015

Background color
Font
Font size
Line height

Unang araw ng panibagong pangyayari sa buhay ko. Maaari na kaming i-table at pagkatapos ay siguraduhin na maaaliw namin ang kustomer kapalit ng salapi.

Kailangan lang namin umaligid-aligid sa loob ng club at ang iba naman ay sa may entrance upang i-welcome ang mga kustomer.

Maghihintay lamang kami na dumami ang kustomer hanggang sa may makapansin sa'min at ayain sa upuan.

Ngunit ang iba ay tila ba propesyonal sa trabahong ito ang siya na mismong umaakay sa mga kustomer papasok hanggang sa lamesa.

Hindi ko alam kung maaatim ko na 'yun...

Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ay hindi ko na muling nakita pa si Xander.

Sabi niya ay hihintayin niya raw na libre na ako at pwede na niyang makausap bilang pagpapasalamat ngunit hindi ko nakikita ngayon miski na ang anino niya.

Pisil-pisil ko ngayon ang dalawang kamay kong magkapatong upang maitago ang pagkakaba.

Maya-maya ay nakita kong pumasok ang Hepe na noon ay naka-salong palad ko na.

Naglalakad siya papunta sa direksyon ko at hindi inihiwalay ang tingin niya.

Akala ko ba ay wala siyang naaalala sa nangyari. Namumukhaan niya ba ako?

Napaatras ako at napagpasyahan na pumunta muna ng banyo. Ngunit huli na sapagkat may humawak na sa braso ko na pumigil sa pag-alis ko.

"Miss Beautiful, may kasama ka na ba sa lamesa?" Walang duda na hindi na nga niya ako naaalala sapagkat kung sakali ay sinaktan niya na ako dahil sa nangyari rati.

Nakangiti siya ngayon na seryoso sa pagyaya sa akin.

"Ah-eh," Pilit akong ngumiti kahit iba ang reaksyon ng buong katawan ko sa simpleng hawak niya.

Tila ba kilala na siya ng katawan ko at ang takot na naramdaman ko nung gabing iyon.

Sasagot sana ako na wala ngunit magbibigay ng palusot na kailangan ko magbanyo nang may tumawag sa akin na aking ikinabigla.

"Meisha, akala ko ba ay mag-babanyo ka lang, kanina pa kita hinihintay," saad ng boses mula sa likod kasabay ng naramdaman kong pag-yakap sa may bewang ko.

Alanganin namang ngumiti na parang napahiya at bumitaw ang hepe sa pag-aakalang may nauna na sa kanya sa pagdating sa club.

Nilingon ko naman ang katabi ko at nakita ko ang sarkastikong ngiti ni Xander habang matamang pinagmamasdan ang pagtalikod ng Hepe palayo sa amin.

Dahan-dahan namang lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin, agad siyang bumaling sakin upang tignan kung ayos lang ako.

"Sinaktan ka ba niya, ayos ka lang?" tanong niya.

Napatigil lang ako sa nangyari at napatulala sa kanya.

"Pasensya na sa biglaang pag-hawak ko sa'yo, 'yun lang naisip kong paraan para maniwala siya na hindi ka na pwede at may nauna na." pagpapaliwanag niya pa.

Bagama't kinakabahan man sa muntik ko na namang kahihinatnan ay pinilit kong iayos ang sarili ko.

Sinabi ko naman na sakto lamang ang dating niya upang hindi ako tuluyang masaktan nang may bakas pa rin ng pag-aalala sa mukha niya.

Ramdam ko naman ang saya sa puso ko nang mapagtantong dumating muli siya sa tamang oras para iligtas ako tulad lamang nung una naming pagkakakilala.

Tinupad niya ang pangako niyang pumunta rito at ilibre ako.

Umupo kami sa lamesa na medyo malayo sa gitna ng stage, umorder lang siya ng isang bote ng beer dito na hindi rin namin ginagalaw.

Nagulat ako ng unti-unti niyang ibinaba sa lamesa ang iba't ibang paper bag na dala niya.

May laman itong iba't ibang pagkain na mukhang napakasarap at ang iba ay ngayon ko lang nakita.

"Napansin ko kasing puro alak at pulutan lang ang meron dito kaya nagdala ako ng onting pagkain." saad niya habang binubuksan at inihahanda ang pagkain mula sa limang paper bag.

Pinagmamasdan ko lang siya. Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito. Makinis ang balat niya, maputi rin siya at medyo makapal ang kilay. Medyo singkit ang mga mata.

Malinis ang pagkagupit ng buhok niya hindi kagaya ng medyo malago at magulong pagkaka-ayos na buhok ni Tristan na tinatawag niyang style bad boy daw sa Ingles.

Bahagya akong napatawa nang saglit na maalala ko si Tristan pati na ang mga kalokohan niya.

Tinanong naman ako ni Xander nang marinig niya ang pagtawa ko mag-isa.

Naku! Baka isipin niyang baliw ako at hindi na bumalik.

"Ha? Bakit? Wala, hindi ako baliw." depensa ko agad na may kasama pang wasiwas ng kamay sa harap ng mukha ko.

"Wala naman akong iniisip na ganun." ani niya na parang natatawa sa akin.
Lalong sumingkit ang mata niya sa kanyang pagtawa na nagpangiti na rin sa'kin.

"Salamat nga pala." nakangiti kong saad bago sumubo at tinikman ang mga dala niyang pagkain.

Marami-rami pa kaming napagkwentuhan. Nalaman ko na galing pala siya sa isang mayamang pamilya. Pilipino ang tatay niya ngunit Amerikana naman ang nanay niya.

Alexander Alcantara

Pati pangalan napaka mapitagan [modest] at guwapo.

Congressman ang papa niya rito ay may iba't iba silang negosyo sa iba't ibang panig ng mundo dala na rin sa impluwensiya ng nanay niya na nagmula rin sa makapangyarihang pamilya.

Nakakamangha na sobrang mapagkumbaba pa rin siya kahit na ang yaman-yaman pala nila. Walang bahid ng kayabangan ang bawat kwento niya at sadyang nais niya lamang na magbahagi ng kwento niya na parang batang ngayon lang nakapag kuwento ng tungkol sa kanyang sarili.

Tinakpan ko naman ang nakanganga kong bibig habang nakikinig sa kwento niya.

                         🍷🍷🍷

Ilang araw na simula nung nag-iba na ang trabaho ko sa loob ng club. Laking pasasalamat ko na hindi ko pa naman nararanasan ang mga kinakatakutan kong lantad na pambabastos mula sa mga kustomer.

"Nakangiti na naman ang loka sa salamin, mabasag yan 'te, oo na napakahaba na ng buhok mo, natatapakan ko na nga eh," pang-aasar ni Amanda habang umaaktong tinataas ang paa dahil natatapakan niya raw ang buhok ko.

Umakto pa siya na sinusuklayan ang buhok ko raw na umaabot sa lapag na nagpuno ng katatawanan sa loob ng kuwarto namin ni Rianne.

Madalas na hindi kami nagkakasama ng matagal ni Rianne maliban pag natutulog. Abala kasi siya sa pag-eensayo at sa mga schedule niya. 

Sa katunayan ay sa kabila ng sitwasyon ko ay masasabi kong swerte pa rin ako sa mga kaibigan ko,
hindi man sila marami ngunit ramdam ko naman ang pagiging totoo nilang dalawa.

Sobra pa sa sapat iyon para sa akin.

"Ashu ashu wushu wushu, 'di ka ba nangangalay kakangiti." biro niya ulit na may kasama pang kiliti sa tagiliran ko.

Paano ba naman kasi ay halos gabi-gabi na maaga pumupunta rito si Xander para makasama ako at mailayo ako sa mga lalaking hindi katiwa-tiwala.

Nahihiya na nga ako dahil binabayaran niya ang oras ko sa kahera na hindi naman dapat gawin ng mga normal na magkaibigan magkasama lang.

Kung nagkakilala lamang sana kami sa labas ng club na ito.

Gabi-gabi ay nagkukwentuhan lang kami tungkol sa buhay, kung gaano kapait at kadaya ang ikot ng buhay.

Hindi niya makukuha ang gusto niya para mapasaya ang mga magulang niya.

Hindi ko makakasama ang lola ko para sa ikabubuti niya.

Kung saan-saan napupunta ang usapan namin na minsan ay napupunta pa sa ibang planeta. Mahilig ako sa buwan at sa astronomiya.

Nakakatuwang isa rin daw ito sa palagi niyang ipinipinta 'pag may libre siyang oras.

Nakakatuwa lang na sa gitna ng inaakala kong trahedya sa buhay ko. Sa napakadilim na mundong itinatahak ko. May liwanag pa akong natatanaw.

Ibinaling ko ang tingin sa katabi kong tumatawa sa huli naming napag usapan, ang liwanag ng buhay ko.

You are reading the story above: TeenFic.Net