Alexa: Gates of Hell Pt. 2
Matapos ang malagim na pangyayari sa pamayanan ay unti-unti nanumbalik ang kanilang pangkaraniwang pamumuhay, subalit bakas pa rin ang takot at bangungot na minsa'y gumambala sa tahimik nilang buhay.Sa paglipas ng ilang linggo ay tanggap na ni Alexa ang kaniyang magiging kapalaran dahil sa mga karanasan na pumukaw sa kaniyang isipan. Tinanggap niya iyon upang mabibigyan niya ng panaggala ang lahat laban sa mga masasamang elemento, lalo na ang mga mahal niya sa buhay.Sa hindi inaasahan na mangyayari ay may isang nilalang ang magtatangkang buksan ang tarangkahan upang palaganapin ang kasamaan sa mundo, nang sa gayon ay mapigilan nila ang propesiya.Mapipigilan kaya ito? O tuluyan ng mabuksan ang kinakatakutan ng lahat?âĶ