupunta ka sa office ng mommy mo?"

"No..." sagot ko habang nakayakap sa leeg niya. Nasa passenger's seat siya at nakasandal ako sa likod ng kaniyang upuan.

"I think you'll get along with her kids, November," sabi ni mommy.

Hindi na ako nagtanong pa dahil hindi ko rin naman sigurado kung makakasundo ko ang mga anak ng boss ni mommy. Ang daming taong gusto makipagkaibigan sa akin noon pero nang marinig ang paraan ko ng pagsasalita, binabash na ako agad.

No one ever liked the way I speak. Ang prangka, walang modo, walang preno, at straightforward ko raw masyado. But I'm lucky I had a childhood friend—si Rilynn. Rilynn opened the gates for me. Doon ko nakilala sila Stella, Jaxtin, at Brile.

Bumaba ako sa sasakyan habang nakahawak sa kamay ni daddy. Kahit na mas gugustuhin ko pang manatili na lang sa bahay at makipagharutan kay Kalen sa text, aayos ako ngayong gabi dahil importante ito para sa pamilya namin.

Mayroong babaeng bumati sa amin at dinala kami sa isang secluded area. It must be a part of the restaurant that's specifically for VIP members or guests.

Nang buksan ni daddy ang pintuan, bumungad sa amin ang isang babae at lalaki na halos ka-edad lang o mas matanda ng kaonti kanila mommy. This must be mommy's boss and her husband.

"Good evening, Mr. and Mrs. Villega!" Mommy greeted them. Nakipag-kamay ang dalawa sa mga magulang ko bago bumaling sa akin.

"Good evening po..." I softly said, trying my best to make my voice sweet.

Ngumiti ang ginang sa akin at binati rin ako. Gano'n rin ang kaniyang asawa.

"My children are outside, hindi niyo ba sila nakasalubong?" Mrs. Villega asked. Nalaman kong Winona ang kaniyang pangalan.

"Sayang at hindi namin sila nakasalubong. Will they join us, Mrs. Villega?"

Tumango ang ginang sa tanong ni mommy. She looks sophisticated and her features were soft. Sa kabilang dako, her husband's feautures were scary. Ang intimidating ng kaniyang aura pero tuwing ngumingiti siya, parang ang approachable niyang tingnan.

He kinda looks like someone I know. Ang familiar ng feautures niya.

"Oh, there they are!"

Mrs. Villega stood up and greeted the people who came in. Tumingin rin ako sa gawi nila para makita ang kaniyang mga anak kahit na wala naman akong interes makipag-kaibigan.

What... What the hell is Kalen doing here?!

Wearing a black dress shirt, Kalen made his way and greeted my parents. Kasama niya ang dalawang babae—one who looks younger and one who looks older than him.

Anak siya... Anak siya ng boss ni mommy?!

Napasapo ako sa noo nang maalala ang ilang beses na kasabay ko si Kalen papunta sa opisina ni mommy. Ba't ba hindi ako nagtaka na baka siya ang anak ng may ari ng building na iyon?

"November, greet them," my father whispered. Tumango ako at tumayo mula sa aking inuupuan. I bowed my head and greeted Kalen and his sisters.

Magpapanggap akong 'di ko siya kilala. Tutal nagpanggap siyang hindi niya kilala ang ka-dinner namin ngayon!

Ngumiti sa akin ang dalawang babae habang nakangisi naman si Kalen habang tinatanaw ako. I gave him a smirk, too. Ang pangit ng ugali mo.

Umupo na kami nang mai-serve ang pagkain. Nasa gitna ako nina mommy at daddy, at katapat ko ang bunsong kapatid ni Kalen na si Kyline.

His younger sister's jolly and not the bratty type. Akala ko kasi ay kapag bunso, may pagka-maldita. Sa case na 'to, ang mas nakakatandang kapatid ni Kalen ang medyo may pagka-maldita. Si ate Kriselle.

"So, what grade are you in, November?" Mrs. Villega asked. She told me to call her tita Winona pero parang hindi ako masasanay kasi boss siya ni mommy. Pero dahil 'yon ang gusto niya, sige na lang.

"Grade 8 po, tita..." I answered in a sweet tone.

Tumango-tango siya. "My eldest daughter, Kriselle, is already in Senior High. Ang bunso ko ay kaka-5 lang last month. Ang pangalawa ko naman na si Kalen ay grade 9. He studies at your school too. Do you guys know each other?"

Tumingin ako kay Kalen at umiling kay tita Winona. Id-deny kita, akala mo.

"He isn't familiar, tita..." I said and gave her a small smile. Ramdam ko ang titig ng aking mga magulang at ni Kalen, siguro'y gulat dahil dineny ko ang pagkakakilala sa lalaki.

"Oh... Then I hope you two would get along as friends now that you know each other. Masyado kasing madaming girls itong pangalawa ko!" She laughed. Sumimsim sa juice si Kalen habang nakatitig sa akin. I gave him a 'that's what you get' look before eating again.

Nag-usap tungkol sa bagong ipapagawang building ang aming mga magulang. My mom works at tita Winona's company as her head Architect and they are planning on a new project. Hindi ko na masyadong alam ang details dahil hindi naman usapang pang-bata iyon.

I glanced at ate Kriselle who's talking with Kalen. Pareho silang tumatawa kaya nag-assume ako na nakakatawa ang pinag-uusapan nila. Lumipat ang tingin ko sa bunso nilang kapatid na tahimik lang at sumisimsim sa Iced Tea niya.

"Kuya, can you help me..." maliit ang boses ni Kyline habang nakatingin sa kaniyang kuya.

Tumigil sa pag-uusap ang dalawa para bigyang pansin ang bunso. "What is it, Ky?"

Pinakita ni Kyline ang strap ng kaniyang sapatos. Ngumiti si Kalen at inayos 'yon. Ang cute.

"What are you looking at?"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mariing bulong ni ate Kriselle. Masama ang kaniyang tingin sa akin kaya napa-kunot ang noo ko. Problema nito?

Napatingin sa akin si Kalen bago bumaling sa kapatid at saka bumulong dahilan para mapatigil ang masamang tingin nito sa akin. Laki ng tama nitong panganay na 'to, ah. Wala naman akong ginagawa.

Imbes na bigyang pansin ang dalawa, nag-focus ako sa bunso nilang kapatid na ngayon ay naglalaro na sa kaniyang Ipad.

I kinda wish I have younger siblings, too. Or an older one to protect me... parang 'yong kuya ni Ri Ri. Ang boring rin kasi ng pagiging only child. Wala kang kasangga sa kalokohan. But it is a good thing that my parents aren't that strict. Sinasakayan nila ang mga kagustuhan ko sa buhay.

Nang matapos ang usapan nila, nagpaalam na kami para mauna. Medyo weird ang atmosphere para sa akin dahil sa kasungitan nitong panganay na kapatid ni Kalen. Pero ayos lang kasi sanay naman ako sa mga ganito.

It's just weird because she doesn't even know me yet she gave me a cold shoulder.

Judgerist masyado.

Nang makauwi ako, I messaged Kalen. Ewan ko pero dinamdam ko ata 'yung hindi niya pagsabi na siya 'yung anak ng boss ni mommy. Alam ko naman hindi big deal pero parang masyado kong dinidibdib.

Me:

Anak ka pala ng boss ni mommy. Huwag mo na ako sasamahan tuwing pumupunta ako doon dahil baka mali pa isipin nila.

------------------------------------------------------------------------------









You are reading the story above: TeenFic.Net