Unang Kabanata

Background color
Font
Font size
Line height


CHESKA'S POV

"Friend, wag mo ng isipin yung ex mo" sabi ni Sandra sa akin.

She's my friend since high school, napakabait niya. Sinasabi ko sa kanya ang mga problems ko and ganoon din siya sa akin.

"Alam mo friend, di dapat umiiyak yung mga magagandang tulad ko" naubo ako pagkasabi niya non kaya naman inirapan niya ako. "Ano ibig sabihin ng ubo  na yan?"

"Mahamog na kase tapos nasa labas pa tayo..." Pagdadahilan ko pa.

"Asus! Insecure ka lang sa beauty ko" sabay flip hair pa siya.

"Sorry? May beauty ka?" Tapos tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Atleast may boyfriend" napairap na lang ako sa kanya.

Pumasok na ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Nagpagkasunduan kase namin na sabay kaming pupunta dito  Manila. Nandito kase ang University na gusto namin. We are both scholar din, matalino naman kaming dalawa kaya alam kong sabay kaming makakatapos ng college. Pareho naming gustong maging architect.

"Hoy! Bakit mo ako iniwan sa labas agad. Ganon ba talaga kapag alang jowa?" Hinawakan pa niya ang baba niya.

"Ewan ko sayo, matutulog na ako." Sabi ko sabay talukbong ng kumot. Kaming dalawa ang magkasama sa room. Double deck ang kama, ako sa itaas at siya sa ibaba.

"Sus, mapanaginipan mo sana si Ex!" Tumawa siya tsaka sinipa ang higaan ko. Bwiset talaga eh tsk.

Ilang minuto na akong nakatulala kahit wala naman akong iniisip. Masyadong tahimik, tulog na kasi si Sandra, wala tuloy nanggugulo sa akin. Naalala ko dati gantong oras kachat ko pa siya. Tapos sisipain ni Sandra ang higaan ko dahil hindi siya makatulog dahil tumitili ako kapag kinikilig sa banat ni Ex. Nakakatulog ako dati ng maayos at mahimbing, sa umaga naman gigising may good morning.  Kaso bigla na lang nanlamig, mas malamig pa sa yelo!

Hindi ko namalayan, umiiyak na naman ako. Ilang beses na akong naiiyak dahil sa kanya. Ang sakit sakit eh, sobra.

Sinuntok suntok ko ang puso ko kase akala ko sa pamamagitan noon mawawala ang sakit, pero hindi. Parang pinupunit ang puso ko at hindi ko na alam kung paano ulit bubuuin.

Masaya naman kami dati bago siya dumating. Masayang masaya kami ni Erick kaso dumating si Deinly. Simula nang dumating siya, sa kanya na napunta ang atensyon ni Erick. Schoolmate ko si Erick nung highschool kaya nagkakilala kami, pero isang araw ipinakilala ng kaibigan ni Erick si Deinly at hanggang sa tuluyan na akong hiwalayan ni Erick at ipinalit niya sa akin si Deinly.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang o kung may pagkukulang ba ako. Hindi naman ako selosa, okay selosa ako pero hindi ko sinasabi na nagseselos ako. I just keep it to myself. Masakit, sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. 

Kitang-kita ng dalawa kong mata kung gaano sila kasayang pareho sa kama. Siguro nga iyon ang pagkukulang ko, hindi ko siya hinahayaang makipagsex sa akin. Siguro kung pumayag ako sa gusto niya kami pa hanggang ngayon. Baka umabot pa kami ng dalawang taon, baka mahal pa din niya ako.  Ako nga siguro ang may mali sa aming dalawa.

__________

Nakatulog ako nang umiiyak, nasanay na ako. Gabi-gabi na lang umiiyak ako. Sana someday mawala na yung sakit. Sana someday mawala na yung pagmamahal ko para sa kanya.

Nandito ako ngayong umaga sa tapat ng canteen namin. May malaki kaseng puno dito at may upuan and table sa tabi nito. This is my favorite place here in school.

Ang peaceful, nakakalimutan ko ang problema ko dahil busy ang mata ko sa mga halaman na nakapaligid dito. Minsan kapag gusto kong umidlip dito lang ako natutulog. Minsan kapag gusto kong mapag-isa dito lang ako. Minsan kung maisip mong bumalik dito lang ako. Nandito lang ako Erick sa tabi mo kahit ngayon ay nakikita kitang may katabing iba.

Bakit ba kase sa dami rami ng eskwelahan sa Pilipinas, pare-parehong school pa ang pinasukan namin. Kung alam ko lang sana lumipat na lang ako.

"Here..." Nagulat ako ng may nag-abot ng white na panyo sa akin. Tiningnan ko siya.

He's tall and mapayat, maputi at halatang mayaman. Agad ko namang kinuha sa kanya ang panyo, nakakahiya naman kung hindi ko kukuhanin baka sabihin pa niya na ako na lang ang tinutulungan ako pa ang nag iinarte.

"Salamat" hindi na siya nagsalita pagkatapos noon  basta-basta na lang siyang umupo sa harap ko at tumingin sa lamesa.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, may nakapagsabi sa akin na mas masayang magkwento sa taong hindi mo kilala. Try ko kaya?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko, hahanap lang ako ng tamang timing.

Tinitigan ko siya pero hindi niya ako tinitingnan sa mata. Hindi rin siya sumagot sa tanong ko.

"Pwedeng magshare ng problem? Okay lang kahit wag ka magsalita. Okay lang din kung wag mong intindihin ang sasabihin ko." Nakita ko siyang tumango ng kaunti at ngumiti.

Hindi pa rin nagbago ang upo niya, sa lamesa pa din nakatingin kaya nagpagdecide ko na magkwento na. "Nagkajowa ka na ba? Ako kase oo, kaso ipinagpalit ako sa mas maganda, mas sexy at mas matalino. Kasalanan ko din siguro kaya niya ako pinagpalit. Hindi ako nag-aayos at laging jeans at long sleeves ang suot ko. Gusto ko man magdress kaso nahihiya ako. Marami akong imperfections, minsan nakukumbinsi ko ang sarili ko na magsusuot ako but ending up sa jeans and Long sleeves. Natatakot kase ako sa sasabihin ng taong nakapaligid sa akin. Ayoko din mag open up sa iba pero dahil may nagsabi sa akin na mas maganda mag open up sa hindi ko kilala so since we don't know each other, I call you a stranger. Sana wag mo akong husgahan dahil sa mga sinasabi ko. judgement, yan talaga ang kinatatakutan ko. Ayokong nahuhusgahan pero alam ko sa sarili kong kahusga husga ako. Hindi ako maganda, hindi din ako mahusay, hindi din ako maputi, hindi din ak—"

Huminto ako dahil bigla siyang tumayo at umalis. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumayo. May nasabi ba akong ayaw niya? O baka naman ayaw niya na magsabi ako ng problema ko sa kanya.

Nalungkot ako sa idea na hindi pala lahat ng strangers ay pwedeng pagkwentuhan. Mas lalo lang atang nadagdagan yung sakit, knowing that I didn't have one to talk to.

Nakita kong hawak ko pa din pala ang panyo na ibinigay niya. Napansin ko din na may burda sa gilid nito ang nakalagay ay 'Calden'.

++
Vote and give some feedbacks. Thanks!

You are reading the story above: TeenFic.Net