PrinceJamesCruz4
Ban ban

Ban ban

4 0 1

Y/n, Friend, and Ken...…

Sb19 Ken Fanfic Part 1

Sb19 Ken Fanfic Part 1

1 0 1

Y/N, FRIEND, AND KEN.…

title: Hele

title: Hele

10 2 2

taong 2014 pa nangyari ito, pero sariwa pa sa alaala ko ang mga naranasan ko. Ang pamilya ko ay galing sa Probinsya ng Basilan, kaya mga kababalaghan ay hindi na din bago sa aking pandinig, ngunit iba din pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakaranas. Kami ay lumipat sa pinakamalapit ma syudad dahil ako'y mag-aaral na ng kolehiyo sa susunod na taon. 4th yr high School na ako noon, kami ng aking pamilya ay nagrenta ng bahay malapit sa eskwelahan na pinapasukan ko. Una palang ay may nakapagsabi na samin na may nagpaparamdam sa bahay ngunit di naman namin pinapansin, kapag kami ay magrorosaryo ay palaging parang may nahuhulog sa bubong,laging may nagiingay na di mo maintindihan. 4:30 pm nang ako'y makauwi na. Normal na araw galing sa eskwelahan. Pagdating sa bahay ay gumawa ng trabahong bahay bago gawin ang nga takdang aralin. Nagpatugtog muna ako ng music sa aking cp. Malapit lang kame sa isang moske kaya kapag sila'y nagdarasal ay maririnig samin ang kumakanta ng Qur'an.Alas sais ng gabi nang may kumanta sa mosque at saktong may naghehele din saking likuran, parang ang lapit lang sa akong tenga. ( Ung may kumakanta na wari'y may nagpapatulog ng sanggol ) Wala namang kaso kung may maghele kaso ako lang mag isa sa bahay non. Napatigil ako sa aking pagsusulat dahil tila ako'y napatigas sa aking pagkakaupo at napuno ng takot at kaba. Parang gusto kong lumingon pero nadala na talaga ako ng takot. Walang ano-ano ay bumalikwas ako ng takbo palabas walang lingon-lingon, kahit walang tsinelas makaalis lang sa bahay na yon. Pagkatapos ng ilang araw ay umalis kame sa bahay na aming pinagrerentahan at nagrenta na lang ng iba. Ang una palang nakatira doon ay sinaniban na at nawala na sa wisyo. Pero ang may-ari ng bahay ay di parin naniniwala, dahil gumagawa lang daw ako ng kwento. Hanggang ngayon ay nakatayo parin ang bahay pero wala nang tumitira, dahil siguro sa takot na baka pati sila, ipaghele din. -Princejamescruz…