Chapter 34

Background color
Font
Font size
Line height

34 | Detonate

AFTER ALMOST FIFTEEN minutes, lumipad na rin pababa si Maria at ang iba pa. Hindi ko pa rin alam kung nasaan na kami pero naaaninag kong may solid surface sa ibaba. Nang lumapad na si Maria ro'n, saka ko lang nakumpirma na lupa ang binabaan namin.

“What are we doing here?” tanong ko kay Maria.

I stared at her body. The color's slowly changing color again, but I think it would take some time for it to change completely. Why was it changing colors, though?

“It's a complete chaos in the Grand Ships now,” sagot niya. “It would be best for you to stay here for now.”

I bit my lower lip. May gusto pa akong sabihin pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil alam kong hindi maganda ang tanong ko. I wanted to ask if they'll really win this time. It's been years, their weapons might have improved. I was hoping they would win.

“Hindi ba mas delikado rito kasi nandito sa lupa ang halos lahat ng kalaban natin?” tanong naman ni Reivohr na nakahawak sa sugat niya sa may tagiliran.

Maria sighed. “I have no time to answer all of your questions,” aniya sabay talikod. Her back opened and a jetpack went out from there. Wala pang ilang segundo ay umilaw na ang jetpack, ready na bumwelo palipad. “Just stay here for now while we clear things there.”

Mariin akong napapikit nang paglipad ni Maria ay bumuga ng mainit na hangin mula sa lupa at sumabay ang iilang buhangin. Nang imulat ko ang mga mata ko, sobrang layo na ni Maria at hindi ko na siya mamukhaan.

Nilibot ko ang paningin ko. There were other people here besides us, at kagaya namin ay nababahala rin sila sa kaligtasan nila rito sa ibabaw ng lupa. May ibang naisipang lumakad para maghanap ng mapagtataguan, ang iba naman ay nanatili at piniling maghintay na bumalik ang mga nagdala sa amin dito.

Binalik ko ang paningin ko sa direksyon ng dagat. Bumuga nang bahagya ng hangin ang mask na suot ko, at 'yon ang nilanghap ko para pakalmahin ang dibdib kong mabilis ang kabog.

Mr. Siarez said he has a plan to stop this chaos. I wonder what his plan is. Hindi niya naman nabanggit sa akin kung ano. I just do hope it's not something risky and would cause a lot of lives.

“Anzaria!”

Napabaling ako ng tingin kay Caesonia nang tinawag niya ako. Nang natingnan ko ang mukha niya, nakabahid sa mukha niyang nag-aalala siya at natataranta na. “Bakit?”

“Rei and Zeig are bleeding! Bumuka yata ang mga sugat nila,” aniya.

Napabaling kaagad ako sa direksyon kung saan nakapwesto sina Zeig and Reivohr. Reivohr looked calm, but his shirt was wet because of blood and he's trying to stop Zeig's wound from bleeding. Si Zeig naman, mas malala ang sa kaniya. Nakakunot na ang noo niya dahil sa iniindang sakit. Nakahawak siya sa sugat niya habang nakaupo sa lupa.

Mabilis akong lumapit papalapit sa kanila. Lumuhod ako sa gilid ni Zeig at saka ko chineck ang sugat niya. Looks like his wound was a slash from something sharp, and it's opened now. I sighed before I ripped half of my shirt and tried to wrap it around his wound. Nang nasigurado kong mahigpit na ang pagkakatali ng tela sa sugat niya, nag-angat ako ng tingin kay Reivohr.

“Rei...” I looked at his shirt that was wet from blood. “You should stay put, you're bleeding, too.”

Mabilis siyang umiling. “I'm fine.”

“No you're not!” sabat ni Caesonia. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Reivohr. “Susubukan kong magtanong-tanong sa mga kasama natin dito, baka may doctor sa kanila.”

“Caes—” Hindi na natapos ni Reivohr ang sasabihin dahil mabilis na tumakbo paalis si Caesonia para gawin na ang sinabi. Napabuga na lang ng hangin si Reivohr.

Wala nang nagawa si Reivohr. Umupo na lang siya sa tabi ni Zeig at saka pinunit ang damit niya para itali sa sugat niya.

We stayed silent after that. Sa sobrang tahimik, naririnig na namin ang mga pagsabog sa dagat kung saan nagaganap ang gyera. Sa tuwing may sumasabog, nakakaabot dito sa amin ang liwanag kaya napapalingon ako sa direksyon na pinanggalinan no'n.

“Sa tingin mo, gaano tayo katagal mabubuhay sa stiwasyong ito?”

Napabaling ako ng tingin kay Reivohr nang nagsalita siya bigla. He's staring at chaos in front of us, and his eyes tells me he's scared and feels hopelees.

“We weren't taught how to fight. Ni hindi nga sinabi sa atin na posibleng mangyari itong nangyayari ngayon,” dagdag niya.

I bit my lower lip and sighed after.

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Kahit ako hindi naisip na mangyayari itong kaguluhan ngayon kaya hindi ako nakapagplano ng dapat gawin.

“Ang dapat nating gawin ngayon ay magdasal na lang,” tanging sagot ko sa kaniya.

He was about to say something nang marinig namin ang boses ni Caes na tinatawag kami. Kaagad kaming napabaling ng tingin sa kaniya at napaawang ang mga labi ko nang makita kung sino ang kasama niya.

“I didn't have any choice,” panimula ni Caes pagkarating niya sa tapat namin. “She's the only one with a kit with her.”

Napabaling ako ng tingin sa kasama niya. Aveyron was holding a rectangular box, which I assume was the first aid kit.

Tumango ako. “Okay.” Tumayo ako para makalapit si Aveyron kay Zeig at gamutin ang sugat ni Zeig.

Lumakad si Ave papalapit kay Zeig at saka siya lumuhod sa gilid ni Zeig. She opened the box and started treating his wounds. Pinagmasdan ko lang siya habang ekspertong gumagalaw ang mga kamay niya.

“I know you're thinking where the hell I got this first aid kit,” biglang salita ni Aveyron. “Mr. Siarez insisted I bring this here earlier.”

“I'm thinking why and when you became a spy and betrayed us, though,” mataray na sabat naman ni Caesonia.

Hindi sumagot si Ave at nagpatuloy lang sa paggamot kay Zeig. Nang natapos siya kay Zeig, pinaupo niya naman si Reivohr sa kabilang gilid at siya naman ang ginamot niya.

“I lied,” biglang salita ulit ni Aveyron.

“Yeah, obviously.” Umirap si Caes.

“You guys were actually my first friends.”

Napatitig ako kay Aveyron. Seryoso pa rin ang mukha niya habang pinupulupot sa tiyan ni Reivohr ang bandage.

“I wanted to help you guys, actually,” dagdag niya. “But it would mean my family's lives will be at risk, and yours too.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “What do you mean?”

Hindi siya agad sumagot dahil isinara niya pa ang first aid kit bago siya tumayo at hinarap ako.

“I'm sorry,” aniya. “I understand if you will not forgive me because of what I've done. It's unforgivable. You treated me like a friend, gave me your trust, but I betrayed you.”

Napatitig ako sa kaniya. Her face was still in a poker face, but I could sense in the tone of her voice that she's sincere.

I sighed and opened my mouth to say something but I was interrupted by an old woman's screaming.

“What was that?” Nagbaling ako ng tingin sa direksyon na pinaggalingan ng sigaw.

“Lola!” sigaw ng bat at kasunod no'n ay nagsitakbuhan na paalis ang mga kasama nila.

Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko nang makita ang matandang babae na hawak-hawak sa leeg ng isang alien. The old woman struggled but it only resulted to her death.

Napasinghap ako nang walang pagdadalawang-isip na binaon nito ang malaking kamay sa dibdib ng matanda at marahas na hinila palabas ang puso nito. Nang hindi na nga humihinga ang matanda, tinapon niya ito sa dagat at sinunod niya naman ang bata. He held the girl's head and twisted it as if he's opening a water bottle. The child's painful screaming almost made me go deaf. Nang natanggal ang ulo nito, lumabas ang dugo mula sa leeg niya na para bang bagong bukas na hose ng tubig.

Hindi ako makagalaw. Unti-unting nanlamig ang buong katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

“Shit! Shit! Shit! Let's leave now!”

Napakurap ako at natauhan ako nang may humawak sa braso ko at hinila ako patayo. Nang tingnan ko kung sino 'yon, si Aveyron pala. Nakaakbay din sa balikat niya si Zeig.

“I know where we can hide before the massive explosion will happen!” ani Aveyron kaya nakakunot ang noong napatingin ako sa kaniya.

“Massive explosion?”

Hindi niya nasagot ang tanong ko dahil may biglang dumaan sa gilid namin na sobrang bilis. Turns out, it was a large bolder and tumama iyon sa taong nasa malayong harapan namin na tumatakbo rin. Napisa siya at kumalat ang dugo niya sa lupa.

Napasinghap ako. Tumigil kami saglit at mag-iiba na sana ng daan para makapagpatuloy sa pagtakbo pero may papalapit din sa amin mula sa direksyon na tatahakin na sana namin.

The alien's eyes glimmered with fury. “Kerukim!” he growled.

“Fucking move!” natatarantang sigaw ni Caesonia at hinila ako.

Hindi pa kami nakalayo ay may lumipad papalapit sa amin at pinigilan nito ang malaking bato na tinapon sa direksyon namin gamit ang beam. Nahati ang bato at ang beam ay humati rin sa alien na naghagis sa bato.

The robot with orange lines in his skin turned around to look at us. Nang makita ko ang mukha niya, saka ko lang siya nakilala.

“Are you okay?” tanong ni Gregory.

Tumango ako. “Oo.”

Tumango rin siya. “Good. Get away from here.” Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na siyang lumipad paalis.

“It's almost time,” biglang sabi ni Aveyron kaya napabaling ako sa kaniya. Napatingin din siya sa akin. “The lines on his body already turned orange. Mga kalahating oras o mas mababa pa sa kalahating oras bago maging kulay pula 'yon.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Bakit? Ano ba ibig sabihin no'n?”

“We should go now!”

Hinila niya na ako patayo at inalalayan niya si Zeig at saka kami nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi na rin ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang din sa pagtakbo.

Sa hindi kalayuan, may nakita akong humanoid na papalapit sa amin. The lines in their skin has the same color as Gregory's. Nang nakalapit na ito, saka ko lang nalamang si Maria pala ito.

“You should hurry up!” aniya kaagad pagkalapit sa amin. “Nandoon na sina Mrs. Fluxia at Mr. Siarez.”

“Help us carry Zeig and Reivohr!”

Sa isang iglap ay buhat niya na sa magkabilang braso sina Zeig at Reivohr. Nang lumipad na siya paalis, nagpatuloy naman kami sa pagtakbo. At habang tumatakbo, naramdaman kong unti-unting sumisikip ang paghinga ko.

“Damn! Sa tingin ko mauubos na ang oxygen ko!” sabi ko sabay mariing pumikit dahil nahihirapan na ako.

“Sa akin din,” sagot ni Caesonia.

“Malapit na tayo ro'n, kaya pa 'yan!” sabat naman ni Aveyron.

“Saan ba tinutukoy mo, Ave?” tanong ni Caesonia at saka siya umubo dahil malapit na maubos ang hangin niya.

Nang napatingin ako sa harapan namin, nakita kong mabilis na papalapit si Maria sa amin. Tatawagin ko na sana siya pero mabilis niya kaming nasikop at mariin na lang akong napapikit dahil sa lakas ng hangin dahil sa mabilis niyang paglipad. I heard something beep, but I was too busy holding on Maria'as arm for my dear life to even look at where that beep came from.

Makalipas ang halos isang minuto, natigil na ang hangin kaya napamulat ako ng mga mata. Nilapag na kami ni Maria at saka siya umatras.

“Get in that hole!” utos niya. “You'll be safe with everyone inside.”

Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. “Wait! Where are you going, Maria?”

Napabaling siya ng tingin sa akin. She has this expression that I didn't see noong nasa bahay pa kami. Her expression now makes her actually look like a robot—serious and with no emotion at all.

“I have to fulfill my purpose, Anzaria.” Marahan niyang inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya. “And my life's purpose is to fight and protect everyone until I die.”

Parang may karayom na bumaon sa dibdib ko. I was about to say something, but my attention was caught when the lines on her body changed into a very bright red color. Pati ang mga mata niya ay naging pula na rin.

Beep. “Self Destruct Mode activated. Automatic detonation commencing in 59 seconds...”

Nalipat ang paningin ko sa kamay niya kung saan ang star, pero napalitan ng numero ang star at ang numero ro'n ay patuloy na nagbibilang pababa.

Napailing kaagad ako. I felt like a large hand gripped my heart and stabbed it with a sword. Nang binalik ko sa mukha ni Maria ang paningin ko, naging blurry na ang paningin ko dahil sa mga luha.

“N-No... No, Maria... Don't go, please!” I begged and held her hand again. This time, I gripped it tightly.

“Pero madadamay kayo kung hindi ako aalis, Anzaria,” aniya. Ipinatong niya ang isang kamay sa kamay kong nakahawak sa kaniya. She held it tightly for two seconds before she forcefully removed them.

“Maria—”

She gave me a sweet smile, the smile that she would always give me before leaving my room after making sure I'm asleep.

“I am not human, but you made me feel what it felt like to have a family and a sister,” aniya. “It was nice being with you. It was nice taking care of you and seeing you grow. Thank you for everything. If I am given a chance, I would choose to stay with you forever... but I can't.” Napatigil siya saglit, at napalitan ang expression ng mukha niya ng lungkot.

Beep. “30 seconds remaining...”

Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at saka niya inilapit ang kaniyang mukha para ilapat ang kaniyang mga labi sa noo ko. When I felt her cold lips touching my forehead, I felt like a thousand arrows hit my heart. My tears started to stream down like a waterfall.

“I love you, Anzie...”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. “N-No... Maria—”

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla siyang lumipad paalis. Mariin akong napapikit dahil sa impact ng mabilis niyang paglipad. Nang nawala na 'yon, nagmulat ulit ako ng mga mata at hindi ko na napigilang mapahagulgol.

“Maria!” I shouted, my voice cracked.

One thing came to mind at that moment—run after her. And that's what I did. Hindi ko namalayan na humahakbang na pala ako para humabol sa kaniya habang sinisigaw pa rin ang pangalan niya.

“Anzaria! What the fuck are you doing?!”

“Maria! Please don't leave me!” I didn't want to lose someone important to me. I don't want to lose my sister. “Maria—”

Nahinto ako sa pagtakbo at napasinghap. I held my neck and I fell on the ground due to turning weak. I gasped for air, and I felt my chest tighten every second.

My oxygen tank's empty.

Nahihilo na ako at parang anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. Itinukod ko ang siko ko sa lupa para hindi ako tuluyang mahiga sa lupa.

I stopped for a moment when I saw a large smoke suddenly appear from very far away, and it was slowly filled with fire and it keeps growing into a form of a mushroom. Wala pang limang segundo ay nagsunod-sunod na ang mga gano'n.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang mga 'yon.

I felt an arm wrap around my body and in an instant, I was carried in their shoulder. Hindi ko na natingnan kung sino ang nagbubuhat sa akin dahil ang atensyon ko ay nasa mga mistulang mushroom na nagsusulputan.

The last thing I remembered was a harsh blowing of hot wind hitting my body that was followed by a blinding light before I felt my body falling, and lost grip of my consciousness.


You are reading the story above: TeenFic.Net