Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa aking labi. Nang imulat ko ang aking mata si Xander agad ang bumungad sa akin. Ang aga aga pa gising na siya? Niyakap niya ako at ibinaon ang ulo sa aking dibdib.

“Ang aga aga pa Xander bakit gising ka na?” tanong ko sa kaniya. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin bago sumagot.

“Can't sleep, napanaginipan ko kanina na iniwan mo ako. Natatakot ako na baka kapag nakatulog na ako ay umalis ka kagaya nung nangyari sa panaginip ko. Baka iwan mo ako at sumama sa ibang lalaki. I won't sleep para makasigurado akong hindi mo ako iwan.”mahinang saad niya. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yon? Wala naman akong balak umalis at iwanan siya ah?

“Bakit mo naman naisip na iiwan kita? Panaginip lang yun bakit naniniwala kana agad dun?” taas kilay kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot at naramdaman kong nabasa ang dibdib ko. Napansin kong lumuluha siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo.

“Huwag ka nang umiyak Xander, hindi ako aalis.” pagpapa kalma ko sa kaniya. Bakit ba takot natakot siya na umalis ako? Hindi ko naman siya iiwan dahil mahal ko na siya. Saka kung sakali man na umalis ako, alam kong ipapahanap niya ako sa mga tauhan niya.

“Promise that you won't leave me? You'll always love me and stay with me forever?” humihikbing saad niya. Hinimas ko ang ulo niya habang pinapatahan ito bago sumagot ng..

“Promise. Hindi ako aalis sa tabi mo at ikaw lang ang lalaking mamahalin ko.” nakangiting aniya ko sa kaniya. Para naman akong nag aalaga ng batang ayaw mag paiwan kapag natutulog dahil madilim. Nakita ko sa muka niyang ayaw niya talaga akong mawala. Seryoso ba ang pagmamahal niya sa akin?

“Hindi ako aalis kaya matulog kana. Sige ka mapupuyat ka niyan.” saad ko rito at agad naman siyang umayos ng higa at niyakap muli ako.

“Good Night Love.” aniya ko bago ko siya hinalikan sa labi at humiga ng maayos. Ipinikit na niya ang mata niya at naging tahimik na kami. Maya maya lang ay may naririnig na akong hilik. Sa wakas naka tulog na siya. Ipinikit ko na rin ang mata ko para matulog.

Ilang oras na akong nakahiga dito pero hindi pa rin ako inaantok. Mahimbing na ang tulog ni Xander, hindi naman siguro magigising toh kapag umalis ako saglit no? Medyo nagugutom na din kase ako dahil hindi pa ako nakaka kain ng dinner. Hindi kase ako binitawan ni Xander kanina. Kaya nag deretso tulog na kami. Inalis ko yung kamay niya at mabuti naman dahil hindi siya nagising. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naglakad pababa ng hagdan. Naabutan kong naglilinis yung mga maid at nagbubuhat ng mga gamit. Agad akong nagtungo sa kusina at binuksan ko yung ref.

Habang tumitingin ako nang pagkain ay may biglang nagsalita mula sa likuran ko.

“Ma'am nagugutom po kayo?” tanong ni Aling Kara habang nakatingin sa akin. Nakakagulat ka naman Aling Pasing, bigla bigla kang sumusulpot.

“Opo eh. Hindi po ako nakakain ng dinner kanina dahil ayaw akong bitawan ni Xander.” natatawang saad ko.

“Ipag gagawa nalang kita ng makakain mo ija.” ani ni Aling Pasing bago magsimulang maghiwa ng mga ingredients. Pinapanood ko lang siya habang nagluluto ito. Amoy palang ay halatang masarap na. Mas lalo tuloy akong naglaway, gusto ko na agad kumain. Nang matapos na siyang magluto ay agad niyo akong ipinaghain ng kanin at yung ulam na niluto niya.

“Ma'am Pearl, ito ang unang pagkakataon na nakita kong halos p*matay na si Sir Xander dahil lang sa isang babae. Ito rin ang unang beses na nagseryoso siya sa isang babae. Kaya nagulat kami ng mga iba pang kasambahay nang iuwi ka niya dito. Hindi namin inaasahan na mag wawala si Sir Xander dahil sa isang babae. Huwag mo sana siyang iwan. Ikaw lang ang makakapag pasunod sa kaniya.” ani ni Aling Pasing. Ito ang unang beses na nagkaroon ng seryosong relasyon si Xander sa babae? Pero bakit? Lahat ng babae pwedeng pwede niya makuha. Nagtataka nga ako kung bakit ako ang napili niya. Nagkakilala lang naman kami nung nak*dnap ako at hindi inaasahang may nangyari sa aming dalawa.

“Bata palang si Xander ay kulang na siya sa atensyon. Palagi siyang gumagawa ng gulo para lang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang. Kaya siguro siya lumaking basagulero. Palaging nasa ibang bansa si Mrs Montellarez at si Mr Montellarez naman ay palaging nasa business trip. Kaya sila lang ng bunso niyang kapatid ang palaging nasa bahay.” nagulat ako dahil sa sinabi ni Aling Pasing. May kapatid pala si Xander? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kapatid niya? Babae kaya yun o lalaki?

“May kapatid pala si Xander? Anong pangalan ng kapatid n—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may marinig kaming pag sigaw. Dali dali kaming tumakbo papunta sa sala at naabutan naming nagwawala nanaman si Xander habang hawak hawak siya ng mga gwardiya.

“F*ck, i knew it! She leave me. F*ck Pearl akala ko ba hindi ka aalis. Why did you leave me!!” humahagulgol na sigaw niya habang pinipigilan siya ng mga gwardiya.

“Let me go!! I'm going to find her! She's coming home with me! I have to find her.” malakas na sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga guard. Anong hahanapin? Nandito lang ako sa kusina akala niya umalis na ako?

“Xander!” pag tawag ko sa pangalan niya. Bigla itong napatigil nang marinig niya ang boses ko at tumakbo papunta sa akin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Napansin kung umiiyak nanaman siya. Nanginginig siya habang patuloy pa din ang pag iyak. Umalis lang ako sandali para kumain nag wala nanaman siya? Hinihimas himas ko yung ulo niya at maya maya lang ay kumalma na siya. Naupo na kami sa sofa pero nakayakap pa din siya. Iniisip pa din ba niya na aalis ako?

“Bakit umalis ka sa tabi ko habang natutulog ako?” malamig na saad niya habang mahigpit siyang nakahawak sa aking bewang. Mali bang umalis ako habang natutulog siya? Mukang hindi nanaman niya ako bibitawan. Marahan ko siyang hinalikan sa pisnge bago sumagot ng..

“Nakaramdam lang ako ng gutom, kaya bumaba ako para kumain. Hindi ako nakakain ng dinner kanina dahil nakayakap ka sa akin at ayaw mo akong bitawan.”

“I'm sorry. Akala ko kase iniwan mo nanaman ako. Natakot lang ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.”pagpapaliwanag niya. Napaka overthinker naman nitong lalaking toh.

“Diba sinabi ko naman sayo na hindi kita iiwan, pigilan mo ang sarili mong magwala. Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong ko sa kaniya. Natatakot na lahat ng mga katulong niya dito tuwing nagwawala siya. Papaano kaya kapag nagwala siya ng wala ako dito sa bahay? Baka may masaktan siya at hindi ko hahayaang mangyari yon.

“I'm sorry and i trust you. I'm just scared, please don't be mad. I love you” malambing na ani niya bago humiga sa hita ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“I love you too. Gusto mo bang kumain?” tanong ko sa kaniya at tumango naman ito. Kaya agad kami naglakad papunta sa kusina. Pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan at agad naman niya ito sinunod. Nagsandok ako ng kanin at nilagyan ko ito nang ulam bago isubo sa kaniya. Sinubo naman niya ito ka agad. Mukang nagustuhan niya yung pagkain kaya patuloy ko siyang pinapakain. Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami ng konti bago mahiga sa kama at matulog muli. Habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko ang muka niya. Kung titingnan sa malapit ay mas lalo siyang gumwapo. Mapula ang kaniyang labi at matangos ang kaniyang ilong. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking katulad niya ay takot na iwan ng babaeng katulad ko. Simple lang naman ako at hindi ma-make up. Kaya bakit ako?

Ipinikit ko na ang aking mata at niyakap siya bago tuluyang makatulog.

_

_

“Kaya ko nang mag shopping mag isa Xander. Saka may kasama naman akong mga guard. Importante yung meeting na pupuntahan mo kaya kinakailangan mong umatend. Mabilis lang naman yun, bibili lang ako ng mga damit at school supplies.” pagtanggi ko. Balak kaseng sumama ni Xander sa akin mag shopping kesa umatend ng meeting. Pilit itong nagpupumilit na sasamahan niya daw ako pero tumatanggi ako.

“Pero papaano kung may mangyaring masama sayo? Baka mamaya bigla kang kuhanin ni Hunter, hindi ako makakapayag.” pag mamatigas niya.

“Sige na Xander. May kasama nga akong mga bodyguard. Lima na nga yang kasama ko, walang masamang mangyayari sa akin.” pamimilit ko sa kaniya. Paulit ulit ko siyang pinipilit hanggang sa wakas pumayag na siya.

“Fine, but bring ten bodyguards. Para masigurado kong hindi ka mapapahamak. Also wear your bracelet, para kung sakali mang may mangyaring masama sa iyo ay kailangan mo lang yan pindutin at tutunog na yung alarm ko.”aniya niya bago isuot sa akin yung bracelet na may pusong pendant.

Pagkatapos niyang isuot sa akin iyon ay nagpa alam na ako sa kaniya bago pumasok sa kotse. Dalawang kotse ang naka sunod sa kotse kung nasaan ako. Napaka protective ni Xander pag dating sa akin. Hindi ata ako makakalabas ng bahay nang walang kasamang bodyguard.

“Ma'am saan po tayo pupunta ngayon?” tanong ni Kuya Ben, isa sa mga bodyguard na kasama ko. Saan nga ba ako pupunta ngayon? Binigyan kase ako ng pambili ni Xander nung gusto kong gucci bag at yung nagustuhan kong pabango sa victoria secret. Pagkatapos nun ay bibili ako ng panibagong Louis Vuitton na shoes para sa binili kong bagong dress sa Versace.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng may humarang na sasakyan sa daan namin. Biglang napa tigil si Kuya Ben sa pagda-drive. Anong nangyayari?

“Nandito na sila.” nakangising aniya ni Kuya Liam bago buksan yung pinto.

“Anong ibig mong sabihin Liam?” nagtatakang saad ni Kuya Ben.

“Hindi ba obvious? Hindi niyo ako kakampi, may atraso sa grupo namin si Xander at maghihiganti kami sa kaniya. Kami ang isa sa mga panibagong grupo ng gang dito. At ako ang unang tao na tatalo kay Xander, pero bago mangyari ang plano ko kailangan ko muna malaman ang kahinaan niya. Hindi ko inaasahang isang babae lang pala ang kahinaan niya. Kaya halika dito.” ani niya bago niya ako higitin ng marahas. Biglang naglabasan yung mga kasama kong body guard pero sobrang dami nila. Nabitawan ako ni Liam kaya agad akong kumaripas ng takbo ngunit isa sa mga kasama niya ang humigit sa akin at sinikmuraan ako nito. Bigla akong natumba dahil sa sakit ng aking tiyan. Pero bago pa man ako matumba ay pasimple kong pinindot yung pendant sa aking bracelet upang humingi ng tulong kay Xander  Bigla nalang lumabo ang aking paningin bago ako tuluyang mahimat*y.

_

_

XANDER ETHAN'S POV:

Blahh blah blah. This meeting is so boring, i rather stay at home and cuddle with Pearl. They keep talking and talking about the business but i wasn't interested.  I was about to say something when my phone ring. I looked at it in panic and i realized that it was the alarm from Pearl's bracelet. F*ck! This is one of the reasons why i don't want her to go anywhere.

I started panicking, Travis and Sean keeps trying to calm me down but I can't control my self. Where is she? F*ck! I'm getting nervous now! What if they hurt Pearl? If i see a single scratch in Pearl's skin, I'll make sure that he won't see a daylight. F*ck!

Hindi ako mapakali habang si Travis ay nagmamadali habang nagtatype habang si Sean naman ay may kausap sa telepono. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi ako mapakali, the thought of Pearl being in danger makes me wanna k*ll. Naputol ang pag iisip ko nang biglang tumunog ang isa pang telepono.

Agad na lumapit si Travis doon at sinagot niya ito. Kitang kita ko ang panlalaki sa mata ni Sean. Agad niyang inabot ito sa akin.

“Good Evening Mr Xander Ethan Montellarez. I just wanted to let you know that the girl you love is here. Pearl Maxine Sandoval.” ani nung lalaki sa telepono. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga salitang yon.

“What do you want?” i ask desperately. I can't let them hurt Pearl. F*ck! What should i do?

“Fight us, come to the address that i will send you. Your Pearl is there. And i wanna show her how i will k*ll you. I won't forgive you, you ruin my brothers life. Now it's my turn to ruin yours” huling aniya niya bago ibaba ang telepono. F*ck!! Maya maya lang ay biglang tumunog muli ang telepono at nakalagay doon kung saan kami magkikita. I'll do everything huwag ka lang masaktan Pearl. Even if it means i have to k*ll alot of people just to save you.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction

×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah


You are reading the story above: TeenFic.Net