Chapter 06

Background color
Font
Font size
Line height


06 | Permission Slips

I THOUGHT he was driving the car, may driver pala siyang kasama. And while we were on our way to their house, Caesonia called him at nagmakaawa ako sa kaniyang 'wag sabihin kay Caes na kasama niya ako dahil hindi ko sinabi kay Caes ang lakad ko na 'to.

The car stopped in front of a large golden bars gate, at sa loob ng gate na 'yon ay ang napakalaking mansion. Wow, as in, wow. Vice Mayor pa lang pero ganito na ang bahay. Paano pa siguro kung nasa Grand Ship 1 and 2 'to? Baka palasyo na mga bahay nila ro'n.

Nauna siyang bumaba ng kotse at inalalayan niya pa ako pababa. I was so amazed with their house na nakatitig lang ako ro'n at hinahayaan na lang si Reivohr na hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok.

There was a large round fountain at the front of their large double doors. At sa fountain na 'yon ay mayroong mermaid na may hawak na banga. I think it's Aquarius. I remembered Reivohr's zodiac was Aquarius, too.

Huminto kami sa tapat ng double doors at saka binitawan ni Reivohr ang kamay ko. Kusang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking humanoid na naka-formal black attire. He's a butler! And his mark was on the right side of his neck.

"Welcome back, Sir Reivohr," anito sabay yuko. His voice was so deep, just right for his hot features. Nang nag-angat ulit ito ng tingin, kaagad napako ang mga mata nito sa akin. "Is she, perhaps, your girlfriend?"

Namilog ang mga mata ko at kaagad akong umiling. "N-no! No, hindi niya ako girlfriend!" Mapapatay ako ni Caesonia kapag naging girlfriend ako ni Reivohr.

Nang nag-angat ako ng tingin kay Reivohr, pulang-pula ang kaniyang mukha habang nahihiyang tumatawa. He scratched his nape bago siya nag-iwas ng tingin.

Reivohr cleared his throat. "Nandiyan pa ba sa loob si Papa?"

"Yes. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang opisina. But he's talking to the mayor as of the moment."

Tumango si Reivohr. "We're going inside."

Hinawakan ni Reivohr ang kamay ko at hinila ako papasok. Hindi na ako nagreklamo. While we were walking, the maids that we passed by would greet him and stare at me afterwards.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pumanik na kami sa grand staircase na nasa tapat ng double doors kanina at ngayon, naglalakad na naman kami sa napakahabang hallway.

"Saan tayo?" I asked him in a low voice after almost five minutes of walking.

"Sa kwarto ko," he answered in a low voice, too. Napatango naman ako. Ang layo naman ng kwarto niya.

Makalipas ang isa at kalahating minuto, huminto kami sa tapat ng isang pinto at tinulak niya 'yon pabukas. Ito na siguro ang kwarto niya.

He sighed and let go of my hand after he closed the door. Ako naman ay nilibot kaagad ang paningin ko sa kaniyang kwarto. Sobrang lawak, kakasya yata ang buong bahay namin dito. He has a shelf full of figurines of those characters we often see on movies. May mga standee pa siya at mga posters. I even saw guitars in different varieties hanged at the top of his king-size bed.

"Nandito na tayo," ani Reivohr kaya napalingon ako sa kaniya. "Ano na ang balak mong gawin? How will we steal a permission slip from Papa's office?"

Nilibot ko ulit ang paningin ko, naghahanap ng mga CCTV cameras. I placed my hand at the side of my mouth before I whispered, "Ayos lang bang pag-usapan natin dito? Wala bang CCTV or something?"

He chuckled. "Don't worry, walang gano'n dito sa kwarto ko. I asked Papa na 'wag lagyan ng mga devices ang kwarto ko for my privacy." He shrugged.

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang word na 'privacy' but I shrugged the thought off at bumalik na lang sa tunay na pakay namin dito.

"Pumunta na lang tayo sa office ng Papa mo at do'n na natin pag-isipan kung paano kukunin ang permission slip." Humalukipkip ako.

Umangat ang isang kilay niya. "Huh? So wala ka palang plano bago mo ako kinausap?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"My only plan was to steal the permission slip and use you, that's all," sagot ko sabay kibit-balikat. "I'll just rely on destiny for this one. Go with the flow!" I smirked at him and he just rolled his eyes.

"Ewan ko sa 'yo!" He massaged his forehead. "Ang sabi ni Gregory, kausap ngayon ni Papa ang Mayor. He has a different room in his office for talking about political matters or kapag may kakausap sa kaniya. 'Yong volt kung saan ang permission slip, nasa ibang room din 'yon. We can sneak there now, pero baka mabilis lang matapos ang meeting ni Papa with the Mayor."

"Then we should go now!" Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila ko na siya palabas ng kaniyang kwarto.

Tumakbo ako sa hallway habang hila-hila si Reivohr pero makalipas ang ilang segundo, napahinto ako.

"Saan pala ang daan papuntang office ng Papa mo?" I asked then I glanced at him.

He chuckled. This time, siya naman ang humawak sa kamay ko at marahan akong hinila papuntang opisina ng kaniyang Papa. We were careful na hindi malaman ng mga maids na nadadaanan namin ang balak namin na pagpunta sa opisina ng Papa niya.

"It's here," bulong niya sabay bitaw sa kamay ko. Huminto kami sa tapat ng nag-iisang pinto na nasa dulo na ng left wing ng hallway. "Nilo-lock ni Papa palagi ang pinto. We'll be lucky kung nakalimutan niyang i-lock 'to ngayon."

Hinawakan niya ang doorknob. He looked at me and gulped before he slowly turned the knob. Nang pumitik 'yon, parehong namilog ang mga mata namin.

"Lucky!" parang nanalo sa lotto na sabi namin pero pabulong lang.

He quickly pushed the door at pumasok na kami. Isinara niya ulit ang pinto bago kami walang ingay na lumakad papunta sa isa na namang pintong itinuro niya na kwarto raw kung saan 'yong volt.

Pagkapasok namin sa kwarto na sinasabi niya, sabay kaming napabuga ng hangin.

"Now." Nameywang ako. "Nasaan na ang volt na 'yon? Subukan nating buksan."

"It's at the back of that bed," aniya sabay turo sa kama na may mataas na headboard.

"Alright." Kaagad akong lumapit sa kama at sinubukang iusog 'yon. Reivohr helped me to move the bed, but the bed was surprisingly heavy. Baka may button or something na pipindutin para kusa itong bumukas?

"We'll just talk about it tomorrow..."

Namilog ang mga mata na napatingin kami ni Reivohr sa isa't isa at napasinghap kami nang marinig ang boses na 'yon. Hindi pa nga ako nakapagtanong ay mabilis niya na akong nahila papasok sa closet. Nauna siyang pumasok at kaagad akong sumunod. Sobrang liit ng space sa closet kaya nadidikit na ang likuran ko sa dibdib ni Reivohr.

Bumukas ang pinto at pumasok do'n ang isang lalaking nasa early 50's na. He looks a bit like Reivohr, so I assumed this was his father, the Vice Mayor of Grendan. May isa pang pumasok at 'yon naman ay ang Mayor ng Grendan.

"We should tighten the ship's security," rinig kong sabi ni Mayor. "Balita ko may muntikan na rawng makalabas sa boundary a week ago."

"Oh, that? Hindi ba babae 'yon? And I heard she was looking for a little boy. Baka naligaw lang 'yon," sagot naman ni Vice Mayor.

Wait... were they talking about me just now?

May inilabas sa kaniyang coat si Vice Mayor Dawson at nang pindutin niya 'yon, gumalaw bigla ang kama at napasinghap ako nang makita ang volt. Reivohr was quick to cover my mouth with his hand.

"Huwag kang maingay," he whispered.

"Ang sabi ay nakita niya ang labas." Umupo si Mayor sa table na may nakapatong na picture frame. Humalukipkip siya pagkatapos. "Should we look for that girl and send her as a volunteer?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Volunteer? What did they mean about volunteer?

"That's too much." Lumapit sa volt si Vice Mayor. He pressed some keys and then it opened. May inilabas siya ro'n na mga papel na parihaba. "She's just a girl, hayaan na natin ang babaeng 'yon."

"That's the permission slip," bulong ulit ni Reivohr sabay turo sa mga papel na hawak ng Papa niya.

"Ilan ba ang ipapadala nating volunteer this time?" tanong ni Vice Mayor sabay harap kay Mayor.

Mayor sighed. "Ten would be enough. We're loosing people, I can't afford to loose another."

The Vice Mayor chuckled. "It's fine. The population in Grendan is getting bigger, sending the poor ones as a volunteer would lessen the population. We're exceeding the 10,000 people limit of the Grand Ships, anyway."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong ibig sabihin nila? Sending the poor ones as volunteers? Volunteers for what?

May sasabihin din sana ang Mayor kaso may biglang tumawag sa Vice Mayor mula sa kaniyang ear piece.
"What?" he asked. A few seconds later, his eyes widened. "My son brought a girl here? Nasaan sila?"

Napakurap ako. What? May nagbalita kaagad na nandito ako?

"Sigurado akong si Gregory 'yan," bulong ni Reivohr. He groaned in frustration. "Sana lang talaga makakalabas tayo nang tahimik dito mamaya."

"I'm coming down there," may pinalidad na sabi ni Vice Mayor bago bumaling sa kasama. "Excuse me, Mayor Trevor, but I have to go. Will you come with me?"

Tumango ang Mayor. "Sure, sure."

Napako kaagad ang mga mata ko sa permission slips nang ilapag lang 'yon ng Papa ni Reivohr sa lamesa bago sila nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pinalipas muna namin ang ilang segundo bago kami lumabas ng closet.

Hinihingal si Reivohr pagkalabas namin. Sumandal siya sa closet. Ako naman ay diretsong lumapit sa slips at nakaawang ang mga labing kumuha ng dalawa ro'n.

"Permission slips!" tili ko sabay talon-talon. "At may perma na ng Papa mo!"

"We should go now. Baka bumalik si Papa rito. I bet he's looking for us now."

Natahimik ako. "Huh? Bakit niya naman tayo hahanapin?"

Bumuga siya ng hangin bago lumakad papuntang pinto. "Tara na bago pa niya tayo mahuli rito."

Pinasok ko na ang dalawang slip sa bulsa ko bago sumunod sa kaniya palabas ng opisina ng kaniyang Papa. Noong nasa hallway na kami, doon na nakahinga nang maluwag si Reivohr.

"Akala ko mahuhuli na tayo ro'n," aniya sabay hawak sa noo niya.

I chuckled. "Hindi naman tayo nahuli kaya kumalma ka na. And we successfully got the slips!"

Napabaling siya ng tingin sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mong makuha ang permission slip? Ngayong natulungan na kitang kunin 'yon, mind telling me kung bakit?"

Ayos lang kayang sabihin kay Reivohr? Well, nasali ko na siya rito, baka ayos lang na sabihin ko sa kaniya.

"Eh kasi-"

"Reivohr!"

Napahinto kami at kaagad na napabaling ng tingin sa tumawag kay Reivohr. Namilog ang mga mata namin nang makitang ang Papa niya 'yon. Malalaki ang hakbang na papalapit ito sa amin at nakabuntot pa rito ang butler nilang si Gregory.

"Where have you been?" tanong kaagad ng Papa niya pagkarating sa tapat namin. "I was looking for you dahil sabi ni Gregory may kasama ka rawng babae." Binaling niya sa akin ang mga mata niya at kaagad siyang ngumiti sa akin. "Oh, hello there, young lady. It's nice to meet you."

He extended his hand at me at bahagya akong napakislot. Wow, he's so nice. Ganito rin kaya niya ako itatrato kapag nalaman niyang nagnakaw ako ng permission slips mula sa kaniya?

I laughed nervously. "N-nice to meet you rin po." Tinanggap ko ang kaniyang kamay at nagkamayan kami.

"Pwede ba kayong manatili muna rito? Let's have some tea at my garden!" Lumawak ang ngiti ni Vice Mayor.

Reivohr sighed. "Pa, nagmamadali kami. Alis na kami."

Hinawakan ni Reivohr ang kamay ko at saka ako hinila paalis doon. Nang lingunin ko ang kaniyang Papa, nakaawang na ang mga labi nito habang sinusundan kami ng tingin. I smiled apologetically and just bowed a little to ask forgiveness.

Dire-diretso lang na lumakad si Reivohr palabas ng bahay nila. Saka lang niya binitawan ang kamay ko no'ng nasa labas na kami ng gate ng bahay nila.

"Now, saan ka na pupunta?" nakapameywang na tanong niya.

I smirked. "Saan pa ba?" Inilabas ko mula sa magkabilang bulsa ko ang dalawang permission slips na nakuha ko. "Wanna go on a trip outside the ship with me?"


You are reading the story above: TeenFic.Net