CHAPTER 7

Background color
Font
Font size
Line height

After that, pumunta na kaming lahat sa sala. Medyo kinakabahan pa rin si Charles base sa itsura niya ngayon na mukhang natatae. Habang naguusap sila doon tumabi sa akin si Dani at may binulong. 


"Ang pogi niyan ah, wala bang kapatid?"


"Pokpok. 'Di ko pa nga nakikita nanay at tatay"


"Sabihin mo "hit me up" pag meron. I know you got my back, shiz" sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko 


Kahit bulong lang ang sinabi ng kapatid ko feeling ko narinig pa rin iyon ni Charles. Kaya bigla tuloy akong nahiya. Naisip ko rin na gusto nila ng juice? Kaya hinila ko na si Dani para masamahan ako baka kung ano ano tanungin nito mas nakakahiya. 


Nagpaalam ako kila Papa at Mama tinanguan lang nila ako dahil busy sila na makinig sa kwento ni Charles. Pagakdating namin sa kusina ay biglang hinila ni Dani ang buhok kaya binawian ko siya at hinampas ang likod niya. 


"Bigla bigla kasing nanghihila" sabi niya habang nakahawak sa likod niya 


Wala namnan siyang ginawa at nakatayo lang doon habang ako ang nagtitimpla ng juice. Hindi ko alam kung tama ba na magtimpla ng juice sa gitna ng paguusap pero hindi naman kasi nila ako pinapansin kaya okay na rin siguro. 


Si Dani nalang ang pinagbuhat ko ng pitsel at ako naman sa isang tray na may sapat na bilang ng baso para sa aming lahat. Naririnig ko na ang usapan nila ay tungkol pa rin sa iba't ibang negosyo nila Charles. 


Kung pagkukumparahin mo ang buhay naming dalawa sobrang malayo. He can live his life without worrying about anything. Me? Nabubuhay kami ng maayos pero hindi ko sigurado kung ano mangyayari sa amin bukas. Lalo na dahil sa trabaho ni Papa. It is very risky. Every time he faces criminals nakakatakot, tila ba kahit anong oras puede siyang mapahamak sa pag hrap lang sa mga ito. 


I just really hope his family would accept me kahit hindi ako gaano kataas tulad nila. I can be myself without hurting anyone. Siguro sapat na iyon. 


Nang magtagal siguro wala na silang mapagusapan iniwan na rin naman nila kaming dalawa. Pumunta kami pareho sa labas ng bahay may table kasi doon bago mag gate kayo doon kaming dalawa na umupo. Ang pamilya ko naman ay nasa loob lang. 


"How are you feeling?" tanong ko sa kanya 


"I feel welcomed. They're easy to get along. 'Di na ko magugulat kung bakit ganyan ka rin" he chuckled after saying the last phrase


"Are you free tomorrow?"biglang tanong niya "Next naman sa bahay"


"Pota pressure ah. Puede naman, paalam ka kay Papa" sabi ko sa kanya 


"Hey uhm" sabi niya sa akin at mas hinarap ako 


"Hmm?"


"I just want you to know that you can be yourself when you're with me. Okay? We can be ourselves when we're together"


"I'll keep that in mind, mister" natawa kong sinabi sa kanya 


"Don't start, please. What do you want me to call your father, huh? "Papa" agad?" 


"Wala akong sinasabi. Defensive ka." I salute him for being very polite in front of my parents. Ni isa hindi siya nawalan ng salita bilang pagrespeto sa mga ito "Saan pala address niyo? Papaputahin mo ako doon tapos 'di ko alam address. Ano ka hilo?"


"Who said you're going to commute? I'll fetch you."


"Nakatira ka ba sa bahay niyo or condo?"


"Condo. Para hindi ako naiistorbo pag nagaaral. My sister is so loud. Her mouth never shut up."


"I can relate" Dani? Maingay? Sobra! "Kailangan ba formal suot or puedeng casual lang?"


"You can wear anything as long as you're comfortable" 


Na-appreciate ko naman na wala siyang pakialam sa susuotin ko pero kinakabahan ako dahil hindi man lang siya magbigay ng kung ano susuotin ko. 


Umuwi na rin naman siya pagkatapos ng kaunting paguusap namin. Nagpaalam na rin siya kila Papa. Hindi naman ako nakatakas sa mga asar nila Papa. Kaya ayaw ko eh, alam ko na mangyayari 'to. 


Sa buong araw na iyon ang ginawa ko lang ay nireview ko ang mga sagot ko sa exam. Tinignan ko kung tama ba ang mga naisagot ko. Okay naman hindi naman ako aasa na perfect pero alam ko na pasado naman. 


Sa dinner ay ako na ang nagluto.  Isa lang naman ang kaya ko na iluto na confident ako, which is paksiw lang talaga. Iyon lang talaga. Kaya kapag gusto nila ng paksiw ako ang pinapaluto nila. 


Minsan nga ay ayaw ko na ako ang magluto pero dahil pinipilit nila ako ay sige na. Ako na magluluto. Sa hapag ay si Dani naman ang kinamusta namin dahil medyo nahihirapan daw siya sa school niya. Alam ko naman dahil napagdaan ko din naman. 


Matutulog na sana ako pagkatapos  kumain para hindi ako mukhang panda bukas pero may biglang mga bruhang tumawag. Tumawag si Denise. Kasama sa tawag sina Lorraine at Bei. Papayag ba sila na hindi sila kasama? Syempre hindi. 


"Nanggugulo nanaman kayo" sabi ko habang nakayakap sa unan 


(Sobrang boring kaya!) si Denise (Tinatamad na nga ako mag-aral!)


"'Wag ka na magaral" sabi ko sa kanyang "Hoy! Isabel! 'Wag ka na magpanggap, kunwari nagwo-workout tinatamad din naman"


Dahil nga naka video call kami kita ko kung ano ang mga ginagawa nila. Si Lorraine ata ay may ginagawa na plates niya.


(Excuse me!) tumigil siya at tumingin sa akin (Gaya mo 'ko kay Lorraine na puro kain lang) medyo nilalakasan niya ang boses niya dahil malayo siya sa cellphone dahil nagwo-workout siya 


(It's already late, Bei. Stop na, you're a responsible athlete na. Made your point, babe)


Nagpaalam na rin naman si Bei sa amin dahil maliligo na daw siya para makapagpahinga na. Kaya naiwan ako sa dalawang hindi matigil ang bunganga. 


(What are you doing, Lorraine?)


(I'm finishing my dishes)


"Punitin ko 'yan"


"Hoy! 'Wag naman baka mapatay kita"


Nang dalawin na ako ng antok pinatay ko na ang tawag. Nag-chat nalang ako na matutulog na ako dahil alam ko na kapag sa call ako nagpaalam pipigilan nila ako. Nakatulog din naman ako agad dahil sa nangyari. 


Kinaumagahan ay nag-toothbrush nalang muna ako bago bumaba. Andoon na sila Mama pagkababa ko. Si Papa naman ay naka uniporme na at handa na pumasok ng trabaho. Ang alam ko wala ring pasok ang kapatid ko ah? Bakit nakabihis?


"Saan ka punta?" pinagtaasan ko siya ng kilay 


"Sa mall lang. Kasama ko mga kaibigan ko, may kailangan kami bilhin, school project"


"Weh? Mama, hindi ako naniniwala"


"Sino ba nagsabing maniwala ka?"


Natapos ang pagtatalo namin pagkatapos din naming kumain. Si Mama lang ang matitira ngayong araw. Sumabay na si Dani kay Papa palabas. Alam naman na ni Papa kung saan ako pupunta kaya hindi na siya nagtanong. 


Tinulungan ko nalang muna si Mama sa pagaayos ng mga pinggan at paghuhugas nito. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa kwarto ko para makapag-ayos. Habang naliligo ay pina-practice ko na kung paano ako makikipag-usap sa pamilya niya. 


"Goodmorning, Mr. and Mrs. Anton"


"Magandang umaga, Pilipinas. Potaena" sabi ko ng marinig kung ano ba ang mga sinasabi ko 


Inabala ako nalang ang sarili ko sa pag-ligo. Pagkatapos naman ay naghanap ako kung ano ang puede kong maisuot. Ito naman ang sunod na prinoblema ko. Kung hindi masyadong takip na takip, masyado namang revealing. Saan ako lulugar?


Kung siya lang sana ang pupuntahan ko kahit... 


I ended up wearing a black dress na tama lang sa kahit anong okasyon. Hindi ko na ulit tinali ang buhok pinabayaan ko nalang siya na bumagsak. I wore my black sandals. Nagdala na din ako ng isang bag na  kasya ang cellphone, wallet, at isang panyo. Naglagay ako ng make-up just to match with my clothes. 


Sakto naman pagkatapos na pagkatapos ko na mag-ayos ay narinig ko na ang boses ni mama mula sa baba. Akala ko hindi niya pinapasok ito at pinaghintay nalang sa labas. Pero mali pala. 


I saw him hid his phone inside his pocket and immediately stood up when he saw me. Agad naman siya pumunta sa direksyon ko. He's wearing a very formal attire. Buti nalang at ito ang sinuot. Nagkataon pa na parehas kami ng kulay. With his gray slack, black long sleeves, and a brown leather top sider, he looks good. Hindi nakaipit ngayon ang buhok niya. 


"Are you ready?" tanong niya ng magtama ang tingin naming dalawa


"Yup, pero medyo kinakabahan lang ako" pag-amin ko sa kanya 


"Just be yourself" bulong niya sa akin 


Parehas naman kaming napaharap kay mama nang magsalita ito. 


"Sige na, baka ma-late pa kayo" sabi ni mama "Hatid mo, hijo ah" sabi niya kay Charles 


"Opo. Una na po kami" bumeso naman siya kay mama at agad ako na sumunod. 


Hinatid naman kami ni mama hanggang sa gate kung saan matatanaw mo agad kung ano ang dala niya sasakyan. Ang mustang niya. 


Nang humarap ako kay Mama ay nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng makita ang sasakyan. Binigyan ko nalang siya ng ngiti para sbaihin na 'wag na magtanong ng kung anu-ano. 


Pinagbuksan na muna ako ni Charles ng pintuan bago pumunta sa driver's seat. He gave Mama a one beep before driving away. Sa daan ay tahimik lang ako dahil kinakabahan ako. Paano ko sila babatiin?


"Hindi naman sila nangangain" tumatawa na sinabi niya habang nagd-drive. 


"Alam ko naman. Bawal ba kabahan? First time ko sila makikita" sabi ko sa kanya 


While driving nililibang niya lang ako at tinatanong ng kung ano ano para daw makalimutan ko ang kaba ko. Nakatulong naman pero bumalik ulit nang huminto kami sa isang malaking bahay. Bhay ba 'to o mansio na? Basta malaki. 


"We're here"


Nauna siya na bumaba sa akin para mapagbuksan ako ng pinto. Pagkababa he pulled me closer to him and held on to my waist. Hanggang sa makapasok kami sa isang malaking double doors ay hindi niya ako binitawa. 



Tanaw ko agad ang isang pahaba na dining table. May tatlong tao na ang nakaupo doon. Pare-parehas sila na nakasuot ng pormal na mga damit. Buti nalang talaga at ito ang isinuot ko. Pagka-kita sa amin ay tumayo naman sila agad na tatlo. 


Isa-isa ko sila na binati bago kami umupo lahat. Sa simula palang ngayon ay alam ko na intimidating talaga sila, Lalo na ang Mommy niya ata ng kapatid niya. Inanyayahan na muna ng Daddy niya na kumain muna kami. Tahimik at dahan dahan ko naman na kinuha ang bawat lalagyanan ng pagkain. 


"What's your name again?" tanong ng kapatid niya 


Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Charles. 


"KC" may awtoridad na saway niya sa kapatid 


"What? I'm just asking, gosh" she shook her head out of disappointment


"I-I'm Veronica Santos, po" tinignan ko na rin pati ang parents niya 


"What course are you taking, hija?" ang Daddy niya 


"I'm taking B.S. Chemistry at UST, po " sagot ko 


"That's good" sagot ng Daddy niya 


Natahimik kami ulit habang kumakain ulit. All of us were out of words. Hindi naman na muli nagsalita ang kapatid ni Charles pero alam ko na medyo nagaalangan pa siya sa akin. Ang Mommy niya naman ang sunod na nagtanong. 


"Do you have family business?" tanong ng Mommy niya 


Naramdaman ko na siya naman ang humawak sa kamay ko ngayon. Ang alam niya siguro naaapektuhan ako. Oo, pero kailangan ko magpakatototoo kaysa sabihin ang mga bagay na malabo naman na mangyari sa akin. 


"Wala po, Ma'am. My Mom is a professor in UST, and my Dad is a great policeman, po" sabi ko sa kanila 


Tumago lang naman ito at bumalik ulit sa pagkain. Narinig ko naman umubos si Charles para mapagsalita. 


"I'm courting her already, I just want you to know." he said in a low voice


"I can see that. Just be good to each other" sabi ng Daddy niya 


Mabilis naman na natapos ang pagkain namin kaya nagpaalam na ako sa kanila ganoon din naman si Charles na ihahatid ako. Tahimik lang ako na nakaupo sa kotse niya habang siya ay busy sa pagd-drive. 


Gulat ako na tumingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko habang nagd-drive. 


"I'm so sorry" sabi niya sa akin 


"Okay lang, baliw 'to! Okay naman sila eh, siguro ganoon lang talaga ang reaksyon dahil una palang nila ako na nakita"


Pero alam ko, alam ko na hindi ako gusto ng Mommy niya lalo na ng kapatid niya. Unang kita palang nila sa akin. Pero ang Daddy niya ang mabait sa akin kanina, nakita ko. 


Malayo talaga ang buhay naming dalawa, pero kailan man hindi niya sinumbat sa akin iyon. Sapat na siguro 'yon para bigyan ng pagkakataon ang magiging relasyon naming dalawa. 



You are reading the story above: TeenFic.Net