Chapter 31

Background color
Font
Font size
Line height

31 | Attack

IT'S THEM... THEY'RE here...

Those creatures are here...

Hindi na ako nakagalaw. Naghahalu-halo na sa utak ko ang mga naiisip kong dapat gawin sa mga oras na 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay lalabas na ito sa dibdib ko. Hindi rin ako makaiwas ng tingin. Nanginginig ang buong katawan ko pero hindi ako makagalaw.

"Anzaria!"

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Napapikit na lang ako nang nasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Zeig at nagpagulong kami bigla. Nang napabalik na ako sa huwisyo, binaling ko ang paningin ko sa kung saan kami galing kanina at napaawang na lang ang mga labi ko.

The guy threw a large portion of the café wall towards us at mabuti na lang mabilis si Zeig, kaya hindi kami natamaan.

"Quick! Get up!" Hinila niya ako patayo at saka kinaladkad pasama sa kaniya patakbo.

"What the hell is happening?!" sa wakas ay nakapagsalita na ako.

"I don't know either, but I'm sure we're being attacked by those Keplerians."

Napakurap na lang ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Another loud bang was created when another object fell on a building, causing it to collapse. Namimilog ang mga matang napatitig na lang ako sa building nang makitang nag-apoy iyon.

People's petrified screams filled the place. Natataranta na ang mga tao at may ibang nagtatakbuhan na paalis.

"Attention! Everyone is required to go down to the deck and wait for rescue! I repeat, everyone is required to go down to the deck and wait for a rescue!" a woman's voice echoed all over the ship.

I groaned when someone bumped into me, causing me to also fell on my butt. Hindi ko na makilala kung sino 'yon dahil sa dami ng taong nagtatakbuhan.

"Hindi pa huli ang lahat! 'Wag ninyong hintaying malusaw ang kaluluwa ninyo sa impyerno! Lumapit kayo sa diyos-"

Hindi na natapos ng matanda ang kaniyang sasabihan dahil bumagsak sa kaniya ang isang van at napaigtad na lang ako sa sobrang gulat. Putangina!

"We should head to your house for now!" ani Zeig at tumango lang ako.

Binitawan niya ang kamay ko at saka siya pumasok sa isang kotse. He did something to it dahilan para mabuhay ang makina nito.

"Sakay na, dali!"

Mabilis akong pumasok at nang naisara ko ang pinto, pinaharurot niya na ang kotse. Habang nagmamaneho siya ay matindi ang kapit ko sa loob dahil hindi na gumagana ang seatbelt sa sobrang bilis niyang magmaneho at nauumpog na ang ulo ko sa salamin kapag liliko siya. May isang beses na muntikan na kaming mabagsakan ng gumuhong building.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Kaagad kaming bumaba at patakbong pumasok sa bahay.

"Mama! Maria!" I shouted as I entered the house.

As if on cue, Mom went down the stairs hurriedly. "Anza!" Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya kaagad ako. "Where have you been?! Mabuti naman at ligtas ka!"

"Nasaan si Maria?" tanong ko kaagad.

"Hindi na importante kung nasaan siya. Kailangan na nating umalis ngayon bago pa tayo maiwan ng rescue!"

Napakurap ako. "What?! So we're leaving her behind?! Hindi pwede!"

"Wala na tayong oras. Tara na!"

Hindi na ako nakaangal dahil hinila na ako palabas ni Mama. Sumunod naman kaagad sa amin si Zeig.

Sumakay kami sa kotse ni Mama. Nasa front seat ako at nasa likod naman si Zeig. Hindi ko pa nga naaayos ang seatbelt ay pinaharurot na kaagad ni Mama ang kotse paalis kaya napasinghap ako habang nakahawak sa nakabukas na bintana na para bang doon nakasalalay ang buhay ko.

"Shit! I knew this would all happen!" dinig kong sabi ni Mama.

"What?!" I asked, pero ang atensyon ko ay nasa daan talaga dahil ang daming nakaharang pero naiiwasan naman ni Mamang banggain.

"This is the reason why your father suggested that they'll stop the fucking research thing about the land!" Napabaling na ako ng tingin kay Mama dahil sa sinabi niyang ito. "There was an agreement, everyone was safe and sound for years, and now we're doomed because they decided to 'claim' back the land! Bwiset. Alam nilang lugi na nga tayo kung sa labanan ang usapan!"

Nagsalubong ang mga kikay ko. "What the hell are you talking about-ah!" Napahiyaw na ako nang lumiko bigla si Mama at nalabas sa bintana ang ulo ko. Mabilis naman akong bumalik sa pagkakaupo sa loob dahil baka may lumipad na bagay at puputol sa leeg ko.

Hindi na ako nasagot ni Mama dahil nasa tapat na kami ng pinto na pababa ng deck. Nagsisiksikan ang mga tao rito ngayon dahilan para mas kabahan ako. Kung plano ng mga nilalang na 'yon na ubusin ang lahi namin, perfect na spot ito ngayon dahil isang bagsak lang ng malaking bato ubos kaming lahat ngayon.

At mukhang nagdilang-anghel ako.

Napuno ng sigawan nang may bumagsak sa gitna ng kumpulan. Nadaganan ang halos sampung tao at ang dugo nila ay dumanak na sa lupa, may ibang tumalsik pa sa mga nakapalibot sa kanila.

"Umalis na kayo d'yan kung ayaw ninyong mamatay!" may sumigaw na dahilan para mas mataranta ang mga tao at mas lalo pa ngang nagkumpulan.

"Kuna kerukim, mera huyo!" dumagundong ang boses ng isang lalaki at kasunod non ay ang pagsabog ng building na nasa likuran namin. "Kuna kerukim!" mala-demonyo itong humalakhak.

"M-Mamatay na tayong lahat. Ito na ang katapusan!" tili ng isang babae.

Namilog ang mga mata ko nang bigla siyang tunakbo papalapit sa railings at napasinghap ako nang walang pagdadalawang-isip siyang tumalon do'n. Wala pang isang minuto ay may mga sumunod sa kaniya.

"Ano ba?! Bakit hindi pa rin binubuksan ang pintuang ito?! May rerescue ba talaga sa atin o hahayaan na lang tayong mamatay rito?!"

Napabaling ako ng tingin sa itaas ang makakita ako ng kulay blue na light beam. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang humanoid na lumilipad at tinitira ang hawak niyang light beam sa kalaban. May iba pang sumunod na humanoid sa kaniya at sa lupa naman ang iba.

Napaigtad ako nang may isang biglang lumapag sa harapan namin. Dahil sa impact ng kaniyang pag-landing, may maliit na crater ang nabuo sa tinatapakan nito. Tumayo ito at humarap sa amin. Napasinghap na lang ako nang mamukhaan ko kung sino ito.

"Maria!"

She looked different from before. Umiilaw ng kulay blue ang mga mata niya at kulay puti na ang pupils niya. May kulay blue rin na linya ang nakaikot sa kaniyang buog katawan mula sa mga mata niya hanggang sa star na nasa kamay niya. Pati ang star ay umiilaw rin ng blue.

"Hindi nakarating dito ang rescue boat dahil inatake ito habang nasa dagat," sabi ni Maria. "Kailangan n'yong sumama sa akin para mailigtas kayo."

"A-Anong nangyari sa hitsura mo, Maria?" tanong ko habang tinitingnan ang kabuoan niya.

"Wala na tayong oras para mag-usap."

Hinawakan kami ni Maria sa bewang gamit ang magkabilang braso niya at napasigaw na lang ako nang bigla siyang lumipad nang mabilis. Kinailangan ko pang pumikit nang mariin para hindi masaktan ang mga mata ko. Mahigpit ako nakakapit sa balikat niya dahil takot akong mahulog.

Makalipas ang isang minuto, lumapag na kami. Hindi ko man lang namalayan na wala na pala kami sa Grendan.

Pagkalapag ni Maria sa akin, nilibot ko kaagad ang paningin ko sa kung nasaan kami.

This deck was so familiar.

"GHA-12610."

Napalingon kaagad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Napaawang ang mga labi ko nang makita si Mr. Siarez na naglalakad papalapit at may nakabuntot sa kaniyang mga humanoids na ang hitsura ay kagaya na rin kay Maria.

"Mr. Siarez," ani Maria. "I've brought Anzaria Fluxia and Cinzel Fluxia as you ordered."

Tumango si Mr. Siarez. "Good job, 12610. Now, go back and do the rest of your duty."

Why was he calling Maria with a series of numbers? Was that her code or something?

Bahagyang yumuko si Maria bilang paggalang bago ulit siya lumipad paalis. Mr. Siarez also ordered five of the humanoids behind him to follow Maria.

"Bakit mo kami pinadala rito?" mariing tanong ni Mama kay Mr. Siarez. "Anong kailangan mo sa amin?!"

Mr. Siarez chuckled. "Relax, Cinzie. I'm not gonna hurt you and your daughter."

"Answer me, Siarez!"

"Your husband was a good friend and a very intelligent man. As my form of gratitude to him for having a contribution to our research, isn't it just right to save his family?"

Tinapunan lang siya ni Mama ng masamang titig.

Mr. Siarez sighed. "Right now, the safest place to be is here inside the Amaterasu. This ship has a protective glass that can withstand even a nuclear explosion, kaya safe kayong mag-ina rito."

"What about the people from the other ships?" tanong ko.

"I'm afraid I can't save all of them, hija," aniya at umiling pa na para bang totoong nalulungkot siya sa isiping maraming mamamatay. "But sacrifices are always made to achieve success, am I right?" At nagawa niya pang ngumiti.

I glared at him. "You're a monster!"

He just laughed before he turned around.

"They decided to attack us first on a time we're most vulnerable. It's just right to fight back with the same level," aniya habang naglalakad papalayo. "We'll going to attack their base, too."

Napasinghap ako. "What the fuck?! And how will you do that?! You do know na lugi tayo sa kanila dahil nasa dagat tayo, at 'di hamak na mas malakas sila kumpara sa atin!"

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Ms. Fluxia, have you forgotten who I am? I am the great grandson of the one who made these ships, and the son of one of the greatest scienctist of this generation. Do you think I'm that to attack them without a plan? So rest assured, Missy. It'll all be over before you know it."

Hindi makapaniwalang napatitig na lang ako sa kaniya. I watched as he calmly walked away with his humanoid servants.

***

A/N: Para mas ma-gets ninyo kung ano ang hitsura ni Maria at ang ibang kagaya niya sa chapter na ito, I drew her for visual purposes :D kasi alam kong obobs ako sa description lmao natapos ko ang chap na to right after posting chap 30 pero tinatapos ko pa kasi 'tong drawing kaya now lang ang update nito lols

Quick drawing kaya messy, para lang talaga may idea kayo ano hitsura niya sa utak ko🤣

EDIT: Ito naman ang "pinag-effort-an" version ng kung ano hitsura ni Maria here. Di ko lang nilagyan ng damit para makita n'yo naman hitsura ng katawan nya dito hshshs.


You are reading the story above: TeenFic.Net