Assassin 14

Background color
Font
Font size
Line height


Naglalakad ako sa hallway ngayon ng may biglang humarang sa daanan kung mga lalaki at babae. Nasa sampu ata sila at may dala-dalang kahoy.

"Hayst! Anong trip to?", napapailing kung saad. Ngumisi sila sa akin.

"Dahil sa ginawa nyong paglaban sa mga Ruler's ay matitikman nyo ang ganti nila!", susugod na sana sila sa akin ng may sumigaw na nagpatigil sa kanila.

"Psttt! Ano yan ha?! Ano yan?", sigaw ni Sunday na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Bakit? Anong pakialam mo? Utos to ng Ruler's!", tinaasan lang sila ng kilay ni Sunday at hinarap sila.

"Tumahimik kayo! Mas mabuti pang umalis kayo ngayon na dahil paghindi matitikman nyo suntok ko!", sabay posisyon nito.Natawa naman ako sa inasta nya.

"Hindi pa tayo tapos!Mag-iingat ka dahil maraming patalim ang nakaabang na sayo!",turo nila sa akin sabay takbo paalis.

"Yan! Tumakbo kayo at umalis! Kala nyo ha!", lumingon si Sunday sa akin at agad nyang kinapit ang braso nya sa braso ko.

Nagsimula na kaming maglakad at hinayaang ko nalang nakasukbit ang braso nya sa akin.Humiwalay lamang sya sa akin ng sumakay kami ng elevator.

Pagdating ko sa tapat ng classroom namin ay hindi ko ipaliwanag ang naramdaman ko. Parang sinasabi ng isip ko na mag-ingat at ang katawan ko naman ay pinipigilan ang kamay kung hawakan ang doorknob.

Anong nangyayari sa akin?

At dahil iyon nga ang naramdaman ko,sinipa ko nalang ang pintuan. Pagkabukas ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko ng may sumalubong sa akin na mga malalaking tinik.

Napatakbo ako palabas. Habang ang mga classmate ko ay nasa loob naka freeze. Para silang mga manikin na iba-iba ang posisyon.

"Hays! Salamat! Hindi ako natamaan!", nakangiti kung saad ng makita ang mga tinik na nasa sahig.

Naglakad ako pabalik sa classroom  ngunit napahinto ako ng maramdaman ang pagbigat ng kanan kung braso.

Bakit hindi ko maigalaw ang kanan kung braso?

Tiningnan ko ang braso ko at ayun! Binabawi ko na ulit ang sinabi kung hindi ako natamaan dahil may nakatusok na tinik sa braso ko.

Ngayon alam ko na kung bakit naka freeze at parang manikin ang mga classmate ko dahil dito sa tinik na may kasamang pumaralisa. Inis kung  tinanggal ang tinik sa braso ko.

Hindi ko na maigalaw ang buo kung braso ng makabalik ako sa Classroom. Ganon parin ang posisyon ng lahat simula ng makita ko sila kanina.

Nilibot ko ang tingin bago pumasok sa loob. Napatingin ako sa kaklase ko na umuungol. May gusto silang sabihin sa akin kaya lang pati ata bibig nila hindi nila maigalaw.

"Ano? Anong gusto nyong sabihin?", parang tangang kinakausap ko ang mga classmate ko na alam ko namang hindi maibuka ang mga bibig nila.

Bogshhhh!

Napalingon ako sa pinto ng kumalabog ito. Paglingon ko isang babaeng mahaba ang itim nyang buhok at may hawak na pamaypay. Sinuri nya ako ng tingin.

"Sino ka?", tanong ko ngunit winasiwas nya ang hawak nyang pamaypay ng horizontally. At mula sa pamaypay nya lumabas ang mga tinik at patungo ito sa dereksyon ko.

Tumalon ako sabay gulong para iwasan ang mga tinik na iyon. Napangiwi naman ako ng makita kung saan tumama ang mga tinik. Tumama lang naman ang mga tinik sa binti at mga braso ng kaklase ko.

Binalik ko naman ang tingin ko sa babaeng nakangisi na ngayon. Tumayo ako ng tuwid ng mapagtantong instructor namin sya ngayong araw dahil ang subject namin ngayon ay Trickery at Poison.

"Ikaw ba ang Instructor namin ngayon?", ngumisi lang sya at muling winagayway ang pamaypay nya sa akin kaya iniwasan ko naman ang mga tinik.

Pagod na ako sa kakaiwas pero hindi parin nauubos ang mga tinik nya sa pamaypay nito.

"Ready?", tanong nya pero hindi ko sya maintindihan.. Anong Ready?.. Kanina pa ako ready sa simula palang.

"Huh? Ano pong ibig nyong----No!", sigaw ko bago napagtanto ang ibig nyang sabihin. Hindi na kasi tinik ang lumabas sa pamaypay nya kundi mga malalaking karayom.

Agad kung iniwasan iyon ngunit natamaan ako ng tatlong karayom sa kabila kung braso kaya nagsimulang bumigat at kalaunay hindi ko na magalaw.

Paano to?

Tinaas nyang muli ang pamaypay nya at inasinta ako. Anong gagawin ko? Kailangan kung mag-isip ka agad!.

Huminga ako ng malalim para makapag-isip.

Inhale!

Exhale!

Inhale!

Tama! Agad kung winagayway ang sarili kung katawan upang malaglag sa balikat ko ang blacer na suot. Winagayway ko ng mabilis pero hindi effective. Naghanap ako ng gamit na makakatulong sa akin at ng makita ang mga bag na nasa upuan ng classmate ko ay napangisi ako.

Ngumisi naman ang instructor namin habang nakatingin sa nakangisi kung labi.Winagayway nya uli ng pahiga at pagilid ang pamaypay nya kaya mabilis kung binuksan ang zipper ng bag gamit ang ngipin ko. Agad ko namang kinagat ang gilid ng bag at kahit mabigat ay tinapon ko pataas hanggang sa makakaya ko.

Ng makaabot na sa taas ay sinipa ko ito ng malakas kaya ang loob ng nasa bag tulad ng libro at mga papel ay nagkalat sa ere. Kumuha pa ako ng panibagong bag at ganun rin ang ginawa ko.

Ang mga papel at librong nasa ere ang tumulong sa akin para maiwasan at hindi matamaan ang ibang parte ng katawan ko.Pero kahit ganon ang ginawa ko ay natamaan parin ang kabila kung binti kaya wala na akung takas.

"Hmm! Pwede na!", sigaw ng instructor naming babae at nilapitan ang mga kaklase ko at pinagturukan ng isang mahabang karayom sa gilid ng leeg. Ang mga tinurukan nyang mga karayom ay nakagalaw na."Magaling ang pinakita mo! Pero kailangan mo pa ng pagsasanay", sabay turok nya sa gilid ng leeg ko ng karayom na ginamit rin nya sa iba.

Nakagalaw na kami kaya tinulungan kung pulutin ang mga gamit ng kaklase ko.

"Pasensya na", paghihingi ko ng pasensya.

"Hindi President Silver. Astig nga ang ginawa mo e", saad ng may-ari ng bag na maraming libro at papel.

"Oo nga! Hindi namin naisip yon kanina!", saad naman ng isa. "Alam mo bang kung naging ganyan rin kami kaagap hindi kami matamaan ng mga tinik",.

"Tama! Marami nga ang nakaligtas sa unang tira ni Instructor Venom pero hindi kami nakaligtas sa sunod-sunod na tira. Mabuti ka pa nga dahil binti at braso mo lang ang hindi maigalaw, kami buong katawan.", bumalik na kami sa upuan namin.

"Kilala nyo naman ako dahil nagpakilala ako sa inyo habang hinihintay kung pumasok ang President nyo dito. Magpakilala ako ulit sa inyo. Ako Si Instructor Venom, ako ang magiging Instructor nyo sa Trickery and Poison.", umupo ito sa upuan nya at sinenyas na tumayo ako.

"Ikaw ang tinuring nilang leader hindi ba?", tumango ako sa kanya."Anong Codename mo?",

"Silver", agad kung sagot.

"Bakit Silver? Bakit Silver ang napili mong Codename?. Alam naman siguro ng lahat kung bakit ang codename ko ay VENOM.", tumango kami. Obvious naman sa pangalan palang nya. "Ikaw? Bakit Silver? Tinanong ko rin ang mga classmate mo kung bakit iyon ang napili nila..May sumagot na dahil doon sila magaling at may sumagot ring doon sila sanay tawagin", napakamot ako sa batok ko.

Mukhang hindi uubra sa kanya ang sinabi ko sa Secretary ni Dean.

"Wag mong sabihin sa akin, sa aming lahat na 'Gusto mo lang'. Wag mong hintayin na turukan pa kita ng poison para magsabi ka ng totoo", nakataas kilay nitong sabi.

"Dahil sa mga mata ko!", napatitig naman sya sa mga mata ko at mukhang hindi naniniwala.

"Hindi naman kulay Silver ang mga mata mo.Kulay abo ang mga ito", naglakad ako patungo sa bintana. Binuksan ko ito at tumama agad sa mukha ko ang liwanag ng araw.

"Ito! Pwede na ba?", sabay harap ko sa kanya. Nabigla pa sya sa nakita pero kalauna'y nakabawi ito.

"Okay! President Silver? Bigyan mo ako kahit isang prutas na may kasamang lason na ikamatay natin pag sumobra tayo nito?", napahawak ako sa baba ko at nag-isip.

Prutas? Anong prutas na may nakakalason? Aha!

"Apple seeds?", napatingin sa akin ang lahat dahil sa sagot ko. Hindi naman sumagot si Instructor Venom.

"Bwahahahhah!", tawa ni Mist.

"Hahahhahah!", Sumunod naman ang lahat sa pagtawa ni Mist.

"Apple Seeds? Nakakatawa naman ang sagot mo President Silver", natatawang komento ni Sky.

"Class! Enough laughing! Because She's Correct!", napatigil ang lahat sa katatawa kaya dinilaan ko sila. Kala nyo ha!.

"Seriously?",hindi makapaniwalang bulalas ni Mist.

"Yes! Hindi ako kaagad sumagot sa sinabi nya dahil gusto kung obserbahan kung ano ang maging reaksyon nyo. Akala ko hindi nyo sya pagtatawanan bagkus ay palakpakan  pero nagkamali ako ng akala. Ngayon palang pinatunayan nyong hindi nyo sya pinagkakatiwalaan.Wala kayong tiwala sa kakayahan nya sa pag-iisip.", litanya ni Instructor kaya natahimik ang lahat.

"May tiwala kami sa kanya Instructor pero hindi lang namin inaakalang iyon ang isagot nya. Na iyon ang naisip nyang lason dahil sa-----", hindi na natuloy ni Sky ang sasabihin ng itaas ni Instructor Venom ang kaliwa nyang kamay.

"Sa sinabi mo palang na 'hindi inaakala' ay napatunayan mo ng wala ka talagang tiwala sa kanya.Why? Dahil hindi nyo man lang naisip na baka tama sya at hindi nyo man lang tinanong kung bakit iyon ang sagot nya, ibig sabihin may pagdududa kayo sa kanya at kung may pagdududa ma apektuhan ang paniniwala nyo sa kakayahan nya at kung maapektuhan ang paniniwala nyo,mawawala ang tiwala nyo sa kanya", napayuko ang lahat sa sinabi ni Instructor Venom. May punto naman kasi si Instructor Venom,hindi lang may punto kundi naipaliwanag nya talaga ito.

"So? Paano nyo ipaliwanag sa akin na pinagkakatiwalaan nyo sya?. Kung ano man ang naisip ng leader nyo.Mali man O tama dapat nyo muna syang tanungin kung bakit iyon ang desisyon nya O sagot nya upang makabuo kayo ng tamang plano, hindi yung pagtatawanan nyo sya at maliitin. Kung totousin nga ay magpasalamat pa kayo sa kanya dahil naisip nya ang isa sa pinakadelikadong poison sa buong mundo na hindi nyo alam.", pagpapatuloy ng Instructor namin.

"Hindi nyo alam na ang apple seeds ay may rong Cyanide..", isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng classroom."Dismiss!", tumayo na ang instructor namin at lumabas.

You are reading the story above: TeenFic.Net