CHAPTER 14: PASSED? OR FAILED?
Katahimikan ang namutawi sa buong sala ng mansion. Mag kakaharap ngayon sina Alex katabi sina Sho, Yuta, Taki, at Sab habang katapat naman nila sina Ren, Roigie at Jun. matapos gamutin ang mga sugat nila ay walang sinuman ang nag salita sa kanila. Maging si Alex ay tikom ang bibig. Ang kaninang gulat at galit na naramdaman niya matapos Makita ang pambubugbog sa tatlo ay biglang nawala at napalitan ng pangamba.
Alam niyang may ideya na ang tatlo sa kung sino ang dalaga lalo na si Jun, na siyang nakasagot sa tawag ni Yuta at nag sauli sa cellphone niya.
"Ehem..." Si Sho na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.
"I'll go straight to the point." Panimula niya. Tahmik namang nakikinig ang mga kasama at ang dalawa pang binata habang nakatingin sa kanila.
"It is true that we are gangsters. And She is the queen of the gang world." Sabay turo nito sa nakatungong si Alex na hindi man lang nakatingin sa tatlo.
"And no one should know about this, even you.." biglang nag salita si Sab dahilan para tingnan siya ng tatlo na halata din ang gulat.
"Masyadong delikado ang sitwasyon ni Alex ngayon. Ang sitwasyon namin. Kaya naman lahat ng nakakaalam tungkol sa amin ay agad niyang itinutumba." Seryosong sabi naman ni Sho dahilan para makaramdam ng takot ang tatlo.
"But because you are her students, her precious students, please just keep your knowledge about us as a secret. Do not tell even to your classmates about this or else..."
"Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat.." pag tatapos ni Alex sa sasabihin ng kasama. Tiningnan niya ang tatlo na nakatingin din sa kaniya. Bakas ang pag kagulat at pagkalito sa mga mukha ng mga ito ngunit nananatili silang tahimik.
"Please, huwag niyong sasabihin sa iba ang nalaman niyo. Lalong-lalo na sa mga kaklase niyo. Ayokong may mapahamak ni isa sa inyong lahat.." nakikiusap na sabi ni Alex sa tatlo.
Sandaling katahimikan ang muling nangibabaw sa pagitan nila. Gulat pa rn ang dalawa samantalang tila malalim naman ang iniisip ni Jun. Isa-isa niyang tinitingnan ang bawat kasama ng dalawang guro. Batid niyang nakatira din sa Japan ang mga ito base sa itsura at pananalita. Kaya hindi na siya nag taka nang mag salita si Sho.
"Kung aalis si Stella sa school, wala na akong aasarin at pag titripan." Nagulat naman si Stella sa narinig. Tiningnan niya kung ino ang nag simula at nagulat siyang si Roigie na walang ibang ginawa kung hindi ang pag tripan siya ay nag salita na para bang ayaw siyang mawala..
"Kung aalis si Stella sa school, paniguradong mag kakagulo nanaman ang section 13. Diba Jun?" dagdag pa ni Ren habang nakaharap kay Jun. Napatingin naman siya sa binata na ngayo'y nakatingin na sa kaniya.
'Ano ba't bakit ganito makatingin ang isang 'to?' hinintay niya ang sagot ng binata ngunit wala itong ginawa kung hindi ang titigan siya kaya naman ma naging conscious siya sa sarili. Iniisip kung mayroon bang naligaw na kulangot sa ilang parte ng mukha niya. Sinabayan pa noon ang mabilis na pag tibok ng puso niya na para bang aatakihin sa puso kada tititigan siya nang ganun ng binata.
'Ano bang tinitingin tingin mo riyan hapon?! Arrrggghh stop staring! Mahiya ka sa mga kasama ko!' sigaw ng isipan niya habang nakatingin din sa binata.
"Kanojo o mitsmeru no yamete...(Stop staring at her)" Napatingin naman ang tatlong kasama nina Alex sa binatang si Sho na ngayon naman ay nakikipag titigan kay Jun habang sinasabi ang mga katagang hindi ma lang naintindihan ng dalawa pang binata.
Kalmado ngunit seryosong nag palitan ng tingin ang dalawang binata samantalang para namang nakahinga nang maluwag si Alex matapos mawala ang tingin sa kaniya ni Jun. bahagya pa nitong kinapa-kaa ang mukha kung mayroong kun ano doon.
"Ehemm!" pag puputol ni Taki sa tinginan ng dalawang binata.
"I guess we have to take them home. What do you think Yuta-kun?" masigla pang sabi nito. Agad naman napatingin ang dalawang binata sa gawi nila.
"Ihahatid na nila kayo. Baka balikan kayo nung nambugbog sa inyo sa daan." Nakangiting sabi naman ni Sab sa tatlo. Nagulat naman ang lahat nang tumayo si Jun.
"I can walk home. My house is near here." Tumingin ito sa mga kasama ni Alex.
"Tomodachi no sewa o shite kudasai (Please take care of my friends.)." Sabi pa nito at tumalikod na palabas ng mansion. Naiwan namang tulala ang dalaga sa pinto. Hindi niya alam ang dapat maramdaman nang marinig niya ang sinabi ng binata bago ito umalis..
"Phew!" nabalik naman sa katinuan ang dalaga at tumingin sa mga kasama nya.
"Kareitai.. (I wanna go home.)" tila nanghihina nitong sabi atsaka kinuha ang gamit niya
"Ihahatid na naming kayong dalawa." Nakangiti niyang sabi sa mga ito.
Hindi namalayan ng dalaga ang pag baba sa sasakyan nila ng dalawang binata dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ito. Ginising lamang siya ni Sabnang nasa tapat na sila ng apartment.
"Alex..." panggigising ng kaibigan niya sa kaniya. Sandal siyang nag-inat ng katawan bago damputi ang mga gamit niya.
"Daijobudesu, Taki-kun.. (I'm fine, Taki).. don't worry about me okay?" nakangiti niyang sabi rito atsaka bumaling kay Sho na nakatingin lamang sa kaniya mula sa rear view morror ng sasakyan.
"Arigatou, Sho-kun.." nakangiti niyang sabi rito. Nginitian din siya nito pabalik.
"Anything for you, Kohi."
"Siya, mauna na kami! Tara na Alex, siguradong nag-aalala na si Nanny Celia niyan. Guys! We have to go, take care!" bumaba na silang dalawa sa sasakyan. Bumusina pa muna ang van bago ito umalis. Nang makaalis ang sasakyan ay pumasok na ang dalawa sa apartment.
.........
"Ngayon malalaman yung resulta ng exam natin. Shet! Ngayon lang ako kinabahan nang ganito!" nag kakagulo ang buong section 13 dahil ngayon malalaman ang scores nila sa exam. Ngayon din malalaman kung makakapag laro sila sa interhigh.
"Marami akong mali panigurado!"
"Putcha! Maabot ko kaya ang bente?!"
"Gusto kong makapag laro sa Interhigh!"
"Sino ba namang hindi gugustuhing makapag laro sa interhigh?! Pers taym natin 'yon pre kng nag kataon!"
"G*g*, 50/50 pa nga tayo eh!"
"Kaya yan! Pustahan tayo kaya 'yan!"
"GOOD MORNING!" Maiglang bati ni Alex pag kapasok sa classroom niya. Tiningnan niya ang mga estudyante niya na himala'y sobrang tahimik. Nagtataka siyang nag attendance. Tiningnan niya ang gawi ng tatlong binata habang nag checheck. At as usual, may kaniya-kaniya nanmang ginagawa ang mga ito.
"Nga pala, maya-maya lang ay pupunta si Mr. Quizon dito para ibigay nang personal ang mga test papers niyo----"
"Shet ayan na nga ba sinasabi ko!"
"Ramdam ko na! babagsak tayo!"
"Oo! Si tanda ba naman ang mag check eh!"
"Mainit ang ulo sa atin non! Kaya panigurado na!"
"T******! Gusto kong makapag laro sa interhigh!"
"Uy! Ano ba kayo! makakapasa kayo uy! Huwag kayong advance mag-isip!" pag papakalma niya sa mga ito nang mag simula na silang mag ingay.
"Paano naman kami kakalma, paniguradong gagawan niya ng paraan para hindi kami makapag laro sa interhigh! Kilala naming ang matandang iyon! Lahi niya kaming iniipit!" natigilan naman siya sa sinabi ni Justin.
"Kaya hindi na kami mag tataka kung hanggang sports fest lang kami."
"May tiwala ako sa inyo! Makakapasa kayo. makakapag laro kayo sa interhigh." Pagpipilit ni Alex dahil nakikita niya ang lungkot at panghihinayag sa mga estdyante niya. Maya-maya pa ay pumasok na ang head teacher kasama si Ms. Santos na English teacher.
"Good morning everyone, I know that Mr. Quizon made the test questionnaires for you. I've already checked your papers, and I am here to give your scores." Seryosong hayag ni Ms. Santos na ikinatahimik ng buong section 13. Maging si Alex ay nakaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga papel na hawak ni Ms. Santos.
"Remember what I said before you answered on your exams. Kapag hindi umabot sa passing score na ibinigay ko sa lahat ng subjects, automatic na sa sports fest lamang kayo makakapag laro, at magiging student assistant lamang sa interhigh." Masamang tingin ang ibinigay ng section 13 sa matandang guro na agad na napansin ni Alex.
"Ehem!" naputol ang masasamang tinig na iyon nang tingnan niya nang matatalim na tingin ang mga estudynte.
"Ms. Chan had already checked your papers in other subject. Fortunately, you've passed the other subject-----" hindi na napatapos ang sasabihin ng guro nang mag simulang mag-ingay ang klase.
"Yoshaaaaa!!!!"
"Yuhooo!!! Pasado tayo!!!"
"Makakapag laro tayo!!!!" Maging si Alex ay tuwang-tuwa para sa mga estudyante niya. Kitang kita ang saya sa mukha ng mga ito na para bang nanalo sila sa championship game.
"Good job guys!" sabi niya sa mga ito habang nakangiti nang malaki.
"QUIET!" nagulat si Alex sa sigaw ng head teacher. Maging ang section 13 ay natahimik bigla sa lakas ng sigaw niya.
"You have one more subject! hindi ba't ang sabi ko lahat ng subjects ay kailangan ipasa? Hindi p kayo sigurado sa English!" galit na sabi nito sa mga estuyante dahilan para matahimik sila.
"Tch.. ambitter.." bulong naman ni Alex habang nakasimangot na nakatingin sa section 13. Muling nanahimik ang klase. Nanmbalik ang kaba dahil sa huling subject nakasalalay kung makakapag laro sila sa interhigh.
"I will announce and give you your papers.." maging si Alex ay mabilis ang tibok ng puso habang pinag mamasdan ang kaniyang mga estdyante. Nag umpisa nang mag tawag si Ms. Santos.
"Bruno Castro-25, Jayson Mandal-36, Jeffrey Diaz -30, Philip Sison- 24, Louis Espinosa-26, Robin Teofilo-29, Roy Antonio-33"
"YES!"
"PASOK"
"WOOOH!" Tuwang-tuwa naman ang mga nang nabanggit na pangalan samantalang ang iba'y nag simula nang kabahan. Nakakuyom naman ang mga kamao ni Alex habang nananalangin na sana'y lahat pumasa. Nag tawag pa si Ms. Santos at himalang wala pa ang bumabagsak. Iilan palang angnakakuha ng 20 sa kanila hanggang sa matira na lamang ang anim na mag kakatabi sa likod na hindi pa natatawag. Seryosong nakatingin lamang sila sa harapan. Tila nakikipag laban ng titigan sa head teacher na nakangisi lamang.
"Warren Pangilinan- 30." Parang nabnutan ng tinik ang section 13 nang marinig ang score ng kaklase. Tumayo naman ang binata para kunin ang papel.
"Niccolo Sanchez- 90." Napanganga naman ang lahat sa score ni Niccolo. Siya pa lamang ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa section nila. Sinundan ito ni Paulo De Dios na nakakuha naman ng 85 points.
"Ang galing.."
"Sana all.."
"Putsa, basta pasado ayos na!" bagamat kinakabahan ay natatawang tinitingnan ni Alex ang ilan sa mga napapahanga sa galing ng kaklase nila. Natahimik ang lahat nang tmikhim si Ms. Santos.
"Roigie San Pedro- 50."
"Joshtin Joson- 26"
"Jun Anthony Shin-100." Nagulat ang lahat at napa wow sa score ng binata. Nakangangang pinag masdan naman ni Alex ang nag lalakad na Jun papunta sa harap para kunin ang papel niya.
"Astig!"
"Ang talino talaga niya!"
"Wala siyang ka kupas-kupas! Pinuno!" parang tamad na tamad namang kinuha ni Jun ang papel niya atsaka tumingin sa teacher.
'Baka...' ngumiti ito habang nakatingin sa dalagang parang tulala sa hawak niyang papel. Nang mapag tanto niya ang kaniyang ginagawa ay napamura siya sa isipan at dali-daling iniiwas ang tingin sa guro bago pa nito Makita ang pag ngiti niya. Nag laka siya pabalik sa kaniyang upuan.
'Why the heck are you smiling at that ugly gangster teacher? Tss idiot.'
Muling natahimik ang lahat nang Makita ang huling papel na hawak ni Ms. Santos. Hinihiling nilang hindi iyon bagsak. Ikinuyom ni Alex ang kaniyang kamao at pumikit.
"Justin Fernandez..." tahimik ang lahat. lahat sila ay kinakabahang nakatingin sa harap at nag aabang ng susunod na sasabihin ni Ms. Santos.
"I'm sorry... you got 19." Gulat na napatingin si Alex sa katabing guro. habang ang lahat ay tila nabato sa kinaupuan.
Napatingin ang lahat sa kaklase nilang nakayuko. Malungkot na tumayo si Justin para kunin ang papel sa harapan. Tahimik ang lahat habang nag lalakad siya. Smantalang ang head teacher ay kalmadong nakatingin lamang sa klase. Animong nag didiwiwang sa narinig.
"M-ms. Santos, pwedeng paki double check yung papel ni Mr. Fernandez? Please, baka may nakaligataan lang kayo." pakikiusap ni Alex sa guro. napabuntong hininga nalang si Ms. Santos sa dalaga.
"I'm sorry Ms. Nivera..." malungkot ding sabi nito sa dalaga.
"Kasalanan ko..." biglang sabi ni Justin. Malungkot na nakatingin sa mga kaklase.
"Gusto nating makapag laro lahat sa interhigh. Pero hindi ko ginalingan. Kasalanan ko.. sorry...." Nangingilid matang pag hingi niya ng pasenya sa mga kaklase niya.
"J-Justin..." naiiyak na tiningnan ni Alex ang estudyanteng nasa harapan ng lahat. tumingin naman ito sa kaniya. Ngumiti ngunit malungkot ang mata.
"I'm sorry Stella..." tuluyan nang tumulo ang isang butil na luha sa mata ni Justi habang nakatingin sa teacher. Tahimik na bumalik siya sa kinauupuan niya habang tahimik ang lahat.
"Sya! tapos na. The result had already said that you will not be able to participate in the interhigh as players. That's all." Akmang lalabas na ang head teacher nang mag salita si Jun.
"He got 20." Napatingin naman ang lahat sa kaniya. Takang tinignan ng head teacher ang estudyante habang walang emosyong nakatingin sa kaniya.
"What?!"
"The answer in item no. 40 was in the choices A and C. he answered C so definitely he got 20." Gulat na lumapit si Alex para I check ang sinasabi ng matanda.
"O-Oo nga! Tama siya! Ms. Santos!" mabilis na nag punta si Alex sa kasamang guro para I double check ang sagot ni Justin.
"Oh my God... oo nga! Hindi ko napansin!" gulat na napatingin ang head teacher at dali-daling lumapit sa kanila.
"P-paanong...."
"Eh duling naman pala. Hahaahahaha!!!!" malakas na tawanan ang nangibabaw sa classroom ng section 13. Nasundan iyon ng sigawan. Hindi naman makapaniwala ang head teacher sa nakita at inis na lumabas ng classroom.
"LET'S GO TO INTERHIGH!!!!"
"YES! MAKAKAPAG LARO TAYO!"
"WOOOOH! INTERHIGH! INTERHIGH! INTERHIGH!" Nag diwang ang buong section 13. Makikita sa mga mukha nila ang saya dahil makakapag laro sila sa interhigh next month.
"Congratulations sa inyo Ms. Nivera, see you sa sports fest at interhigh." Nakangiting sabi ni Ms. Santos bago lumabas ng classroom. Nakangiting tumingin naman I Alex a nag sasayang mga estudyante.
"Congratulations guys.." nakangiting sabi niiya sa mga ito. kitang kita niya ang saya ng mga estudyante niya. At lalo pa siyang napangiti nang Makitang nakangiti ang pinaka masungit na leader ng section 13.
"GO SECTION 13! HETO NA ANG PANAHON NIYO! FIGHTING!" sigaw niya na ikinatawa naman ng buong klase.
"Ampanget mo Stella! Hahahaha!" sumimangot naman ang dalaga habang nag tatawanan naman ang buong klase.
"Tch! Ewan ko sa inyo!" akmang lalabas na siya ng classroom nang may nag salita.
"Oi, aren't you going to do it with us?" gulat namang napatingin ang dalaga sa nag salita. At doon ay nakita niyang nakapatong patong ang mga kamay ng section 13.
"Halika na Stella!" nalululuhang lumapit si Alex sa kanila at ipinatong ang kamay sa mga kamay.
"SECTION 13?!" sabay at malakas na sigaw nina Alex at Jun. na sinundan namang ng napakalakas na sigaw ng section 13.
"LET'S GO!"
END OF CHAPTER 14
You are reading the story above: TeenFic.Net