Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Warning: This chapter contains Violence that may not be suitable for young readers. Please proceed with caution.

_____

FERISH

I CAREFULLY scanned him from head to toe while looking surprised to see me standing meters away from them. I, then, tilted my head to the side to think properly instead of succumbing into my own darkness that no one can tame.

"Anong ginagawa mo?" Kalmadong tanong ko at sinarado ang pinto bago naglakad palapit sa kanila.

"Uuwi na kami ng girlfriend ko." Ngumiti pa siya sa akin at binalingan ng tingin si Eight na masarap na ang tulog. "Lasing na kasi, uuwi ko na."

The way his scared eyes can't stare into mine, and the tone of stutter in between his sentences. Even the way he held Eight's arm.

"Girlfriend." Tumangu-tango ako at humalukipkip. "Ano nga ulit pangalan niya?" Pag-uusisa ko.

Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko. "Bakit ka ba nangingialam? Magsara na kayo, aalis na kami." Inakbay niya sa balikat niya si Eight na mukhang lasing at hindi pa makatayo nang maayos.

Tumingin ako sa paligid, pero agad ko rin binalik ang tingin sa kan'ya nang maalalang sila na lang pala ang tao rito dahil nakaalis na halos lahat. Tatlo na lang din kaming staff na naiwan at silang dalawa ay nasa labas. Si Monmon ay lasing. Nakasarado ngayon ang pinto at hindi maririnig ang ingay kung sakali man.

I scanned the room and there are two tables inside. May picture frame malapit sa kinauupuan ni Eight kaya nakita ko ang pako doon. May sofa na malapit sa pader, at 'yung mga upuan ay dalawa na nasa tapat lang no'n.

Sukat doon ay natawa ako nang pagak at napatakip ng bibig dahil sa nangyayari. I gently bit my index finger while suppressing myself from laughing, but I end up letting out a soft giggle. Napaatras 'yung lalaki dahil sa reaksyon ko at nagtataka akong tinignan pero nanatili ako sa pwesto.

I chuckled once again out of amusement. I can feel the rushing excitement of something in every bit of my veins, making me want to commit what must not be.

"A-Anong nakakatawa?"

Tinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. "Ikaw." Napailing na lang ako at binalingan ng tingin si Eight na mukhang maayos naman ang lagay. "Bitawan mo na siya, pwede ka nang umalis."

"Bingi ka ba? Sinabi na nga---"

"Alam mo, ayoko talaga sa mga sinungaling." I smiled at him when I cut off his sentence. "Dali, alis ka na habang may chance ka." Pangungumbinsi ko at tinuro ko pa ang pinto para malaya siyang makaalis ngayon.

He stared at me in disbelief as though I said something ridiculous. Napatikom ako ng labi nang umiling siya at parang hindi naintindihan ang mga sinabi ko. Is he stupid? Parehong lenggwahe lang naman ang ginagamit namin. Ang simple na nga nung sinabi ko sa kan'ya.

Hinawakan niya nang mariin si Eight sa balikat at narinig ko ang pagdaing niya. It cut off the little patience I have for him. "Ano bang---"

Hindi niya natapos ang sinasabi nang sa isang iglap ay mabilis akong nakalapit sa kan'ya at sinabunutan siya sa buhok.

BLAG!

Pwersahang inuntog ko ang ulo niya sa pader sa likuran niya at naunang tumama ang noo niya sa may ulo ng pako. Lumikha iyon ng malakas na tunog pero hindi ko pinansin dahil nanginig siya sa sakit at agad na natumba. Pinuntahan ko na si Eight na naalimpungatan.

I grabbed her waist, almost hugging her with my right arm and I gently held her cheek using my left hand. Nagigising na siya pero mapungay pa rin ang mga mata.

"Hello, Eight." Nakangiting bati ko at inupo siya sa pinakamalapit na upuan habang hindi pinapansin 'yung lalaking dumadaing sa sakit. "Bakit naman kasi dito mo pa naisipang matulog? Pwede naman sa bahay ninyo." Tinapik ko siya sa noo gamit ang daliri ko. "Makulit ka."

She groaned in pain. Siguradong masakit na ang ulo niya ngayon. Kumapit ang braso niya sa baywang ko at tila inaaninag ang mukha ko. She's almost hugging me. Ang haba ng braso niya kaya sakop niya ako.

"Ferish..." She whispered my name with such a lovely tone.

"Pahiram phone mo, ha. Papasundo na lang kita sa friend mo." Paalam ko sa kan'ya at kinuha 'yung dala niyang bag sa isang tabi at hinanap ang cell phone.

Amoy pa sa kan'ya ang alak pero mabango pa rin si Eight. Namumungay ang mga mata niya at talaga namang sumiksik pa sa leeg ko.

Pero, hindi pa man ako nakakapag-dial ay may humawak na kamay sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at mula sa likod ko ay nakita ko 'yung lalaking nagdudugo ang noo na tumutulo pa pababa ng mukha niya. Sumisirit doon ang dugo na ang gandang tignan sa paningin ko. Galit siyang nakatitig sa akin at nakaigting ang panga.

Natawa ako sa nakita dahil may butas sa noo niya. Bagay sa kan'ya.

"Sana natulog ka na lang." Napailing ako sa ginagawa niya, pero natahimik nang makitang mag-angat siya ng kamay na may hawak na kutsilyo.

Nakayakap ang isang braso ni Eight sa baywang ko kaya hindi ako basta pwedeng umalis dahil matutumba siya. Nakasandal siya sa balikat ko. Mabilis naman na nasalo ko ang kutsilyo mula sa likod habang hawak ang talim.

Ramdam ko ang pagkapunit ng balat ko sa kamay dahil sa talim ng kutsilyo na hinawakan ko. I stared at him without moving from my place and he was surprised to see what I did.

Natutuwang napangisi ako sa reaksyon niya. Sinandal ko si Eight sa upuan sa marahang paraan. Mabilis na umikot ako pakanan para maagaw sa kan'ya ang kutsilyo at nahatak ang kamay niya para ilapag sa lamesa. Mabilis na binaon ko ang kutsilyo na hawak ko doon. Tumagos iyon sa lamesa kaya kahit gustuhin niya ay masakit kung huhugutin.

Sumirit ang masaganang dugo mula sa kamay niya at dumaing siya nang dumaing sa sakit. His screams in pain brought back blissful memories of the past. It is indeed a beautiful art in my eyes. It is making me feel exhilarated.

"A-AHH!" Hiyaw niya sa sakit at naghahabol ng hininga na napayuko sa lamesa.

"Ang ingay mo naman." Napangiwi ako at inalis ang pagkakayakap ni Eight sa baywang ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para itali sa bibig niya.

"Shh ka lang kasi, magigising si Eight. Sige ka, masungit 'yan. I'm telling you." Tinapik-tapik ko siya sa pisngi para paalalahanan pero nagulat ako nang makita ang pag-agos ng luha niya at impit na dumaing sa sakit!

Hala.

"Huy, bakit ka umiiyak? Gasgas lang 'yan, eh." Pag-aalo ko sa kan'ya at kinuha ang isang upuan para paupuin siya ro'n dahil hindi siya makaalis sa pwesto niya.

Nakabaon kasi mismo sa lamesa ang kutsilyo kasama ang kamay niya kaya hindi niya matanggal. Kung maalis niya man ang kutsilyo ay hindi na niya magagamit ang kamay tulad ng dati dahil may natamaan akong ugat. "Upo ka muna."

Nagpagpag ako ng kamay at nakitang nagdudugo pala ang palad ko. Nagpunas ako gamit ang isa pang panyo at ginawang benda. Nilapitan ko naman si Eight na mahimbing ang tulog sa kinauupuan.

"Sarap naman ng tulog mo." Naupo ako sa tabi niya at nagdekwatro habang naghahanap ng pwedeng tawagan sa contacts niya.

Nagdial ako ng pwedeng tawagan, 'yung best friend niyang si Victori. May sumagot naman agad sa inaantok na boses. "Octavia, madaling araw na. Ano---"

"Hello, Victori. Good morning." Nakangiting bati ko at at sumandal sa braso ni Eight dahil inaantok na rin ako.

Natahimik sandali ang kabilang linya pero nang makilala ako ay nagsalita ulit siya. "Who... Ferish? Magkasama kayo?" Gulat na tanong niya kaya tumango ako kahit wala siya sa harapan ko.

"Oo, dito sa The Shen bar. Pwede bang pakisundo siya? Explain ko na lang nangyari."

"What?"

"Send-an kita picture. Sandali." Paalam ko at tinapat ang phone sa aming dalawa ni Eight. Nag-thumbs up ako habang mahimbing ang tulog niya at agad na sinend kay Victori. "Ayan, oh. Lasing siya."

"Wait, wait, bakit may dugo ka? Is she hurt?" May narinig pa akong mga yabag sa kabilang linya.

Wow, concerned. "Ako 'yung may dugo, syempre ako 'yung nasaktan." Napalabi ako at humalukipkip. "Don't worry, she's safe." I reassured her.

"Thank you, Ferish. I'll be there."

Sakto naman na mukhang nagising ang katabi ko kaya binalik ko sa bag niya 'yung phone niya. Kahit na anong reaksyon at gawin niya ay ang ganda niya sa paningin ko.

Bakit ba siya uminom mag-isa? Kung alam ko lang na nandito siya ay baka chumismis na ako sa kan'ya para may kasama siya. Marami pa naman akong kwento.

Is she in pain? The way her eyes stares into me, I know that she's been suffering. There's a trauma left in her that's still haunting her, up until now.

"What..." Bulong niya at akmang ililinga ang tingin sa paligid nang hawakan ko siya sa pisngi para sa akin iharap.

"Don't look somewhere else." Baka makita niya 'yung ginawa ko kaya nginitian ko siya. "Stare at me instead."

She intently stared right into my eyes and seconds later, her luscious lips curved to form a small smile that is definitelt captivating. "You're pretty." Bulong niya habang namumungay ang mga mata.

Hala. Nalasing lang, nag-iba na yata ang paningin niya. Parang biglang uminit sa pwesto ko. Saka, baka siya ang kailangan na magsalamin at hindi ako.

Marahang nilapit niya ang mukha sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang akmang hahalikan ako sa labi! Agad na tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya magawa. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko na parang nainis pa.

"Are you... rejecting my kisses?" Naguguluhang tanong niya at gumapang ang kamay niya sa baywang ko. "Impossible, shortie. You kissed me before."

"Lasing ka lang." I softly pat her head and turned my gaze somewhere else. "Hug lang pwede."

Umayos na ako ng upo habang siya ay nanatiling nakaharap sa direksyon ko. Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagsimangot niya. Cute. Napatingin naman ako sa braso niyang kumapit sa baywang ko at nagulat ako nang hatakin ako palapit sa kan'ya!

Magsasalita pa sana ako para magtanong dahil baka giniginaw siya, nang magulat ako sa sumunod na ginawa niya.

"Eight, sandali, a-aray!" Daing ko sa sakit nang maramdaman ang mga ngipin niya sa leeg ko!

Napangiwi ako pero hinayaan na lang siya dahil agad naman siyang kumalas. She stared at me with playful eyes. Bakit may pagkagat sa leeg? May tinatagong sama siguro siya ng loob sa akin.

"You smell good, baby." Niyakap niya pa ako nang mahigpit mula sa tagiliran kaya lumabi ako. Ang clingy pala ni Eight. "Hmm... my baby."

Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon dahil sa lambing ng boses niya. Ang sarap pang pakinggan, pati ang init ng katawan niya ay sakyo sa akin. Saka, what's with the endearment? Nakikilala niya naman ako ngayon kaya bakit gan'yan? Siguradong mahihiya siya kapag natauhan.

Hindi naman siguro siya nakakaalala ng ibang tao at nakikita niya lang sa'kin, 'di ba? 'Di ko naman akalain na may ganito siyang side.

Siya 'yung makulit, eh.

And, I can feel her soft body on mine very well. She's wearing a fitted dark green dress that hugs her sexy curves. Ang bango niya pa kaya inaantok ako lalo. I love her warmth as it is easing out the stone-cold agony inside.

Ilang minuto pa kami nanatili sa gano'ng posisyon nang bigla namang bumukas ang pinto nang saktong naghihikab ako dahil alas tres na nang madaling araw. Gulat si Victori sa naabutan dahil may lalaking nakaupo na puno ng dugo ang kamay. That man looked at Victori as though he's begging for help. That he wants to get away from me.

Gulat din siya nang makitang nakayakap sa akin si Eight. Mahinang natawa ako sa ekspresyon niyang parang nakakita ng bagay na imposibleng mangyari.

"Hey, Tori." Inaantok na tawag sa kan'ya ni Eight at hindi pa rin napapansin 'yung lalaking may saksak.

Pumasok na siya sa loob at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Nakapantulog na siya pero may suot na itim na jacket. "What the hell, Octavia?"

"Look." Turo ni Eight sa akin at bahagyang natawa. "Look at this adorable soul beside me. Can I keep her?"

Napasimangot ako dahil sa narinig. "Eight namn, para naman akong stuff toy niyan." Reklamo ko pero natawa lang siya at hindi inaalis ang kapit sa akin. Halos sakop niya ang buong katawan ko dahil biniyayaan siya ng magandang height.

"And who's this?" Nalilitong tanong niya at tinuro 'yung lalaking butas pa rin ang noo. Mababaw lang naman 'yon. "What exactly happened?"

Ako na ang sumagot para magkwento. "Sabi niya girlfriend niya raw si Eight, tapos gusto niya pa ngang iuwi ka na. Si Eight naman, tulog na tulog, ngayon lang 'yan nagising. Ayon, sabi ko umalis na siya, ayaw naman." Turo ko doon sa lalaki na hindi nagsasalita. Buhay pa naman siya. "Ayaw makinig, eh. Saka siya nagdala nung kutsilyo, hindi naman ako." Sumbong ko pa. "Ayaw din manahimik, magigising si Eight. Awayin mo nga."

"What?" 'Yan lang ang nasabi niya at napahilot ng sentido sa dami ng sinabi ko. She's fidgeting, looking anxious. "I don't get... how did you do that?" Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Mag-isa mo ginawa?"

I chuckled a little. "Secret, walang clue."

Napailing siya at sakto naman na sumilip si Gail dito sa loob ng room. Gulat siya sa nangyari at napatingin sa akin. "Ferish!" Pagtawag niya.

"Tawagin mo na lang mga guards." Pakiusap ko pa nang lapitan ako ni Victori at sinuri si Eight kung maayos siya.

"Pakilayo na lang siya sa'kin." Request ko sa mga guard nang hindi malaman kung paano kukunin 'yung lalaki dahil may nakabaon na kutsilyo sa kamay. "Baka mapatay ko."

Lahat sila ay gulat na napatingin sa akin kaya natawa ako para pagtakpan ang nararamdaman. "Joke lang."

Si Victori ang nagtanggal nung kutsilyo doon sa lalaki at agad naman nilang hinila palabas. Ako naman ay nanatiling nakaupo at inayos ang salamin ko.

She pulled out the knife without showing any emotions. We're the same. It may be weird, but I cannot feel anything but endless emptiness at the sight of violence right before my eyes. I've seen much worse cruelty.

"Ang ganda niya, 'no?" Tukoy ko kay Eight na mukhang nakakatulog na naman sa balikat ko.

"I can't comprehend."

"Victori naman." Tinapik ko siya sa balikat nang tatlong beses nang maupo siya sa harapan namin. "Nga pala, pwedeng magrequest?"

She gradually nodded her head. "Sure, what is it?"

"'Wag mo sabihin sa kan'ya 'yung nangyari ngayon. I don't want her to feel indebted to me."

Huminga siya nang malalim at tumango. Kalmado na ang itsura niya kahit na seryoso. "Yes, of course. Anything? How about payment?"

"Hindi." Pagtanggi ko dahil hindi ko naman kailangan.

Magsasalita pa sana ako nang magulat ako dahil nabuhat ako ni Eight paupo sa lap niya! "H-Hala." Gulat na daing ko yakapin niya pa ako mula sa likod!

"Tori, let me take this home." Paalam niya kay Victori. I groaned in embarrassment at our position.

"Eight naman, anong take home ka d'yan? Hindi ako pasalubong." Ungot ko at sinubukang kumawala pero mahigpit ang yakap niya. "Naman, eh."

Natawa si Victori sa ginagawa ni Eight kaya naglabas siya ng phone at nag-picture pa sa amin. Sakto namang nakasimangot ako kaya 'yon ang nakuha.

"It's a first I've seen her so clingy. She dislike physical touch, if you noticed." She chuckled in amusement. Nag-angat ako ng tingin kay Eight at pakiramdam ko ay ginagawa niya akong bata ngayon sa pwesto namin. Ang saya niya naman masyado.

"Sabay ka na sa'min, Ferish. Hatid na kita." She volunteered but I shook my head. Nadi-distract ako dahil inaamoy ako ni Eight. Mabango naman ako kaya ayos lang.

"Hindi na. Magliligpit pa kami." Sumandal na lang ako kay Eight na ayaw akong bitawan. Inaantok ako lalo dahil sa pwesto namin. "Just take care of her, okay?" Paalala ko kaya naningkit ang mga mata niya.

"You don't feel it, do you?" Naniniguradong tanong niya kaya nagtaka ako.

"Alin?"

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Remorse."

Natahimik ako dahil sa sinambit niya, pero kalaunan ay nagkibit balikat ako. Dapat ko pa bang sagutin ang bagay na halata naman?

"Are you a psycho?"

Napasinghap ako at napatakip ng bibig sa gulat. "Grabe ka naman, Victori. Do I look like one?" I scoffed. Medyo offensive 'yung tanong niya na gan'yan.

"I'm just curious." Depensa niya at prenteng nagdekwatro. "So, what do you mean when you said that you know me?" Pag-uusisa niya.

I chuckled lightly and pointed my finger at her chest. "Lust is your sin, Victori."

_____

OCTAVIA

MY HEAD feels like splitting into two.

I groaned while sipping from my caramel coffee. Nakaupo ako ngayon dito sa dining area at nagkakape lang para mawala ang sakit ng ulo ko. I'm done taking a bath and it's even a miracle for me to sit like this when it feels like I'll lose my mind any moment from now.

What the hell happened?

Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi kagabi dahil sa lasing ako. I honestly went to the bar alone to release some stress. It is getting weird, I swear. I don't get myself either.

And it is creepy.

I sometimes found myself genuinely smiling, all because of that annoying yet sweet girl. It is impossible. No one has done that. I cannot accept that I'm being rapidly affected like a wildfire, all because of a mere girl.

I can't comprehend what I feel, to be honest. And it's honestly scary, because only her can do that. I'm still stuck within my fearsome darkness and I have no plans on going out to the bright light any moment from now. I abhor changes.

I hate trusting people. I can't. I have to protect myself.

Wala naman na rin rason para magkita pa kami. We can continue living like we used to, without bothering each other. We're not even friends in the first place.

"Good morning. How's your head?" Hindi ko pinansin 'yung walang habas na pumasok sa dining area at naglapag ng plato sa harapan ko para kumain.

"Painful." Walang ganang sagot ko at hinilot ulit ang sentido dahil sa biglang pagkirot.

Nagsimula siyang kumain sa harapan ko. "Bakit ba mag-isa kang uminom? You should've invited us." Tukoy niya sa kanila ni Lexi.

"No need." Pagtanggi ko. "I can manage."

"No." Mariing sambit niya. Naging strikto ang itsura at matalim ang mga tingin. "Octavia, we are your friends. Muntik ka nang mapahamak kagabi. Stop caging---"

"You don't understand!" Iritang tumayo ako sa kinauupuan. I'm having a bad morning and here she is, spitting the facts that I do not want to hear and accept. "You don't understand how I wanted to do that but these... these goddamn voices, monsters inside my head won't let me!" I bursted out in anger, catching my breathe.

I can feel the tears pooling my eyes. Maging siya ay natigilan dahil sa sinabi ko. "You don't understand the emptiness, the fear, the frustrations. Believe me, I want to be happy as well. I just can't, even if I choose to be."

Tumayo na siya at hinarap na rin ako para lapitan. "Octavia, only you can help yourself." Her expression became soft.

You are reading the story above: TeenFic.Net