Chapter 23

Background color
Font
Font size
Line height

23 | Tell Me

TODAY WOULD BE our last day being quarantined here in the laboratory. Sawa na ako kakatingin sa mga humanoids at mga taong nagtatrabaho sa harapan namin, hindi ko naman naiintindihan ang mga ginagawa nila.

I wanted to ask Ave about what she said before she left when we first arrived here, but I haven't seen her after that. Gusto kong itanong sa kaniya kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi lang siya.

“Do you think we can still go home?”

Napabaling ako ng tingin kay Caes na nakahiga sa katapat na kama. Nakatitig siya sa kisame. It looked like she was asking herself, but I chose to answer.

“Do you think we can still go home?” pabalik na tanong ko pero iba ang tono at gustong iparating.

Napabangon siya at sa akin naman napatitig. Humaba ang nguso niya at matalim akong tinitingnan. “This is all your fault!”

I chuckled. “We're all gonna die, anyway. At least let's die knowing what we want to know.”

Hindi siya nakasagot. Tinapunan niya ako ng isa pang matalim na tingin bago siya padabog na bumalik sa pagkakahiga.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Reivohr was sleeping soundly on his bed. Habang si Zeig naman ay nakatayo sa tabi ng glass wall at taimtim na pinagmamasdan ang mga taong nagtatrabaho sa kabilang side ng glass wall. He looked like he was analyzing something.

I bit my lower lip before I went down from my bed. Marahan akong lumakad papunta kay Zeig at huminto ako sa tabi niya. Sinundan ko ang kaniyang paningin. He's looking at the large screen where the sonar was displayed.

“What are those red dots?” I asked.

“It can possibly be the volunteers that they sent,” sagot niya habang nakatitig pa rin do'n sa screen. “They might have installed a tracking device in those volunteers' bodies so they can track them.”

Marahan akong tumango nang maintindihan ko ang sinasabi niya. The red dots were moving rapidly, and then five of the red dots disappeared but it appeared again.

I was about to ask him something again when I heard the rapid but soft sound of the door sliding. Napabaling kaagad ako ng tingin sa direksyon ng pinto at nakita kong pumasok 'yong parehong babaeng naka-lab gown na nagdala sa amin dito.

“Good morning, kids!” she greeted with a smile. “Your time has finally come, huh.”

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad siya papalapit kay Reivohr. “Rise and shine, 106570!” Tinapik niya nang malakas ang pwet ni Reivohr dahilan para mapaigtad at diretsong napabangon si Reivohr. The woman just chuckled.

“What the heck!” dinig kong bulong ni Caes na ngayon ay nakababa na rin ng kama.

The woman walked back to the door. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa likuran niya at ngumiti ulit siya sa amin. “Come with me.”

“Saan na naman tayo dadalhin?” tanong ni Reivohr nang nakalapit siya sa amin.

Hindi na namin siya nasagot. Sumunod na kaagad kami sa babae.

--

WE WERE brought to another laboratory but this time, there were doctors or scientists around, carrying and checking stuffs.

When we entered the new laboratory, one man who was in the midst of wearing his white plastic gloves stopped to look at our direction.

“Sila ba?” he asked in a monotonous voice. Binalik niya ang paningin sa kamay at saka tinuloy ang pagsusuot ng gloves.

“Yes,” sagot naman ng babaeng kasama namin.

The doctor eyed us before he nodded. “Sumunod kayo sa 'kin.”

Hindi pa kami nakagalaw ay may humawak na sa mga braso namin. Mga humanoid assistants pala 'yon, kinaladkad nila kami pasunod do'n sa doctor.

We went inside a room with three operating tables and a lot of apparatuses. May mga nakahanda ng mga gamit na pang-operation. I slowly gulped.

I watched the doctor hastily wore the medical mask and gathered his equipments and other tools. He grabbed something that has the same shape as a bottle spray and without a word, he filled the whole room with a foggy smoke.

Napapikit kaagad ako at napaubo. I was about to say something when I suddenly felt my knees tremble. Unti-unting nawawala ang lakas ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig. My vision started to become blurry.

“This method has always been more effective that injected anesthesia. It makes my work more easier,” dinig kong sabi ng doctor.

I used the last bit of my strength to look up at the doctor. I saw him grab a knife before I completely lost my consciousness.

--

I GASPED AND quickly opened my eyes. Nasa loob pa rin kami ng room pero this time, nakahiga na kami. I quickly stood up and look at my friends.

Kagigising lang din yata nila. I noticed something on their neck kaya napahawak na rin ako sa leeg ko. Napahinto ako nang may nakapa akong pabilog sa leeg ko. Napabaling din ako ng tingin sa kaliwang braso ko nang makita ang bracelet na may numero ro'n na parang coordinates pero puro zero pa lahat.

What's this? What are these?

Napasinghap ako nang may biglang humablot sa braso ko at sapilitang pinababa ng operating table. Those humanoid assisstants dragged us out of the room. I heard Caes yelled at the humanoid who was holding her, saying her arms hurt from their grip.

Ngayon ko lang din napansin na nag-iba na ang suot namin. It looked like an overall prison uniform pero kulay puti at may code namin sa bandang kanan ng dibdib.

Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng laboratory. Binitawan lang nila kami noong nasa tapat na kami ng isang pinto na malapit sa kung saan kami no'n unang pumasok.

“Wait here. You'll be sent to the capsule soon,” sabi ng isang humanoid bago sila umalis.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanila nang lumakad sila paalis. I was about to look at my friends when I saw Ave walking from a far, kasama niya ulit 'yong babaeng nakita kong kasama niya no'ng una kaming nakapasok dito sa ship.

“Aveyron!” I shouted, causing her to jolt and stop to look at me.

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya. Her brows furrowed in annoyance when I grabbed her shoulders.

“Sa wakas, nagpakita ka rin,” I said while catching my breathe. “I want to ask you something.”

“Aveyron,” mariing tawag sa kaniya no'ng babae.

“What the hell?!” Aveyron said and tried to break away from my grip.

“What did you mean about what you said that day? Na hindi lang ikaw?” maagap na tanong ko.

“L-Let go of me, Anzaria! You're hurting me!” aniya at saka ako tinulak pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kaniya.

“I will if you'll answer my question, Aveyron,” mariing sabi ko. “What did you mean about it wasn't only you?”

She stopped struggling and looked at me. Umangat ang isang kilay niya at umangat ang gilid ng kaniyang labi para sa isang sarkastikong ngiti.

“Oh, gusto mo talagang malaman?” Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. “It would be boring kung ako mismo ang magsasabi. It's best if you find out on your own—”

“Just fucking tell me!”

She chuckled. “Fine, fine!” She sighed and her expression shifted from amused to serious. “Remember that book you wanted to show us before? The one you said that your father wrote? The pages there were torn, am I right?”

Nasalubong ang mga kilay ko. Nahahati na ngayon ang focus ng utak ko dahil naririnig ko na sina Caes na tinatawag ako at pinapabalik ako.

“What?” How did she know it was torn?

She leaned closer. “The one who torn off those pages is among us,” bulong niya. “And they're closer to you, you know.”

Mas lalong nangunot ang noo ko. “Anong pinagsasabi mo? Pwede diretsuhin mo na lang ako?”

She chuckled. “Hindi pa nakakapagtaka na alam ko na napunit ang libro na 'yon kahit hindi mo naman naipakita sa amin ang laman no'n? Anza, what do you think?”

“Anza!” I heard Caes shouted. “Get back here kung ayaw mong maparusahan!”

“Go straight to the point, Ave!” nagmamadali kong sabi.

She tilted her head to the side. “It's because the one who torn the pages told me. The one who torn it was also my accomplice. Wanna know who? It's...”

Napasinghap ako nang may marahas na humawak sa braso ko at kinaladkad ako papalayo.

“Bitawan n'yo ako!” Sinubukan kong kumawala pero mas malakas sila.

I looked up at Ave again and I was about to run towards her, when I saw her lips moved and a very familiar name escaped from her lips before she smirked. Napaawang ang mga labi ko at napatigil ako sa pagpiglas, hindi makapaniwala sa sinagot ni Ave.

H-How... P-Paanong siya?

So all this time... pinagmukha niya akong tanga...

I was so shocked na hindi ko na namalayang nasa deck na pala kami ng ship. Tinulak ako ng humanoid papasok sa capsule kung saan sina Caes bago nila isinara ang capsule. Nasubsob ang mukha ko sa likod ni Reivohr.

“Anza! Anza, are you okay?” tanong kaagad ni Reivohr sabay harap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

Hindi ako nakapagsalita. I just slowly nodded.

Umuga ang capsule hudyat na umaandar na ito. Napahawak ako sa braso ni Reivohr para hindi ako matumba.

“Shit,” I heard Zeig cursed. “How is this door this hard to open?!”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Sinisubukan niyang buksan ang pinto ng capsule.

Marahas akong bumuga ng hangin bago ako tumayo. Lumapit ako kay Zeig at pinaharap siya sa akin.

“Anza—”

Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil malakas na lumapat ang palad ko sa pisngi niya. Caes and Reivohr gasped, while Zeig's eyes widened in shock.

“Masaya ka ba?” I asked, my voice shook a little. “Tell me, masaya ka ba?”

He looked at me with confused look. “What are you talking about, Anza?”

I laughed sarcastically. “Don't act dumb, Zeig. You know what I mean!”

“T-Teka, ano ba ang nangyayari? K-Kumalma ka nga muna, Anza,” ani Reivohr, sinusubukan akong patigilin pero masyado akong galit para tumigil.

“Zeigmund, answer my question honestly.” I glared at him. “Ikaw ba ang pumunit sa laman ng libro na 'yon?”

Hindi siya nakapagsalita. Nakaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.

“T-Teka lang, teka lang! Ano ba ang nangyayari? Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Anong libro?!” ani Caes.

He gulped before he looked away. Doon pa lang, parang sinaksak na ang dibdib ko. At sa sunod niyang sinabi, gumuho na ang mundo ko.

“Oo...”


You are reading the story above: TeenFic.Net