ElleAnyd
Circles of Hell

Circles of Hell

71 0 5

Magkausap pa noong gabi sina Rafa at Jessa. Naglabas ng hinanakit si Jessa at sinabing ayaw na nitong mabuhay. Pinayuhan pa ni Rafa si Jessa at sinabing mahirap ang buhay, pero maganda. Matapos ang pag-uusap nila, hindi na muling nagparamdam si Jessa at nalaman ni Rafa na isang linggo na itong nawawala. Nang mag-usisa, doon nalaman ni Rafa na nagpunta si Jessa sa "The Dwelling," isang pasilidad para sa mga taong nagtatangkang wakasan ang buhay nila. Sa pagpunta ni Rafa sa pasilidad, mas malalim pa ang lihim na kanyang mahuhukay. Malaman kaya niya ang nangyari kay Jessa, o kabilang din siya sa mga "lihim" na malilibing?…

Crimson Days [FINISHED]

Crimson Days [FINISHED]

97 1 11

Ano ba ang kulay ng pag-ibig? Hindi akalain ni Ever na tatraydurin siya ng tadhana nang pagtambalin sila ni Evan Mateo sa Project Colors, isang proyekto ng Gemstones, ang publisher ng mga isinusulat niyang akda. Plano niya na sanang dalhin sa hukay ang lihim na naging magkasintahan sila anim na taon na ang nakalilipas bago pa siya maging sikat na manunulat. Sa pagtatambal na ito, pakiramdam ni Ever, bumuka uli ang sugat na dala ng mapait na nakaraang pilit niyang kinalilimutan. Pero sabi nga niya, dapat siyang mag-move on. Matapos kaya nila ni Evan ang proyekto o pagkakataon na ito para ipagpatuloy ang naudlot nilang kuwento?…

Maikling Maikling Kuwento

Maikling Maikling Kuwento

1,951 15 21

just some random short short stories…

TULA-la

TULA-la

284 1 48

On-the-spot tula-tulaan. Isinusulat kapag patulog na, o kapag napagtripan lang, pero madalas kapag nagpapaantok.…

Kiss Me in the Rain [FINISHED]

Kiss Me in the Rain [FINISHED]

160 3 12

Mabilis silang naglalakad habang tumutunog ang bell na hudyat ng pag-uumpisa ng klase. Hawak-hawak ni Jace ang kamay ni Gia at hila-hila siya nitong parang isang paslit. Maya-maya pa, bumitiw si Gia kay Jace na naging dahilan upang lingunin at harapin siya nito. Para siyang tuod na nakatayo sa harap ng binata habang lumilipad ang isip niya. Kundi niya sasabihin ngayon, kailan pa?"Mahal kita," pagtatapat ni Gia kay Jace, ang kanyang matalik na kaibigang kanya ring napupusuan. Sa wakas! Pagkatapos ng maraming taong pagkimkim niya sa nararamdaman, nasabi niya na rin yung dalawang mahiwagang salitang iyon."Ano?" tanong ni Jace."Bingi ka ba? Ang sabi ko-"At tinanggal ni Jace ang earphones na nakakabit sa tainga niya. "Pakiulit.'Di ko narinig."Napapikit na lang si Gia at yumuko dahil sa kahihiyan. "Nakuuuuuu.... Palpak, palpak!" sabi niya sa sarili.…

Siya Na Lang Sana
Mahirap Ba Akong Mahalin?
Mamamatay Na Ako... Bukas! (REVISED) [FINISHED]

Mamamatay Na Ako... Bukas! (REVISED) [FINISHED]

752 14 11

Almost the same plot.Almost the same words.Same piece of sh*t.Haha! Ano raw?Pabasa na lang po sa mga gustong matakot kahit 'di naman talaga nakakatakot.…

Kapirasong Sulat ni Trina kay Prince
Dear Diary

Dear Diary

53 0 1

It was Saturday afternoon; kahapon yun, mga 1 p.m. Nakatanggap ako ng text message mula kay Jeffrey. Sino si Jeffrey? Siya yung taong sobrang espesyal sa buhay ko.…

This Is Not My Story (Not Yet)
Alumni: High School Memories

Alumni: High School Memories

21,601 476 28

Kauna-unahang naisulat noong taong 2004, ang Alumni: High School Memories ay napag-tripan kong gawin dahil may crush na crush ako noong second year high school ako. Hakhakhak! Ang orihinal na kuwento ay nauna kong ipinabasa sa mga kaklase ko, printed sa short bond paper na tinupi para magmukhang libro. Kumalat ito at napunta sa ibang section at pagbalik sa akin ay gusot-gusot na. Haha! Dahil sa katamaran ay hindi na muling nadugtungan ang kuwento na umabot lang sa Chapter 8 (yata). Matapos ang ilang taon, sinimulan ko uli itong sulatin. Maraming revisions na ginawa at mga tauhang inalis. Posted sa tristancafe website ang Kabanata 1-18 mula September 29, 2008 hanggang October 31, 2008. Ito yung kuwentong hindi ko gusto sa lahat ng isinulat ko dahil noong panahong sinusulat ko ito ay naging depressed ako sa kagagawan ng isang kumag na nanloko sakin. (Mahabang kuwento.) Resume ang posting ng April 10, 2009 hanggang June 9, 2009.Ang kuwento ay nagsimula sa isang Alumni Homecoming, at si Denise na isang alumna ng kanilang paaralan sa high school, ay inanyayahan para magsalita sa entablado ng kanilang dating guro. Binalikan niya ang mga alaala niya noong high school pa lamang sila. Isa siyang bagong lipat na mag-aaral noong third year high school. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at naipit sa isang magulong love story ng kambal niyang kaklase, sina Marvin at Carl.…

Indie Film

Indie Film

224 6 1

Pinatay Siya... Kahapon! (MNA...B! and PK... M! Series) [ON HOLD]
Papatayin Kita... Mamaya! [PUBLISHED under BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION]

Papatayin Kita... Mamaya! [PUBLISHED under BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION]

3,587 82 17

Mamamatay Na Ako... Bukas! Sequel(Original Story)…

Love Potion

Love Potion

3,418 89 25

Ano ang gagawin mo sakaling ang taong makainom ng LOVE POTION, e hindi yung taong GUSTONG-GUSTO mo kundi yung KINAMUMUHIAN mo? Makatakas ka kaya sa GAYUMANG ito? O gaya ni Dylan e magpapasakop ka na lang sa KAPALPAKAN mo?…

Sapi

Sapi

189 2 1

Nag-uumapaw sa dami ng tao ang bahay-dalanginan ni Apo Manlo sa paanan ng Bundok Trololol. Lahat ay kating-kati na masaksihan ang himalang ginagawa ng dati niyang kasambahay na si Luca, ngunit kung tawagin na ngayon ay "Mahal na Luca".…

Mukhang Uulan

Mukhang Uulan

86 2 1

Kita ko mula sa bintana ng bahay namin ang pagngitngit ng langit. Maitim ang ulap, nagbabadya ng paparating na ulan. Gaya ng nakagawian, nagmamadali na naman ako ngayong umaga. Huli na naman kasi akong papasok sa paaralan.…

100 Messages

100 Messages

303 5 1

Over 100 messages na yung na-save kong text messages niya. Di ko pa yun binubura kasi ayoko sanang mawala yung alaala niya sa akin.…

Uuwi Ako sa Bagong Taon

Uuwi Ako sa Bagong Taon

140 2 1

"Kuya, kailan ka ba uuwi?" ilang beses na itinanong ni Japoy sa kuya Leo niya nang tumawag ito sa kanila.…