[SC] DahMin Couple

Background color
Font
Font size
Line height

Dahyun's POV

Psh, nakakainis yung jamless na yun ah. Akala mo kung sinong gwapo at macho, eh mukha nun kuko pa lang ni Bambam sunbae at yung abs niya KUNO eh hindi pa nakatungtong sa totoong standards ng abs. Napaka-feeling talaga ng pandakis na yun. -.-

"Tofu, kagatin mo yung jamless na yun pag biglang inaaway si Mommy Dobu ah!" Bwahahaha! Syempre, mahal ako ni Tofu kaya susunod talaga 'to siya sa akin!

"Hoy Dahyun! Kung anu-ano sinasabi mo kay Tofu ah! Ikaw talaga! Ba't ba ang init-init ng dugo mo kay Jimin? May mali ba sa kanya?" Mali? Bish please, madami!

"Marami siyang mali, unnie—yung utak niya, yung mukha niyo lalo na yung pag-iisip niya!" Alam ko, tatlo lang yun pero duh! Marami pa rin yun, haller!

"Ay grabe siya oh!" Pagrereact ni Momo unnie.

Lumapit si Momo unnie sa akin, at tinapik yung balikat ko. "Dahyunnie, bago ka mag-judge ng tao kumain ka muna ng Judge na bubblegum. Originally made from Philippines!" Hanudaw? Sabog ata si Momo unnie ngayon eh.

Napairap ako. "Unnie, ikain mo na lang 'yan. Well, ipapasyal ko muna si Tofu. Annyeong, unnie!" Kinarga ko si Tofu, at kinuha yung leash niya sa drawer, then kumabas ako ng kwarto.

*****

Pagdating ko dito sa park, pinakawalan ko muna si Tofu. Trained na kasi siya, kaya bumabalik rin siya sa akin. Trained nga diba?

"Eagle?" That irritating voice is freaking the voice I hate!

Nilingon ko si jamless na may poker face. "What?"

"Woah! Ang taray mo naman, Eagle! Chillax!" Chillax his face -.- paano ako magchichillax kung nandiyan siya? Psh.

"Chillax mo mukha mo." Napairap ako.

Nabigla ako ng tumabi siya sa akin dun sa bench, kaya agad naman ako umisog palayo. Bish please, baka magkaka-virus ako.

"Ang arte neto. Akala mo naman kung sinong maganda." Wow. Makapanglait. Tingnan niya na muna kaya yung sarili niya.

"Akala mo rin kung sinong gwapo." Nakapoker-face kong sabi.

"Gwapo naman talaga ako, Eagle. Baka may diperensya na 'yang mata mo. Masama na 'yan." Err mo po, jamless.

"FYI walang problema ang mata ko, jamless. Psh, you just ruined my wonderful day with my beautiful and cute dog." Umalis ako dun sa bench, at tinawag si Tofu. 'Wag kayo, matalas ang pandinig nun!

Nakarinig ako ng malakas na tahol, at alam kong kay Tofu yun. Nag-squat ako at niyakap siya. Ang soft at fluffy talaga ng mga balahibo niya! Hihihi! Shih Tzu nga eh.

Kulay white yung balahibo niya, at may mga brown at may black sa bandang mukha at buntot niya. Makapal yung balahibo niya, kaya pag ipapaligo ko siya, sa salon lang para sure. Parati ngang naka-tali yung bangs niya with her lucky purple clip!

"Tofu, tapos ka na bang mamasyal? Ready ka na—" Naputol yung sasabihin ko ng biglang tumakbo si Tofu.

Hahabulin ko sana siya ng malaman kong si jamless at yung alaga niyang aso pala yun. The eff.

"Tofu, siya yung jamless na minimean ko! Atakihin mo, dali!" Instead na sinunod ako ni Tofu, pinaglaruan niya lang si jamless. Okay, pahiya ako dun ah!

"Sorry ka na lang, Eagle! Mukhang gusto ako ni Tofu eh. Diba, Tofu?" Sabay gulo sa balahibo ni Tofu.

Aba't ginanahan pa si Tofu ah! Bad cutie dog!

Lumapit ako sa kanila, at agad na kiarga si Tofu with a pouty face. Eiih, kasi naman eh! Instruct ko kay Tofu ay atakihin niya si Jimin! Hindi niya ata nakuha ang tamang meaning nun eh! Hmp!

"Tofu-ssi! Bad doggie!" Sermon na napapout din niya. Aww, ayokong malungkot si baby Tofu~

"Hoy, Eagle! 'Wag mo namang pagalitan yung aso! Masyado siyang cute para pagalitan, FYI." Bakla talaga siya, psh.

"Oo na, oo na. At pwede, alis ka na?! Sinisira mo araw ko eh!" Sabay duro sa kanya.

Napatayo siya at napataas ang isang kilay. Confirmed. Bakla nga. "Woah! Sayo ba 'tong park na 'to, Ms. Kim?" Psh.

"Bakit? May sinabi ako? You misinterpreted it, Mr. Gay." At ngumiti ng nakakaasar, hahaha. Bahala ka diyan, jamless ka!

Biglang lumapit si Jimin sa akin at bigla akong pinatungan! The nerve of this dwarf! Pinagtitinginan tuloy kami ng tao, sheyt.

"Did you just call me 'gay'?" Sabay smirk.

"Oo, bakit?!" Confidence lang, Dahyun! Confidence lang! "At pwedeng umalis ka sa taas ko?! Pinagtitinginan po tayo!" Tutulakin ko sana siya, kaso ang bigat po ng pandakis nating walang mata!

"Not until I do this." Do wha—

THE EFF!!! HE KISSED ME!!! 😡😡😡😡😡

Bigla siyanv umalis sa taas ko, habang ako dito nakatunganga. HE EFFIN' STOLE MY FIRST KISS!!!

"Told ya, hindi ako bakla." Nagsmirk siya ulit, bago umalis kasama yung aso niyang Siberian Husky.

*****

Jimin's POV

Whoo! Ang priceless ng mukha niya, pero bakit halik pa ang ginawa ko para mapatunayang hindi ako bakla? Shit, anong nangyayari sayo, Jimin!

"Manhid ka ser?! Obyus na obyus mahar mo yung eygel na yown!" Pisti. Ang jeje naman ng utak ko. -,-

Pero 'wag niyo nang pansinin ang loko-loko kung utak. Nagmamalfunction ata. Nakakapagtaka lang kung bakit ko ba siya hinalikan!

"Hoy, Jimin!" Sabay batok sa akin ni Suga hyung. Putcha 'tong tandang 'to!

"Kingina hyung!" Binatukan ko rin. Just being fair.

"Ang lalim ng isip mo ah! Si Dahyun hoobae ba 'yan?" Kinikilig na tanong ni Taehyung sabay sundot sa akin sa gilid.

"Eww. Siya iisipin ko? Tangina, magiging yellow muna ang favorite color ni Jin hyung bago yun mangyari!" Sagot ko.

"Yellow na favorite color ko just for the day. Edi iniisip mo nga si Dahyun hoobae!" Putahamnida po, Jin hyung -,-

"Hindi ko siya iniisip, period! Makaalis na nga!" Pumasok agad ako dun sa kwarto naming mga maknae, at humiga sa kama ko.

It bothers me, really! Bakit ba halik yun?! Argh! Anong nangyayari sayo, Jimin?!

*****

Momo's POV

Okay, ang weird ngayon ni Dahyunnie ah. Kanina pa spaced out eh. Kami ni Sana ang nakapansin niyan.

"Mo unnie, kanina pa 'yan tulala si Dahyun." Bulong ni Sana aa akin, tumango naman ako.

"Oo nga. Diba galing siya sa park? Ano kaya ang nangyari dun?" Takang tanong ko kay Sana.

"Tanungin natin unnie, tara." Nilapitan namin si Dahyun na kanina pa tulala dun sa sofa.

"Dahyun?"

"AYLABINIJIMIN!—unnies!" Oyoy, ano 'tong pinagsasabi niya ngayon?!

"Dahyunnie, may hidden desire ka kay Jimin ano!" Straightforward much, Sana?

"Whut? Nahihibang na ba kayo unnies?" Tanong niya sa amin. Napapoker-face naman ako.

"Sis, why ya so manhid?" Hahaha, peace yow!

"Manhid? Hindi ako manhid unnie, but one thing for sure! Ang jamless na yun ay wala!" Sabay alis at pumasok sa kwarto ng mga maknaes.

Ahue, ang depensib ni Dahyun! Hahaha!

"Confirmed!" Sabay naming sabi ni Sana.

<><><><><><><><><><>
Here's the special chapter for the DahMin couple, hahaha! Sana nagustuhan niyo, guyseu. Up next is TaeSana couple special chappie!

Poll; Gagawan ko ba ng side story ang DahMin at TaeSana o hindi?

Vote || Comment

° winteury

You are reading the story above: TeenFic.Net