*blooooggghhhhhssss* (sound effect sa pagkahulog sa tubig)
Ito na ba? ito na ba ang pinakahihintay kong araw? Ang mabura sa mundong ito? Ang mawala sa kasaysayan? Sana nga ito na katapusan..
Ito ako ngayon, di sinasadyang mahulog sa napakalamig, pero komportable't tamihim at kamsing asul ng langit na tubig.. Gusto ko sanang lumangoy at umahon sa malamig na tubig na ito pero hindi nakiki ayon ang katawan at isip ko, na para bang mas gusto pa nitong lamunin na lang nang tubig na ito..
Dahil alam kong ito na lang ang tanging paraan para wala nang manyayari pang masama pa sa kanila, total wala namang malulungkot, maghahanap at iiyak kong sa kaling mawala man ako ngayon.. Patuloy lang akong nilalamon nang tubig na ito at nakikita ko mula dito ang mga taong nakangit, naawa, natutuwa nilang expresyon dahil sa pag kahulog ko sa malamig na tubig na ito..