Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

16 |  Plan

“SO? WALA BANG magsasalita sa inyong dalawa?”

I raised my head to look at my best friend. Nakaangat ang isang kilay niya at nakakrus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. She stared down at me, as if commanding me to speak. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Nasa isang restaurant kami ngayon dito sa Grand Ship 99. Nasa harapan ko si Caesonia nakaupo habang nasa magkabilang gilid ng lamesa naman sina Reivohr at Zeigmund. Reivohr's as nervous as me, while Zeigmund didn't care and just continued eating his food.

“Umalis lang kami saglit, pagbalik namin nawala na kayo at nakita pa namin kayong may kausap na taga rito. Higit pa ro'n, mukhang kriminal pa 'yong kinausap ninyo dahil dinakip ng mga naka-black suit!” pagnenermon niya.

“Ang ingay mo naman. Nanay ka ba namin?” marahang sabi ni Reivohr sabay tingin kay Caesonia.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay at nag-init ang mukha ni Caes dahil sa inis.

She raised her hand and clenched it in front of Reivorh, as if she was stopping herself from crushing him into pieces. “Ikaw, isa ka pa! Pasalamat ka...”

I sighed and leaned my back on my chair. “Wala lang 'yon, okay? Kinamusta ko lang ang matanda. I met him last year dito rin.”

“Really?” sarkastikong tanong naman ni Caes. She gave me a fake smile. “Sige nga. Explain mo sa akin ano ang ibig sabihin niya noong sinabi niyang isa siyang dating volunteer? Hmm?”

Natigilan ako. So... she really did hear us talking about that one.

I cleared my throat and looked away. “M-Malay ko! Hindi kami nag-usap tungkol d'yan. Baka namali ka lang ng dinig.”

She sighed and frustratedly closed her eyes. She leaned on the table and massaged her forehead.

“There's no use talking to any of you two. Pareho kayong may sayad,” narinig kong sabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

“We should go back home,” biglang singit ni Zeigmund kaya napabaling kami ng tingin sa kaniya. He already finished his food and he's now wiping his mouth with a tissue.

“Mabuti pa nga,” segunda ni Caes. “Sumsasakit ang ulo ko sa dalawang 'to, eh.”

“Pero bago tayo umuwi, pwede kakain muna ako?” ani Reivohr sabay bahagyang angat ng isang kamay. “Nagugutom na ako, eh.”

I pouted and rubbed my tummy. “Ako rin.”

Caesonia rolled her eyeballs. “Whatever!”

--

HAPON NA AT papalubog na ang araw noong naglalakad na kami pauwi kasama ang iba pang taga Grendan na naglibot sa mga barko. We were slowly walking so we won't bump each other. Nasa gilid ko si Reivohr at magkatabi naman sa harapan namin sina Caes at Zeig.

“I didn't know about this volunteer thing, Anza,” bulong ni Reivohr habang nakatingin pa rin sa harapan.

I sighed softly. “Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang narinig ko about sa volunteers pero 'yong pag-uusap namin ni Lolo ng GS 99 ang nagpapadagdag sa speculation ko about that.”

“So ano nga?”

I glanced at him. “You really wanna know?”

“Magtatanong ba ako kung hindi,” he said with a shrug.

I just rolled my eyes. “Ayon sa narinig ko, ang volunteers ay ang guinea pigs ng mga researchers na nasa Laboratory ng Grendan. I don't know what experiment they're doing, but those volunteers never came back after being sent outside of the boundaries That's what I heard.”

“W-Wait... they're sent outside of the boundaries?” gulat na tanong niya.

I slowly nodded. “Iyong matandang nakausap ko kanina, he said he was a volunteer who survived amongst 100 other volunteers. Hindi ko naitanong kung ano ang ginawa nila at kung ano ang nangyari sa iba pa, kung bakit siya lang ang naiwan.”

We fell silent for a few seconds when he spoke again.

“Oh! I remembered something.”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “What?”

He looked at me and leaned a little bit closer to whisper, “remember that time na pumasok tayo sa office ni Papa para magnakaw ng permission slips?”

Napakunot ang noo ko pero tumango pa rin ako. “Yeah. Bakit?”

“I remembered Papa and the Mayor talking about sending people as volunteers.”

Naalala ko na kaya namilog ang mga mata ko. “Oh! May naalala rin ako. Noong sumama ako kina Zeig dati, may matandang babae rin doon na dinadakip. And I heard she will be sent as a volunteer, too.”

“Kilala ko ang isa sa mga dumakip sa matanda kanina,” aniya sabay ayos sa pagtayo. He looked in front of the road again. “He's one of the bodyguards of Mr. Siarez. That old man might be sent again as a volunteer again.”

I was about to talk again when someone bumped me my shoulder. Napaatras ako at muntikan nang mawalan ng balanse, mabuti na lang at may humawak kaagad sa kamay ko nang iangat ko.

“Woah!” I said with a sigh of relief. I chuckled before looking at Zeigmund who was holding my wrist. “Thanks!”

He sighed. “Ayan kasi. 'Wag kasi puro daldal habang naglalakad.” He gently pulled me up so I could stand properly.

I was about to thank him again when he quickly turned his back on me and continued walking. Napakurap ako dahil sa bigla.

I looked at Reivohr and gave him a look as if I was asking. He shrugged his shoulders kaya napakibit-balikat na lang din ako.

--

IT WAS ALMOST evening when I arrived at our house. Pagkauwi ko ay may handaan na kaagad sa dining. Kasama ani Maria si Mama na naghanda ng pagkain. Sakto namang wala na ang kinain ko kanina kaya kumain na ako kasama sila.

Pagkatapos kumain at diretso na kaagad ako sa kwarto ko. I took a bath at saka umupo ako sa kama ko para buksan ang notes ko. May exam pa ulit kami next week at kailangan kong mag-review.

Pero habang nagrereview ako, hindi ko mapasok sa utak ang mga binabasa ko. My thoughts kept on wandering back at GS 99 and everything that happened there earlier.

Caesonia is the type of person who will bother me until I tell her the truth. Hindi niya gustong may tinatago ako. And it was a bit surprising noong hindi niya ako pinilit nang pinilit para sabihin sa kaniya ang totoo.

And Zeigmund... he knows. I'm sure he knows why we were there. It was obvious from the way he looked at us earlier when they caught us.

Naibalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang marahang beep ng aking phone. Nang balingan ko ang tingin ang phone kong nakapatong sa study table, umilaw 'yon at lumitaw ang holographic image ng profile at citizen number ni Caesonia.

106759, Caesonia Lemmy Reid
Incoming Call...

Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit naman siya tumatawag ngayon? Bumaba ako ng kama at lumapit sa study table para sagutin ang tawag.

“Oh? Bakit?” I asked the moment her face appeared after answering the call.

“Can I come over?” nakangiting tanong niya. “Na-miss kong magkasama tayong mag-review before exams.”

Mahina akong natawa dahil naalala kong palagi pala kaming magkasama tuwing magre-review kapag malapit na ang exams. “Yeah, sure. 'Wag ka na magdala ng damit pantulog. Naiwan mo pa rito ang isang pares ng pajamas mo.”

She chuckled. “Okay. See you!”

Siya na mismo ang tumapos sa tawag. Binalik ko na sa table ang phone bago ako bumalik sa kama.

Madalas magpunta rito si Caes at dito na rin natutulog kaya may sarili na siyang kwarto rito pero mas gusto niya pa ring tabi kami matulog. Kaya may extra akong unan na hinahanda para sa kaniya lagi.

Ilang minuto ang dumaan, narinig ko ang marahang katok sa pinto ng kwarto ko. Judging from how slow and soft the knocking was, naisip kong si Maria 'yon.

“Anzie?” I heard Maria's calm voice. “Nandito na si Caes. She's downstairs.”

“Oh. Tell her to come up here, please!”

Gumilid na kaagad ako at pumwesto sa side ng kama kung saan ako lagi kapag nagtatabi kami ni Caesonia.

I was fixing the pillow and blanket when I heard the door opened kaya napabaling ako roon ng tingin.

Napangiti kaagad ako nang makita si Caes. “Hey! Halika na rito. Dito ka!” I tapped the side of the bed where she usually sleeps.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa pagtataka.

“Caes?” I called her. “What's wrong? Why are you looking at me like that?”

“Alam kong hindi mo sasabihin sa akin kaya ako na mismo ang naghanap ng paraan para malaman,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya pero naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“What... do you mean?” I asked, brows furrowed in one line. “Anong pinagsasabi mong hindi ko sasabihin kaya... ikaw na mismo ang naghanap ng paraan?”

I saw her gulo slowly. “About... about volunteers.”

Natigilan ako.

Napatitig na lang ako sa kaniya at bahagyang napaawang ang mga labi ko.

“I-I found out that volunteers—” her voice shook so she had to stop for a while to gulp “—are experiments subjects of the researchers in Grendan, or from any ships. They are sent outside of the boundaries and none of them, none of them, ever came back.”

Napakurap ako. I gulped down the lump in my throat. “C-Caes... anong klaseng—”

“Iyong gusto mong ipakita sa amin na libro, connected ba 'yon dito, Anza?” aniya na bahagyang tumaas ang boses.

Bumaba na ako ng kama. “Caes...”

She blinked twice and I saw years forming from the side of her eyes. “Anza, what are you planning? Sabihin mo sa akin kung ano ba ang binabalak mo! Why do you badly want us to know what's inside your deceased father's book? Bakit nililihin mo sa amin ang tungkol dito? Bakit mo ginagawa 'to in the first place?”

I took a step closer to her. “Caes—”

She took a step back, as if I was a harmful acide that will burn her the moment I go near her.

“Anza, tell me,” mariing aniya. Galit na tinitigan niya ako sa mga mata ko. “Are you planning on going outside the boundaries?”


You are reading the story above: TeenFic.Net