4

Background color
Font
Font size
Line height

"Meron ka pa bang gusto Gabgab?" Ikaw Donny. Ikaw lang. "Nagugutom ako, kain tayo. My treat." Ganito kami, kapag may nanglibre na isa dapat yung isa din. "Dahil dyan, dun tayo sa mahal." Porket mayaman siya. Pero dahil malaki naman allowance ko, ayos lang. "Saan naman?" Wala na kong maisip na kainan na mahal, kasi lagi akong nakabudget meal. Ang estudyanteng tipid, sa siomai kumakapit. "Sa puso ko nalang." Kinindatan niya ko. Natutunaw na ko sa tingin niya tapos kinindatan pa ko. "Ang corny mo Donny. Bahala ka dyan." Nung medyo malayo na ko sa kanya, bigla niyang hinila yung braso ko. "Saan ka pupunta? Dito ka lang sa tabi ko. Mamaya, mawala ka. Lagot ako kay Tita." Hindi naman ako bata, para bantayan. "Hindi yan, ako bahala." Lumayo na ko ulit. Kaso hinila niya yung hoodie ng jacket ko kaya napaatras ako papunta sa kanya. "Kapag sinabi kong dito ka lang sa tabi ko, dito ka lang. Okay? Wag ng makulit baby girl." Ginulo niya yung buhok ko at hinila yung kamay ko. Ang dali dali para sa kanya sabihin yun, hind naman niya alam na may umaasa sa mga binibitawan niyang salita.


Hinatid na ko ni Donny sa bahay, ng bigla siyang magtext sakin.

"Suot mo yung sweater mo bukas ha. Gusto ko matchy tayo. Good night gabgab!"

Sabi ko na nga ba, gustong gusto niya kapag napagkakamalang kami, kasi diba? Kung ayaw niya, di naman niya ko ibibili ng sweater na magkaparehas kami. Panigurado, aasarin nanaman ako ng mga kaklase namin, ayoko na. Naiinis ako na nasasaktan. Alam ko namang wala lang 'to para kay Donny.

You are reading the story above: TeenFic.Net