Chapter 15

Background color
Font
Font size
Line height

"Ate Danna nasaan na yung mga yogurt na binili mo? Malapit na kase magsimula yung palabas." pag tawag ko kay Ate Danna na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Gustuhin ko man tumayo at ako na ang kumuha non pero hindi ko kaya. Sobrang laki na kase ng tiyan ko dahil 9 months pregnant na ako. Ang due date ata ng pagbubuntis ko ay Feb 18. Ibig sabihin ay maipapanganak ko na yung kambal kong anak sa February 18. Kaya ngayon ay palagi na lang akong naka upo at nagpapahinga. Mabilis din kase akong mapagod.

"Sandali lang maghuhugas lang ako ng kamay. Strawberry flavor ba ulit?" tanong ni Ate Danna. Alam niya na agad yung favorite flavor ko.

"Oo yun ulit." aniya ko. Maya maya lang ay lumabas na si Ate Danna mula sa kusina habang may dala dalang limang strawberry yogurt at bagong hugas na strawberry. Masarap kase kapag sinasawsaw yung mismong strawberry sa yogurt. Inilapag niya ang mga ito sa lamesa kasama ang tubig. Bumalik na din siya kaagad sa kusina dahil magluluto pa daw siya ng uulamin namin mamaya.

Agad kong binuksan yung TV at ang palabas pa ay balita. Ang pagkaka alam ko ay pagkatapos ng balita saka magsisimula yung palabas. Kahapon lang nagsimula yun at nagustuhan ko kaya araw araw ko ng papanoodin yun. Habang kumakain ako ay nakuha ng balita yung atensyon. Ang kasalukuyang ibinabalita nito ay ang nalalapit na kasal ng isang business man na may ari ng maraming kompanya sa buong mundo.

"Magandang umaga po sa ating lahat, ako si Marie Kim Trillano nagbabalita. Kaninang madaling araw ay inireveal ng isa sa pinaka successful business man ang kaniyang nalalapit na kasal sa February 18. Ang business man na ito ay walang iba kundi ang nagmamay ari ng XEM Mall, XEM Hotel at XEM Corporation na si Xander Ethan Montellarez." aniya nung babae mula sa TV. Nabitawan ko yung kinakain kong yogurt dahil sa aking narinig. Ikakasal na si Xander?

Hindi na dapat ako maapektuhan ng balitang ito pero bakit ako umiiyak ngayon? Bakit nasasaktan ako? Gusto ko man pigilan ang pagtulo ng luha ko pero patuloy pa din ang pag agos nito. Ang masaklap ay ikakasal sila kung kelan ko ipapanganak ang anak namin. Bakit ang sakit na malaman na yung taong mahal mo ay ikakasal na sa iba?

"Ipinahayag niya din na sobrang saya niya ngayon dahil ikakasal na siya sa babaeng minamahal niya. Matagal na daw niyang iniintay ang araw na ito kaya pinaghahandaan niya talaga ito. Yun lang ang aking maichichika ngayong araw. Balik sayo Mr Marquez."

Kinuha ko yung tissue sa may tabi ko at nagpunas ako ng luha. Agad akong tumayo para kuhanin yung remote. Nawalan na kase ako ng gana manood. Maayos pa yung mood ko kanina pero nasira na. Akmang hahawakan ko na sana yung remote nang maramdaman kong sumakit yung tiyan ko. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka sumipa nanaman si baby. Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko nanaman yung pagsakit ng tiyan ko. Napatigil ako dahil dito at hinawakan ko yung tiyan ko. Napapa isip na lang ako, nalulungkot din kaya yung mga anak ko kaya sila sumisipa. Maglalakad na sana ako nang may biglang umagos na tubig mula sa hita ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako sa lamesa habang hawak hawak ko yung tiyan ko. Hindi ko maipapaliwanag yung sakit. Sobrang sakit niya, para bang manganganak na ako?

"A-Ate Danna, tulong sumasakit na yung tiyan ko." sigaw ko habang patuloy pa din ang pag agos ng tubig sa hita ko. Natatarantang lumabas mula sa kusina si Ate Danna at lunapit siya sa akin.

"Ivy! Ipahanda mo na yung sasakyan manganganak na si Pearl!" sigaw ni Ate Danna. Biglang bumukas ang pinto at pumasok yung mga guards na nasa labas. Dahan dahan nila akong binuhat at ipinasok sa loob ng kotse. Pumasok na din sila Ate Danna at Ivy sa loob at nagsimula nang mag maneho si Kuya Lary.

Mahigpit akong nakahawak sa mga kamay nila habang iniindako yung sakit na nararamdaman ko. Natatakot ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Papaano kung mahirapan ako sa panganganak? Paano kung hindi ko sila maipanganak ng maayos?

"A-Ate Danna. Sobrang sakit, natatakot akong manganak." umiiyak na ani ko habang mahigpit akong nakahawak sa kamay niya.

"Kakayanin mo yan Pearl. Lakasan mo ang loob mo, isipin mo na ito na ang huling pagsubok mo bago mo makita ang mga anak mo." pagpapakalma niya sa akin. Tama, kailangan kong maging matapang. Kaunting oras na lang ay makikita ko na sila. Tinawagan ni Ate Danna sila Hunter at Xandrea upang sabihin na manganganak na ako. Papunta na din sila ngayon sa hospital.

Ilang minuto din ang nakalipas ay tumigil na kami sa harapan ng hospital at ihiniga nila ako sa stretcher. Dinala nila ako sa emergency room kung saan nag aantay si Doc habang nagsusuot ng gloves.

"Kambal pala ang anak mo Ms Sandoval. Kailangan ka naming i-cs dahil mahihirapan kang manganak ng normal." aniya ni Doc bago ako tinurukan. Wala na akong naramdaman na sakit ng turukan ako ni Doc anesthesia. Pinayagan nilang pumasok si Ate Danna at Ivy kaya nakahawak ako sa kanilang dalawa ngayon.

"Kumalma ka Pearl. Huwag kang mag isip ng ikakakaba mo." saad ni Ate Danna kaya ipinikit ko na lang ang aking mata. Ito na ang huling pagsubok ko bago ko sila makita.

Mga 20 minutes din ang itinagal bago ko marinig ang iyak ng anak ko. Maingat niya itong binuhat bago inilagay sa malinis na towel.

"Ang una naming nakuha ay lalaki. Nurse pakilinisan na ang sanggol." aniya ni Doc bago ibigay sa nurse yung anak ko. Nang malinisan na nung nurse yung anak ko ay inilapag niya ito sa tabi ko. Hindi ko mapigilang umiyak sa sobrang saya nang makita ko ang panganay ko. Hindi pa siya namulat at tahimik lang ito.

Maya maya lang ay narinig ko na din yung isa ko pang anak. Umiiyak ito habang hawak hawak siya ni Doc. Nang malinisan na ito ay inilagay din nila ito sa aking tabi. Nararamdaman kong tinatahi na ni Doc yung tiyan ko. Medyo nawawala na din yung anesthesia kaya nararamdaman ko na yung sakit ng katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga hita at paa ko.

"Napaka gwapo at napaka ganda naman nila. Tahimik yung lalaki at medyo maingay naman yung babae." masayang ani ni Ate Danna habang umiiyak? Bakit siya umiiyak?

"Bakit ka umiiyak Ate Danna?"

"Masaya lang ako dahil sa wakas lumabas na sila. Napaka tapang mo Pearl dahil nalampasan mo ang pagsubok na ito. Congratulations Pearl." saad ni Ate Danna habang nagpupunas ng luha. Nagiging emosyonal nanaman si Ate. Simula kase nung nawala si Mama, sa bahay na ako nila Ate Danna tumira. Siya ang tumayong pangalawang ina ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Nang mapatingin naman ako kay Ivy ay umiiyak din ito.

"Ano nga pala ang ipapangalan mo sa kanila?" aniya ni Ivy habang nagpupunas ng pawis.

"Xavier Max at Xhantel Macy. Yun ang pangalan nila." huling aniya ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.

_

Nagising ako nang may marinig akong sumisigaw. Agad kong iminulat ang aking mga mata at naabutan kong halos magtatalon sa tuwa si Xandrea habang may tinitingnan sa cellphone ni Ate Danna.

"Napaka cute naman ng mga baby. Gustong gusto ko na sila makita, hindi pa ba sila dadalhin dito sa kwarto?" saad ni Xandrea. Napatingin sa gawi ko si Hunter at napansin niyang nakamulat na ako.

"Gising ka na pala Pearl. Maayos na ba ang nararamdaman mo?" tanong ni Hunter.

"Ayos na ang pakiramdam ko, hindi ko lang maigalaw yung hita ko, nasakit kase." aniya ko. Magsasalita na sana si Xandrea ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Doc na may kasamang tatlong nurse habang dala dala nila yung mga anak ko.

"Nilinisan na po namin sila ng maayos at sinuotan ng malinis at maginhawang damit." saad ni Doc. Inilapit nila yung lalagyan kung saan nakahiga sila baby sa may tabi ko. Mahimbing silang natutulog parehas.

"Ms Sandoval, foreigner po ba ang asawa niyo? Habang pinapalitan po kase namin sila ng damit kanina ay nagmulat na sila parehas ng mata. Parehas kulay gray ang mga mata nila kaya naisip ko po na foreigner asawa niyo." pagpapaliwanag nung isang nurse. Bigla akong napatingin sa kaniya. Anong sinabi niya? Kulay abo din ang mata nila Xavier at Xhantel? Paano nangyari yun? Pero kung iisipin kulay abo kase ang kulay ng mata ng ama nilang dalawa.

"Hindi naman foreigner si Kuya. Sadyang may ganun talagang pangyayari sa lahat ng panganay na anak sa blood line namin." pagpapaliwanag ni Xandrea. Nagpaalam na din sila Doc kaagad dahil may pasyente pa silang pupuntahan.

"Bakit naging kulay gray ang mata nila? At saka anong sinasabi niyo tungkol sa bloodline?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Ngayon ko lang din napansin na hindi nila kaparehas ng kulay ng mata yung Kuya nila. Kulay brown ang mata nilang dalawa habang si Xander naman ay kulay gray.

"Sa bloodline ng Montellarez, naipapasa lang ang kulay ng mata sa panganay. Isa lang din ang ibig sabihin nun. Kung sino ang nagtataglay ng kulay abong mata ang susunod na tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng Montellarez. Kaya si Kuya lang ang may kulay gray na mata sa amin dahil siya ang panganay." aniya ni Hunter. Ibig sabihin si Xavier at Xhantel ang susunod na tagapagmana ng pamilya nila?

"Tama, kaya sigurado ako na kung mabuntis man ni Kuya si Kharylle ay magiging ordinaryo lang ang kulay ng mata nito." saad ni Xandrea at sumang ayon naman si Hunter doon.

"Basically sila ang susunod na Heir ng pamilya namin. Kailangan namin silang ingatan at alagaan. Pagkatapos mo manganganak kailangan na natin bumalik ng Manila. Huwag kang mag alala hindi mo makikita si Xander doon dahil palagi siyang busy. Mas mabuti siguro kung sa mansion na kayo ni Hunter tumira. Maraming bodyguard doon at sigurado akong magiging ligtas kayo." aniya ni Xandrea. Ibig sabihin lilipat na agad kami sa Manila?

"Kailangan nasa ligtas silang lugar at siyempre ikaw. Magkakaroon kayo ng private doctor at private nurse." kailangan ba talaga maraming bodyguard? Ordinaryong tao lang naman kami. Saka ikakasal na si Xander kay Kharylle. Malay nila kulay gray din ang mata nung magiging anak ni Kharylle. Mas gusto ko na mamuhay na lang kami ng tahimik ng mga anak ko. Pero wala naman akong magagawa kung hindi sumama. May karapatan din sila sa mga anak ko dahil pamangkin nila ito. Hindi ko naman pwedeng ipagdamot sa kanila sila Xavier at Xhantel. Saka natatakot ako na baka makita ni Xander yung mga anak ko.

"Huwag kang mag alala Pearl. Kahit nasa Manila na kayo ng mga anak mo hindi kayo makikita ni Xander. Kahit isang beses hindi siya pumunta sa bahay ko. Wala naman siyang paki sa amin ni Xandrea." ani ni Hunter na nagpagaan sa pakiramdam ko. Mabuti naman kung ganon. Natatakot ako na baka makita ni Xander yung kambal. Baka kase kapag nalaman ni Kharylle na may anak kami ni Xander ay hiwalayan niya ito at magalit sa amin si Xander. Maayos na ang buhay niya kaya ayaw kong masira ito.

"Payag na ako pero sa isang kondisyon, kailangan kasama ko si Ate Danna at Ivy." aniya ko na nagpalaki sa ngisi ni Hunter.

"Siyempre kasama sila, para makita na din ni Danna yung future house niya kapag naging asawa ko na siya." nakangising ani niya. Nang mapatingin naman ako kay Ate Danna ay namumula ito habang natawa si Ivy.

"Ay lalandi niyo!" saad ni Ivy sabay irap. Ang bitter naman nitong babaeng toh!

"Huwag kang maging bitter Ivy, malay mo yung lalaking may kulay pula na buhok ang forever mo" pang aasar ni Ate Danna.

"Yuck! Kadiri hindi ko magugustuhan yun! Ang pangit ng ugali niya! Feeling gwapo!" pag tanggi niya.

"Feeling gwapo o gwapo talaga?" natatawang tanong ni Xandrea kay Ivy. Halos lahat kami ay inaasar na si Ivy dahil dun sa lalaking yun. Bigla itong napatahimik at mukang nag iisip siya. Iniisip niya siguro kung ano yung hitsura nung lalaking yun.

"Matangos ang ilong niya, hazel brown ang kulay ng mata niya at makisig ang katawan niya. Pero yuck! Hindi ako magkakagusto sa lalaking yun! Sweet at mabait ang gusto ko hindi mayabang at masama ang ugali." talaga ba Ivy?

"Ay sus Ivy. Alam na alam mo yung hitsura niya ibig sabihin tinitigan mo siya ng matagal. Sinuri mo pa talaga ha. Interesado ka sa kaniya noh?"pang aasar ni Hunter. Oo nga naman, alam na alam niya yung detail ng hitsura nung lalaki.

"Hindi nga aba! Muka pati siyang playboy! Diba alam niyo naman na ayaw ko ng play boy. Hindi kami bagay nung lalaking yun!!" galit na ani ni Ivy. Kahit kailan talaga napaka pikunin ng babaeng ito.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading

×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah


You are reading the story above: TeenFic.Net