CHAPTER 10

Background color
Font
Font size
Line height

Fere's POV

Alam ko na talaga kung saan nagmana ang boss ko na may pag ka alien. Etong si Lola Pau bigla na lang nabored at bumaba sa office, hinila ako at isinama sa mall. Nayayamot ako kay Patricia kasi tinataguan nya ang Lola nya na magshopping kaya heto't ako ang nahila nya. Simula pa nung bata kami, lagi na lang ako ang pang sub sa kanila. Porke't ba't Dyosa eh pwede na lang hila hilahin? Nakakaloka talaga. Isa pa, ginawa ata akong manika ni Lola Pau, aba maya't maya na lang ako binihisan, nasabi ko na nga na mas sexy nga ako sa kanyang baliw na apo, tuloy pa din ng pamimili.

Bandang 2:00pm na nung bumalik kami sa office, at hindi ako pwedeng magreklamo. For sure, OT to the max na naman ako dahil sa dami ng folder sa lamesa ko. Hindi pa man kami nakakarating sa floor, gusto ko na umiyak.

"Good afternoon Madame, Ms. Fere." Bati ni Hendrix kay Lola Pau

"Hello po." Bati ko naman

Lola just nod at him.

"Where's my Yuseff?" Lola Pau asked

"He's inside his office."

"Alone?"

"No Madame, Ms. Catherine is with him."

"Catherine who?"

"Daughter of Mr. Vibar, SteelEat company owner."

"Oh, a slut in my Yuseff's office. C'mmon Fere let's make the slut leave."

Huh? Kailangan ba talaga akong kasama? Jusme, naiilang na nga ako sa boss ko ih. Minsan kasi napapansin ko na lang na ngumingiti na lang sya magisa. O di kaya naman ay tititigan nya lang ako. Haiii.

Nagulat ako sa ginawa ni Madame. Harujoske! Lola, pinapasaya mo talaga ang boring kong buhay. At bakit ko ba naisipang kakatok si Lola Pau??? Nakakaiyak talaga ang excitement ng buhay ko dahil biglang binuksan ni Lola ang pinto, tinulak nya ako at nasambot ako ni Yuseff. O Lord, akala ko makikipag face to face ako sa sahig!

"Yuseff!!!"

"Lola!" Gulat na sabi nya habang hawak nya ang mga kamay ko

"Hi! I'm Catherine, Yuseff's girlfriend." Pakilala ng babaeng masikip ang damit.

Maganda naman sya eh, yun nga lang, ibang klaseng sexy naman ang gusto nya ipakita. Teka? Eto ba ang girlfriend ni Yuseff? Yuck ha! Wala ba tong ka taste taste? Ang laking ganda ko dito ah! Nakakabawas ng pogi point pra sa pagiging crush ko. At wala sa loob na napairap ako.

Nagulat na lang ako nang bigla na lang ako nilapitan ni Yuseff at niyakap. Sabi ko na nga ba crush din ako nito kaya puro to titig sa akin eh. Hihihi. Kaya lang may binulong sya.

"Please make the girl go away."

"What if I don't?"

"You should not have any choice. I'm still your boss."

"Okay! Pero kiss mo ako ha? Haha."

I am a PAC member and I should know how to do this easily. Isa lang naman ang way para mapaalis ang mga ganitong klaseng babae.

Lumakad ako papunta dun kay Catherine.

"Pang ilan ka daw sa girlfriend nya?"

"How dare you talk to me that way?"

Tumingin ako kay Yuseff.

"May masama ba sa tanong ko?"

Umiling naman si Yuseff. Actually, he's a bit smiling. It's not obvious but because I know him, alam kong natatawa ang boss kong alien.

"I just ask you, pang ilan ka daw ba sa girlfriend nya?"

"Sino ka ba para magsalita ng ganyan?! How dare you?"

Tinaasan ako ng kilay at kinross ang mga kamay nya sa kanyang dibdib na nagsay present na dahil gusto na ata kumawala sa damit nyang pagkasikip sikip. Akala nya ba ay magagalit nya ako ng ganun ganun lang? Ha! Ako pa rin si Ferella Enriquez! A bitch.

"Oh, how rude of me, hindi ako nagpakilala. I am Ferella, Yuseff's wife, mother of his 5 children."

I said smilingly. I saw shock on Yuseff's and Catherine's eyes but Lola Pau's eyes are almost laughing. Shit! Mali ata ang move ko. Antagal ko ng walang practice sa pambubully.

" I DON'T BELIEVE YOU! You Bitch!" Sigaw nya sa akin

Sigaw agad? Galit agad? Kaya naman pala nito nagustuhan si Yuseff eh!

"I cannot blame you, even with 5 children, I still manage to look fresh and very young. Yuseff's been taking care of me very well. Ikaw ilan na anak mo?"

I wanted to burst into laughter because she's so red. Mukang sya ang galit na galit sa akin ah. Wala pa nga akong harsh words. Grabe naman ang bilis inisin ng babaeng ito.

Lola Pau sat on the couch and she looked very relaxed and happy. I conclude, mana talaga sa kanya ang mga apo nya.

"Yuseff! She's not telling the truth right?!! Answer me Yuseff!!!"

Ay demanding si Ateng.

"She's not telling a lie either." Lola Pau said

"Yuseff!!!"

"Catherine, I told you to stop being so clingy and all. I need the services of your company not yours."

Sa sobrang pagpipigil ko ng tawa, eto at nasamid ako. Muntikan pa akong masuka. Nakakatawa kasi ang itsura nya. Para syang naallergy sa sobrang pula ng muka nya, pati buong katawan na din.

"Yuseff, tell your girlfriend to leave. Have some decency, your wife's here and I think she'll have your 6th child." Lola Pau said

Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi ni Lola. Grabe naman itong si Lola.

"Escort her out Yuseff. Your wife must be very tired." Lola winked at me and patted the couch beside her.

Nagwawalang umalis si Catherine. Lumapit naman si Yuseff sa akin.

"Of all the things you can say, you choose wife."

"Oh, I will leave you two! Ciao!"

At umalis nga naman si Lola. Why is my life so exciting???

"Bakit Fere? Bakit naisipan mong sabihing mag-asawa tayo??"

"Oi, oi, lapit ka ng lapit ha! Sabi mo lang naman kasi make her go away eh. Di mo naman sinabi kung paano eh." lumalayo ako habang lumalapit naman sya.

"Bakit ka lumalayo ha? Ikaw naman ang nagsabing mag-asawa tayo ah? And 5 kids? Huh? Gusto mo bang siguraduhin ang ika anim nating anak???" tanong nya. Oh God! I saw him smile. Nakakatakot!

"Oi! Hindi ako ang nagsabi ng ika-anim!"si Lola kaya nagsabi kanina!

"But you told her you're my wife right? Kaya nga, gusto mo siguraduhin na natin?"

"Ahhhhhhh!" sigaw ko

Kasi naman kinulong nya ako sa mga bisig nya habang nakasandal sa pader. Konting kilos ko lang, masasagi ko yung mamahaling vase sa opisina nya. At kapag gumalaw ako magkikiss kami!

"Bakit ka ba sumisigaw!"

"Ihhhh!"

"Ano?"

"Kinikilig kasi ako! Hahahaha"

Kunot noo syang tumingin sa akin at lumayo. Ako nama'y tuwang tuwa sa kanya. Akala naman nya matatakot nya ako.

"Hahahahahahaha! Akala ko ba ikikiss mo ako? Ano na?"

"Ibang klase."

"Hahahahahaha! Jan ka na nga muna, magtatrabaho pa ako. Masyado ata akong maraming naiwan dun sa labas."

Pero bago pa ako lumabas, lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi.

"Ayan na crush, bayad ka na sa pagacting ko kanina. Hahaha."

Lumabas akong natatawa kay Yuseff. Akala mo naman kaya makipagharutan sa akin. It's past 5:00pm and I'm all set for atleast 3 hour OT. Madami na namang folder ang legal. Huhuhu.

"Hey wife!" Bati ni Sir Yuseff

"Wife? Fere po pangalan ko."

"Yes, but from now on, I will call you wife."

"Ui wag Sir! Grabe sya."

"Why not?!" at kunot na naman ang noo nya

"Ihhhh kenekeleg ake eh." sabi ko then laugh

"Oh well, ikaw ang nagsabi kanina that you're my wife so I'll better have it that way. Panindigan mo yung mga sinabi mo kanina."

Don't tell me he is serious???! Tiningnan ko ang mukha nya. Oh God! He is serious.

"Anyway wife, please accompany me tomorrow. We'll visit the potato company."

"Bakit naman ako???"

"Because you said your my wife and my sixth child is on your tummy."

"Grabe ka sir! Hindi ka ba pwede mag move on?? Issue ka rin eh!"

"Plus you are my secretary so I'll need you there tomorrow."

"Do I have a choice?"

"None."

"And, Patricia called you are not answering your phone she asks if we could drop by Jamaica's Timog. I believe your friends are there."

"My---"

"I've asked Lola to send a maid in your house for awhile."

"For real?"

"Do I look like joking to you?"

"Oh my god Hubby. I love you na!"

"What did you say?"

"Ah wala. Kako andami pa ng folder sa mesa ko. Baka hindi ako makasama. Mag OOT po ako." Napatingin ako sa mga folder sa ibabaw ng desk ko at nakitang puro galing Legal Department ang mga folders.

Napabaling ang tingin ko ng huminga sya ng malalim.

"Give me all the Legal Deprtment's folder. Yung iba, you do that after tomorrow."

Nakakagulat pero mabilis nyang nakuha lahat ng mga folder ng legal at isa na lang ang natira. Oh well, HR yung folder baka holiday announcements lang.

Ilang minuto lang ay lumabas na sya.

"Let's go wife." Yuseff

Ihhhh! Tigilan mo ako Yuseff. Ayoko ma inlove. Wag mo ko ipush!

You are reading the story above: TeenFic.Net