Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

10 | Dreams to Ashes

MY EYES WERE swollen from crying. Hindi ako makapaniwalang may pumunit nga sa papel. I wouldn't think it's my father who did it kasi siya pa nga mismo ang nagsulat sa libro na 'yon. I want to doubt anyone in our house or any of my family, but I couldn't think of any reason why they would actually do it.

Zeigmund's mother was so kind. While I was there, sobrang bait niya sa akin. I'm sure narinig niya akong umiyak at sumigaw kanina but she didn't ask anything about doon. She acted as if nothing happened.

Habang tumatagal ako roon, parang ayaw ko muna umuwi. I want to stay in their house for a while dahil baka ano pa ang maisip ko kung uuwi ako sa bahay. I don't want to think that my mother or Maria torn the pages. I don't want to doubt them because it hurts me.

“Anza?” Zeigmund's voice was followed by knocks on the door. “Dinner's ready. Halika na sa baba.”

Naimulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame ng kwarto ni Zeigmund. It's dinner already? Did I sleep that long?

Marahan akong bumuga ng hangin bago tinulak ang sarili patayo mula sa kama. Pagkalabas ko ng kwarto, sabay na agad kami ni Zeigmund na bumaba papuntang dining area nila.

“Nga pala... I heard your phone beeping earlier,” ani Zeigmund habang naglalakad kami. Nasa likuran ko siya. “Baka si Tita Cinzel 'yon, Anza.”

I sighed. “Hayaan mo na,” sagot ko nang hindi siya nililingon. “Magpapaliwanag na lang ako mamaya pag-uwi ko.”

“How long are you planning to stay here? Ang sabi ko lang hanggang ngayong gabi ka lang at ibabalik na kita sa inyo. But looks like you want to stay longer.”

Mahina akong natawa. “Should I move in here? Then be roommates with you? I'd like that,” I joked. “Or should I bring some of my clothes and fit them in your closet? Para kapag ayaw kong umuwi, rito ako didiretso sa inyo.”

“Anza, stop joking.”

Nilingon ko na siya para makita ang reaksyon niya. Nang makitang magkasalubong ang mga kilay niya dahil sa inis, marahan akong napatawa.

“Sorry, sorry,” I said even though I wasn't sorry for teasing him. “Ang cute mo lang kasi mainis, eh.”

He rolled his eyes kaya mas lalo akong natawa.

Pagkarating namin sa dining nila, nandoon na si Tita na hinahanda ang mga plato at mga pagkain. They're the only ones here in their house since his father died when he was a kid, kaya nahiya ako nang kumuha pa talaga si Tita ng upuan mula sa store room nila para may maupuan ako habang kakain.

While we were eating, hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Tita was so bubbly and fun, hindi kagaya ng anak niyang parang pinaglihi sa sama ng loob dahil bilang lang sa mga daliri ko ang beses na ngumiti siya at pilit pa ang kalahati no'n.

In a short stay in their house, naging close na agad kami ni Tita. Pangarap niya kasing magkaroon ng babaeng anak but she wasn't given the chance because... well, her husband died noong baby pa si Zeigmund.

She said she was happy to meet me. Ako raw ang unang kaibigan na naipakilala ni Zeigmund sa kaniya. And mas lalo siyang natuwa dahil babae pa.

--

“THANK YOU SO much, Tita!” sabi ko pagkalabas ko ng pintuan nila. I bowed at her a little. “Masaya akong nakilala kayo at nakasama sandali. Salamat din po pala sa tanghalian at hapunan.”

She chuckled. “My pleasure, hija! Basta alalahanin mong pwede kang bumalik dito anytime!”

When she winked at me, I chuckled. She's really funny and kind.

“Anza,” tawag ni Zeigmund sa akin kaya napalingon ako. Oh, he's already in front of the gate. “Tara na. Baka nag-aalala na sa 'yo ngayon si Tita Cinzel.”

Napanguso ako. “Yes po, kamahalan!” I teased him. Bumaling ulit ako kay Tita at nag-bow ulit. “Salamat ulit, Tita. Alis na po ako dahil nagmamadali ang mahal na prinsipe ng sama ng loob.”

Napahagalpak ng tawa si Tita. “Sige na nga! Bye, Anza, hija! Ingat kayo.”

I nodded at her before jogging towards Zeigmund na magkasalubong na naman ang mga kilay. Nang nakarating na ako sa tabi niya, binuksan niya agad ang gate at nauna nang lumabas at sumunod naman agad ako.

I held tight onto the strap of my bag while staring at Zeigmund's back. Binilisan ko nang kaunti ang lakad ko para makahabol sa kaniya. Then, I poked his side with my finger, making him flinch. Mahina akong natawa.

He turned to face me. “What the hell?!”

I chuckled. “Bakit na inis na inis ka? Dahil ba pinakita ni Tita sa akin kanina ang baby pictures mo? Ang cute-cute mo kaya sa mga 'yon.”

Umirap lang siya bago ako tinalikuran ulit at naglakad na. Mas lalo akong natawa.

I was about to tease him more nang may narinig kaming sigaw mula sa malayong kaliwa ko. Nang tingnan ko, nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang babae na payat at kinakaladkad ng mga dalawang humanoids na naka black suit.

“Maawa kayo! Wala akong ginawa!” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na sinusubukang kumawala sa mga humanoid na hindi man lang natatalaban ng pagpipiglas niya. “Maawa kayo! Wala akong kasalanan! Wala akong ginawa!”

There were people following them para maki-chismis. May iba sa kanila na halatang naaawa sa babae at meron namang nakikiusyuso lang.

“What's happening?” tanong ko.

“They're doing this again?” tanong din ni Zeigmund kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Again? You mean, ginawa na nila 'to dati? Bakit naman?”

He sighed. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero ito ang pangalawang beses ngayong linggo na may kinakaladkad silang kapitbahay namin paalis,” paliwanag niya. “Iyong isang kinuha nila last Monday, hindi pa rin nakakabalik hanggang ngayon.”

Hindi na ako nakapagtanong pa ulit dahil dumaan na sa harapan namin ang mga humanoids habang kinakaladkad ang babae. Ngayong nakita ko na nang malapitan, kitang-kita ang mga sugat sa mga paa niya dahil nakapaa lang siya at pumipiglas pa.

Nang dumaan naman sa harapan namin ang mga nakasunod sa kanila, kaagad kong hinila si Zeigmund para makisabay sa kanila.

“Uh, excuse me po,” sabi ko sabay kalabit don sa babaeng nasa harapan ko. Nilingon niya ako. “Ano po ang nangyayari? Bakit kinakaladkad 'yong babae?”

“Naku!” aniya sabay harap sa akin habang naglalakad. “Ang sabi nila, kaya kinukuha ng mga alalay ng Mayor si Anita ay dahil may ginawa siyang kasalanan!”

“Kasalanan? Ano pong kasalanan?”

“Ang sabi, nagnakaw raw si Anita sa bahay ni Mayor!”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagnakaw sa bahay ng Mayor? Paano naman siya makakanakaw ro'n, eh ang higpit ng security ro'n.

“Pero, alam mo, may nasagap akong chismis,” aniya sabay lapit sa akin nang kaunti. “Hindi raw siya kinukuha ngayon dahil sa may ninakaw siya.”

Nang sinenyasan niya akong lumapit, nilapit ko kaagad ang mukha ko. Tinakpan niya ang gilid ng bibig niya bago nagsalita ulit.

“Gagawin siyang volunteer!”

Nagsalubong ang mga kilay ko. The word rang a bell to me kaya mas lalo akong naging curious.

“Volunteer?” I asked.

Tumango siya. “Oo! Noong Lunes din, si Aling Crisa, 'yong matandang babae na mag-isang nakatira sa bahay niya dahil wala ng pamilya, kinuha rin ng mga 'yan! At narinig ko na gagawin dawng volunteer si Aling Cresa dahil matanda na siya. Baka gagawin ding volunteer si Anita dahil mag-isa na lang din siya sa kanila.”

“Kapag volunteer, ano ba gagawin nila?” tanong ko.

Umiling siya. “Ewan ko. Hindi ko rin alam, eh.” She clicked her tongue. “Volunteer daw pero pinupuwersa naman ang tao.”

Hindi na ako nakapagtanong pa ulit dahil may kumalabit sa babae at hinila naman ako ni Zeigmund para huminto. Naiwan na kami ng mga nagkukumpulang tao kaya napaangat ako ng tingin kay Zeigmund.

“You shouldn't get involve with other people's business,” aniya pagkalingon ko. “I get it that you're always curious but remember that—”

“Curiosity kills the cat,” pagtatapos ko sa sinabi niya. When he raised his one brow at me, I chuckled. “I know, okay? Hindi naman ako makikisali. Nagtanong lang ako.”

--

HINATID NA AKO pauwi ni Zeigmund. Hanggang bus stop lang siya since kailangan niya pang bumalik sa kanila. I rode the bus alone and got home safely.

Nang nasa tapat na ako ng bahay, saktong kalalabas lang ni Maria na may bitbit na trash bin. Nang nagsalubong ang mga mata namin, her eyebrows furrowed.

“Saan ka galing?” tanong niya habang naglalakad ako papalapit sa kaniya. “Nag-alala sa 'yo ang mama mo dahil hindi mo sinasagot ang tawag niya. Mabuti't sinabi ni Caesonia na baka nasa bahay ka raw ng isa sa mga kaibigan mo.”

Bahagyang napaawang ang mga labi ko. Mom called Caes at 'yon ang sinabi niya? Hindi na ba galit sa akin si Caes? Our semestral break is almost over, it'll be awkward if we sit next to each other in school if she's still angry at me.

“Ah... Oo, nasa kina Zeig ako," pagkumpirma ko. “Nasa loob ba si Mama?”

She sighed. “Nasa loob siya. Talk to her,” aniya sabay lakad at nilagpasan ako para itapon na ang basura sa labas.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok.

“Ma?” I kept calling while walking inside. I looked for her in the kitchen but she wasn't there, kaya dumireto na ako sa taas.

When I arrived in front of her room, kumatok ako. “Mama? Nandito ka ba?” Walang sumagot kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Ang sabi ni Maria nandito lang si Mama, eh.

Dumiretso na lang muna ako sa kwarto ko. Magbibihis muna ako dahil amoy pawis ako. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko, nagulat ako nang makita si Mama na nakatalikod habang nakatayo sa harap ng kama ko.

“Mama?” I asked. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto pero hindi ko isinara ang pinto. “Anong ginagawa n'yo rito? May hinahanap ka ba?”

Hindi siya sumagot kaya lumakad na ako papalapit sa kaniya. “Ma, I'm sorry pala dahil hindi ako nakapagpaalam—”

Natigilan ako nang pagkarating ko sa gilid niya, nakita ko ang pamilyar na libro na hawak niya. My heartbeat escalated and my body turned cold.

Nang iangat ko ang tingin ko kay Mama, nakatitig siya sa kawalan at parang takot na takot. When she turned her head towards me, mas lalong rumehistro ang takot niya nang makita ako.

“M-Ma...” I tried to call her. I extended my hand to get my encyclopedia from her. “M-Ma, bakit hawak mo 'to—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong tinalikuran at malalaki ang hakbang na lumabas ng kwarto ko.

“Mama!” I called her and quickly followed her. “Ma! Ma, please!”

Hindi niya ako pinansin. Kahit tumatakbo na ako ay hindi ko pa rin siya mahabol.

Bakit nasa kaniya ang libro na binigay ni Lola sa akin? Nahanap niya ba? Sinabi ba ni Maria sa kaniya? But what bugs me the most was her reaction while holding the book. She looked so terrified. Bakit naman ganon ang reaksyon niya?

“Mama!” tawag ko ulit habang pababa ng hagdan. Muntikan pa akong matalisod. “Mama, pakinggan mo naman ako! Mama!”

Nakasalubong namin sa daan si Maria na kakapasok lang pero hindi na namin napansin masyado dahil naghahabulan kami ni Mama.

She went to the kitchen at napasinghap ako nang kunin niya ang lighter. Nang nakalapit ako sa kaniya, kaagad kong hinawakan ang lighter na nasa kamay niya.

“M-Mama! Mama, huminahon ka, please! Let me explain—” Napasigaw ako nang tinulak niya ako paalis at tumama ang likod ko sa fridge. “Mama!”

Mabilis na lumakad siya palabas at papuntang backyard. Kaagad akong sumunod sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang nga luha ko.

“What's happening?” tanong ni Maria.

“Maria, help me!” sabi ko habang malalaki ang hakbang na sinundan si Mama. “I think she wants to burn that book!”

Naintindihan kaagad ni Maria ang ibig kong sabihin. Namilog ang mga mata niya at kaagad na sumunod sa akin.

“Ma!” I exclaimed. Namilog ang mga mata ko nang makitang nasa tapat siya ng itim na bin at sinusubukan niyang sindihan ang libro. “Ma! Stop it!”

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya pero bago pa ako makalapit, sumilab na ang libro at tinapon niya agad sa bin. My eyes widened and my jaw dropped. My lips trembled.

Mama stared at the burning book with a satisfied look, as if she killed a demon or something.

Mabilis akong lumapit sa bin at kahit sumisilab ang apoy ay sinipa ko ang bin para malabas ang libro. Gamit ang sapatos ko ay sinubukan kong patayin ang apoy. My vision was blurry because of the endless tears streaming down.

“No! No! No!” I kept on saying while trying to stop the fire from eating the book. Nang nawala na ang apoy, kaagad kong binuklat ang libro kahit na mainit pa. I couldn't feel pain anymore, all I care about was to save the book because it's so precious to me.

My chest was moving up and down and I was sobbing. I flipped the pages to see if it could still be read, but all of the pages turned black and some of them crumbles and turns to ashes when I touch them.

Nanghihinang napayuko ako at tinukod ko ang mga siko ko sa lupa para hindi ako tuluyang masubsob. My sobs became louder and I couldn't stop crying.

The whole book was burned. It turned into ashes... It's gone.

***

Author's Note:

Hi! I hope hindi n'yo nakakalimutan ang story dahil ang tagal ko mag-update LMAO.


You are reading the story above: TeenFic.Net