Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang balangay, isang salitang Malayan na nangangahulugang "bangka". Ito ay nakakapaglakbay hindi lamang sa takbo ng alon, pati na rin sa takbo nga panahon. Ang tagapagpangasiwa nito ay nagngangalang Susana, isang binibini na naging bato ang puso, ngunit sa kanyang paglalayag ay napunta siya sa ibang mundo, ang makabagon mundo. At doon ay natagpuan niya ang isang nilalang na magpapalambot at magpapatibok ng kaniyang matigas na puso.