3: Baby Powder

Background color
Font
Font size
Line height

a/n:

double update pampa-banlaw kasi ang bigat ng previous chap HEHE

🧸ྀི

"Natapos din." I say, shutting down my laptop.

"May ganap ka bukas?" Bella asks habang nakahiga siya sa upper bunk.

"Bukas?" I say, making my way to the lower bunk, "Wala. Training lang tayo ng umaga diba?"

"Yuh," She answers, "So pahinga ka lang ng hapon?"

"Yup," I nod, getting comfortable on my bed, "Excited na ko magpahinga."

Pareho na kaming tumahimik, naririnig ko na lang 'yung faint sounds ng pag-scroll niya sa TikTok.

I go on my phone and decide to do the same, para na rin magpaantok. It's currently 10PM, and maaga pa kami gigising bukas para sa training.

Dinelete na 'yung edit sa TikTok kanina, pero patuloy pa rin 'yung pagviral ng comment ni Cassie.

Oh well, at least pangalan niya lang 'yung umiikot. Tuloy-tuloy pa rin 'yung buhay kong mapayapa at tahimik–

Cassie Carballo wants to send you a message

Ha?

I blink once, thinking that maybe I'm just seeing things. I even rub my eyes to make sure na hindi lang nag-iiba 'yung vision ko.

Pero tama 'yung nababasa ko. It says right here in my notifications na may message request si Cassie sakin sa Messenger. After our big fight, inunfriend niya ko agad sa Facebook. After years, minessage niya ko ulit?

I click on Messenger, feeling my fingertips getting cold. Nakakakaba naman, ano kailangan nito after all these years?

I press the Message Requests section on Messenger, and ayun na nga siya sa pinakataas. Cassie Carballo.

I click on the inbox, since hindi naman makikita na sineen ko na 'yung message.

Cassie Carballo

hello

"The hell?" I whisper to myself, kasi mukhang tulog na si Bella.

Hello? Wala man lang follow-up? 'Di na lang niya sabihin agad kung ano rason ng pagmessage niya. Or baka minemessage niya ko tungkol sa edit sa TikTok kanina?

Pero akala ko ba nagcomment siya ng "stop" sa TikTok? Akala ko ba gusto niya na lang ako kalimutan for good? Ba't napamessage siya ngayon?

to: Cassie Carballo

?

Once I press send, agad na kumunot noo ko. Pinigilan ko sarili ko magbackread, kasi andito pa 'yung lumang messages namin sa isa't isa. Sa pagkakaalala ko, 'yung last conversation namin dito was us agreeing to meet with each other and talk, before our big fight.

Nagreply siya agad, kaya ni-long press ko muna 'yung chat namin. Ayaw ko naman ipagmukha na inaabangan ko kung ano man kailangan niya.

Cassie Carballo

may nagpapatanong sakin kung single ka daw ba

Huh. Out of all people na pwedeng magpalakad 'tong nagpapatanong, si Cassie pa talaga napili niya. Tsaka parang ewan naman magmessage 'tong si Cassie, walang punctuation marks, emojis, or anything. Parang robot. Sabayan ko nga.

to: Cassie Carballo

sino

pero oo

Cassie Carballo

blockmate ko

O, tapos? Ang bitin niya magreply, nakakainis. Parang ako pa 'tong may kailangan sa kanya.

to: Cassie Carballo

nugagawen

I tap on my screen impatiently as I wait for her reply. Gusto ko na matulog, sobrang tagal niya pa magreply.

to: Cassie Carballo

bagalan mo pa sana magreply

Cassie Carballo

coffee daw kayo bukas, libre daw niya

Huh? Galing naman neto. 'Di ko pa nga siya kilala, inaaya na agad ako makipagdate.

Cassie Carballo

imemessage ka niya

to: Cassie Carballo

di ako pwede bukas may training kami sa umaga

tsaka sino ba yan? wala akong kaalam alam kung sino yan ah

Cassie Carballo

hapon daw kayo magkita

hintayin mo na lang message niya

Sineen ko na lang message ni Cassie, at hindi na nagreply. 'Yun lang pala kailangan niya, may nagpapareto lang pala.

'Di ko na kaya hintayin 'yung message ng sinasabi niyang kaklase niya. Buong araw ako nag-acads, inaantok na ko tsaka maaga pa ko gigising. Bahala na kung ano mangyayari bukas.

🧸ྀི

"Tuloy kayo?" Bella asks habang pinupunasan ko pawis ko sa likod.

"Nino?" I ask, now reaching for my water bottle.

"Nakalimutan mo na agad, parang ewan," She laughs, "'Yung nagpalakad sayo kay Cassie."

Oo nga pala. Minessage ako ni Cam, kaklase ni Cassie, nung nakatulog na ko. Pero nireplyan ko naman siya agad pag gising ko. Agad niya kong inaya mag-coffee.

"Ay! Oo nga pala," I say, only now remembering, "Oo, tuloy kami. Mamayang 4 pa naman. Lilibre niya daw ako sa Coffee Project, 'yung sa España."

Tinignan agad ako ni Bella na para kong may sinabing mali, "España? Tapang mo ah. May makakakita sa inyo, panigurado. Either fan ng USTe or player, sure ako."

"Eh," I shrug, "Coffee lang naman, harmless lang. Bahala na kung may makakita samin. Madali lang naman mag white lie at sabihin na magkaibigan lang."

I say this, but deep down, a part of why I agreed to go to this is because...alam kong alam ni Cassie? Ewan ko rin ba. But I like the feeling na alam niya 'yung nangyayari, kasi kaklase niya pa mismo 'yung nilakad niya. Maybe it's also her way of trying to be friends again. Maybe ako lang naglagay ng masamang meaning sa pagcomment niya ng "stop."

"Gusto mo punta ako?" Bella offers as she fixes her things in her gym bag, "Pero sa ibang table ako, ganun. Para kung kailangan mo ng tulong o mabilis na exit, andun ako  agad."

"Bella, mas sikat ka sakin, nakakalimutan mo ata 'yun," I say habang sinusuot 'yung Crocs ko, "Dudumugin ka dun kahit nasa UST territory tayo."

"Ehh," She says as we start walking out of the gym, "Wala akong pake. Gusto ko na nandun ako para sayo kung kakailanganin mo ko."

I smile. Bella is certainly more than a teammate. Best friends na talaga turing namin sa isa't isa.

"Sige na nga," I say, "Pero wag mo na isama si Aly or si Lams ah. Mas dudumugin kayo. Ikaw lang mag-isa, tas mag cap or hoodie ka."

"Yey!" She says, "Excited na ko maging spy!"

🧸ྀི

Makakapatay ata ako ng tao.

Wala pa kaming isang oras dito sa Coffee Project. But I can say with full certainty that this is the worst "date" I've ever been on. Kung matatawag ba talaga 'tong ginagawa namin na date.

Unang una, late si Cam ng almost 30 minutes. Saktong 4PM ako dumating dito, sumunod ako sa oras na sinet namin. Partida, pagod pa ko galing training at may acads pa kong tatapusin mamaya.

Tapos pagdating niya, wala manlang siyang explanation kung bakit siya late, tsaka hindi manlang siya nagsorry. Talagang umupo lang siya at ngumiti na para bang on time siya dumating.

Still, binigyan ko pa rin siya ng chance. Inisip ko na baka may tinapos lang siya sa school since hell week din naman talaga ngayon, kaya naging open minded pa rin ako kahit na ang pangit na agad ng first impression ko sa kanya.

Pangalawa, parang nakalimutan niya ata na sinabi niyang ililibre niya ko. Kasi guess what? Ako ang nanlibre. At hindi lang kape ang inorder niya, nag-order pa siya ng pasta tsaka cupcake. Dahil dun, dalawang piso na lang laman ng GCash ko. Dalawang piso!

Pangatlo, wala siyang ibang pinaguusapan kundi sarili niya. Sa loob ng almost one hour, never siya nagtanong sakin pabalik, tsaka never siya nagpakwento sakin. Talagang puro tungkol sa kanya lang bukambibig niya.

Whenever I would try to share a story about myself, agad niya kong cinucut-off at binabalik niya agad 'yung topic niya sa sarili niya.

Kaya ito ako ngayon, nasa CR ng Coffee Project at tinetext si Bella.

to: B.B. 🦋

save me pls

B.B. 🦋

gotchu

I sigh as I put my phone back in my pocket. Naghugas ako ng kamay at lumabas na ng CR. On my walk back to our table, sumulyap ako kung saan nakaupo si Bella. Naka hoodie talaga siya, kaya wala pang nakakapansin sa kanya.

"Hi," I say, sitting down in front of Cam, "Sorry napatagal, medyo mahaba kasi pila sa CR."

"No worries," She smiles, "Ano nga kinekwento ko kanina? 'Yung tungkol sa awards ko nung high school no?"

"Ah, oo," I answer, nodding, "Nasa third year ka na ata."

From my peripheral vision, nakikita ko na tumatayo na si Bella from her seat. Thank you, Lord.

"Okay, medyo mahaba-haba pa 'to, may awards din ako galing senior high," She laughs, "Okay, so, nung third year–"

"Y/n?" Cam and I look up to see Bella standing next to our table, "Huy, ano ginagawa mo dito?"

"Ha?" I say, playing along, "Kasama ko si Cam, nagcocoffee lang kami. Cam, si Bella. Bella, si Cam."

"Ay, oo, kilala kita," Cam smiles at Bella, "Alam kong first time natin magmeet tsaka sikat ka, pero alam mo, no offense ha, but I think kaya mo pa i-improve 'yung form mo pag nagseserve. Gusto mo turuan kita?"

Oh my God. Grabe, tuloy tuloy lang siya sa pagsalita. Si Bella Belen pa talaga tuturuan mo magserve?

Nakita ko agad 'yung pagtense ng mukha ni Bella dahil sa sinabi ni Cam. Pinilit niyang ngumiti bago sumagot, "Sige. Thank you ha, sa offer."

"Y/n, as I was saying," Bella says, facing me again, "Tinawagan ako ni Coach! May emergency meeting daw tayo, like, now na. Buti nakita kita dito, tara sabay na tayo pumunta sa gym."

Before I'm able to get my acting skills on and answer Bella, naunang magsalita si Cam, "Ay, aalis na kayo? Sige, una na ko ha. May gagawin pa pala ko dun," She says, pointing towards the direction of the UST campus, "Bye bye!"

And without waiting for either me or Bella to respond, she gathers her things and bolts out of the door. Pareho kaming napakunot ng noo ni Bella, both of us in shock at how fast Cam left.

"Nuyon?" Bella says, sitting down on the chair where Cam was seated just a few seconds ago.

"Hindi ko rin alam," I answer, playing with the straw of my frappe, "Pero at least tapos na. Sinayang lang niya oras ko, as in. Buti na lang ganun siya kabilis umalis, thank you na lang."

"Parang ayaw niya na ikaw 'yung unang aalis sa date niyo eh," She laughs, "Parang gusto niya na siya 'yung unang aalis. Weird."

I sigh and look at our table. Grabe, 'yung inorder niyang kape, wala pa sa kalahati 'yung bawas. 'Yung pasta naman, parang tinikman niya lang. Pati 'yung cupcake wala pang bawas. Hindi lang oras ko sinayang niya, pero pati pera ko.

"Worst date ever," I say, starting to gather my things, "Tara na, 'di ko na kaya magstay dito. Uwi na tayo, may kailangan pa ko tapusin."

Agad na sumunod si Bella. Grabe, inis na inis ako ngayon. I think kahit sino naman, ayaw 'yung pakiramdam na sinayang oras nila. Sobrang lala pa ngayon kasi sana ginamit ko na lang 'tong oras na 'to para magpahinga dahil nagtraining ako kanina, or sana ginamit ko 'yung oras sa pag gawa ng requirements.

Bella and I make our way towards the glass door, pero napatigil ako nang makaamoy ako ng scent na sobrang familiar.

Hindi ko alam kung nag-iimagine ako, pero sobrang alam ko talaga 'yung amoy na 'to. I mean, hindi naman mahirap tandaan 'yung amoy ng baby powder.

And hindi ko rin alam kung assumera lang talaga ko, pero iisang tao lang 'yung kilala ko na amoy baby powder pa rin at our age.

"Naaamoy mo 'yun?" I speak softly to Bella, "Baby powder?"

"Oo," She nods, "Kala ko nga ikaw 'yun eh."

I look around the coffee shop. I may look crazy right now, pero may kutob ako. May nararamdaman talaga ako sa buto ko.

"You've got to be kidding me." I say, my eyes landing on a familiar figure seated at the corner of the coffee shop. From where she's seated, may perfect view siya ng table namin ni Cam kanina.

Frowning, I brisk walk over to her table. Bakit parang may kutob ako na plinano niya 'tong lahat?

Nakatingin siya sa labas ng bintana as I walk closer and closer to her table, pero alam kong nakita niya na ko. Talagang umiiwas lang siya ng tingin.

"Ano trip mo sa buhay?" I say once I'm in front of her, not being able to stop myself. Buti na lang medyo onti lang tao ngayon sa Coffee Project. Pero still, wala naman akong balak magalit at lakasan boses ko.

"Ha?" She says, acting clueless, "Nag-aaral lang ako dito. Hinihintay ko dumating sila Xy."

I roll my eyes, getting annoyed at her innocent girl act. It's all starting to make sense now.

"Cassie," I say, "Uulitin ko ha. Ano trip mo sa buhay?"

Kaya pala si Cassie unang nagmessage sakin. Kaya pala late dumating si Cam, kaya pala dalawang piso na lang laman ng GCash ko, at kaya pala parang walang kwenta 'yung "date" na 'yun.

"Ha?" She repeats, "Nag-aaral nga lang ako. Kayo, ano ginagawa niyo dito?" She takes a sip from her frappe as she looks up at me, na mas kinainisan ko.

"Stop acting dumb, Cassie," I cross my arms over my chest, "Ang lakas ng trip mo. Ano 'yun, binayaran mo ba siya para gawin lahat ng 'to? Ano reward niya, tickets para sa Game 2? Bragging rights na naka-date niya ko?"

She looks at me, and for a split second, I think she's about to give in and answer me properly. Pero syempre, mali ako.

"Pinagsasabi mo?" She laughs, "'Di ko gets. Para kang baliw."

"Alam mo, y/n, tara na," Bella says, starting to grab my arm, "Mas sinasayang niya lang oras mo. Iniinis ka lang niyan."

I look at Cassie, with many more things I want to tell her in my mind, but I decide against it. Tama si Bella, mas sinasayang ko lang oras ko. Halata naman na hindi aaminin ni Cassie na plinano niya 'tong lahat.

Bahala na lang siya at ang konsensya niya.

"Okay," I answer, turning around, "Alis na tayo."

I don't look at Cassie again or say another word to her, kahit na abot langit 'yung inis ko. Anong trip niya sa buhay? Bakit niya sinayang oras ko nang ganto? Why did she go through all this trouble just to piss me off?

Bella and I finally reach the glass doors. But before we're fully out of the establishment, Cassie decides to speak. And just like that, nasagot 'yung lahat ng tanong sa utak ko.

"Next time, wag mo na i-target mukha ko pag magspspike ka ha?"

🧸ྀི

a/n:

si cassandra po yan hindi si cassie!


You are reading the story above: TeenFic.Net