Chapter 03

Background color
Font
Font size
Line height

03 | Grand Ship No. 99

“ANZIE, WAKE up. Anzie...”

Napakunot ang noo ko nang maramdaman ang marahang pag-alog sa balikat ko. I groaned and pulled the blanket to cover myself. I didn't want to get up yet. I was still sleepy because I slept late last night.

“Anzie, kailangan mo nang gumising. Naghihintay na sa baba ang mga kaibigan mo.”

Natigilan ako. Hinintay kong maproseso ng utak ko ang sinabi ni Maria at noong tuluyan na ngang na-absorb ng utak ko, naimulat ko ang mga mata ko at napalingon kaagad ako kay Maria.

I blinked twice. “Anong sabi mo?”

She smiled. “Your friends are waiting for you downstairs. Aalis na raw kayo pero heto ka't tulog pa.”

Mabilis kong tiningnan ang digital clock na nasa bedside table. Napasinghap ako nang makitang alas otso na ng umaga!

“Shit! Shit! Shit!” paulit-ulit na bulalas ko habang nagmamadaling bumaba ng kama at tumakbo papuntang shower. “Maria! Pakisabi sa kanila na bababa ako after thirty minutes!” pahabol ko bago isinara ang pinto pagkapasok ko sa bathroom.

Wala na akong sinayang na oras. Kaagad akong pumailalim sa shower at naligo na. Halos pagsabayin ko na ang pagsasabon sa katawan at pagsha-shampoo.

Damn. Nakalimutan kong maaga nga pala kami ngayon! Ngayong araw ipagdidiriwang ang ika-701 na taon ng Grand Ships. Napagplanuhan naming bibisita kami sa limang barko ngayong araw kaya dapat maaga kami. Ako ang nag-suggest na dapat maaga kami 'tapos ako itong late!

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko pala nadala ang towel ko. Nakasabit lang 'yon sa labas ng bintana dahil pinapatuyo ko. Pagkatapos kong magbanlaw ay kaagad akong lumabas ng bathroom nang walang kahit anong suot.

“Anza, you should hurry—”

Sakto namang pagkalabas ko ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang kalahati ng katawan ni Zeigmund. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang makita ang isa't isa. My cheeks burned up instantly.

“Potaena!” sigaw ko pero hindi ko alam kung narinig pa niya dahil kaagad niyang isinara ang pinto nang malakas.

I cursed again. Mabilis kong kanuha ang towel ko at tinakpan kaagad ang katawan. Hindi ko tinanggal 'yon hangga't hindi ako natatapos sa pagbibihis. Mahirap na baka may pumasok ulit.

I wore a simple white t-shirt and a fitted maong pants. Pagkatapos kong isuot ang rubber shoes ko ay hinanap ko na kaagad ang bag ko na naglalaman ng mga importanteng gamit ko kagaya ng cellphone, citizen card, wallet, at iba pa. Nang nakuha ko na, bumaba na ako.

“Sorry for the wait! Na-late ako ng gising,” sabi ko kaagad pagkakita ko sa kanila sa may sala namin.

Napabaling kaagad sila ng tingin sa akin. Dumapo ang mga mata ko sa nakahalukipkip na si Zeigmund. Nang nagsalubong ang mga mata namin, naiilang na iniwas niya ang kaniyang mukha. Ako naman ay bahagyang nag-init ang pisngi. My gosh, bakit kasi siya pumasok at hindi na lang kumatok!

“Halata naman.” Umirap si Caesonia. “Tara na nga. Magmadali na tayo. Baka marami nang tao ngayon sa gates!”

Sila na ang nagpaalam sa akin kay Mama. Sabay na kaming lumabas at namangha ako nang makita ang mga tao sa labas na ang iingay at halata sa mga mukha nilang masaya sila at excited. May mga bandiritas na nakasabit sa taas at may nagtayo pa ng flower arc.

Napabaling ako sa gilid ko nang may narinig akong tumikhim. Napakurap ako nang makita si Zeigmund na tumabi sa akin habang diretsong nakatingin sa harapan.

“I... I-m sorry about e-earlier,” mahina at nahihiyang sabi niya.

Pinamulahan ulit ako ng mukha nang maalala 'yon. Napayuko kaagad ako. “I-it's okay! H-hindi mo naman... sinadya, eh.”

We fell silent after that. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid namin na sobrang daming makukulay na mga bagay dahil sa kaganapan ngayong araw.

Noong sumakay na kami sa bus, si Aveyron ang tumabi sa akin. Magkatabi si Reivohr at Caesonia sa harapan namin at nasa unahan naman nila si Zeigmund na katabi ang isang matandang babae.

“Anong sinabi ni Zeig sa 'yo kanina?

Napaigtad ako at napabaling kaagad ng tingin kay Aveyron nang magsalita siya. She was looking straight ahead. Napakurap ako.

“H-huh?” I asked to confirm if I heard her right.

This time, tumingin na siya sa akin. “Nakita ko kayong nag-uusap kanina pagkalabas natin ng bahay n'yo. What did he say to you?” I was about to answer, pero dinugtungan niya ang kaniyang sinabi. “Also, napansin kong umiba ang ekspresyon ng mukha ni Zeig pagkababa niya galing sa kwarto mo. I was thinking that what you talked about earlier was related to that?”

I laughed nervously. Ang talino naman nitong si Aveyron. Paano niya nahulaan 'yon? Napakamot na lang ako sa sentido ko. “A-ano kasi... uh...”

She suddenly smiled at me. “It's okay kung hindi mo sasabihin. It's none of my business anyway.”

Napakurap ako. “H-huh? Uh... okay?”

Binalik niya ang kaniyang paningin sa harapan. Ako naman ay sumandal na lang din sa bintana kahit nagtataka ako sa inasal ni Aveyron ngayon lang. She's not the type to ask questions just because she's bored or something. But, oh, well... mas mabuti na ring binawi niya kaysa ipaliwanag ko pa sa kaniya kung bakit nag-sorry si Zeigmund sa 'kin.

Ilang minuto lang, huminto na ang bus. Excited na tumayo ako. Sa amin, si Zeigmund ang naunang nakababa. Sinundan ni Caesonia na hinihila si Reivohr na inaayos pa ang suot na cap. Sumunod sa kanila si Aveyron at ako ang nahuli.

Pagkababa ko ng bus, napaawang ang mga labi ko nang makita ang nagsisiksikang mga tao malapit sa gate ng port. Ang iba sa kanila ay kakarating lang kagaya namin, may iba namang matagal nang naghihintay rito.

“Anzaria!” tawag ni Caes sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. “Come here!”

Nakatayo siya sa tapat ng isang stall na nagtitinda ng makakain. And, as usual, Reivohr was beside her and he was already eating. Lumakad kaagad ako papalapit sa kaniya.

“Bakit?” tanong ko kaagad.

She picked a small cupcake and handed it to me. “Happy birthday! 'Yan lang muna ang maibibigay ko sa 'yo since ang pera na dala ko ay para lang sa date namin ngayon ni Reivohr?”

“Date? Mag-de-date tayo?” gulat na tanong naman ni Reivohr na huminto na sa pagnguya. “Bakit naman tayo mag-de-date? Hindi naman kita girlfriend, ah.”

Tinapunan kaagad siya ng masamamg tingin ni Caesonia. “Tumahimik ka kung ayaw mong itapon kita sa dagat at ipalapa sa mga pating, bwiset ka!”

Mahina akong natawa. “Salamat dito, Caes.”

Nginitian lang niya ako bago siya lumapit kay Reivohr. Bumaling ako sa direksyon ng dagat. Unti-unti akong napangiti nang makita ang mga anino ng mga barko na papalapit na rito sa amin.

Suddenly, a large hologram appeared on top of us. Napatingala kaagad ng tingin ang lahat doon.

“Greetings, people of the Grand Ships!” bati ni Mr. Siarez, ang may-ari ng mga Grand Ships. His beard moved along when his lips formed a smile. “Today is the day that you all have been waiting for... The 701st anniversary of the Grand Ships!”

Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Marami pang sinabi si Mr. Siarez pero hindi na ako nag-abala pang makinig. Kinain ko na lang ang cupcake na ibinigay sa akin ni Caesonia. He's been saying those exact same words every year during the ship's anniversary, 'yong year lang ang nagbabago.

Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na si Mr. Siarez at naglaho na ang kaniyang hologram sa ibabaw.

Nilibot ko kaagad ang paningin ko nang makarinig ako ng tunog ng makina ng mga barko. Napaawang ang mga labi ko sa mangha nang makita sa malapitan ang mga barko. Kahit na taon-taon ko namang nasasaksihan 'to, hindi ko pa rin maiwasang mamangha na para bang first time ko lang ulit.

Sabay-sabay na nagbukas ang mga gate ng mga barko at nagsibagsakan ang mga bakal na bridge na kumokonekta sa bawat

barko. Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Ilang minuto lang, dahan-dahang lumakad ang mga tao sa bridge. Lumakad na rin kami.

“This will be my second time here in Grand Ship No. 5! Sobrang ganda sa kanila, gusto ko na tuloy lumipat!” ani Caesonia na nasa harapan ko. Mahina na lang akong natawa.

Each ship only has two gates for this purpose; one for ours, and the other one for the people of the other ship na papasok sa Grendan.
Ang bridge ng gate namin ay ikokonekta sa gate ng Grand Ship No. 5, ang bridge naman ng No. 5 ay ikokonekta sa No. 6, and so on pero hindi naka-linya ang mga barko, nakapalibot ang mga ito sa isa't isa.

Namilog ang mga mata ko nang may biglang bumangga sa akin. Muntikan na akong mahulog sa bridge, mabuti na lang at may nakahawak kaagad sa braso ko at hinila ako pabalik. Napaangat kaagad ako ng tingin dito.

Ngumiti ako kay Reivohr. “Salamat.”

Tumango siya bago ngumiti. “No problem. Mag-ingat ka lagi.”

Mahina akong natawa. “Oo naman.”

Nalipat lang ang kaniyang mga mata kay Caesonia nang hilain na naman siya nito dahil may tinuro si Caesonia na gusto niyang ipakita kay Reivohr. Napabuga ako ng hangin at saka sumilip sa ibaba ng bridge.

The wild waves were smashing the hard steel of the bottom of the ship. At dahil mataas ang barko, halos hindi na maabot ng ilaw sa ibaba kaya madilim. Kung mahuhulog ako r'yan, hindi na ako maililigtas pa. Wasak na ang ulo ko dahil tinangay ng alon at nahampas sa barko bago pa man sila makababa para iligtas ako. Mabuti na lang at mabilis si Reivohr.

WE EXPLORED the ships. Nabusog kami dahil sa bawat madadaanan naming tindahan, nag-aabot sila ng pagkain sa amin. May iba pang nagbibigay ng souvenirs. Ang plano naming limang ship lang ay lumagpas na sa lima. Mas marami yata kaming energy para maglibot nang maglibot this year.

Nasa Tresvar na kami ngayon, ang syudad na nasa Grand Ship No. 99. Medyo kaunti na lang ang mga tao na narito dahil medyo malayo na ito. Unlike the other ships, medyo tahimik ang syudad na ito at parang normal lang na araw sa kanila ang anibersaryo ng Grand Ships.

“I'm craving for pasta!” biglang bulalas ni Aveyron. “May restaurant kaya rito na may pasta?”

“I'm sure there is,” sagot ni Zeigmund. “Maghanap tayo.”

“Sige. Gutom na rin ako, eh,” ani Reivohr na hinihimas pa ang tiyan.

Naghanap na kami ng restaurant na naghahanap ng pasta. While roaming our eyes around, napako ang mga mata ko sa flag na nakita kong nakatayo sa dagat at marahang sumasayaw sa hangin.
Napaawang ang mga labi ko. I've never seen the boundary's flag this close.

I kept on staring at the flag. Parang akong nahihipnotismo. Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko papalapit sa railings. Napahinto ako at napakapit sa railings, nakatitig pa rin sa kulay pulang flag. The large rope that was tied it its body was also swaying along with the waves.

“The boundary...” I mumbled.

Awtomatikong lumagpas sa flag ang paningin ko. The ocean was so vast that I couldn't see what's on the other side, making me more curious and want to find out what's really beyond this boundary.

“Sa loob ng pitong-daang taon, namuhay tayo sa loob ng mga malalaking barko na ito at hindi pinahihintulutang lumabas. May nag-iisa pang batas na bawal lumagpas sa boundary na mayroong mabigat na kaparusahan sa sinumang susuway...”

Napalingon kaagad ako nang may narinig akong nagsalita. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang matandang pulubi na nakasandal sa poste at nakatitig din sa boundary. Sa tingin ko ay lagpas sitenta na ang kaniyang edad.

Akala ko kinakausap niya lang ang sarili niya kaya hindi na ako sumagot. Bahagya akong yumuko biglang pagpaumanhin bago lumakad paalis.

“Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa kabilang dulo ng boundary na ito?”

Natigilan ako. Namilog ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Kaagad akong napaharap sa matanda. Nakatingin pa rin siya sa boundary pero sigurado akong ako ang kinakausap niya.

“M-may alam po kayo sa kung ano ang nasa labas ng... boundary?” tanong ko.

Bumuga siya ng hangin. “Masyadong magulo ang mundo.  May mga bagay na mas mabuting 'wag mo nang alamin kaysa magsisi ka pa sa huli...”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “A-ano pong... ibig ninyong sabihin?”

Napakislot ako nang bigla siyang nagbaling ng tingin sa akin. “Hindi mo gugustuhing makita ang nasa kabilang dulo ng lubid na 'yan.” Itinuro niya ang boundary.

Mas lalo akong nagtaka. Magtatanong pa sana ulit ako nang may humawak bigla sa balikat ko kaya napalingon ako.

“Anza,” hinihingal na sabi ni Zeigmund. “I've been looking for you everywhere at nandito ka lang pala. Let's go, babalik na tayo sa Grendan.”

Napaawang ang mga labi ko. I was about to decline pero hinawakan niya na ang kamay ko at hinila na ako paalis doon. Napalingon na lang ako sa matandang pulubi. The old man gave me a warning look before he looked away.


You are reading the story above: TeenFic.Net