Read Stories Rejected Soulmate - TeenFic.Net

Romance

Updating

26-07-2024

Rejected Soulmate

5 likes / 356 reads
Sa mundo na kung saan nakatatak sa balat mo ang pangalan ng iyong 'Soulmate'. Kusa itong lalabas sa ika-16 mong kaarawan.

Ang dali lang ng ganun diba?

Pero dahil nga mahilig tayong paglaruan ng tadhana, hindi lahat ng nilalang sa mundo ay nahahanap ang kanilang other half.

Yung iba maswerte kasi bago pa man lumabas ang pangalan sa kanilang katawan, nakilala na nila ang kanilang Soulmate. Yung iba sawing palad kasi nawalan na sila ng Soulmate bago pa man nila ito makilala.

At may ilan naman na hindi naniniwala sa konseptong ito.

Pero ano bang mas masakit? Mawala ang Soulmate mo kasi kinuha na sila sa mundong ito? O ang mareject kasi ayaw nila sayo?

Zariah Anne Villanueva, isang probinsyana na lumaki malapit sa karagatan ng Batangas. Masipag, mabaet at may sapat na talino para makakuha ng scholarship sa isang magandang paaralan sa syudad. Hindi man madali ang buhay na nakalakihan niya, may isang bagay na nagiging inspirisayon niya para magpatuloy..

Iyon ay ang balang araw makikilala niya din ang taong nakaukit hindi lamang sa kanyang katawan, ngunit pati sa isip at sa puso niya. Ang kanyang 'Soulmate'.

Pero paano na lang kung isa siya sa mga napagtripan ng tadhana? Ipaglaban niya kaya ang kanyang paniniwala? O susuko na lang at tatanggapin kung ano man ang nakalaan para sa kanya?
May be you like?